Homepage/La Vita è Bella con te (Book 2)/
Chapter 69 .
- Ysabelle's POV -
"Nasaan po si Mr. Cañeda?"
Hindi ako nagsalita sa tanong na 'yun ng nurse.
"Papunta na." sagot ni Zero
"Okay po, maayos na po ang lagay ni Mam pati ni baby. Doble ingat po ulit tayo ha? Uminom po ng nireseta na Vitamins everyday pampakapit po kay baby. May hagdan po ba sa bahay niyo?"
"Meron."
Si Zero ang nakikipag-usap. Tahimik lang akong nakikinig.
"Iwasan po ang maghagdan, konting lakad lang po. Pwede na rin pong umuwi si Mam, ingat lang po."
Maya-maya ay nagpaalam na rin 'yung nurse.
"Pwede ka na raw umuwi." ani Zero sa'kin
Tumango lang ako.
"Kukuha ako ng wheelchair."
Tumango lang ulit ako tapos umalis siya saglit.
Kinuha ko ang cellphone at ni-check 'yun. May message na sa'kin si El. Sinabi niya na hinatayin ko siya.
Hindi ko siya ni-replay-an.
Ang sama na naman ng loob ko sa kanya. Wala na naman siya sa mga oras na kailangan ko siya.
Hinaplos ko ang tiyan ko.
I'm sorry Yechezkel if Mommy was mad at Dada.
Bumalik na si Zero na may dalang wheelchair. Binuhat naman niya ako para iupo sa wheelchair na 'yun, Hindi ako pwedeng magkikilos ng sobra.
"Okay ka na?" tanong pa ni Zero
Tumango lang ulit ako then maingat na niyang itinulak ang wheelchair palabas ng emergency room.
"Thanks Zero." sambit ko
Kung hindi siya dumating kanina, hindi ko alam kung ano na ang nangyari sa'min ng anak ako.
"Yeah, maaasahan mo ako."
Tumingala ako para tingnan ang mukha niya, tipid lang na ngiti ang ibinigay niya sa'kin.
"Sorry kung madalas kitang maabala noon pa man."
Ni-tap niya ang ulo ko.
"Okay lang, masaya ako kahit mang-abala ka araw-araw."
Hinawakan ko ang kamay niya sa ulo ko.
"Thank you Zero, I appreciate you."
"Ah, akala ko 'I love you' hahahaha!"
Mahina rin akong natawa dahil sa biro niya.
Ibinalik ko na ang tingin ko sa dinaraanan namin at saktong nakita ko si El palapit sa'min.
"Ysabelle."
Binitawan ko na ang kamay ni Zero. Huminto rin naman si Zero sa pagtutulak sa wheelchair.
Lumapit sa'min si El.
Hindi ko alam kung magagawa ko pa bang magalit sa kanya dahil sa hitsura niya, o maaawa na lang ako.
Nag-iwas ako ng tingin sa kanya.
Pinili ko pa rin ang sama ng loob ko.
Dahil pinili niya na hindi makinig sa'kin kahit alam niya kung gaano kadelikado ang ginagawa niya.
"Ysabelle." tawag sa'kin ni El
Then bigla siyang lumuhod sa harapan ko, malapit sa'kin, at hinawakan niya ang magkabila kong kamay.
Ngayon, kitang-kita ko ang mga bago at sariwang niyang sugat. Kita ko ang mga bahid na dugo sa damit niya.
"Patawad." sambit niya sa'kin, "Pagtawad kung wala na naman ako."
Hawak ang mga kamay ko, ipinatong niya ang ulo niya sa hita ko.
"Patawad Ysabelle."
Saglit akong napapikit dahil sa nangyayari.
Naiiyak ako pero pinipigilan ko.
Bakit?
Dahil umiiyak siya habang nakatungo sa hita ko.
"Sorry Ysabelle." paulit-ulit niyang sambit
Hinihila ko ang isa kong kamay mula sa pagkakahawak niya pero ayaw niyang bitawan. Gusto ko sanang haplusin ang buhok niya.
"Una na ako." ani Zero tapos umalis rin agad siya
Tahimik kami ni El. I mean, siya lang ang naririnig ko. 'Yung pagso-sorry niya at mahinang pag-iyak.
"El." tawag ko sa kanya
Nag-angat siya ng tingin para tingnan ako. Nakita ko na naman ang sugatan niyang mukha.
Sobrang hirap para sa'kin na makita siya'ng ganito. Parang dinudurog ang puso ko. Parang wala akong kwentang asawa dahil tila hindi ko siya inaalagaan!
"Stop na okay?" pakiusap ko sa kanya
"Kumusta kayo ni Yechezkel?" tanong niya
Tipid akong ngumiti.
"Safe kami ni baby." sagot ko
"I'm sorry Ysabelle, patawad. Sobrang pabaya ko!"
Kita ko ang galit niya para sa sarili niya.
Alam ko man na pwede ko siyang masaktan dahil sariwa pa ang mga sugat niya. Hinawakan ko pa rin ang mukha niya para tuyuin ang mga luha niya.
"Masakit El, masakit para sa'kin na makita ka na gan'yan, kaya stop na okay? Please Izzy Kiel."
"Ysabelle."
Ako naman ang humawak sa dalawa niyang kamay na may bahid pa ng dugo at may gasgas.
"Alam kong para sa'min ang ginagawa mo... pero huwag mo namang patayin ang sarili mo. Kailangan ka rin namin ni Yechezkel. Kailangan rin kita."
Niyakap niya ako.
"Naiintindihan mo ba ako Izzy Kiel?" paniniguro ko
"Y-Yeah, sorry."
Niyakap ko rin siya, tinapik ko ang likod niya.
"Uwi na tayo." sambit ko
Tumango lang siya sa'kin tapos siya na ang nagtulak ng wheelchair. Since hindi ako pwede sa motor niya, pumara siya ng trike.
- Maki's POV -
"Yo! Na'ndito ulit ako hahahaha."
Hindi ko sinabayan ang pagtawa dahil mukhang napipilitan lang naman siyang tumawa.
Inayos ko ang bag ko.
"Ano pa ba ang aasahan ko." sambit ko
Naglakad na ulit ako.
Bigla naman niyang hinila ang bag ko.
"Ako na ang magdadala." ani Zero
Pero binawi ko 'yun.
"Huwag na!" tanggi ko, "Mapagkamalan pa tayong in a relationsh*t!" bulong ko pa
Sumabay siya sa paglalakad ko. Naisip ko na kanina na baka magpakita siya sa'kin paglabas ko dahil nabalitaan ko na nasa hospital si Ysabelle kanina, pero nagulat pa rin ako na nagpakita nga siya.
"Kumusta si Ysabelle?" tanong ko
"Okay na ulit sila ni Yechezkel."
"Yechezkel? Name ng baby nila?"
Tumango siya sa'kin.
"Cool." comment ko
"Mas cool ako."
"Oo na lang."
Papara na sana ako ng trike nang pigilan niya ako. Hinila niya ako para patuloy na maglakad.
"Ano ba Zero! Uuwi na ako!" reklamo ko sa kanya
"Mamaya ka na umuwi, alak muna."
Tanga talaga! Palagi na lang!
Wala akong nagawa dahil ayaw niya akong bitawan.
Pumunta kami sa pinakamalapit na 7/11. Dahil bawal mag-inom sa mismong store nila, humanap pa kami ng mapepwestuhan.
"Ano na naman ba ang nangyari at nang-aabala ka naman." sambit ko sa kanya
"Wala lang." sagot niya
Hindi ko na lang siya pinilit sumagot tutal puro Ysabelle lang naman ang alam niyang banggitin.
"May request ako Makiling."
Napataas ang isang kilay ko.
"Depende kung gusto kong gawin." sagot ko agad
Depende 'yun sa mood ko kung pagbibigyan ko siya.
"Punta ka lagi sa bahay."
"Ano?!" gulat kong react, "At ano ang gagawin ko du'n?!"
Tumingin siya sa'kin.
Ganito ang hitsura niya (-_-)
"Bakit ka sumisigaw?" tanong niya pa
Oo nga! Bakit ba ang oa ko magreact! Tsk!
"Ano nga ang gagawin ko sa bahay niyo?" sambit ko na lang
"Check up mo lang lagi si Ysabelle. Nag-aalala ako e, madalas sumakit ang tiyan niya."
(-_-)
At heto ako... akala ko ay may something na dahil pinapapunta ako sa bahay nila! Idiot Maki! (-_-)
"Ayoko." sagot ko
"Ha? Ba't ayaw mo?"
Hindi ako sumagot. Tumingin ako sa ibang direksyon.
"Bilis na Makiling, pumayag ka na. Kahit before or after duty mo lang. Daan ka lang sa bahay." pamimilit niya sa'kin
"Ayoko, hindi ako OB." pagdadahilan ko
"Iche-check mo lang naman siya e, hindi naman kailangan OB. Nurse ka naman ah!"
Lihim akong napa-rolled eyes. Ang kulit!
"Ayoko nga, huwag mo akong pilitin kung ayaw ko." tanggi ko pa rin
Syempre naman no? Gusto ko siya tapos gusto niya si Ysabelle, tapos gusto niya iche-check ko lagi 'yung crush niya? Duh! Mapanakit ah!
"Kapag ni-check mo siya lagi gagawin ko kahit anong gusto, promise!" pangungumbinsi niya pa rin sa'kin
"Kahit ano?" paniniguro ko
Tumango-tango siya sa'kin
Talagang handa siyang gawin kahit ano para lang masiguro niya na safe sj Ysabelle, ha.
"Okay. Isa lang naman ang gusto kong gawin mo." sambit ko, 'yun ay kung papayag lang siya sa kundisyon ko
"Ano?"
Nakatingin pa siya sa'kin at halatang hinihintay ang kundisyon ko.
"Layuan mo si Ysabelle."
"Hmm? 'Yun lang?"
Bahagyang tumaas ang isang kilay ko dahil sa sinabi niya. Hindi 'yun ang inaasahan kong reaksyon mula sa kanya.
Ang inaasahan ko ay ang pambabatikos niya sa'kin.
"Okay, 'yun lang pala e. Balak ko naman talagang gawin 'yan." dagdag niya pa
"Talaga?"
Tumango siya sa'kin.
"Yup, ayokong manggulo sa kanila ni El. Matagal na kaming magkaibigan ng unggoy 'yun. Alam na namin ang baho ng isa't-isa."
Nakahinga ako ng maluwag. Akala ko kasi ay bulag na siya.
May gan'un di ba?
May kilala ba kayong gan'un? Makaramdam lang ng kagustuhan sa isang tao, hahamakin na lahat kahit may asawa pa. Hindi ko sinasabing si Vanessa 'to ha. Tinatanong ko lang kung may kilala kayo.
"Mabuti naman kung gan'un." tugon ko sa sinabi niya
At least nasa tino pa siya.
"Patay na patay ka talaga sa'kin no? Dami mong pwedeng ipagawa sa'kin 'yun pa ang naisipan mo. Hahahahaha! Napaghahalataan ka talaga Maki. Hahahaha!"
"Unggoy!" react ko lang sa pang-aasar niya
Hindi ko 'yun itatanggi pa kahit na batikusin niya ako. Gusto ko naman talaga na layuan niya na si Ysabelle at mag-move on na siya.
"Putcha! Basag ang mukha ni El kanina. Pupuntahan ko bukas kung sino ang bumugbog sa kanya. Makaganti man lang."
Napatingin ako kay Zero.
"Ha? Makikipag-away ka?"
"Sama ka? Magaling manusok ng karayom. Pwede ka rin lumaban." pang-aaya niya pa sa'kin
"Tanga ka! Kung basag ang mukha ni El e'di nakakatakot 'yun!"
Ngumisi siya sa'kin.
"Tangang kaibigan lang ang hindi gaganti para sa kaibigan niya. Hahatiin ko sila sa apat! Humanda sila sa'kin." tapos kinuha niya ang baston niya tila nanghati siya sa ere
Ah, I want to see him fight.
Malakas kaya siya? Nanghahati ba talaga siya?
Napangiti ako.
Tingin ko ay malakas siya base sa pangangatawan niya.
"Fighting!" bulong ko lang
Tamang bulong lang ang support at baka mabatikos na naman. Download Novelah App
You can read more chapters. You'll find other great stories on Novelah.
Book Comment (454)
Share
Related Chapters
Latest Chapters
love
16/05
0livro muito legal recomendo
11/01
0great
02/01
0View All