hold

Kylie POV:
Kinalagan nila kami at inalalayan. Ginamot na din nila yung mga sugat namin at pinakain na din nila kami. Sobra yung gutom ko dahil halos isang o dalawang beses lang nila kami pinakain.
"Idala nyo na yan sa sasakyan" rinig kong wika ng isa sa mga Police kaya agad akong napatingin doon.
Nakita ko si Tito Mac na nakayuko. Isinakay na sya sa sasakyan. Baho tuluyang lumayo yung sasakyan nila ay nakita kong tumingin muna sya sa dereksyon namin, hindi, nakatingin sya kay Neal. Malungkot ang mukhang ipinapakita ni Neal at alam kong sobra na syang nangungulila sa magulang.
Niyakap ko sya at naramdaman kong nagulat sya, pero niyakap nya din ako pabalik.
"Nandito pa kami, nandito pa ako kaya hindi ka nag-iisa" anas ko sa kanya.
"Salamat" humiwalay muna ako sa pagkakayakap at hinawakan yung mukha nya.
"Iwan ka man lahat ng tao, saktan ka man nilang lahat. Ako, ako hindi kita iiwan" ani ko. Nagulat nalang ako ng bigla nyang hinawakan ang mga pisngi ko at hinalikan yung labi ko.
"EHEMMMM" bigla kong na itulak si Neal dahil sa gulat. Napatingin ako dun sa lalaki na kanang kamay ni Leon, yun ang pagkakaalam ko.
"Gusto ko lang magpakilala sa inyo. Ako si Khen Tam. Isa akong police" ani nya
" Pero ikaw yung tauhan ni Leon, diba? P-paano ka naging pulis?" tanong ko
"May tumulong sa akin para makapagtapos ako at maging pulis. Kung di dahil sa kanya ay di ako nakakatapos at di ako makakakuha ng hustisya sa pagkamatay ng mga magulang ko. Malaki ang utang na loob ko sa kanya" ani nya at tumango naman kami.
" Kailangan ko nang umalis" saad nya pa.
"Sandali! Kamasa mo ba yung tumulong sa amin kanina? Gusto ko lang magpasalamat sa kanya" ani ni Skyler.
"Nakaalis na sya" sagot ni Khen.
"Kung sakali mang makita nyo sya muli, sana ay wag nyo na syang biguin. Dahil alam kong babalik sya" ani nya at patuloy na naglakad papalayo sa amin.
Nagugulohan ako sa mga sinabi nya. Sinong babalik?
1 year later:
Isang taon na ang nakakalipas pero sobrang linaw padin ng mga pangyayariing yun para sa akin. Nandito kami sa puntod ni Drea.
"Miss ko na sya" napatingin ako kay Avi, naiiyak sya.
Nagkabati na kami, di ko naman kasi kaya na patuloy na kainisan sya. Napag-isip isip ko din na napilitan lang syang gawin yun dahil mahal nya ang pamilya nya at ayaw nya silang masaktan.
"Me too" ani ko at tumayo.
"I'm so sorry" anas nya at tuloyan nang naiyak.
"Tahan na, di matutuwa si Drea kung makita ka nyang umiiyak" pagpapatahan ko sa kanya.
"Tara na, dumidilim na yung langit, mukhang uulan yata" ani ko at naglakad, sununod naman sya. Sumakay na kami sa sasakyan at umalis na dun.
Di nga kami nagkamali, dahil ilang sigundo lang ang lumipas ay bumuhos na ang napakalakas na ulan. Baha na din halos lahat ng daan, kaya napagdesisyonan namin na magpatila muna sa may 7/11.
Pumasok kami sa loob para sana bumili ng makakain pero may nakapukaw ng atensyon ko. Isang babaeng nakamask at napatingin sya sa akin, napansin nya yata na nakatingin ako sa kanya.
"Ayos ka lang ba?" tanong ni Avi.
"H-huh? Oo naman nuh, tara" sagot ko, nakita ko na tumayo yung babae at umalis.
"Bat parang balisa ka, ayos ka lang ba?" tanong ni Avi.
"Wag mo kong intindihin, ayos lang ako" sagot ko.
Pagkatapos naming bumili ay umalis na din kami kasi medjo tumila na din yung ulan.
"Ayos ka lang ba talaga? Kanina ka pa kasi tahimik e" nag-aalalang anas ni Avi.
"Ayos lang talaga ako, medj sumama lang pakiramdam ko" ani ko.
Di ko na sinabi sa kanya yung napansin ko sa babae kanina dun sa 7/11.
"Ganon ba? Sge uwi na tayo" anas nya at tumango lang naman ako.
Fastforward
Pagkalipas ng ilang minutes ay nakarating nadin kami pero di pa din nawawala sa isip ko yung babaeng yun. Yung mga mata nya, parang nakita ko na pero di ko alam, nalilito ako.
"Hoi, kanina ka pa tulala dyan. May problema ba?" nagulat ako nang bigla akong kalabitin ni Avi.
"H-huh? A-ayos lang ako, wag mo kong alalahanin" ani ko.
"Sure ka ba? Para kasing kanina ka pa tulang e, simula nung nandon tayo sa 7/11" nagtatakang anas nya.
"Ayos lang talaga ako, wag ka nang mag-alala" anas ko at tumango naman sya.
Para kasi talagang pamilyar yung mga mata nya e, para bang nakita ko na yung nagniningning nyang mga mata , di ko nga lang alam kung saan ko nakita.
*See you on the next chapter*
Hi mga Joyful! Kamusta yung 3 kong readers! Sana goods lang kayo! Sorry natagalan yung pag-update, nabusy kasi at pasensya na kong may mga ERROR.
Please pa-rate po ng 5 stars, pafollow na din ay pwede din kayong mag-iwan ng comment sa comment section(PLEASE! BE KIND!) Thank you and Luv u guys! Spread love not HATE!

Book Comment (636)

  • avatar
    Mariane Mae Millarpis Co

    I like the story

    07/09/2023

      0
  • avatar
    Maria Cristina Estil

    the story was all about her and his crush, who became her classmate

    08/08/2022

      7
  • avatar
    Lystra

    Wonderful story of two people

    08/08/2022

      0
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters