Chapter 74 .

- Ysabelle's POV -
"We're home Tappy!" bati ko kay Tappy nang makapasok ako sa gate
Pati si Aris ay agad lumapit sa'kin at nagtatahol.
"There, there, I miss both of you okay?" kausap ko sa kanila tapos hinimas ko ang mga ulo nila
May kilala akong tao, sobrang daming aso sa bahay niya. Lahat na yata ng uri ng aso meron siya.
Walang iba kun'di si Yzon!
Agh! Kailangan ko pa nga pala siyang kontakin.
"Magpahinga na tayo sa loob, Ysabelle."
Napatingin ako kay El na tapos ng ayusin ang motor niya.
"Napagod ka?" tanong ko
"Yeah."
Naglakad na kami papasok sa loob ng bahay. Locked pa ang door kaya ibig sabihin ay wala pa si Zero.
Baka ginugulo na naman niya si Makiling.
Mahina akong napahagikgik.
"Ysabelle, mauuna na ako sa CR ha?" ani El
Tumango naman ako.
"Dito muna ako sa salas." sambit ko
"Okay okay, babalikan kita."
Nasundan ko si El ng tingin habang paakyat siya ng hagdan. Medyo mabagal siyang kumilos, nagpapatunay na matamlay siya o wala sa mood.
Simula nu'ng umalis kami sa kulungan ay gan'yan na ang mood niya. Sa tingin ko ay iniisip niya ang sinabi ni Toni, 'yung tungkol sa tatay niya.
Naupo ako sa sofa at hinaplos ang tiyan ko.
"Ano kayang hitsura ng Lolo mo, Yechezkel? I wanna meet him to see kung magkamukha ba sila ni Dada." kwento ko kay baby
Kinausap ko kanina si El na pwede namin puntahan ang tatay niya at lolo niya dahil hinahanap naman pala siya, pero ayaw niya. Kung kukulitin ko naman siya, siguradong mag-aaway kami.
Pero ako'y masaya na okay na kami ni Dad. Hindi ako nagkamali na pabayaan muna siya para matuto.
Napangiti ako.
Soon enough, makakalaya din siya.
"Misis."
Napalingon ako nang marinig ko ang boses ni El. Pababa na siya ng hagdan, nakaligo na rin siya.
Tapos ayu'n, topless siya.
T______T   I want him... Kaso buntis ako. Huhu
Lumapit siya sa'kin.
Aaaaaah! I really want him! ಥ‿ಥ
"Bubuhatin na kita papunta sa room?" tanong niya
Tumango ako tapos itinaas ko ang dalawang kamay ko para magpabuhat sa kanya. Binuhat naman niya agad ako.
"Ah, I'm attracted." bulong ko
"May sinabi ka?" tanong niya sa'kin
Iniyakap ko ang braso ko sa leeg niya.
"Inaakit mo ba ako El?" sambit ko ng naka-pout
"Ha? Hindi ah."
(-__-)   so wala talaga siyang intensyon.
Ibinaba na niya ako sa kama namin.
"Mag-half bath ka ba?" tanong niya
"Tinatamad ako. Liguan mo kaya kami ni Yechezkel." sambit ko sabay ngiti sa kanya
"Ack! Parang ikaw naman ang nang-aakit sa'kin Ysabelle."
"Hihi, parang gan'un na nga."
Muli niya akong binuhat.
"Okay, hindi kita tatanggihan."
Tapos dinala na niya ako sa CR.
Seryoso, pinapaliguan niya talaga ako.
"El." tawag ko sa kanya habang sinasabunan niya ako
"Yep?"
"I love you."
"Ha? Ah, haha I love you too Misis."
"Bakit parang hindi ka seryoso?"
Sinimangutan ko siya.
"Seryoso ako ha. Sobrang seryoso ko nga."
Natawa ako sa sinabi niya. Sa totoo lang, iniiwasan niyang tumingin sa'kin.
"Paano kapag kailangan mo pumili sa'min ni Yechezkel, sino ang pipiliin mo?" tanong ko
"Haaa? Bakit naman kailangan kong pumili?!" inis niyang tanong
"Malay mo mag-away kami ng anak natin, tapos papalayasin ko siya. Kanino ka sasama?"
"Geez! Bakit mo naman papalayasin ang anak natin? Ako na lang ang lalayas Misis."
"Eeeeh! Sumagot ka ng maayos!"
Tumingin siya sa mukha ko.
"Argh! Seryoso 'yun, ako na lang ang lalayas."
Muli ko siyang sinimangutan.
"Hindi ka naman pumili e!" reklamo ko sa kanya
Inayos niya ang buhok ko.
"Ikaw ang pipiliin ko Ysabelle."
Ako?
(-_-)
Sinapak ko siya.
"Aray! Bakit mo 'ko sinapak!" reklamo niya sa'kin
"Bakit ako ang pipiliin mo? Paano ang anak natin? Sino'ng mag-aalaga sa kanya!"
Si El naman ang sumimangot sa'kin.
"E'di huwag mo siyang palayasin para hindi ko kailangang pumili. Pambihira ka naman Ysabelle!"
Binuhusan na niya ng tubig ang katawan ko.
"Wala lang, gusto ko lang na piliin mo ang anak natin." sambit ko sa kanya
Hindi naman siya sumagot.
Nag-shrug na lang ako. Naisip ko lang naman 'yung itanong sa kanya.
******** another day ********
"Izzy Kiel?"
"Izzy Kiel!"
Nagtaka ako dahil hindi niya ako pinapansin.
"HEEEY! IZZY KIEL!" sigaw ko
Bigla siyang tumingin sa'kin. Nasa kusina kasi ako tapos siya ay nasa salas sa sofa.
"Ha? Tawag mo ako?" tanong niya pa
"Gosh! Ano ba ang iniisip mo? Kanina ka pa tulala."
Hindi ko nga siya makausap ng maayos simula pa kaninang umaga. Mukhang hanggang ngayon ay wala pa rin siya sa mood.
"Wala naman akong iniisip. Bakit mo pala ako tinawag?"
Tumayo na siya sa sofa para lumapit sa'kin. Pero sinenyasan ko siyang lumabas.
"Tumatahol sina Tappy, baka may tao sa gate." sambit ko
"Ah, oo nga no?" tapos naglakad na siya palabas ng bahay
Bumalik na ako sa ginagawa ko. Naghuhugas ako ng pinagkainan namin kanina.
"Ysabelle, na'ndito si Makiling."
Eh? Si Maki?
Muli kong iniwan ang ginagawa ko at pumunta ako sa salas. Kasama na nga ni El si Makiling, naka-uniform pa siya.
"Hi." bati niya sa'kin
Ngumiti ako.
"Maki! Napabisita ka?"
"Ah, pinapunta ako ni Zero." sagot niya
"Wala naman dito si Zero, nasa trabaho! Baliw talaga 'yun!" ani El
"Pinapunta niya ako para kay Ysabelle. Iche-check ko lang siya."
Para sa'kin? Geez, si Zero talaga.
"Maupo tayo Maki." aya ko sa kanya
Magkatabi kaming naupo sa isang mahabang sofa. Agad niyang inilabas ang mga gamit niya mula sa bag niya.
Seryoso! Iche-check niya talaga ako!
"Sorry ha, kinulit ka pa yata ni Zero." sambit ko sa kanya
"Hindi naman, pinilit niya lang ako. (-_-)"
Natawa ako sa expression ng mukha niya. Ang poker face niya lang talaga. Gan'yan na siya simula pa nu'ng college kami.
"Si Zero talaga, may regular check up naman kami kay Doc. Di ba El?"
Tiningnan ko si El. Tulala na naman siya.
"Babae siguro ang iniisip niya. (-_-)" narinig kong bulong ni Makiling
"Hoy, hindi!" mariin kong kontra kay Makiling
Kahapon pa siya gan'yan kaya sigurado akong hindi babae ang iniisip niya.
"Ah, Ysabelle."
Binalingan ako ni El.
"Yes?"
"Lalabas lang ako." pagpapaalam niya
"Saan ka pupunta?" tanong ko
"Bibili ako ng ulam natin."
Nagtaka ako sa sinabi niya.
"Katatapos lang natin kumain El."
"Baka magutom ka agad kaya bibili lang ako ng ulam. Babalik ako agad."
Hindi na niya hinintay ang tugon ko, dumeretso na agad siya ng labas.
"Babae siguro ang pupuntahan niya. (-_-)" ani Makiling
"Shut it Maki, hindi babae ang asawa ko." sambit ko sa kanya
Though hindi ako naniniwalang bibili nga talaga ng ulam si El.
"Normal naman lahat sa'yo, pati heart beat ni baby normal din." ani Makiling tapos itinago na niya ang mga gamit niya
"Thanks Maki!"
"Well, gusto talaga kitang makausap kaya pumunta rin ako dito."
Tumango ako.
"Anong pag-uusapan natin?"
"Tungkol kay Zero."
Nginitian ko siya.
"Sure! I like that!" sambit ko tapos humagikhik pa ako
Alam niyo naman, gusto ko sila sa isa't-isa. Hihi
"Gusto ko si Zero, Ysabelle."
Ops, she's bold.
Tumango-tango ako.
"That's good, that's good. So kayo na?"
Tumingin siya diretso sa mga mata ko. Nagtaka tuloy ako sa kaseryosohan niya.
"Hindi." sagot niya sa tanong ko
Eh? Hindi pa rin? That Zero!!! Napakabagal ha!
"Dahil ikaw ang gusto niya."
HA? ANO DAW?
"Eh? Ano?" tanong ko
Parang naguluhan yata ako sa sinabi niya.
"Ikaw ang gusto niya, kaya may ipapakiusap sana----"
Tumigil siya sa pagsasalita niya dahil sa pagtawa ko. Tawang-tawa ako sa sinabi niya na ako ang gusto ni Zero.
Hahahahaha ang labo nu'n!
"Ano'ng nakakatawa Ysabelle? (-_-)"
Halatang hindi natuwa si Makiling sa pagtawa kaya pinilit kong tumigil.
Ikinumpas ko ang isang kamay ko sa harapan niya bilang pagtanggi sa sinabi niya.
"Hindi ako gusto ni Zero. Hahaha! Ang imposible!" sambit ko
"Inamin niya 'yun sa'kin kaya hindi 'yun imposible."
Natigilan ako.
"Inamin niya? Ni Zero mismo?" paniniguro ko
"Yeah, maraming beses na niyang sinabi sa'kin."
O________O
WHAT THE HECK? SERYOSO TALAGA 'YUN?!!!
Napaisip ako bigla.
Madalas magselos si El kay Zero. Hindi kaya dahil alam niya ang tungkol du'n?
"Ako lang ang nakakaalam." sambit ni Makiling na tila nabasa ang nasa isip ko
Muli kong ikinumpas ang kamay ko.
"Gosh! Huwag mong intindihin 'yun. Nasabi niya lang 'yun dahil he felt like he needs to protect me. Mga ganu'ng bagay. Lagi kaming nag-aaway ni Zero, lagi siyang naiinis sa'kin. Kaya natatawa talaga ako. Hahahaha."
Looking back then, hindi talaga niya ako iniwan nu'ng mga panahon na wala si El. Kahit hanggang ngayon maasahan ko pa rin siya.
"Kaibigan lang ang turing ko sa kanya." dagdag ko pa, "Naniniwala akong gan'un din ang tingin niya sa'kin dahil matalik silang magkaibigan ni El. Loyal siya kay El. Nalito lang siguro siya dahil nga mahina ako at kailangan lagi ng makakasama. Napagkamalan niya sigurong love 'yung care na nararamdaman niya para sa'kin."
Nagshrug siya Makiling.
"None of that matters to me now." sagot niya
Wow! She's so brave and strong. Bagay talaga sila ni Zero!
Ah, that idiot! Paano niya nagawang aminin kay Makiling na gusto niya ako gayu'ng halata naman na gusto siya ni Maki?! Geez! Idiot Zero, idiot!
"May ipapakiusap ako sa'yo Ysabelle."
May sinasabi nga pala siya kanina!
"Ano 'yun?" tanong ko
"Iwasan mo si Zero, please."
Nagulat ako sa pakiusap niya.
Iwasan ko si Zero? That's impossible!
Umiling ako kay Makiling.
"That won't happen Maki, hindi ko kayang iwasan si Zero. Importanteng kaibigan siya sa'kin." tugon ko sa ipinakiusap niya
Hindi siya sumagot. Mukhang nag-iisip siya.
Hinawakan ko ang mga kamay niya.
"You don't have to worry about me being with Zero, you know. Mahal na mahal ko si El, hindi ko siya ipagpapalit kahit kanino." nakangiti kong sambit sa kanya
Nakatingin lang sa'kin si Makiling. Tingin ko ay worried pa rin siya. Naiintindihan ko naman dahil babae rin ako, nagmamahal din ako. Nakaka-anxious talaga kaya hindi secured ang love.
"Maraming similarities sina El at Zero." ani Makiling pagkadaka
Tumango ako.
"Totoo." sagot ko, "They are both dependable and a fighter."
Hindi ko maiwasang mapangiti habang iniisip ko ang asawa ko.
"Pero kay El ako in love, Makiling. Si El ang kasama ko simula noon kahit puno ng bagyo ang buhay ko. Siya ang dumating nu'ng mga time na kailangan ko ng tulong. Siya lang, wala ng iba. Hindi si Zero."
Ang dami ng nangyari sa buhay ko pero nanatili si El sa'kin, hindi ko magagawang ipagpalit siya kahit kanino.
"May sinabi sa'kin si Zero tungkol sa'yo." ani Makiling
Hinintay ko pa ang sasabihin niya. Nagtatapat siya ng nararamdaman niya kaya kailangan kong nakinig mabuti.
"Isa sa nagustuhan niya sa'yo na ang pagtanggap mo kay El. Ano'ng bang ibig sabihin nu'n?"
Pinigilan ko ang matawa nang makita ko ang frustration sa mukha ni Makiling. Mukhang nahihirapan siyang intindihin si Zero.
"Dinala niya ako sa underground kahapon! Nakita ko 'yung parte ng mundo na kakatakot! Ang daming nangyari! Sinasabi niya ba na tanggapin ko ang gan'ung klase ng buhay?!"
Hindi ko na nagawa pang pigilan ang tawa ko. Lumarawan na sa kanya ang sobrang pagkainis.
"Bakit ka tumatawa, Ysabelle? Seryoso ako! Nakakatakot sa lugar na 'yun!"
Tumango ako.
"I know, I know, nakarating na ako du'n."
"Talaga?"
"Yup, pinuntahan ko si El noon sa lugar na 'yun. Natakot rin ako at marami din nangyari. May binugbog pa siya sa harapan ko, kulang na lang basagin niya ang mukha!" pagke-kwento ko
"Pinutol ni Zero ang kamay nu'ng lalaking humawak sa'kin! Imagine that?!"
Nandilat ang mga mata ko.
"Serious?!" react ko
(-______-)   < mukha ni Makiling, annoyed and disappointed. Hahahaha
"Yeah! That was soooo, argh! Ayoko ng maalala."
Natawa ako pero tinapik ko ang balikat niya.
"It's okay Maki, nandu'n naman si Zero di ba? He did that to protect you. Ganu'n din ang ginawa ni El noon para sa'kin. Don't be mad at Zero, gusto ka lang niyang protektahan."
Hindi na muli sumagot si Makiling.
Ah, dahil sa kwento niya ay naalala ko ang mga nangyari sa'min ni El noon.

Book Comment (454)

  • avatar
    HlJoker

    love

    16/05

      0
  • avatar
    AlvesMatheus Rodrigues

    livro muito legal recomendo

    11/01

      0
  • avatar
    HoudaRabehi

    great

    02/01

      0
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters