Chapter 76 .

- Ysabelle's POV -
("Si Leader El? Wala, hindi naman namin siya nakakausap.")
Tumango ako sa sinabi ni Jamie, magka-video call kami.
"I see, hindi pa siya umuuwi. 6pm na."
("Sino ang kasama mo d'yan? Si Zero?")
"Wala rin si Zero. Lately ay laging siyang wala."
("Whaaaaat! May pinopormahan na ba ang idiot na 'yun.") sabat ni Saijan sa usapan namin
Naalala ko 'yung sinabi ni Makiling na gusto ako ni Zero. Napailing na lang, hindi ko pa rin talaga mapaniwalaan.
("Mabuti na rin 'yun, tanda na niya. Hmp!") ani Jamie
Sumandal ako sa likuran ng sofa. Gusto ko na sanang mahiga sa kwarto kaso iniiwasan kong gumamit ng hagdan.
"Sabi niya ay bibili lang siya ng ulam, pero hanggang ngayon ay wala pa siya." bulong ko
Kanina pa siya wala. Hindi ko na alam kung ano pa ang nangyari sa kanya.
("Kontakin namin siya Ysabelle, pahinga ka na lang muna okay?") ani Jamie
"Okay, thank you sa time."
Nagpaalamanan na rin kami then ended na 'yung call.
Hinaplos ko ang tiyan ko.
"Saan naman kaya nagpunta si Dada, hmm Yechezkel?"
Napangiti ako nang maramdaman ko ang bahagyang pagkilos ni Yechezkel.
"Gusto mo na ba lumabas anak? Hindi pa pwede. Haha. Wait pa tayo ng konti ha? Excited na rin kaming makita ka."
Napatingin ako sa cellphone ko nang umilaw 'yun. May tumatawag ulit.
Calling, Yzon
(-.-)
Kinuha ko ang cellphone ko at sinagot ang tawag ni Yzon.
"Yeah, Yzon?"
("Na'ndito na ako sa province niyo. Where are you? The money is with me.")
Oh, ibibigay na niya ang pera.
Napangiti ako.
"Ihulog mo na lang sa account ko." utos ko sa kanya
("Nah, do you think I will travel this far just to put the money on your account? Don't be ridiculous Ysabelle! Mom told me to deliver it to you personally. So where are you?")
Napasimangot ako.
Ang sabihin mo, gusto niyo lang malaman kung saan ako mapupuntahan! Hmp!
Tumayo ako mula sa sofa.
"Magkita na lang tayo." sambit ko
"C'mon Ysabelle! Naaabala mo na ako big time!"
And here he goes again... sobrang iksi ng pasensya. Kung hindi lang siya inutusan ni Tita Angel, malabong puntahan niya ako.
But then again, hindi ko hahayaan na malaman niya ang exact address ko.
"Hintayin mo ako sa malapit na 7/11 okay? Pupunta na ako Yzon, Bye."
("Hey Ysabelle----")
Ni-end ko na ang tawag niya.
Ayoko ng marinig ang mga reklamo niya. Hanggang ngayon ay reklamador pa rin siya. Tss.
Dahil hindi naman ako makakapunta sa kwarto, hindi na ako nag-ayos. Maayos naman ang hitsura ko kahit nasa bahay lang kaya okay lang.
Nagmessage na lang ako kay El na lalabas ako ng bahay. Sinabi ko rin sa kanya kung saan ako pupunta para hindi siya mag-alala.
Then lumabas na ako at ni-lock ang pinto at gate.
Dahil gusto kong asarin si Yzon, hindi ako pumara ng trike. Naglakad ako papunta sa 7/11. Nasa mood naman kami ni Yechezkel maglakad ngayon. Mabagal nga lang ang lakad namin para siguradong safe ang baby ko.
Natatawa ako sa daan habang nai-imagine ang mainit na ulo ni Yzon. Simula pa noon ay bugnutin siya.
'Yung pagiging bugnutin niya ay kaibahan sa pagiging bugnutin ni Zero.
Yzon thinks he's superior to anyone. He is bossy and speak with authority. Hindi ko naman siya masisisi dahil lahat naman 'yun ay totoo.
Pero hindi 'yun tatalab sa'kin. Wala siyang pwedeng ipagmalaki sa'kin.
Napangisi ako. Inis na inis siya kapag hindi niya ako mapasunod at wala siyang magawa kun'di sundin ako.
Mas matanda siya sa'kin sa age, pero mas matanda ang Mom ko sa Dad niya na kapatid ni Mom kaya in lineage, kailangan niya akong irespeto bilang pagrespeto niya kay Mom.
Well, that's the culture dito sa Pinas.
Nagring na naman ang cellphone ko. Siguradong naiinip na ang Yzon Alejos.
Sinagot ko ang tawag niya.
("Where in the world are you Ysabelle!") pambungad niya sa'kin
"Malapit na. Can't you wait patiently huh, bull dog?!"
("What did you called me?! Baka gusto mong ipamigay ko 'tong pera mo!")
"Do it and I will kill you! Malapit na ako! Maghintay ka! Gosh, ini-stress mo kami ng baby ko!")
("You go here faster---WHAT THE HELL DID YOU SAY?! WHAT BABY HA?! ARE YOU OUT OF YOUR SH*TTY MIND?!")
hayst! Pambihira! Sigaw ng sigaw!
"Shut up, bull dog! You're too noisy!  Malapit na ako, bye!"
Pinagbabaan ko na ulit siya ng tawag. Sigurado akong malapit na siyang maging kamukha ng nag-aalburutong bulkan Mayon!
Hinaplos ko ang tiyan ko.
"Ipapakilala kita sa masungit mong Uncle, baby. Don't worry, he will be surprise but he will love you too. Hihi."
Totoong malapit na ako sa may 7/11 kaya excited na rin akong makita si Yzon.
Kailangan ko na lang tumawid sa kabilang kalsada para tadaaa, nasa 7/11.
Pum'westo ako sa may stop light para sa tamang tawiran talaga ang dumaan.
Medyo maraming tao sa may 7/11 kaya hindi ko pa matukoy kung nasaang banda si Yzon.
"Sigurado akong hindi siya lumabas ng sasakyan niya. Hmp!" bulong ko
Nagready na akong tumawid dahil magge-green light na.
Tiningnan ko 'yung istudyanteng makakasabay ko sa pagtawid ko at nginitian ko siya.
"Anong grade mo na?" tanong ko pa
"Eh? College na po ako."
Medyo nahiya ako.
"Oh? Good. Hehe, aral mabuti." sambit ko pa
Nauna siyang tumawid kaya sumunod na rin ako. Habang naglalakad ako patawin ay tinatanaw ko kung nasaan si Yzon.
Ah, I wanna pinch his cheeks like before. (^_^)
"Miss, may sasakyan!"
"Oh my gosh, 'yung bata."
Napalingon ako sa narinig kong ingay.
Pero huli na dahil ako pala ang tinutukoy nila. Huli na rin para mapansin kong may sasakyan nga'ng papalapit sa'kin.
Nandilat ang mga mata kasabay ng ingay na narinig ko sa paligid ko.
Nayakap ko ang tiyan ko.
Baby....
- EL's POV -
"Yes Sir!"
"Good."
Natanaw ko ang paglapit ng magaling kong tatay papunta sa rehas kung saan ako nakakulong.
"What now, Kiel? Have you changed your mind?"
Hindi ko siya tinitingnan. Ayokong makita ang pagmumukha ng pumatay sa nanay ko!
"Hinding-hindi ako sasama sa'yo!" malamig kong tugon sa kanya
"Geez, c'mon, kanina ka pa nagmamatigas dito. You can't get out of here until you've changed your mind."
Mahigpit akong humawak sa rehas at galit ko siyang tiningnan.
"Mabubulok ako dito pero hinding-hindi ako sasama sa'yo!"
Umiling-iling siya sa'kin.
"Are you sure about that? Hindi ba at may asawa ka pang uuwian?"
Natigilan ako nang maalala ko si Ysabelle. Hindi pala ako pwedeng mabulok dito. Naghihintay sa'kin si Ysabelle!
Ipinakita sa'kin ng magaling kong tatay ang cellphone ko.
"Here, may message siya sa'yo. I will read it for you, Kiel." sambit niya
Sinubukan kong agawin sa kanya ang cellphone ko pero mabilis siyang nakalayo.
Sh*t! Kailangan ko ng umuwi!!
"Ah, papunta daw siya sa 7/11. Hihintayin ka daw niyang umuwi, Kiel. Are you sure you want to stay here?"
Sinubukan kong buksan ang rehas pero hindi ko magawang sirain 'yun. Inis na inis na ako---hindi, galit na galit na ako!
"Ilabas mo ako dito!" singhal ko sa kanya
"No, no, no! Not until you say, you wanna go home with me."
Humigpit ang pagkakahawak ko sa bakal na rehas. Talagang mas pinapatindi niya ang galit ko sa kanya.
"Oh, someone is calling on your phone, should I answer?" sambit niya
"Huwag kang sasagot! Papatayin kita!" banta ko sa kanya
"Don't say that, Kiel. I am your father."
"Wala akong ama, gag*!!!"
"Geez, hindi kita iniwan sa orphanage para maging gan'yan kawalangya."
Sarcastic akong ngumisi sa kanya.
"Ikaw ang nagturo sa'kin kung paano maging gag*!"
Muli siyang umiling-iling. Patuloy kong naririnig ang ringtone ko kaya napapatingin ako sa cellphone ko.
"Are you sure you don't want me to answer it? Mukhang importante."
"Sino'ng tumatawag?" mahina kong tanong
"Hmm, Zero? Was his name Zero?"
Zero!
"Sagutin mo, gag*!" utos ko sa kanya
"Geez, bakit ako ang gag* dito gayu'ng ikaw ang nakakulong at nagmamatigas?!"
Hindi ko pinansin ang sinabi niya. Hinihintay kong mag-usap sila ni Zero.
"I-loud speaker mo!" utos ko sa kanya
Sinagot niya na tawag.
"This is Izzy Kiel's fathe-----"
("TANGN***** KA EL! NASAAN KA?! NAAKSIDENTE SI YSABELLE, GAG* KA!!!!")
Nanlaki ang mga mata ko. Muli kong kinuyog ang bakal na rehas.
"ILABAS NIYO AKO DITOOOO!!!" sigaw ko
Kung sapat lang ang lakas na meron ako, baka nasira ko na ang rehas.
("EL! NASAAN KA?!")
"Ilabas niyo siya." utos ng magaling kong tatay
"Yes Sir!"
May lumapit na pulis sa rehas ko. Agad kong hiniklas ang kwelyo niya.
"BILISAN MO, TAE!!!" utos ko sa kanya
Lumayo sa'min ang tatay ko habang kausap pa rin si Zero.
Wala na akong oras. Kailangang kong puntahan si Ysabelle!
Ilang beses na siyang na-ospital na wala ako!
Nang mabuksan nila ang rehas, agad na akong tumakbo palabas. Hinanap ko ang motor ko. Alam kong pinadala 'yun ng magaling kong tatay dito.
"Kiel."
Nilingon ko siya.
May hinagis siya sa'kin na agad kong sinalo.
Susi ng motor ko.
"You have to hurry, critical condition." sambit niya
Naikuyom ko ang mga kamao ko.
Ysabelle!!
"Choose wise Kiel. You have to be strong and choose."
Tila nahilo ako.
Anong ibig niyang sabihin?!
Anong choose wise?! Anong I have to choose?!!!!
Napahawak ako sa ulo ko.
Hindi ito ang tamang oras para mag-collapse ako. Kailangan ako ni Ysabelle! Pupunta ko si Ysabelle!
Sumakay ako sa motor ko at mabilis na pinaandar 'yun.
Sunud-sunod ang busina na ginawa ko para umalis lahat ng nakaharang sa daraanan ko.
Hintayin mo ako, Ysabelle! Darating ako, pangako!

Book Comment (454)

  • avatar
    HlJoker

    love

    16/05

      0
  • avatar
    AlvesMatheus Rodrigues

    livro muito legal recomendo

    11/01

      0
  • avatar
    HoudaRabehi

    great

    02/01

      0
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters