:boom

Someone's POV:
Tang-ina nawala na lahat sa akin. Iniwan nadin ako ng anak ko. Lahat nalang kukunin nila!
"ANG BOBO NYO TALAGA! TINALO PA KAYO NG ISANG BABAE LANG?!" sigaw ko sa kanila. Napakabobo kasi talo pa sila ng babaeng yun.
"Nadaplisan naman namin yung babae boss" sagot nung isa.
"ABA'T SASAGOT KA PANG GAGO KA! MGA TANGA! UMALIS KAYO SA HARAP KO KUNG AYAW NYO SA INYO KO IPUTOK YAN BARIL!" sumunod naman sila at nag-unahan pang lumabas.
Bumukas ulit ang pinto kaya alam kong may pumasok sa opisina ko.
"Anong ginagawa mo dito Leon?" tanong ko. Si Leon ay ang pinakamatalik na kaibigan ng asawa ko.
"Gusto ko lang malaman kung anong susunod na plano" ani nya at nagsalin pa ng alak sa baso sabay lagok.
"Wag kang mag-alala, matatapos din sila" sagot ko.
"Yan ang gusto kong marinig" ani nya.
'Magpakasaya lang kayo habang humihinga kayo dahil pagkatapos ng lahat ng ito ay mauubos na kayo' bulong ko sa sarili ko.
Skyle Cristuval POV:
Nakatingin kami sa isang malaking painting. Si Alexandrea yung nasa painting. Nakamaskara sya pero alam namin sya yun. Isang tela lang ang nakabalot sa kanyang katawan pero hindi mo naman makikita ang di mo dapat makita.
"Hoi! Anong bang ginagawa nyong tatlo dyan? Para kayong mga tanga" sigaw ni Avi sa amin.
" Oo nga!" gatong pa ni Kylie
"Alam nyo bang si Drea lang din yung nag paint nyan" sabi ni Avi.
"Talaga?" tanong naman.
"Oo nga! Talented kasi yung babaeng yun" ani nya pa.
"Stupid ka kasi brother! Iniwan mo ih!" ani naman Kylie, kaya natulala at napaisip nalang ako.
"Hoi, kain na!" sigaw nila.
"Si Drea nagluto nyan! Di kasi kami marunong magluto ih" sabi ni Kylie.
"Ikaw lang! Kahit papaano alam ko namang magluto ng prito nuh. Ikaw wala ka talagang alam iluto!" anas ni Avi pero sinamaan lang sya ng tingin ni Kylie.
"Nasan pala si Drea?" tanong ni Kelvin. Luh, epal!
"Nasa kusina! Kasama si panget" sagot ni Kylie.
"Hoy, sinong panget?" tanong ni Neal. Pangit nga, charot.
"Ikaw!" sagot pa ni Kylie, magsasalita pa sana si Neal pero dumating na si Drea.
Simple lang itsura nya, naka black T-shirt at shorts lang sya tas nakaipit yung buhok.
"Manahimik na nga kayo! Ingay nyo, rinig na rinig ko kayo dun sa kusina" sabi nya at ibinaba sa mesa yung hawak nyang kanin.
"Umupo na kayo para makakain na tayo" sabi nya kaya umupo na din kami. Kumain na kami ng tahimik.
Pagkatapos naming kumain ay nagprisinta kaming tatlo na kami na ang maghuhugas ng pinggan at pumayag naman sila basta wag daw kaming magbabasag.
Pagkalipas ng ilang minuto ay natapos na kaming maghugas ay pumunta kami sa swimming pool dahil nandun sila.
"Pangit mo!"
"Mas pangit ka!" sigawan nilang dalawa ni Drea at Neal. Nagulat nalang kami nung itulak ni Drea si Neal sa pool.
"Deserve!" sigaw ni Kylie habang tumatawa.
Umahon na si Neal at lumapit sa kanila Drea.
"Sige, subukan mo!" sigaw ni Drea at nag-amba ng suntok.
"Ikaw naman di ka mabiro! Palit lang ako damit. Balik din ako agad" ani ni Neal sabay layo.
"Wag ka nang bumalik!" sigaw ni Kylie.
Ilang minuto lang ay bumalik na sya at nakapagpalit nadin sya ng damit.
"Tara, laro tayo!" sigaw ni Giro.
"Anong laro naman?" tanong ko.
"Truth or Dare pero may twist" nakangiti nyang sagot.
"Ano naman yung twist?" tanong naman ni Neal.
"Alam ko na! Pag di mo masasagot ay iinom nalang ng alak!" sagot naman ni Gino.
"Pwedi din! Wait tignan ko kung meron pa ko dyan" sagot ni Drea sabay tayo at hinila sila Avi at Kylie.
Bumalik din sila agad at may hawak na alak ay shot glass.
"Yun oh!" sigaw naman.
Umupo kami ng pabilog at nasa gitna yung mga alak at yung bote na ipapaikot.
Si Neal ang unang napaikot mabilis ng pabilis hanggang sa bumagal ng bumagal at tumigil ito sa harap ni Kelvin kaya naghiyawan kami.
"Unang tanong!" sigaw ni Avi.
"Kung sakaling pagbibigyan ka ng pagkakataon na ligawan yung babaeng gusto mo. Liligawan mo ba sya at sino ito?" tanong ni Avi. Tinignan ko si Kelvin at halatang kinakabahan sya. Akala ko ay sasagot sya pero hindi kasi mabilis nyang nilagok yung alak. Tsk
"Mahina pala to ih!" natatawang sigaw ni Neal at pina-ikot ulit yung bote.
Lumipas na ang isang oras at medjo may tama nadin kami. Pinaikot nanaman nila ang bote at this time ay ka Alexandrea na tumapat ang bunganga ng bote. Narinig kong nahiyawan sila.
"Truth or shot?" sigaw nila.
"Sino magtatanong?" tanong nila kaya nagtaas ako kaya napatingin sila sa akin.
"Bakit kami nadadamay sa gulong ito?" tanong ko habang seryosong nakatingin sa kanya.
"Skyle, stop it!" pagpapatigil ni Kylie sa akin pero di ako nagpatinag.
*See you on the next chapter*
Abangan kong sasagotin ba ni Drea o iinom nalang siya. Papunta palang tayo sa exciting part Huhuhu!

Book Comment (636)

  • avatar
    Mariane Mae Millarpis Co

    I like the story

    07/09/2023

      0
  • avatar
    Maria Cristina Estil

    the story was all about her and his crush, who became her classmate

    08/08/2022

      7
  • avatar
    Lystra

    Wonderful story of two people

    08/08/2022

      0
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters