Chapter 78 .

- Zero's POV -
Inis kong kinuha ang cellphone ko dahil panay ang ring nu'n, paulit-ulit ng tumatawag 'yung unknown number na 'yun!
Wala ako sa mood ngayon!
"Hello!" inis kong sambit sa cellphone ko
("Ah, emergency po, hospital po ito. Related po kayo kay Ms. Ysabelle Cañeda? Hindi lang po namin makontak ang asawa niya.")
Nagsalubong ang mga kilay ko.
Hospital?! Na naman?!
"Oo! Ano'ng nangyari sa kanya?!" agad kong tugon
("Critical po, nasa emergency room po kami. Please come.")
Hindi na ako nagdalawang isip pa. Tumakbo na ako sa pinakamalapit na sa sakayan ng tricycle at nagpahatid agad sa hospital.
Hindi ko tinigilan 'yung tricycle driver sa pagmamadali. Kung marunong lang akong gumamit ng motor baka ninakaw ko na lang sa kanya ang tricycle niya.
"Boss bilisan mo pa!" singhal ko sa kanya
"Pasensya na boss, traffic."
Inis akong bumaba ng tricycle niya.
"Teka, bayad mo!" sigaw niya sa'kin
Taeng 'yan! Wala na akong oras para maghanap ng pera!
Kumuha ako sa bulsa ng ko pera. Hindi ko na alam kung magkano pa 'yun. Tapos umalis na ako.
Tumakbo na ako papunta sa hospital.
Tinakbo ko hanggang sa emergency room.
Bigla ko na lang binuksan ang pinto du'n, agad hinanap ng mga mata ko si Ysabelle.
"Ysabelle! Ysabelle Cañeda, nasaan?!" tanong ko sa mga tao du'n
"Ah, 'yung buntis po? Dinadala na po sa operation room."
"Saan ang daan?"
Tinuro sa'kin ng nurse kaya agad akong tumakbo papunta doon. Naabutan ko pa si Ysabelle na sakay ng hospital bed na tinutulak ng mga nurses.
"Ysabelle!"
Nakisabay ako sa mabilisan nilang paglalakad.
May malay pa si Ysabelle. Nakatingin siya sa'kin.
Inangat niya ang kamay niya kaya agad kong hinawakan 'yun.
"Lumaban ka Ysabelle!" sambit ko sa kanya
Duguan siya.
May dugo siya sa ulo niya.
May dugo ang damit niya.
May dugo ang mga hita niya!
"Zero..." mahina niyang tawag sa'kin pero rinig ko
"Na'ndito ako."
"Ang b-baby ko. Please s-save my baby." pakiusap niya kahit na hirap na siyang magsalita
"Ysabelle."
"P-Please save my b-baby, please."
Umiiyak na siya. Hindi ko alam kung saan pa siya kumukuha ng lakas para umiyak.
"I don't m-mind dying, just save my baby, p-please."
"Mam, huwag na po kayong magsalita. Critical condition na po kayo." ani nu'ng nurse
Kin'welyuhan ko siya.
"Anong sinabi mo ha!"
Agad naman niyang pinalis ang kamay ko sa damit niya.
"Wala kaming panahon sa gulo Sir, priority namin ang kaligtasan ng pasyente."
Tapos pumasok sila sa tingin ko ay operation room kung saan hindi ako pwedeng pumasok.
Naiwan ako sa labas habang kausap ang isang doctor.
Hinahanap niya ang asawa ni Ysabelle pero hindi ko alam kung nasaan si El!
Gag*!!!!
"Kailangan namin ng agarang desisyon para may mailigtas kami sa dalawang buhay. Kailangan pumili kung ang mother o ang baby ang ililigtas."
Para akong tinadyakan ng sampung beses sa mukha ko.
Ganu'n kabigat at kahirap ang problema na iniharap sa'kin na kailangan kong pagdesisyunan.
Kailangan pumili? Bakit? Ano'ng mangyayari sa hindi mapipili?!
"Iligtas niyo pareho, tanga!" singhal ko sa doctor
Umiling siya sa'kin
"Sorry Sir, but that's beyond our abilities. Please, kailangan na po ng desisyon."
Naihilamos ko ang dalawang palad ko sa mukha ko.
Anong klaseng desisyon ang gagawin ko punyeta!!!!
Hindi ko gugustuhin na mamatay si Ysabelle!
Pero nakiusap siya na iligtas ang anak niya.
Kapag pinili ko si Ysabelle, wala akong mukhang maihaharap sa kanya kapag nalaman niya na hindi nailigtas ang anak niya.
Paulit-ulit akong napamura sa isip ko. Hindi ko alam ang gagawin ko.
"Sir? It's an emergency!" ani doctor
"'Yung baby. Iligtas niyo 'yung baby." malamig kong tugon
Hindi ko na alam.
Hindi ko na alam.
NASAAN BA KASI ANG GAG*NG SI EL!!!
Pinagsusuntok ko ang pader ng hospital nang mawala na sa paningin ko 'yung doctor.
Tsaka ko naisipan na tawagan ang number ni El.
("Hello, this is Izzy Kiel's fathe-----")
"NASAAN KANG GAG* KA EL!!! NASA HOSPITAL SI YSABELLE! CRITICAL CONDITION!" agad kong bulyaw
Hindi ko na alam kung sino pa ang kausap ko. Basta nakarinig ako ng ingay.
Narinig ko ang sumisigaw na boses ni El.
Punyeta! Nasaang mundo ka na naman ba!!
"NASAAN KA EL?!" sigaw ko pa rin sa cellphone ko
("Hello, tatay niya 'to.")
Nagsalubong ang mga kilay ko. Lalo yata akong naguluhan.
Anong tatay?! Sabi niya ay wala siyang tatay!!!
("Nasa critical condition ang asawa ni Kiel? Anong kailangang gawin?") mahinahong niyang tanong
"Kailangang pumili kung sino ang ililigtas." sagot ko
Wala akong ideya kung sino ang kausap ko. Kung tatay ba talaga siya ni El o ano!
("I see, papunta na si Kiel. Please do the best for them. Wala siya sa tino ngayon. I will cover all the expenses, so help him decide. Thanks!")
Hindi ako tumugon. Kusa na lang naputol ang tawag.
Do the best for them? Nagpapatawa ba siya?! Walang best na sitwasyon ngayon! Kahit anong maging desisyon namin, magsa-suffer si Ysabelle!!!
Muli kong pinagsusuntok ang pader. Hindi ko alam kung tama ang desisyon ko sa pagpili kay Yechezkel. Hindi ko na alam.
Maya-maya pa ay dumating na si Makiling at sinubukan niyang i-cheer up ako.
Pero hindi, hindi pa ako ang asawa pero sobrang nag-aalala na ako.
Paano si El? Patapon ang buhay niya! Paano kapag nawala si Ysabelle sa kanya?! Baka magpakamatay siya!
Naikuyom ko ang mga kamay ko.
Kahit saang banda ko tingnan, wala akong kontrol sa mangyayari.
Ang tanging magagawa ko lang ay bugbugin si El para kay Ysabelle dahil sa kapabayaan niya sa asawa niya!!!!!
Wala ako masyadong maintindihan sa mga sinasabi ni Makiling. Sumasagot lang ako sa tanong niya na alam kong sagutin pero hindi 'yun naiintindihan ng utak ko.
"YSABELLE! YSABELLE!! YSABELLE!!!"
Napatingin ako sa sumisigaw sa pangalan ni Ysabelle.
El!
Agad nagdilim ang paningin ko. Sinugod ko siya ng suntok sa mukha niya.
Nagsuntukan kami habang nagsisinghalan.
Sinisisi ko siya.
Sumisigaw siya habang umiiyak nang malaman niya ang sitwasyon ng mag-ina niya.
Sobrang galit ako sa kanya kaya pinapatulan ko lahat ng pagtira niya.
Hanggang sa may manaway na sa'min na nurse.
Nakita ko kung paano makiusap si El para kay Ysabelle.
Tila natauhan ako sa desisyon na ginawa ko.
Dapat ba si Ysabelle ang pinili kong iligtas? Pero paano ang bata? Paano ang pakiusap ni Ysabelle na iligtas ang anak niya.
Muli na naman kaming nagsuntukan ni El. Hindi ko alam. Parang sa ganu'ng paraan nagkakaintindihan kami kung gaano kabigat ang sitwasyon.
Hanggang sawayin na kami ni Makiling na nakaupo na sa sahig ng hospital.
Tiningnan ko siya.
Bagama't nag-aalala rin siya, nanatili siyang nasa huwisyo at nasa tino. Siguro dahil sanay na siya sa ganitong sitwasyon?
Tangkang susugudin ni El si Makiling dahil hindi niya nagustuhan ang sinabi nito pero hinawakan ko siya sa braso niya.
"Huwag mo siyang pakialaman El, magkakapatayan tayo." seryoso kong sambit sa kanya
Kalmado si Maki,
Dapat kumalma rin ako.
Napagod na yata ako sa pakikipagbasag ulo kay El. Nanghihina na ako.
Naupo ako sa sahig. Sumubsob ako sa braso ko na nakapatong sa dalawang tuhod ko.
Hindi mawala-wala sa isip ko ang hitsura ni Ysabelle habang nakikiusap siya na iligtas ang baby niya.
"Hindi mo nakita si Ysabelle kanina habang nakikiusap siya sa'kin na iligtas ang anak niyo, kaya hindi mo nauunawaan kung bakit pinili ko si Yechezkel." sambit ko kay El
Hindi niya alam kung gaano kabigat magdesisyon.
Pero alam kong mas mabigat ang dinadala niya ngayon.
Nanatiling nakatayo si El, ngunit rinig ko ang pag-iyak niya.
Ngayon ko lang siya nakita at narinig umiyak. Sa tagal na ng pagkakaibigan namin, ngayon lang siya humagulhol ng gan'yan.
Ang pangit mo, bwisit ka!
Hindi ko maunawaan kung bakit parang ang dali lang sa kanya na piliin si Ysabelle kaysa sa anak nila.
Pero nalalaman ko kung gaano siya nasasaktan ngayon. Higit pa sa nararamdaman ko.
Hindi siya iiyak ng gan'yan kung hindi siya nahihirapan at nasasaktan.
Geez...
Wala kaming nagawa kun'di maghintay na matapos ang operasyon at lumabas ang mga tao sa loob.
Wala, wala kaming magawa.

Book Comment (454)

  • avatar
    HlJoker

    love

    16/05

      0
  • avatar
    AlvesMatheus Rodrigues

    livro muito legal recomendo

    11/01

      0
  • avatar
    HoudaRabehi

    great

    02/01

      0
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters