:Bracelet

Skyle Cristuval POV:
Dalawang araw na ang nakalipas pero di parin kami nakakaalis sa lugar na ito. Puro pagpapahirap at paggugutom ang ginawa nila sa amin.
Hindi ko alam kong makakaalis pa kami sa bwesit na lugar na ito. Pero alam kong hinahanap kami nila Mama.
Napatingin ako kay Gino kasi para syang tanga na gumagawa ng lubid. Magbibigti na daw sya. Bobo talaga!
"What are you doing?" mahinang tanong ni Drea at napalingon naman si Gino sa kanya.
"Mamatay rin naman tayo! Edi uunahan ko na lang" sabi nya. Bobo!
"E, bakit yang wrist mo yang tinatali mo?" tanong naman ni Kylie pero di naman sumagot si Gino at tumingin lang sa amin na para bang hinihintay nya na pigilan namin sya.
"Ano pang tinitingi-tingin mo?" tanong ni Avi at itinaas ang kilay.
"Di nyo ba ako pipigilan?" saad naman ni Gino at umiling naman kami.
"Ang sasama nyo talaga sa akin-!" hindi na natuloy ni Gino ang sasabihin nya dahil biglang nagsalita si Drea.
"Tama! Ang galing mo Gino!" hiyaw nya sabay tayo. Napakunot nalang kami nang noo dahil sa sinabi nya.
"H-huh?"
"Suot mo ba yung bracelet na ibinigay ko sayo?" tanong ni Drea kay Kelvin at tumano naman ito. Bracelet? bakit nya binigyan ng bracelet si Kelvin?
Lumapit sya kay Kelvin at hinila ang kamay nito. Inalis nya yung bracelet at sinuot nya sa braso nya.
"Meron ka pa bang lakas? kahit kaunti" tanong nya at tumango na lang si Kelvin.
"Magaling! Ngayon gusto kong hawakan mo ng mahigpit ang braso ko. Yung mahigpit na mahigpit" utos nya na ikinagulat namin.
"H-huh? Hindi kita pwedeng saktan" sagot ni Kelvin. Ikaw saktan ko!
"Ipapaliwanag ko mamaya sa inyo ito, basta gawin mo muna ang sinasabi ko" ani nya at nakita kong dahan dahan nahinawakan ni Kelvin yung braso nya.
"Higpitan mo pa" anas ni Drea na parang wala lang sa kanya yung lahat ng sakit. Ilang minuto lang ay biglang tumunog at naging kulay puta yung bracelet.
"Makakalabas na tayo dito. Hintayin lang natin sila" sabi nya.
"P-paano?" tanong namin.
"Lahat ng mga alahas na ibinigay ko sa inyo ay may GPS. Kung sakaling nahihirapan man sa inyong huminga o dahan dahang tumitigil ang pagtumibok ang puso ay malalaman agad nyan kaya malalaman nyan kung nasaan tayo ngayun." ani nya.
"Pati din ba yung sa akin?" tanong ko. Meron kasi nyang niregalo na necklace na pearl sa akin pero umiling lang sya. Di ko alam pero pakiramdam ko nadismaya ako.
Alex Alvarez POV:
Magdadalawang araw na simula nung mawala sila Drea. Pinapahanap na namin sila pero di talaga namin sila makita.
"Mahal, yung anak natin! Baka mapaano sya!" wika ni Andrea sabay yakap sa amin. Napakasama talaga ng ugali ni Kuya. Pati ba naman yung mga bata ay ibabamay nya.
"Wag kang mag-alala ,Mahal. Mahahanap din natin sila" ani ko ko sabay halik sa kanyang noo.
"Sorry po ,Tito. Hindi ko po sila maprotektahan" nakayukong anas ni Neal.
"Wala kang kasalanan" maikli kong sagot at tumango nalang sya at humarap ulit sa computer. Matalino ang anak ko dahil gumawa sya ng mga GPS. Syempre, kanino pa ba magmamana?
Yakap-yapap ko parin yung asawa ko dahil umiiyak parin sya.
"Tito! May na nascan na pong GPS!" sigaw ni Neal kaya patakbo kaming lumapit sa kanya.
"GPS po ni Kelvin yung nascan" sabi nya.
"Saan yan?" taning ko.
"Sa palagay ko po ay nasa isang bodega sila ng mga palay. Palayan ko kasi yung nasa paligid at wala din gaanong bahay" sagot nya.
"Maghanda kayo, pupunta tayo dun pagnagdilim na" seryoso kong anas at tumango naman sila.
Napakatalino talaga ng anak ko. Halatang mana sa akin.
"Mahal, sasama ako" napatingin ako sa asawa ko dahil sa sunabi nya.
"Hindi pwede, mahal. Delekado at hindi ako makakapayag na mapahamak ka din. Ililigtas ko ang anak natin, wag kang mag-aalala" ani ko at tumango naman sya.
"Mag-iingat kayo, hindi ko alam ang gagawin ko kung mapahamak kayo. Baka mabaliw ako!" umiiyak nyang ani.
"Mag-iingat ako, wag ka nang mag-alala" ani mo at ngumiti sabay halik sa kanyang labi.
"Ehemm" rinig kong ingay kaya naghiwalay na kami at napatingin kay Neal.
"Tapos na po ba kayo? Hehe" nahihiya nyang anas. Ano ba naman yan?! Istorbo?
Nakita kong namula yung mukha ni Andrea at umiwas sya ng tingin at napangiti naman ako.
"Tawagan mo nalang si Sky, para makasama saya sa atin mamaya. Para nadin malaman nya na alam na natin kung nasaan sila" sagot ko at sinunod naman nya.
Wag nyo lang sasaktan ang anak ko dahil magkakamatayan tayo
See you on the next chapter*
Hi mga Joyful! Kamusta yung 3 kong readers! Sana goods lang kayo! Sorry natagalan yung update, nabusy po kasi. Please pa-rate po ng 5 stars, pafollow na din ay pwede din kayong mag-iwan ng comment sa comment section(PLEASE! BE KIND!) Thank you and Luv u guys! Spread love not HATE!

Book Comment (636)

  • avatar
    Mariane Mae Millarpis Co

    I like the story

    07/09/2023

      0
  • avatar
    Maria Cristina Estil

    the story was all about her and his crush, who became her classmate

    08/08/2022

      7
  • avatar
    Lystra

    Wonderful story of two people

    08/08/2022

      0
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters