:Black Jacket

Skyle Cristuval POV:
Mag-iisang buwan na simula nung mamatay si Drea pero hanggang ngayon ay nagluluksa parin kami. Namimiss ko yung pangungulit nya, yung pagbigyan nya ng mga chocolate tuwing Valentine's, yung pagnakita nyang pagod ako sa pagbasketball ay bibigyan nya ako ng tubig. Nakakamiss yung mga bagay na ginagawa nya, para mapansin ko sya.
Di ko namalayan na basa na pala ng luha yung pisngi ko.
Naaalala ko na din lahat, simula nung mga bata pa kami hanggang sa pagkidnap sa amin at yung pagtama ng bala sa balikat nya.
Nitong mga nagdaang linggo ay lagi kong nararamdaman na may nakatingin sa akin o amin. Lalo na pagkasama ko sila Kylie.
Speaking of Kylie, unti unti na syang nakakamove-on sa pagkamatay ni Drea pero minsan napapansin ko ay natutula at matamlay sya. Sabi ng doctor namin ay dahil yun sa truma na dinanas namin at pagkamatay ng pinakamatalik nyang kaibigan. Wag daw namin syang iiwan mag-isa at dapat lagi syang may kasama.
Nung una ayaw nyang pumayag pero napilit din namain. Si Neal ang lagi nyang kasama, sapalagay ko ay nagkakapalagayan ng loob. Ayus lang din naman sa akin yun dahil mas gusto ko si Neal para sa kambal ko kasa dun sa iba nyang manliligaw.
Si Neal para kay Kylie, tas ako naman para kay Drea. Pero wala na sya, bwesit! Bat ngayun ko lang ba kasi nakita yung halaga nya?
Di ko na rin gaanong nakikita si Avi. Tuwing nagkakasalubong kami ay iiwag sya o dadaan sa ibang dereksyon. Umiiyas na din sya sa amin at ang lagi nyang lang kasama ay si Gino.
Nag-away din kami ni Gino at hindi na nag-uusap. Ilang taon na kaming magkaibigan pero ngayun lang kami nag-away ng ganito kalala.
Nandito nga pala ako sa park at nagpapahangin. Dito dapat namin icecelebrate yung 1st monthsary namin pero di ako sumipot. Napakagago ko!
Habang naka-upo ako ay may napansin akong tao na nakasuot ng itim na jacket with hood at nakamask. Meron din syang suot na shades.
Parang siya rin yung nakita ko noong libing ni Drea. Oo, Sya nga yun! Parehas na parehas yung tangkad nila.
Tumayo ako at lumapit sa kanya. Napansin nya yata na lalapit ako sa kanya at tumayo narin sya sabay lakad papalayo.
"Hoi! Sandali!" sigaw ko ay hinabol sya at tumakbo naman sya.
Taena naman! Madaming nakaharang na bata kaya medjo nakalayo sya sa akin. Hinabol ko lang sya ng hinabol pero hindi ko sya nasundan. Ang bilis nyang tumakbo!
Nang sinundan ko kung saan sya dumaan ay yung Black jacket lang ang nakita ko. Kinuha ko yuu at umalis na.
Bumalik ako sa park para kunin yung sasakyan ko at pumunta sa kanila Papa. Ilang minuto lang ay nakarating na ako sa under ground ng bahay namin. Tinawagan ko nadin sila Neal at pinapunta ko na din sila dito.
Nang masigurado kong nandito na kaming lahat, pwera nga lang sakanila Avi at Gino. Hindi pa namin sila mapagkakatiwalaan. Kinuwento ko na sa kanila yung nangyari kanina.
"Sa tingin nyo po sino kaya yun?" tanong ni Kelvin.
"Hindi ko din alam, pero diba sabi mo ay iniwan nya yung jacket?" anas ni Tito Alex at tumango naman ako. Kinuha ko yung jacket.
"Chineck mo ba to bago pumunta dito?" tanong ulit nya at umiling naman ako.
"Hindi po, nataranta po kasi ako kaya pumunta ako agad dito" sagot ko at kinuha naman ni Papa sa akin yung jacket.
Tinignan nya ito at kinalkal yung mga bulsa. Nagulat nalang kami ng may ilabas sya galing dun sa bulsa. Papel, isang peraso ng papel.
Binuksan agad ni Papa yung papel at may nakasulat. "Be careful" yan lang ang nakasulat.
"I think babala po yan" anas naman ni Kylie kaya napatingin ako sa kanya.
"Lately, may nararamdaman akong nakamasid sa akin. Kahit sa school ay ganon din ang feeling ko. Sa tingin ko po ay kailangan nating mag-ingat" dagdag pa nya.
"Ako din, ganon din ang pakiramdam ko. Parang laging may sa akin" ani naman ni Kelvin.
"Pare-parehas lang pala tayo" maikli kong anas.
"Ikaw din?" tanong nila kaya tumango ako.
"Basta kailangan natin ngayung magdouble ingat. Hindi natin alam kong kakampi o kalaban yung nagmamasid sa atin" ani ni Tito at tumango naman kami.
Pagkalipas ng ilang minuto ay umalis na din sila. Umakyat nadin sila mama sa taas at kami-kami nalang nandito.
"Pansin nyo ba, parang umiiwas sa atin si AJ?" tanong ni Kelvin. Lately din kasi pagkinakausap namin sya ay sinasabi nya na busy sya or may tataposin pa.
"Baka naman madami lang ginagawa" sagot naman ni Neal at nagsitanguan nalang kami.
*See you on the next chapter*
Hi mga Joyful! Kamusta yung 3 kong readers! Sana goods lang kayo! Sorry natagalan yung pag-update, nabusy kasi at pasensya na kong may mga ERROR. Please pa-rate po ng 5 stars, pafollow na din ay pwede din kayong mag-iwan ng comment sa comment section(PLEASE! BE KIND!) Thank you and Luv u guys! Spread love not HATE!

Book Comment (636)

  • avatar
    Mariane Mae Millarpis Co

    I like the story

    07/09/2023

      0
  • avatar
    Maria Cristina Estil

    the story was all about her and his crush, who became her classmate

    08/08/2022

      7
  • avatar
    Lystra

    Wonderful story of two people

    08/08/2022

      0
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters