Homepage/FORGETTING MY FEELINGS FOR YOU/
:Start of his revenge
Skyle Cristuval POV:
Dalawang araw na ang nakalipas simula nung pumunta kami sa bar. Kakatapos lang din ng laro namin ng basketball at nandito kami tatlo ngayun sa parking area. Umuwi na yung iba kasi pagod at gabi narin daw.
"Ano mga pre? San tayo ngayun?" tanong ni Gino.
"Chill nalang tayo sa bahay!" sagot ko at tumango naman sila.
Sasakay na sana kami sa sasakyan ko nang may biglang humintong dalawang itim na sasakyan sa harap namin at may lumabas na mga armadong lalaki.
"Sumama nalang kayo kung ayaw nyong masaktan!" hiyaw nung isang nakamaskara sabay tutok ng baril sa tagiliran namin.
"Kuya, maawa po kayo! Bibigyan po namin kayo ng pera, pakawalan nyo lang po kami" sabi ni Kelvin.
"Hindi pwede! Kami ang mapapahamak kung gagawin namin yan!" anas pa nila.
Shit! Kataposan na ba namin? Napapikit nalang ako dahil sa kaba. Nararamdaman ko kasing nakatutok padin yung baril sa tagiliran ko.
"Mapapahamak talaga kayo kung di nyo bibitawan yang mga hawak nyo" may biglang nagalita at boses babae ito. Dinilat ko yung mga mata ko kaya nakita ko sya. Nakafacemask sya kaya di ko makita yung mukha nya pero alam kong babae sya base sa boses nya.
"Lagot nanaman tayo nito kay boss!" bulong nung isa.
"Bibitawan nyo ba yan o papasabugin ko bungo nyo" anas naman nung kasama nya na nakamaskara pero half face lang.
Dahan-dahan nilang binitawan yung mga baril nila at itinaas yung mga kamay.
"Hali kayo dito! Bilis!" sigaw nung lalaki at sumakay sa sasakyan pero sa passenger seat.
"Wag kayo susunod kung gusto nyo pang mabuhay!" anas nung babae at patakbong lumapit sa amin sabay sakay sa driver seat.
"Yuko!" sigaw nya sabay paandar ng sasakyan."
"A-ayaw ko pang mamatay! Maawa kayo!" hiyaw ni Gino
"Yumuko kayo! Bilis!" sigaw nya nung napansin nya na di kami sumunod. Nagulat nalang ako nung makarinig ako ng putok ng baril kaya napayuko nalang din ako. Sunod-sunod yung pagputok at sa tingin ko ay sinundan kami nung mga gagong yun. Nabasag din yung mga salamin.
Tumingin muna ako sa harap, nakita kong sobrang bilis na pala nang pagmamaneho nung babae at wala na din akong naririnig na putokan ng baril.
"Shit! May tama ka!" sigaw nung lalaking na nasa harap pero di yun pinansin nung babae at patuloy lang syang nagmamaneho. Nagtinginan kaming tatlo at umiling.
Ilang minuto pa ang lumipas ay punta kami sa isang lugar na di ko alam kung saan. Kinakabahan ako kasi baka mas malala to kaysa yung kanina pero mukhang di naman. May gate kaming nadaan at may mga taong nagbukas nun sabay yuko, para bang nagbibigay galang.
Makalipas ulit ng ilang minuto ay sawakas ay huminto nadin yung sasakyan. Lumabas na yung dalawa sa harap pero di padin kami lumalabas. Piglang nagbukas yung pintuan kaya nagulat kami.
"Lumabas na kayo kasi baka magalit yun" sabi nung lalaki sabay turo ng nguso sa babaeng nakamask padin. Sumunod nalang kami kasi baka di na kami makalabas ng buhay dito.
Pumasok sila sa loob kaya sinundan nalang din namin sila.
"Ayaw ko pang mamatay mga pre!" mangiyak ngiyak na bulong ni Gino.
"Ako din naman. Pero alam kong di pa tayo mamatay at sa tingin ko nga iniligtas pa tayo nung babae" anas naman ni Kelvin. Di nalang ako nagsalita at nakayukong naglakad. Pano kung hindi? Paano kung lalo kaming mapahamak dito? Napapikit nalang ako ng mariin.
"Anak, ligas kayo!" rinig kong sigaw at nagulat nalang ako ng may biglang yumakap sa akin kaya dinilat ko agad ang mga mata ko.
S-sila mama at papa? Nandito din sila Avi at Kylie, pati yung mga magulang ni Drea at si Drea lang yung wala o baka mali lang ako.
"A-ano po bang nangyayari?" tanong ko pero walang nagsalita at tumingin lang sila sa babaeng nakamask at umiling sya sabay lakad palayo. Ngayun ko lang naalala na natamaan pala sya ng bala at tinapalan lang nya ito ng jacket.
Umupo muna kami sa sofa at di padin ako binibitawan ni mama. Ramdam ko na alalang-alala sya.
Tumayo yung mga magulang ni Drea at sumunod dun sa pinuntahan nung babae.
"A-ano po ba talagang nangyayari? Gulong-gulo na po kasi ako" anas ko.
"Hintayin na lang muna natin sya" sabi ni papa. Di ko nga alam kung sinong hinihintay namin ih.
Pagkalipas ng ilang minuto ay bumalik na sila at sa palagay ko ay nagamot na yung sugat nung babae kasi nakabenda na yun at iba na din yung damit nya. Umupo ito sa tabi ni Tita at nung lalaking nakamaskara.
"You can now remove your mask Hija" sabi ni mama.
"No tita, I'm good po" magalang na sagot nung babae. Ano ba yan! Akala ko naman makikita ko na yung mukha nya! Tsk.
"Take it off!" ani ni Tita at tumango nalang yung babae. Sige lang, pilitin nyo lang sya!
Dahan dahan nyang inalis yung mask at sa wakas ay nakita ko na yung mukha nya. Lumaki yung mga mata ko at parang bumagal yung takbo ng oras. Shit! Ano bang nangyayari? Nagugulohan na talaga ako!
Hi mga Joyfull! Kamusta yung 3 kong readers! Sana goods lang kayo! Don't worry sisikapin kong mag-update everyday at pasensya na kong may mga ERROR. Please pa-rate po ng 5 stars(Nagmamakawa! Charot lang!), pafollow na din ay pwede din kayong mag-iwan ng comment sa comment section(PLESE! Kung alam mo na di maganda sasabihin mo ay wag ka nang magcomment kasi nakakaapekto sa author) Thank you and Luv u guys! Spread love NOT HATE!Download Novelah App
You can read more chapters. You'll find other great stories on Novelah.
Book Comment (636)
Share
Related Chapters
Latest Chapters
I like the story
07/09/2023
0the story was all about her and his crush, who became her classmate
08/08/2022
7Wonderful story of two people
08/08/2022
0View All