Homepage/La Vita è Bella con te (Book 2)/
Chapter 72 .
- Zero's POV -
"Si Philip! Si Philip Bermudo!"
Malakas akong napamura sa isip ko dahil sa narinig kong pangalan!
Sa galit ko ay hiniwaan ko pa rin sila sa katawan nila!
Sumigaw sila sa sakit na natamo nila. Umagos ang dugo nila hanggang sa sahig.
"Zero! Oh my gash!" react ni Makiling
Agad na lumuhod 'yung dalawa sa sahig.
"Si El ang leader ko, tandaan niyo 'yan!" sambit ko sa kanya
Dinampot ko na ang scabbard ng baston ko at malakas na ibinalik 'yun sa baston.
Si El nga na walang armas hindi nila napatumba! Ako pa na may kakayahan na pugutin ang mga ulo nila!!
Put****** Bermudo! Hindi na siya tumigil!!!!
"H-Hey Zero, shouldn't I suppose to help them?" ani Makiling sa'kin
"Help them, go! Iiwan kita dito!" pananakot ko sa kanya
Syempre nurse siya, may urge siya na tumulong. Pero huwag sa mga walang'ya!
Naglakad na ako paakyat sa hagdan pabalik sa may golden ring.
"H-Hoy Zero! Hintayin mo ako!"
Sa inis ko kay Bermudo ay hindi ko siya pinansin. Ang tanging nasa isip ko ay hanapin si Bermudo.
"AAAAAAAH! ZEROOOOO!"
Napalingon ako dahil sa sigaw na 'yun ni Makiling.
Hawak siya ng isa sa mga lalaking nakalaban ko. Talagang nagawa niya pang kumilos sa kabila ng sugat na ibinigay ko sa kanya.
"ZEROOOOO! HEEEEEELP!" patuloy na sigaw ni Makiling
Tumakbo ako pabalik para tulungan siya nang bigla niyang tapatan ng armas si Makiling gaya ng ginawa ko sa kanila.
"Zero ha? Natatandaan na kita." mahinang sambit nu'ng lalaking may hawak kay Makiling
Hindi na siya ganu'n kalakas tingnan dahil marami ng dugo ay umagos mula sa katawan niya.
"Zero." tawag sa'kin ni Makiling
Sinama ko siya dito para may protektahan ako at may makakita ng paghihiganti ko para kay El.
Pero naging pabaya ako!
"Natatakot ako Zero, waaaaah!!"
Sh*t! Ang lakas mong mangbatikos sa'kin tapos iyakin ka rin pala!
Naging mapagmat'yag ako. Tinalasan ko ang paningin at pang-amoy ko. Kung paano ko mababawi si Makiling ng hindi siya nasasaktan.
Pero makipot lang ang kinaroroonan namin. Hindi ako pwedeng gumamit ng matalas na baston dahil baka mapatamaan ko si Makiling.
Humigpit ang pagkakahawak ko sa baston ko.
Ulo!
Mapatamaan ko lang ang kalaban kahit isang beses sa ulo niya, siguradong mababawi ko si Makiling.
Pinagsama ko ang dalawang baston ko sa isang kamay ko para sigurado akong malakas ang pwersa na maibibigay ko.
"Makiling." tawag ko sa kanya kahit na panay ang sigaw niya
"ZEROOOOO, waaaaah! Help meeeee!!"
Ack! Ang pangit mong umiyak! Kaynis!
"Pumikit ka!" utos ko sa kanya
"Kanina pa akong nakapikit gag*!!"
At talagang minura pa ako!
"Huwag mo ng tangkain pang lumaban Zero! Papatayin ko 'tong-----"
Hindi niya natapos ang linya niya dahil na-focus na ang tingin niya sa'kin.
Tumakbo ako palapit sa kanya at muling tumalon.
Mula sa ere ay hinampas ko ang dalawang baston ko sa ulo niya.
"ARAAAAAAAAY!!"
Nagulat ako nang si Makiling ang sumigaw at napahawak siya sa ulo niya.
Tangang! Tinamaan ko ba siya?!
Bigla ang pagbagsak nu'ng lalaki sa sahig na nawalan agad ng malay.
"WAAAAAH! WALANG'YA KA ZEROOOOO!!!" sigaw sa'kin ni Makiling habang sapo ang ulo niya
Nilapitan ko siya.
"O-Oy, tinamaan ba kita?" kinakabahan kong tanong
Tinodo ko ang pwersa ko, baka napadugo ko rin ang ulo niya!
Tinanggal ko ang kamay niya sa ulo niya para i-check 'yun. Wala namang dugo.
"Hindi naman kita tinamaan ah!" sambit ko
Nag-angat siya sa'kin ng tingin. Tiningnan niya ako ng masama.
"Tumama sa'kin 'yung baba niya! Bwisit ka! Ang lakas!" singhal niya sa'kin
"Sus! Baba lang pala!"
Sinuntok niya ako sa dibdib ko.
"I hate you! Bwisit ka! Ayoko na sa'yo!" sambit niya tapos nauna na siyang umakyat ng hagdan
"H-Hoy! Hindi pa rin safe d'yan! Hintayin mo ako!"
Hinabol ko rin naman siya agad. Kahit na napabagsak ko na ang dalawang lalaking 'yun, wala pa rin makapagsasabi na wala na nga'ng kalaban!
Dito sa underground, lahat ay kalaban!
- Makiling's POV -
Maiyak-iyak na ako habang sapo ko ang ulo ko.
Sobrang sakit lang nu'ng pagkakatama sa'kin nu'ng baba nu'ng lalaki dahil sa tira ni Zero.
Feeling ko tuloy may butas ang bumbunan ko!
"Oy Maki!"
Hindi ko siya pinansin.
Basta diretso lang ako paalis sa lugar na 'to.
Hanggang sa makarating ako du'n sa maraming lalaki. May mga tumingin sa'kin.
"Uy babae."
"Pota! Kapag sineswerte nga naman."
"Teka, teka, nauna ako."
Napaatras ako nang lumapit sila sa'kin para hawakan ako.
"Huwag kayong lumapit!" sambit ko sa kanila
Mga halimaw talaga ang mga tao dito! Ito na Ang pinakanakakatakot na lugar na napuntahan ko!
Agad akong kumuha ng syringe sa bag ko.
"Tutusukin ko kayo! Huwag kayong lalapit!" pananakot ko sa kanila
Pero imbis na matakot sila, nagtawanan pa sila.
May isang lalaki na humawak sa braso ko at agad akong napangiwi sa sakit.
Parang binabalian niya ako kaya nabitawan ko ang syringe na hawak ko.
"A-Aray!" usal ko
"Ang babae ay hindi dapat lumalaban sa lalaki, Miss. Submissive dapat." ani nu'ng lalaking may hawak sa'kin
"Bitawan mo ako!"
Buti at nagagawa ko pa talagang magsalita.
"Hayst! Lagi ka na lang bang mahuhuli?"
Napalingon ako sa nagsalita. Walang iba kun'di si Zero. Heto na naman kasi, meron na namang may hawak sa'kin.
"Tulungan mo na lang ako!" singhal ko sa kanya
Nanlaki ang mga mata ko nang putulin niya ang kamay ng lalaking may hawak sa'kin.
"AAAAAAAAAAAAAAAAAAAH!" sigaw ko
Kahit 'yung ibang lalaki ay natawa. 'Yung naputulan ng kamay sumisigaw na.
Lalo na ako dahil, hoooooy! Naiwan 'yung kamay niya sa'kin!
Naiyak na ako sa dinanas ko dito!
Tinanggal ni Zero 'yung kamay na naiwan sa'kin na parang wala lang sa kanya.
"Tara na, kaysa lagi kang nahahawakan!" ani Zero tapos binuhat niya ako na parang sako ng bigas
Umiiyak pa rin ako.
Sino'ng hindi maiiyak sa nasaksihan ko? Ngayon lang ako nakakita ng literal na pinutulan ng kamay.
"I hate you! I really hate you." sambit ko kay Zero
Nakakaiyak! Sobrang nakakaiyak!
"Ge, ang humarang sa daraanan ko, pupugutan ko ng ulo!" ani Zero sa mga tao, hindi niya pinapansin ang pag-iyak ko
"I hate you! I hate you Zero! You eveil Zero!" sambit ko pa rin
Hindi niya pa rin ako pinapansin hanggang sa makaalis na kami ng underground na 'yun. Hanggang sa makalabas na kami ng hotel.
At nasa labas na kami, umiiyak pa rin ako.
Ibinaba na niya ako.
"Evil! You're so evil!"
Mas lalong lumakas ang iyak ko, hindi mawala-wala sa isip ko 'yung kamay!
So creepy! Huhuhu!
"Geez, ang pangit mong umiyak!"
Hinampas ko siya sa dibdib niya gamit ang kamao ko. Paulit-ulit. Paulit-ulit, habang umiiyak ako.
"Why are you so evil ha! Hindi ka na naawa sa'kin at du'n sa tao!" sambit ko sa kanya
"Hayst! Tumigil ka na nga! Paano kita magugustuhan kung gan'yang pinapakita mo sa'kin ang pangit mong pag-iyak?"
Lalo lang akong naiyak dahil sa walang kwentang pinagsasasabi ni Zero! Naiisip niya pa talaga 'yun gayu'ng traumatic na 'ang nangyari para sa'kin!
Bigla ay tinanggal niya ang salamin ko sa mata at pinunasan ang luha ko.
Tiningnan ko siya pero blur na siya sa paningin ko. Hindi ko siya makita.
"Alam mo kung bakit gusto ko si Ysabelle?"
At nakuha niya pang itanong 'yun!
"Dahil maganda siya! Bwisit ka!" singhal ko sa kanya tapos hinampas ko ulit siya
Pero tila hindi naman siya nasasaktan sa suntok ko.
"Mali, hindi lang 'yun." sambit niya
"Wala akong pakialam! Naiinis ako sa'yo!"
Sa ngayon wala talaga akong pakialam! Paano niya pa nagagawang isipin ang mga 'yun, gayu'ng ang pangit ng nangyari!
"Dahil tanggap niya si El, Maki. Tinanggap niya si El una pa lang."
Natahimik ako bigla.
Naghahanap ba siya ng tatanggap sa kanya?
"Kahit makipag-away pa si El sa harapan niya, tinanggap niya lahat 'yun. Nakita ko 'yun lahat sa mga mata niya."
Naibaba ko ang kamao ko at tumigil ako sa kakangawa ko sa pag-iyak.
"So what?!" pagtataray ko sa kanya
Hindi ko makita ang expression ng mukha niya, hindi ko alam kung ano ang emosyon na sumasalamin du'n dahil tinanggal niya ang eyeglasses ko!
"Sinasabi mo ba na tanggapin ko lahat ng nakita ko kanina, Zero? 'Yun ang gusto mo?!" madrama kong tanong sa kanya, may halo 'yung galit
Nurse ako! Sumumpa ako na tutulong ako sa mga nangangailangan ng tulong pagdating sa gamutan at pinsala. Pero siya mismo, siya mismo ang pumipinsala sa katawan ng tao!
"'Yun ay kung gusto mong tanggapin ang lahat." sagot niya sa tanong ko tapos ibinalik na niya ang salamin ko sa mga mata ko
Luminaw na ang mukha niya sa paningin ko.
Seryoso pala siya.
Ni-tap niya ang ulo ko.
"Salamat sa pagsama sa'kin Maki. May isang tao pa akong pupuntahan, umuwi ka na lang muna sa Tita mo, okay? Safe ka na dito sa labas dahil marami ng tao."
Pagkasabi niya nu'n ay umalis na siya.
Wala akong nagawa kun'di tanawin siya habang iniisip lahat ng sinabi niya.
Kapag ba tinanggap ko siya, magugustuhan niya rin ako?
Agad akong umiling sa naisip kong katanungan.
Idiot Maki! 'Yun ay kung tatanggapin mo ba ang lahat ng tungkol sa kanya!
Napahikbi na naman ako.
Ang pangit naman o! Ba't ganito! Huhuhu!!!!Download Novelah App
You can read more chapters. You'll find other great stories on Novelah.
Book Comment (454)
Share
Related Chapters
Latest Chapters
love
16/05
0livro muito legal recomendo
11/01
0great
02/01
0View All