Chapter 79 .

- Jamie's POV -
Hinampas ko ang table nu'ng nurse.
"Ysabelle Alejos-Cañeda! Faster!" sambit ko pa
"Hehehe, sorry for the rush." paghingi naman ng pasensya ni Saijan
Nagso-sorry siya sa lahat ng nagsisinghalan ko.
"Room 36, private."
Mabilis na akong umalis sa harap ng nurse.
"Thanks!" ani Saijan
Hinila ko si Saijan.
"Bilisan mo! Kailangan tayo ni Leader El!"
"Yeah, yeah, I know."
Hindi ko alam kung paano niya nagagawang maging kalmado. Ako'y taranta na. Hindi ko na alam kung ano pa ang nangyari.
Tinawagan lang ako ni Makiling kanina kaya bum'yahe agad kami ni Saijan.
Ngunit ang sabi ni Makiling, critical condition si Ysabelle. At isa lang ang kayang iligtas.
Kagabi pa tapos ang operasyon. Umaga na. Hindi ko alam kung sino ang iniligtas.
Huminto ako sa pagtakbo nang matanaw ko si Leader El na nakaupo sa hospital bench sa tapat ng room 36.
Nakatungo lang siya at hindi kumikilos.
"Leader El."
Pinigilan ako ni Saijan sa paglapit ko kay Leader El.
"Let's wait for him to move, Jamie. Let's wait."
Natutop ko ang bibig ko at niyakap ko si Saijan.
Bukod sa hindi ko alam kung ano na ang balita, ang sakit para sa'kin na makita si Leader El na gan'yan.
"There, there sweetheart, El might hear you crying."
Napahikbi ako sa pagpipigil na mapalakas ang iyak ko.
"Anong gagawin natin Saijan? Anong gagawin natin?"
Nakaramdaman ko ang kamay niya sa likod ko.
"We're powerless in this kind of situation, sweetie. Our strength can't do anything to save anyone right now."
Lalo akong naiyak sa sinabi niya.
Tama siya, kung may magagawa sila... lalo na si Leader El. Siguradong hindi lang siya nakaupo ngayon at hindi kumikilos. Siguradong ginagawa na niya ng buong lakas ang mga bagay pwedeng gawin.
Pero hindi, wala kaming magawa.
"Please excuse, nakaharang kayo sa daan."
"Oh, sorry Sir." ani Saijan tapos bahagya niya akong hinila sa tabi
Nasundan ko ng tingin 'yung dalawang lalaki na nag-excuse sa'min.
Isang mataas pa na lalaki na tingin ko ay nasa late 40's. At isang medyo matanda na.
Nilapitan nila si Leader El.
"Sino sila?" mahina kong tanong
"Let's just stay here." ani Saijan
Mula sa kinaroroonan namin ay rinig namin ang usapan nila.
- EL's POV -
"Kiel."
Sh*t. Sh*t. Sh*t.
"Kiel."
Nag-angat ako ng tingin nang may paulit-ulit na tumatawag sa pangalan ko.
Natawanan ko ang magaling kong ama at ang--- ah, tatay ng tatay ko.
"Hindi ko kailangan ng tulong niyo." sambit ko sa kanila at muli akong tumungo
Tinitigan ko ang sahig, ang mga kamay ko, ang mga paa ko.
Hindi ko sila maramdaman. Wala akong pakiramdam. Paulit-ulit ko lang minumura ang sarili ko.
"Kiel, apo, kailangan mong magpahinga man lang. Wala ka daw tulog."
Hindi ko siya pinansin. Wala akong pakialam. Wala akong pakialam sa kahit na sino.
Si Ysabelle lang ang nasa isip ko.
At ang anak namin.
Hindi ko pa rin alam ang gagawin ko. Wala pa rin ko sa huwisyo.
"Ayusin mo ang sarili mo, Izzy Kiel."
Naikuyom ko ang mga palad ko ng marinig ko ang tinig na 'yun at ang sinabi niya. Tila nagpanting ang tenga ko.
Tumayo ako at kin'welyuhan ko siya, ang magaling kong ama.
"Wala kang karapatang sabihin sa'kin kung ano ang dapat kong gawin!" mariin kong sambit sa kanya
Nakatingin lang siya ng diretso siya mga mata ko. May awtoridad ngunit walang emosyon.
"Wala kang kwentang asawa."
Sinuntok ko siya sa mukha niya.
Pero pakiramdam ko ay nag-hold back pa ako dahil hindi ko man lang siya napaatras. Hindi gan'un kalakas ang suntok na naibigay ko sa kanya.
"Israel, don't trigger your son too much." ani nu'ng matanda
Muling tumingin sa'kin ang tatay ko.
"Kung ayaw mong masabihan na wala kang kwentang asawa, ayusin mo ang sarili mo!" utos niya sa'kin
"Wala ka rin kwentang asawa sa nanay ko kaya wala kang karapatang magsalita ng gan'yan sa'kin!"
Umiling-iling siya sa'kin.
"Hanggang ngayon ay bulag ka pa rin sa galit mo. Para ka pa ring bata na walang maintindihan, Izzy Kiel. Hindi ko alam kung bakit ka pinatulan ni Ysabelle Alejos."
Sinuntok ko ulit siya pero nahawakan niya ang kamao ko.
"Hindi ka rin malakas sumuntok, Kiel." dagdag niya pa
Sh*t! Bakit hindi ko siya masuntok ng buong lakas ko?!!
Malakas kong binawi ang kamao ko mula sa kamay niya.
"Umalis na kayo." sambit ko
"You. Are. Going. Home. With. Us. Kiel!"
Bawat salitang binitawan niya ay nagtataglay ng authority. Na parang determinado siya na iuwi ako.
"Geez, mag-ama nga kayo. Parehong matigas ang bungo niya."
Tiningnan ko 'yung matanda.
Ngayon ko nga lang siya nakita. Ni hindi ko alam ang pangalan niya.
"Wala ka ng mukha na maihaharap kay Ysabelle matapos mong isakripisyo ang anak niyo, Kiel. Kaya kung ako sa'yo, umuwi ka na lang at ayusin mo ang buhay mo. Hindi ka karapat-dapat sa asawa mo. Ni wala kang ideya kung sino ang asawa mo."
Sa bawat salita na binibitawan ng tatay ko, parang malalakas na dagok 'yun sa ulo ko.
Napakawala niyang kwenta para ipamukha lahat 'yun sa'kin. Hindi niya ba alam kung gaano na kabigat ang dibdib ko ngayon!
Biglang bumukas ang pinto ng hospital room ni Ysabelle. Lumabas du'n ang doctor na nag-asikaso kay Ysabelle.
Nilapitan ko siya agad.
"Kumusta ang asawa ko?" mabilis kong tanong
"Wala pa siyang malay, pero pwede mo na siyang puntahan sa loob. Paisa-isang tao lang sana."
Hindi ko na pinansin ang iba niyang sasabihin. Agad na akong pumasok sa loob.
Nakita ko si Ysabelle nakahiga sa hospital bed na parang natutulog lang. May nakakabit na kung ano sa kanya.
"Ysabelle." tawag ko sa kanya
Hindi siya kumilos.
Hindi niya ako nilingon.
Hindi siya ngumiti.
Walang tugon.
"Ysabelle."
Lumapit ako sa kanya. Hinawakan ko ang kamay niya.
"Sorry Ysabelle."
Tuluyan na akong napahagulhol nang makita ko ang tiyan niya.
Wala na si Yechezkel.
Napaupo ako sa sahig habang hawak ang kamay ni Ysabelle.
Anong sasabihin ko sa kanya kapag nagising na siya? Na wala na ang anak namin? Na mas mahal ko siya kaya siya ang pinili ko?
Totoo nga yatang wala akong kwenta. Wala akong kwenta. Hindi ko sila nailigtas pareho. Hindi ko sila pinili pareho.
"Patawad Ysabelle, hindi ko alam ang gagawin ko. Patawad Yechezkel, patawarin mo si Dada, hindi ko kayang mawala ang Mommy mo. Hindi ko kaya."
Kagaya kagabi, wala na naman akong ginawa kun'di iyakan ang nangyari.
Ang hina ko. Ang hina hina ko!
Akala ko noon malakas ako. Na hangga't nabubuhay ko walang mangyayaring masama kay Ysabelle.
Pero hindi ko sila nagawang protektahan.
Wala ako sa tabi niya nu'ng kailangan niya ako.
Ang gag* ko lang dahil inuna ko ang galit kaysa bantayan ang asawa ko.
"El..."
Pinunasan ko ang mga luha ko.
Hindi ako sigurado sa naririnig ko.
"El..."
Tumayo ako at tiningnan ko si Ysabelle.
Gising na siya!
"Ysabelle, na'ndito ako." sambit ko habang hawak ang kamay niya
"El..."
"Yes, yes, na'ndito ako Misis."
Humikbi si Ysabelle.
Tsaka ko lang napansin na hawak ng isa pang kamay niya ang tiyan niya.
"Ysabelle."
"N-Nasaan si Yechezkel? Bakit hindi ko siya maramdaman? Safe ba siya?"
Tumingin siya sa'kin.
Parang dinurog ang puso ko.
"El?"
Nag-iwas ako ng tingin sa kanya. Hindi ko siya magawang tingnan sa mga mata niya.
"El! Nasaan ang anak natin?!"
Nanginginig ang kamay ko habang hawak ko ang isa niyang kamay.
"Patawad Ysabelle." mahina kong usal
Lumakas ang iyak ni Ysabelle.
Hanggang sa maging sigaw 'yun.
Tinatawag niya ang pangalan ng anak namin.
Sobrang sakit.
Sobrang sakit na marinig ang iyak niya at pagsigaw sa pangalan ni Yechezkel.
"Patawarin mo ako Ysabelle."
Higit akong nasaktan nang hilahin niya ang kamay niya mula sa pagkakahawak ko.
"Bakit El? Bakit hindi mo pinili ang anak natin?! Sinabi ko sa'yo na piliin mo siya di ba? Paulit-ulit kong sinabi na piliin mo siya kaysa sa'kin!"
Umiling ako.
"Hindi ko kayang mawala ka Ysabelle. Patawarin mo ako."
"Bakit?! Bakit nawalan ako naman ako?! Bakit naiwan na naman ako?! Ilang beses na akong nawalan El! Bakit paulit-ulit nangyayari sa'kin 'to?! Sana ako na lang ang nawala!"
Muli ko siyang hinawakan pero nag-iwas siya.
Tila ayaw na niya akong makasama o makita pa.
Isang malakas na dagok na naman 'yun sa'kin.
"Ysabelle."
"Umalis ka!"
Nagulat ako sa sinabi niya.
"Ysabelle?"
"Umalis ka sa harapan ko El!"
'Yun na yata ang pinakamasakit sa lahat simula kagabi.
Niyakap ko siya.
"Patawarin mo ako Ysabelle, huwag mo akong ipagtabuyan." pakiusap ko sa kanya, "Wala akong ibang pupuntahan."
Mahina man siya, ramdam ko ang pagtulak niya sa'kin palayo.
"Layuan mo ako, El. Umalis ka! Hindi kita gustong makita."
Umiling ako sa kanya.
"Magsimula ulit tayo Ysabelle."
Bahagya akong lumayo sa kanya para tingnan ang mukha niya pero isang sampal ang ibinigay niya sa'kin.
"Magsimula ulit? Gan'yan kadali sa'yo sabihin ang lahat, Izzy Kiel?! Gan'yan ka ba kawalang kwenta ha!"
Pakiramdam ko ay hinulog ako sa pinakamalalim na lupa.
Palalim ng palalim ang sakit na nararamdaman ko dahil sa naririnig ko.
Wala ba talaga akong kwenta?
Lumayo ako kay Ysabelle.
"Patawad."
'Yun lang ang nasabi ko.
"Umalis ka."
Tumango ako.
"Mahal kita Ysabelle. Patawarin mo ako."
Hindi siya sumagot.
Tinalikuran ko na siya.
Ayokong umalis. Ayokong iwan siyang mag-isa dahil alam kong nasasaktan siya.
Pero nasasaktan din ako.
Nasasaktan din ako sa nangyayari.
Hinihiwa ako ng bawat salita niya.
Ganu'n ba ako kawalang kwenta?

Book Comment (454)

  • avatar
    HlJoker

    love

    16/05

      0
  • avatar
    AlvesMatheus Rodrigues

    livro muito legal recomendo

    11/01

      0
  • avatar
    HoudaRabehi

    great

    02/01

      0
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters