Chapter 81 EPILOGUE

- El's POV -
"What do you want to be, Kiel?"
"Policeman! Magpulis ka!"
"Shut up, Israel! Huwag mo siyang pasunurin sa hakbang mo!"
"Why not?! Barumbado na rin naman siya."
"Lumayas ka sa pamamahay ko, Israel! Kay Kiel ko ipapamana lahat kapag namatay na ako."
Tumayo ako mula sa kinauupuan ko. Kaninang-kanina pa sila nagtatalo tungkol sa'kin.
"Ayokong tumanggap ng kahit ano mula sa inyo. Huwag niyo rin asahan na mapapasunod niyo ako sa gusto niyo." sambit ko sa kanila
Napauwi nila ako, pero hindi nila ako maitatali dito.
"At ano'ng gagawin mo? Pupuntahan mo si Ysabelle?"
Tiningnan ko ng masama ang tatay ko.
"Wala kang balak na tigilan siya kahit pinagtabuyan ka na niya? Sino namang babae ang pipili sa'yo, elementary lang ang tinapos mo! Wala ka pang matinong trabaho!"
Naikuyom ko ang mga palad ko. Hindi ito ang unang beses na ininsulto niya ako.
"Okay, okay, huwag kayong magtalo sa harapan ko." sambit nu'ng matanda
Hanggang ngayon hindi ko pa rin alam ang pangalan niya.
"Pag-aaralin ko si Kiel kaya huwag mo siyang maliitin, Israel!"
Tinalikuran ko sila.
"Hindi ako mag-aaral! Huwag kayong umasa na makokontrol niyo  ang buhay ko." sambit ko sa kanila
Nakakailang hakbang pa lang ako nang magsalita na naman ang mayabang kong ama.
"Then, huwag ka na rin umasa na babalikan ka pa ng asawa mo. Siguradong marami pang lalaki siyang makilala na higit sa'yo. Mabuti na rin 'yun!"
Hindi na ako nagdalawang-isip na sugudin siya ng suntok.
Ngunit naikasa niya agad ang baril niya at itinutok sa'kin kaya huminto sa ere ang kamao ko.
"Israel, ibaba mo 'yang baril mo!" agad na utos ng matanda
Pero dahil mag-ama kami, hindi rin siya nakikinig sa tatay niya.
"Wala akong pakialam kung gusto mo pang balikan ang asawa mo, Kiel. Pero ayusin mo muna ang buhay mo! Magpasakop ka muna sa'min ni Papa, aralin mo muna ang mga tamang asal at siguradong babalikan ka ng asawa mo!"
Gigil na gigil na ako sa kanya.
Pero wala akong nagawa kun'di ibaba ang kamao ko.
Hind ko alam kung kaya niya talagang iputok sa ulo ko ang baril niya. Pero ayoko ng subukin pa siya dahil baka dalhin na naman niya ako sa rehas para lang mapasunod ako.
"Gagawin ko ang lahat para balikan ako ni Ysabelle." mariin kong sambit
"Then it's settled!" ani matanda tapos hinampas niya ako sa likod ko
Nagulat ako dahil malakas pa rin siyang manghampas kahit na matanda na siya.
"Ite-train kita sa business ko!" dagdag pa nu'ng matanda
"Papa! Magpupulis si Kiel!" kontra ng tatay ko
"Ayokong magpulis!" agad ko rin namang kontra sa kanya
"See? Ayaw sa'yo ng anak mo, Israel. Hahahaha! Ako ang magtuturo sa kanya."
Tiningnan ko 'yung matanda simula ulo hanggang paa. Kumpara sa tatay ko, mas mahina na siya. Baka kapag sinuntok ko siya tumumba na agad siya.
Hindi kagaya ng tatay ko na kaya pa akong patalsikin hanggang sa kabilang pader. Kaya niya rin akong tutukan ng baril kaya napapasunod niya ako.
"Deal!" sambit ko sa matanda
"What?! Ako ang tatay mo, Izzy Kiel!"
Hindi ko siya pinansin.
Wala akong pakialam kahit tatay ko pa siya. Hindi ko susundan ang yapak niya!
"Okay, okay, magstart tayo sa pag-uugali mong demonyo ka! Tuturuan kita ng magandang asal na hindi itinuro sa'yo ng demonyo mong ama!"
Nagsalubong ang mga kilay ko sa sinabi ng matanda.
Anak ng?!
"Hoy tanda----"
Napaigik ako sa sakit nang sipain niya ako sa binti ko. Hindi ko alam na malakas pa siyang sumipa.
"Call me Lolo or grandpa! Tatay ako ng tatay mo kaya matuto kang gumalang sa'kin!"
Putcha!
(-______-)
Sinipa na naman niya ako. Susuntukin ko sana siya kaso, syempre matanda na. Puti na nga ang lahat ng buhok.
"Pumunta ka sa study room! Mag-aaral tayo!" utos niya sa'kin
AAAAAAAAH! ANO'NG BUHAY 'TO?! MAGPATAYAN NA LANG TAYO! DU'N LANG AKO MAGALING!!!
Pero hindi niya ako tinigilan sa kakasipa kaya wala akong nagawa kun'di sundin siya papunta sa study room ng bahay niya.
Malaki 'tong bahay niya. Hindi ko alam na mayaman pala ang pamilya ng tatay ko.
E'di sana noon ko pa siya binugbog para nanakawan ko siya!
"Umupo ka! Tuturuan kitang maging matalino sa pera!"
Tiningnan ko lang si tanda.
"Hindi ko kailangan ng pera mo!"
Binato niya ako ng libro, buti na lang nakailag pa ako. Kapal nu'ng libro ha!
"Sumunod ka sa'kin kung gusto mong makabili kahit isang dakot ng lupa sa Playa Isabela kung nasaan ang asawa mo!"
Agad akong umupo.
Sabi ko nga, sabi ko nga mag-aaral ako para kay Ysabelle!
"Playa Isabela? Mahal ba du'n?" tanong ko
"Hindi lang mahal, siguradong hindi ka rin makakapasok kung poor ka!"
May inilagay siyang makapal na libro sa harapan ko.
"Kung gusto mo pang makita ang asawa mo, mag-aaral ka ng accounting at business, naiintindihan mo, apo?" tapos ngumiti siya sa'kin
"Huwag kang ngumiti tanda, hindi ka cute!"
Ipinukpok niya sa ulo ko ang isang makapal na libro.
"Lolo mo ako!"
"Oo na, lolong kalbo!"
Punyeta! Hindi dapat ako nakikipaglokohan dito dahil kailangan ko pang puntahan si Ysabelle!!!
Binuklat ko ang libro at seryosong inaral 'yun.
Gagawin ko ang lahat kahit mga imposibleng bagay! Babawiin ko ang asawa ko!
[author's note: END na po tayo dito. Ang title po ng book 3 ay "A LIFE WITH YOU." Kindly check my account po, makikita niyo po dun. Thank youuuu!]

Book Comment (454)

  • avatar
    HlJoker

    love

    16/05

      0
  • avatar
    AlvesMatheus Rodrigues

    livro muito legal recomendo

    11/01

      0
  • avatar
    HoudaRabehi

    great

    02/01

      0
  • View All

End

Recommendations for you