Homepage/FORGETTING MY FEELINGS FOR YOU/
:Save or Dead?
Alexandrea Sofia Kate Alvarez POV:
Nakayuko ako ngayon kasi pakiramdam ko ay mawawalan na ako ng lakas at hininga. Ako kasi lagi nilang trip tas sinaksak pa ako nung gago kanina. Tangina talaga!
Sa palagay ko ay gabi na ngayon at sa ganitong oras nila kami binibigyan ng kararampot na pagkain. Oo, tama ang narinig nyo. Kaunti lang ang binibigay nilang pagkain sa amin kaya wala akong lakas at pinapa-una ko din kasing kumain sila Avi.
Bumukas na naman yung pintuan pero di ko padin yun tinitignan.
"Gawin nyo na!" rinig kong sabi ni Tito Mac.
May naramdaman akong mga kamay na humawak sa akin at may ikinakabit din sa akin kaya tumingin na ako sa kanila.
"Putangina naman! Bitawan nyo nga ako!" pagpupumiglas ko.
"Anong ginagawa nyo? Let her go!"
"Stop it!" rinig kong sigaw nila Kylie.
Tinali nila yung mga kamay ko at may kinakabit sila sa akin na parang bomba. Hindi, bomba talaga to!
"TANG-INA! LET ME GO! YOU SHITS!" sigaw ko. Hindi ako makapalag dahil nanghihina talaga ako.
"No one can help you guys here, so shut the fuck up!" sigaw ni Tito kaya napatingin lang ako sa kanya. Nasa tabi nya si Leon at masama ang tingin sa akin ngayon.
"Sa tingin mo matutuwa si Tita kung malaman nya ang ginagawa mo? Sa tingin mo-" hindi ko na natapos yung sinasabi ko dahil bigla nya akong sinampal.
"Manahimik ka! Wala kang alam!" sigaw nya.
Bubuka nanaman sana ang bunganga nya pero may narinig kaming putok ng baril. Sila Papa!
Napangiti nalang ako, hindi nila ako binigo.
"Shit!" sigaw nila.
Neal POV:
Ngayon na namin ililigtas sila Drea. Kinakabahan ako, hindi ko alam kung anong maaaring mangyari. Sana ay ligtas sila, hindi ko mapapatawad ang sarili ko kung sakali man.
Nakarating na kami sa lungga nila. Puro mga palay ang nandito, wala rin ganoong mga bahay kaya walang madadamay kung sakali man.
"Dito na lang po kayo! Hindi ligtas sa loob" saad nung pulis at tumango naman kami.
Puro putukan ng baril ang maririnig. Nagulat nalang ako nang magbombang sumabog.
Kailangan ko silang tulungan! Tumakbo ako papasok sa nasusunog na gusali. Tinawag ako nila ako pero di ko yun pinansin.
"Neal!" rinig kong sigaw nila.
May hawak akong baril para kung sakali man. Naglakad lang ako ng naglakad hanggang sa may marinig akong sigaw.
"Tulong!"
"Help!"
"Parang awa nyo na! Ayaw ko pang mamatay!"
Sinundan ko kung saan nanggaling yung boses. Sa isang pintuan ko naririnig yung mga boses pero naka lock ito. Kumuha ako ng kahoy at paulit-ulit yun na pinukpok.
Nang mabuksan ko na ay pumasok agad ako. Nandito nga sila pero nakatali silang lahat.
Si Kelvin muna ang pinakawalan ko at tinulungan nya akong pakawalan yung iba. Nakalagan na silang lahat pwera nga lang kay Drea. Tinignan ko sya at nakatingin din sya sa akin. May nakapulupot sa kanyang bomba at 1:09 mins nalang ang natitirang oras.
"Sige na! Umalis na kayo!" hiyaw nya sabay ngiti pero may luha parin sa mga mata. Nagulat nalang ako nang tumakbo papalapit sa kanya si Avi.
"No! Hindi!" sigaw nya.
"It's okay Vi! Ayos lang sa akin" sabi nya pa.
"Amin hindi!" sigaw naman ni Kylie.
"No! Kailangan nyong nabuhay! Tuparin nyo yung mga pangarap natin na hindi na ako kasama" umiiyak nyang anas. Hindi parin sila tumitigil sa pag-alis ng mga wires.
"I'm sorry, Drea! I'm sorry!" sigaw ni Avi.
"Sige na umalis na kayo! Meron nalang kayong ilang segundo para lumabas! Magiging maayos din ang lahat" sabi pa nya at tumingin sa akin sabay tango. Alam ko na na may gusto syang ipahiwatig kaya hinila ko na sila Avi.
"Tara na! Kailangan na nating umalis, kung hindi ay sabay sabay tayong mamatay!" sigaw ko at hinila sila palabas.
Nang makalabas na kami ay may narinig kaming pagsabog.
"DREA!" sigaw ni Kylie.
"ANAK!" nanlulumong sigaw ni Tito. Lahat kami ay nag-iiyakan at hindi ko na alam kong anong gagawin ko.
Pagkatapos ng nangyari ay dinala na kami sa hospital. Di ko parin matanggap ang mga nangyari. Nagamot na din kaming lahat.
Pupunta na kami sa morgue para makita yung katawan nya. Syet!
Lumabas muna ako para makapagpahangin. Umupo muna ako sa bakantung upuan. Wala namang masyadong tao dito at medjo tahimik din.
Naalala ko yung mga araw na nagbabangayan kami tas magpipikunan kami. Yung pupunta ako sa kanila pagnag-aaway kami ni Daddy.
"P-panyo?" rinig kong tanong sa akin kaya nilingon ko kung sino yung nagsalita. Kinuha ko yung panyo at umupi naman sya sa tabi ko.
"Amm.. Alam kong nagluluksa ka parin, dahil kawawala nya lang at nakakabigla din pero san wag kang masyadong magpaapekto" sabi na ikinakulo ng dugo ko.
"Tangina pre! Ganon nalang ba talaga sya para sayo?" sigaw ko sabay tayo.
"Kung alam mo lang lahat ng sakripisyo nya para sa sayo, para sa atin!" hiway ko sabay lakad layo.
*See you on the next chapter*
Hi mga Joyful! Kamusta yung 3 kong readers! Sana goods lang kayo! Sorry natagalan yung pag-update, nabusy kasi at pasensya na kong may mga ERROR. Please pa-rate po ng 5 stars, pafollow na din ay pwede din kayong mag-iwan ng comment sa comment section(PLEASE! BE KIND!) Thank you and Luv u guys! Spread love not HATE!Download Novelah App
You can read more chapters. You'll find other great stories on Novelah.
Book Comment (636)
Share
Related Chapters
Latest Chapters
I like the story
07/09/2023
0the story was all about her and his crush, who became her classmate
08/08/2022
7Wonderful story of two people
08/08/2022
0View All