Homepage/La Vita è Bella con te (Book 2)/
Chapter 73 .
- Zero's POV -
"Hah?! Nasaan na ako?!"
Luminga-linga ako sa paligid ko. Ang alam ko na'ndito lang sa part na 'to 'yung police station ah!
Napakamot ako sa ulo ko.
"Naliligaw na naman ba ako?!"
Ah sh*t! Bakit ba hindi ako matandain sa direksyon! (-_-)
Nanghila ako ng tao. Kahit sino na basta tao.
"Oy, saan ang police station ha?" tanong ko sa nahila ko
"A-Ah.."
(-_-)
Nakakatakot ba ang pagmumukha ko at iwas siya?!
"D-Doon Sir!" sambit niya sabay turo sa kung saan tapos agad siyang tumakbo
Nasundan ko siya ng tingin.
"Putcha! May maituro lang ah! HOY!"
Pero tuluyan na niya akong tinakasan.
Tsk! Duwag!
Naghanap ako ng ibang mapagtatanungan pero 'yung mga tao ay agad na lumayos sa'kin.
"Geez, baboy lang ang pinapatay ko." bulong ko
Mukha rin namang baboy sina Cell at Golgi kaya kabilang na sila.
Naglakad na lang ako. Nahihilo na ako kakatingin sa paligid ko para mahanap ko 'yung police station na 'yun.
Bwisit talaga! Dapat lumululon ako ng mapa ng Pilipinas e!
"Zero!"
Napalingon ako sa biglang tumawag sa pangalan ko, humawak pa siya sa polo ko.
Makiling!
Huminto ako sa paglalakad ko. Hinihingal pa siya at tila pagod na. Tumakbo siguro siya para mahabol ako.
"Bakit sumunod ka pa!" sambit ko sa kanya
"Ligawin ka."
"Ano?! Liligawan mo ako?!"
Nag-angat siya ng tingin sa'kin, inis na expression ang ibinigay niya sa'kin.
"Ligawin kang bwisit ka! Alam kong hindi ka makakarating sa paroroonan mo!" singhal niya sa'kin
(-____-)
Mukhang hindi naman siya totoong pagod dahil nasisigawan niya pa ako.
"Aaaah! Gosh! Nakakapagod!" reklamo niya pa
Pawisan na nga siya tapos gulong-gulo na ang buhok niya. Sobrang haggard niya, galing pa siya sa pag-iyak.
"Huwag mo akong tingnan! Alam kong hindi ako kagandahan!" inis niyang sambit sa'kin
"Tss! Hindi ka na nga maganda tariray ka pa!" bulong ko
"Let's go!" bigla ay sambit niya
Humawak siya sa braso ko at iginaya ako para maglakad na.
"Saan tayo pupunta?" tanong ko
Napatingin ako sa kamay niyang nakahawak sa'kin. Kanina lang ay sinusuntok niya ako.
"Bubugbugin mo si Bermudo di ba? Sasamahan kita!"
Ah, sasama siya.
"Bakit ka pa sasama, baka umiyak ka lang du'n." sambit ko sa kanya
Iyakin siya e, parang si Ysabelle. Tss!
"E'di iiyak kung iiyak! Sasanayin ko na ang sarili ko sa ganito kung ganito ka! Ano pa ang magagawa ko!"
Ha?
Tumigil ako sa paglalakad ko.
"Anong ibig sabihin nu'n?" tanong ko
Huminto rin siya at tumingin ng diretso sa mga mata ko.
"Gusto kita!" malakas niyang sambit
Agad akong napatingin sa paligid ko dahil halos isigaw na niya 'yun. Pinagtitinginan kami ng mga tao!
"Oy oy! Hindi ako mahilig sa atensyon!"
Tapos hinila ko na siya paalis. Malakas akong mang-inis sa kanya pero hindi sa harap ng maraming tao.
"Wrong way Zero! Dito ang daan, bobo!"
Tapos siya ang humila sa'kin papunta sa tamang daan.
Ack! Sabi ko nga ako ang mali at ikaw ang tama. Tss!
- Makiling's POV -
Hinila ko si Zero papasok sa loob ng police station bago pa siya maligaw ulit!
Hindi ko na talaga siya binitawan kanina dahil panay ang liko niya kung saang-saang kanto! Napatagal tuloy ang pagdating namin sa police station na 'to!
"Oy oy! Nasaan si Philip Bermudo!" tanong agad ni Zero sa mga pulis
Sinapak ko siya.
"Umayos ka ng pagtatanong! Police Station 'to hindi underground!" sambit ko sa kanya
"Ay sorry, Sige aayusin ko. PUTCHA! ILABAS NIYO SI BERMUDO AT IHARAP SA'KIN! HAHATIIN KO SIYA SA APAT!"
Sa inis ko sa kanya ay tinusok ko siya ng syringe ko. 'Yung walang anesthesia.
"ARAY! TANGA TALAGA!"
Tinakpan ko ang bibig niya.
"Pwede ba'ng manahimik ka Zero?! Ang ingay mo!" gigil kong bulong sa kanya
Tinulak niya ako palayo sa kanya.
"Ang baho mo Makiling!"
Tanga talaga! Mapapamura ka na lang talaga sa lalaking 'to!
"Kung manggugulo lang kayo dito, pwede namin kayong ikulong sa loob." seryong sambit nu'ng isang police officer
"Err, sorry Sir. May hinahanap lang po kaming pulis din." sambit ko
Lumapit naman si Zero du'n sa police officer. Ang lakas ng loob niyang makipagtitigan at makipagmatigasan sa officer.
"Si Philip Bermudo, nasaan!" mariin niyang sambit
Hinila ko siya palayo sa pulis.
"Pasensya siya na Sir, medyo bobo e." paghingi ko ng paumanhin
"Si Bermudo? Wala na siya dito." sagot nu'ng isa pang pulis
"Nasaan?!" ani Zero
Sumenyas sila sa'min na parang pinutol ang ulo.
"Deads na." ani nu'ng pulis
"Patay na?!" gulat kong paniniguro tapos tumawa sila
"Sisante na hahaha. Sinesante ng higher up."
Nagkatinginan kami ni Zero.
"Sisante na daw?" paniniguro niya sa'kin
Tumango naman ako.
"BUTI NGA SA KANYA! WHAHAHAHAHAHAHAHAHA!"
(-______-)
Tao ba talaga siya? Napakawala niyang puso!
"Sino ba kayo? Anong kailangan niyo kay Bermudo?"
Nginitian ko 'yung pulis na nagtanong tapos hinila ko na ulit si Zero.
"Salamat po sa pagsagot sa tanong namin, pasensya na po sa abala. Aalis na po kami. Hehehehe." sambit ko
Hindi ko na hinintay ang sagot nila, hinila ko na palabas ng police station si Zero.
"Gaaah! Nakakatakot rin pala ang mga pulis!" sambit ko nang makalabas na kami
Ang dami kong karanasaan ngayon na nakakatakot! Mababaliw na yata ako.
"Ang dami mo namang kinakatakutan!" sambit sa'kin ni Zero habang naglalakad na kami
Isinabit na niya sa likod niya 'yung dalawang baston niya.
"Pasensya na, tao lang. Palibhasa hindi ka tao."
Honestly, paano siya naging gan'yan katapang? Parang wala siyang pakialam sa buhay niya.
"Aaagh! Gutom na ako!" malakas niyang reklamo
Bigla ay nakaramdam din ako ng gutom. Sa dami ba naman ng nangyari ay sinong hindi magugutom. Ang layo pa ng tinakbo ko kanina para mahabol siya.
"Kain muna tayo, may pera ka ba?"
(-_____-) mukhang ako pa ang pagbabayarin niya ah!
"Huwag kang mag-alala babayaran kita. Hahahahaha!" dagdag niya pa
Nagshrug na lang ako.
May nadaan kaming malaking karinderya. Agad akong hinila ni Zero papasok du'n.
"Kakain po!" sambit niya sa tindera
"Hindi mo naman kailangang ipangalandakan!" saway ko sa kanya
Ngumiti siya sa'kin.
"Okay okay."
(-___-)
Pangiti-ngiti ka pa d'yan!
Naupo na kami ni Zero matapos niyang magturo ng ulam dun sa nagbabantay.
Nakahinga ako ng maluwag. Sumandal ko sa likod ng mono lock na kinauupuan ko at tila naging lantang gulay na ako.
Bigla akong nakaramdam ng panghihina.
Ah, grabe! Tumatakbo pa rin sa isip ko ang mga nangyari sa underground.
"Heto po ang ulam. Ilang order po ng rice?" ani tindera na ni-serve 'yung in-order ni Zero
"Lima agad!" sagot naman ni Zero
Umayos ako ng upo ko para tingnan 'yung mga ulam.
Nandilat ang mga mata ko nang may makita akong paa ng manok. Tila nakita ko muli 'yung kamay na pinutol ni Zero.
Natutop ko ang bibig ko. Masusuka yata ako.
"Oy, napapaano ka?" tanong sa'kin ni Zero
(๑﹏๑) nahihilo ako sa na-imagine ko!
"Ilayo mo 'yang paa." utos ko sa kanya
Ayokong makita 'yun, bumabalik sa isip ko ang nangyari! Hindi ko magagawang kainin 'yun!!!!
"Ha? Gusto mo 'tong paa ng manok? Sa'yo na!"
Kumuha siya ng isang piraso tapos inilapit niya pa sa'kin.
"AAAAAH! ZEROOOO!!!" sigaw ko sa kanya
Kahit siya ay nagulat.
"Hoy! Paa lang 'to natatakot ka na! Ngayon ka lang ba nakakita ng paa ng manok ha? Masarap 'to!" tapos kinain niya
Ack! Syeeeeet! Bakit 'yung kamay ang nai-imagine ko na kinain niya? Waaaaah!!! What's happening to me?!!!!
Ako na lang ang nag-adjust. Hindi ko siya tiningnan habang inuubos niya 'yung paa ng manok.
Kahit sa pagkain ay nawalan ako ng gana.
See? Ang traumatic ng nangyari para sa'kin!
"Ah, cool!" ani Zero
Ano'ng cool sa nangyari?!!
"Salamat Maki."
Saglit ko siyang natingnan.
"Para saan?" tanong ko
Hindi ako makapagsalita maayos, pakiramdam ko talaga nahihilo ako.
"Hinabol mo ako. Patay na patay ka talaga sa'kin. Hahahaha."
Tss, daming alam!
"Hindi mo ba matanggap ang mga nangyari?" dagdag tanong niya
Actually, isa 'yun sa dahilan kaya ko siya hinabol. Sa ngayon, hindi ko pa matatanggap lahat 'yun.
"Bigyan mo akong time pa. Demanding ako! But soon enough matatanggap ko rin." sagot ko sa kanya
At isa 'yan sa bagay na napagdesisyunan na ko sa ilang minutong pag-iisip ko simula nu'ng sabihin niya sa'kin ang dahilan kung bakit gusto niya si Ysabelle.
Naramdaman ko ang kamay ni Zero sa ulo ko kaya natingnan ko siya. Nasa bibig niya pa ang buto ng paa ng manok habang ang kamay niya ay tumatapik sa ulo ko.
Ngumiti siya sa'kin.
"Sure, take your time Maki." sambit niya
Bahagyang nagsalubong ang mga kilay ko tapos tumawa siya.
Hindi ko alam kung seryoso ba siya sa sinabi niya na I can take my time.
Anong ibig sabihin nu'n?
Hihintayin niya na matanggap ko lahat 'yun?
Sinamapal ko ng malakas ang sarili ko.
"H-Hoy! Okay ka lang ba talaga?" gulat niyang tanong
Malamang na nawewerduhan na siya sa'kin.
Don't assume things Maki! Do not assume things!!!!
Tapos humugot ako ng malalim na hininga.Download Novelah App
You can read more chapters. You'll find other great stories on Novelah.
Book Comment (454)
Share
Related Chapters
Latest Chapters
love
16/05
0livro muito legal recomendo
11/01
0great
02/01
0View All