Chapter 71 .

- Makiling's POV -
Pinagtaasan ko ng isang kilay si Zero nang humarap siya sa'kin.
"Ayos ba?" tanong niya pa habang iniyayabang sa'kin ang suot niya long sleeve white polo shirt at khaki pants, bago rin ang sapatos niya
"Ba't ka nakagan'yan? Hindi bagay sa'yo." komento ko
Pero sa totoo lang,
Oh goooosh! 'Yung puso ko lalabas sa loob ng dibdib ko.
He's so damn good looking!
Oo na! Aaminin ko na na pogi siya kahit na ang pangit ng suot niya araw-araw. Minsan hubad pa siya sa palengke! Pero syet, mga Zerotards! Ang hot niya sa ayos niya!
Dalawang butones sa polo niya ang naka-unbotton. Bakit di na lang lahat i-unbutton di ba? (-/////-)
"Syempre! Papatay ka na lang dapat cool ka na! Di ba?" mayabang niyang saad
"Geez, baka mauna pa kaming mamatay." bulong ko
Kita ko kasi 'yung mga babae na dumaraan, tumitingin sa kanya
"Huwag ka nga'ng bumulong! Bulong ka ng bulong! Tara na!"
Hinila na niya ako papunta sa isang hotel.
Basta na'ndito kami sa talagang lugar namin. Wala kami sa province. May papatayin daw kasi siya dito, ewan kung sino. Basta sabi niya sa'kin kagabi, igaganti niya si El.
Pagkapasok namin sa hotel may pinasukan kaming casino. Daming nagsusugal, ang iingay.
Pagdating sa casino may pinasukan pa ulit kaming isang pinto, makipot na ang daan pagkapasok namin du'n.
"Oy oy! Saan mo ako dadalhin ha!" reklamo ko sa kanya
Syempre natatakot na ako, ang kipot na nito tapos medyo madilim.
"Huminahon ka, akong bahala sa'yo." sambit niya
Humawak ako sa polo niya, medyo nakakarinig ako ng ingay. Mahina pa 'yun sa pandinig ko pero alam kong dito lang din 'yun.
May isang pinto na naman kaming napuntahan.
"Ano ba 'yan, puro pinto!" mahina kong reklamo
Kumatok du'n si Zero. Mga ilang segundo pa bago may nagbukas nu'n.
Malaking lalaki ang nagbukas!
Agad kong binuksan ang bag ko. Pinigilan naman ako ni Zero sa pagkuha ko ng syringe.
"Huminahon ka muna. Sabi kong ako ang bahala sa'yo di ba?" sambit niya
Binitawan ko ang syringe na hawak ko pero hindi ko na isinara pa ang bag ko para mas sigurado ako.
Hindi lang 'yun basta syringe, anesthesia injection 'yun.
"Code." ani nu'ng lalaking nagbukas ng pinto tapos may itinapat siyang ipod kay Zero
"Zero Dalisay." ani Zero sa ipod
Nagulat ako nang malakas na tumunog 'yun, hinanap ko pa ang pinagmulan ng tunog na 'yun.
"Ge, pasok."
Pumasok nga kami ni Zero.
Napasigaw ako nang hawakan ako nu'ng lalaki sa braso ko.
Automatic na kumuha ako ng syringe at itinusok sa kanya.
Pero napigilan pa ako ni Zero. Nahawakan niya pa ang kamay ko na may hawak na syringe.
"Huwag ka munang manusok Makiling, hindi ko pa nakakaharap ang kalaban ko." bulong niya sa'kin
Pinalis niya ang kamay nu'ng lalaki na nakahawak sa braso ko.
"Huwag mong hawakan ang kamay ng girlfriend, man! O gusto mong hatiin kita sa apat?" ani Zero
Ack!
(0//////////0)   g-girlfriend?!!
"Ah, sorry. Ge, tuloy na." sambit nu'ng lalaki
Hinila na ulit ako papasok ni Zero. Nakahinga naman ako ng maluwag nang makalayo na ako sa lalaking 'yun, pero 'yung puso ko nagrarambulan pa rin.
You Zero idiot! How dare you do this to my heart!!!!
May pinasukan pa kaming isa pang pinto then boom!
Sumalubong sa'kin ang sobrang ingay na mga tao. Naghihiyawan sila, may kanya-kanyang isinisigaw.
Puro lalaki! Malalaking lalaki! Mga mukhang malalakas at barumbado!
Napahawak ako ng mahigpit kay Zero.
"O-Oy! Ano 'to!" reklamo ko sa kanya
(T________T)
Bakit ganito?! Sa TV ko lang 'to nakikita e!!!!
Pero hindi ako pinansin ni Zero, may tinapik siyang isang lalaki.
"Oy."
"Ano?! Abala ka ah!" tugon nu'ng lalaking tinapik niya
"Huy, si Zero." sambit naman nu'ng isa pa
"Putcha! Ayos ang pormahan ah!"
Nagtago agad ako sa likod ni Zero.
Nakakatakot silaaaaaa! Mukha silang kakain ng tao. Huhuhu!
"Magtatanong lang naman ako." mahinahon ngunit maangas na sambit ni Zero
"Ano 'yun?"
"Sino 'yung nakalaban ni El? 'Yung dalawang magkasunod." ani Zero
Kita ko na nagtinginan 'yung mga lalaki.
"Si Cell."
"Pati si Golgi."
"Cell at Golgi." ulit ni Zero
Taeng pangalan 'yan! Anatomy ba 'to? Cell body at golgi?!
"Saan ko sila pwedeng puntahan? Kaninong grupo ba sila?"
Muling nagkatinginan 'yung mga kausap ni Zero.
"May grupo ba sila?" nagtanungan sila sa isa't-isa
"Wala akong balita, bigla lang naman silang sumulpot dito nu'ng bumalik si Leader El."
"Tss, kaya pala hindi ko kilala." bulong ni Zero
Ay sus! Makaakto ka nga ay parang kilala mo lahat!
"Nakita ko sila." sabat nu'ng isa pa na nakikinig sa usapan
"Saan?" tanong ni Zero
"Pumunta sila sa headquarter, sa ilalim. Parang kinausap sila ng Association. Siguro ay patapos na rin sila."
"Salamat." agad na tugon ni Zero
Hinila na naman kita ako papunta sa kung saan man.
Ako'y nakasunod lang dahil hindi ko alam ang lugar na 'to. Ni hindi ko nga alam na nage-exist pala ang ganito in real life!
My gulay! Dito sila lumalaban?! Nakakatakot!
"T-Teka Zero, sure ka na ba? Di ka ba kinakabahan?" tanong ko sa kanya
Tumingin siya sa'kin.
Ako ang kinabahan sa tingin niya!
'Yung tingin niya pangdemonyon! 'Yung nakangisi at tila sabik pumatay!
Hooooy! Ayoko naaaaa!!!!
"Itong mukhang 'to ba ang hindi sigurado ha, Makiling?" nakangisi niyang sambit sa'kin
"Err, nakakatakot naman dito!" reklamo ko sa kanya
"Huwag kang matakot, hindi naman kita ipapamigay sa kanila. Isasama ba kita kung hindi kita kayang protektahan ha."
Natahimik ako sa sinabi niya.
Sa totoo lang, pinilit niya lang akong sumama sa kanya.
Gusto niya raw kasing maranasan 'yung gaya nu'ng teleserye sa TV. 'Yung tipong lalaban siya pero may iba rin siyang pinoprotekhan. Gusto niya daw maramdaman kung gaano ka-challenging 'yun.
Kaya ako'y isang maganda at kaawa-awang testing lang kung kaya niya ba ang gan'un.
Galing niya di ba? Gusto niya lang talaga masubukan ang sarili niyang lakas at maramdaman kung gaano 'yun ka-challenging! Boset!
May dinaanan kaming makipot na hagdan pababa. Mas madilim 'to kaysa kanina!
Gosh! Wala naman sanang halimaw dito!
Nakarating kami sa pinakang dulo ng hagdan tapos medyo malawak na Ang napuntahan namin.
Sakto may dalawang malalaking lalaki du'n.
"Magtatanong ako." agad na sambit ni Zero
Walang pakundangan kung makipag-usap! Hindi muna magtanong kung pwede ba talagang magtanong!
"Ano 'yun? Sino ka? Bawal dito ah." sambit naman nu'ng isang lalaki
Pareho silang malaki at may manipis na buhok sa ulo.
"May hinahanap akong dalawang pangit na lalaki, baka lang kilala niyo."
Malakas kong siniko si Zero sa tagiliran niya. Paano kung kaibigan nila 'yung sinabihan niyang pangit?! E'di patay kami!
"Dalawang pangit? Walang pangit dito." ani nu'ng isa tapos tumawa sila pareho sabay apir sa isa't-isa
"Cell at Golgi ang pangalan." ani Zero
"Oh, Cell pangit ka daw."
"Mas pangit ka Golgi."
Natigilan ako sa sinabi nu'ng dalawa.
SILA SI CELL AT GOLGI?!!!!
Sabay silang tumingin sa'min ni Zero nang maisip nila kung anong ibig sabihin nang binanggit nila.
"Patay, patay, patay! Sinabihan mo silang pangit!" sambit ko kay Zero
Agad na akong nagtago sa likod niya.
"Ah sorry, kayo pala 'yun? Di bale, halata naman sa pagmumukha niyo."
Napahawak ako sa dibdib ko. Para akong tinataga sa katangahan at kayabangan ni Zero!
Ang lakas ng loob niyang hamunin ng away 'yung dalawa samantalang mag-isa lang siya at dalawa sila, malalaking lalaki pa!
"Aba't! Bastos kang magsalita ah!" singhal nu'ng isa, halatang nagalit kay Zero
"Sino ka bang mayabang ka ha!"
Nawa'y lamunin na lang ako ng sangkalupaan dahil natatakot na ako sa gulong kahaharapin ko!
"Ako? Ako ang tatapos sa mga bilbil niyo! Masarap kumatay ng baboy!" ani Zero
Mag-sign of the cross. Wala ng pag-asa na matigil sa pagyayabang niya si Zero.
Napasigaw na lang ako ng malakas nang sabay sumugod 'yung dalawang lalaki at hindi ko alam kung paano iilag.
"AAAAAAH! HELP MEEEE! AAAAAAH! I DON'T WANNA DIE! AAAAAAH!" sigaw ko habang nakapikit ang mga mata
"Putcha! Huwag kang sumigaw hoy! Nakakarindi ka!" narinig kong reklamo sa'kin ni Zero
Nagmulat ako ng mga mata ko at kita ko kung paano niya sinangga ang bakal na armas nu'ng dalawang lalaki gamit ang dalawang baston niya.
Isa sa kanan,
Isa sa kaliwa,
Parehong nakasangga sa dalawang bakal na armas ng kalaban.
"Lumayo ka Makiling, baka tumalsik ka."
Agad naman akong lumayo. Mahirap na, ayoko pang mabalian ng buto!
Namangha ako kung paano tumalon ng mataas si Zero tapos pinatalsik niya ng sabay 'yung armas ng dalawang kalaban niya.
Nagkatinginan pa 'yung dalawang lalaki dahil hindi nila inaasahan 'yun.
"Paano ba 'yan, sa armas pa lang talo na kayo." nakanging sambit ni Zero tapos pinanghati niya sa ere ang baston niya na parang hinahati niya ang hangin
Minsan ko ng nakuha ang baston niya.
Hindi 'yun basta-bastang kahoy! Sobrang tibay at mabigat na kahoy 'yun.
Ang nakakamangha pa sa baston niya, scabbard pa lang 'yung kahoy na 'yun. Kapag tinanggal mo 'yun, tsaka pa lang 'yung armas na talagang matalas.
Hindi mo basta-basta matatanggal 'yung scabbard niya. Sa kagaya kong babae, kailangan mo ng matinding lakas para matanggal ang lock nu'n. Talagang iiyak ka bago mo matanggal!
Narinig kong magmura 'yung dalawang lalaki tapos sabay muli nilang sinugod si Zero.
Mabilis kumilos si Zero kaya nagagawa niyang makailag.
Pero may hindi siya nailagan na tira na agad nakapagpabagsak sa kanya sa sahig.
Natutop ko ang bibig ko.
"Zero!"
Tinapakan nu'ng isang lalaki ang baston niya.
"Itong kahoy na 'to ang pinagyayabang mo ha!"
"Puro ka yabang! Isang tira ka lang pala!"
Agad akong kumuha ng syringe sa bag ko. Isang inject ko lang sa kanila, mamamanhid agad sila.
"MAKILING!"
Nagulat ako sa pagsigaw na 'yun ni Zero. Nakatingin siya sa'kin.
"B-Bakit!" kinakabahan kong tanong
Baka may masakit na sa kanya!
"D'yan ka lang! Ako ang lalaban!" sambit niya
Tumawa 'yung dalawang lalaki.
Tumayo si Zero at dinampot ang baston niya.
"Argh, geez! Kaya naman pala duguan si El dahil malalakas kayong tumira." ani Zero
"El?"
"Anak ng! Kaanib ka ni El?!"
Tinanggal ni Zero ang scabbard ng baston niya.
"Tingin ko ay worthy naman kayo para itakin ko." sambit pa ni Zero
Taeng 'yan! Ang lagay pa pala ay pumipili siya kung sino ang iitakin niya o hindi!
Agad dinampot nu'ng dalawang lalaki ang mga armas nila. Sinugod agad nila si Zero ng sabay.
Sabay lagi silang tumira para sa ikapapanalo nila!
Ngunit si Zero ay hindi magyayabang kung walang iyayabang.
Mayabang siya ayon sa kanyang kakayahan.
Nagawa niyang hatiin ang armas nu'ng dalawa.
Kahit ang kalaban niya ay nagulat nang mahati 'yun sa gitna.
"Bakal nga nahati ko, kayo pa kaya?" ani Zero
Mabilis pa sa alas-kwatro, naidikit niya ang dalawang baston niya sa leeg ng kalaban niya. Isang baston = isang leeg.
Hindi ko naiwasang mapapalakpak.
Awesome! Awesome! So cool! So dependable!
Nagtaas ng dalawang kamay ang kalaban niya.
"S-Suko na kami."
"Huwag mong p-pugitin ang ulo namin."
Ngumisi si Zero.
"Depende kung magugustuhan ko ang isasagot niyo sa tanong ko." ani Zero
"Ano ba 'yun? Kahit ano sasagutin namin."
"Oo nga! Kahit ano!"
Tumango si Zero.
"Sure, sure. Sino ang boss niyo?"
Boss?
Kita ko ang paggalaw ng Adam's apple nu'ng dalawang lalaki. Lumunok sila.
"Sasagot kayo o hahatiin ko ang ulo niyo?" ani Zero
"Si Boss---"
"Teka, Teka, papatayin tayo ni Boss kapag sinabi mo!"
"Okay lang naman kahit hindi niyo sabihin sa'kin. Ako na lang ang papatay sa inyo." tapos idiniin ni Zero ang matalas niyang baston sa leeg nila
Nanlaki ang mga mga mata ko nang may umagos na dugo mula roon. Talagang tinototoo niya!
"Teka, teka, sasabihin ko na! Hoy sabihin na natin! Nararamdaman ko na 'yung espada!"
"Tangang 'yan! Si Philip! Si Philip Bermudo!"
Philip Bermudo?
Kung hindi ako nagkakamali... siya 'yung pulis na binanggit sa'kin noon ni Pamela.

Book Comment (454)

  • avatar
    HlJoker

    love

    16/05

      0
  • avatar
    AlvesMatheus Rodrigues

    livro muito legal recomendo

    11/01

      0
  • avatar
    HoudaRabehi

    great

    02/01

      0
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters