Alexandre Sofia Kate Alvarez POV: Magdadalawang linggo na kami dito sa bahay ko. Madami nading nangyari sa dalawang linggo na yun. Masama yung pakiramdam ko ngayon, dahil siguro naulanan ako kahapon kaya ganito. Di ako tumabi kagabi sa kanila Avi at buong araw na akong di lumalabas dito sa kwarto. Si Tiny lang ang kasama ko dito , baka saki mahawaan sila kung sakali, mahirap na. Di naman ako masyadong sakitin at sa isang taon ay isa o dalawang beses lang ako magkasakit. Nakahiga ako ngayun, tapos na din akong kumain at uminom ng gamot kanina. Buti nalang may stock pa dito sa kwarto ko. Nasa ikalawang palapag din itong kwarto ko. Sa mga nagtatanong kong bakit hindi sa ikatlo, ay simple lang. Kasi ayaw kong pumunta sila sa ikatlong palapag pag may kailangan sila sa akin. Habang nakahiga ako ay may narinig akong katok sa pintuan pero hindi ko yun pinansin at pinilit ko nalang na matulog "Drea, nandiyan ka ba?" narinig ko yung boses ni Avi. "Baka naman umalis sya" sabi naman ni Gino. "Hindi yun aalis ng di nagpapalam" sagot naman ni Kylie. Naramdaman ko na umalis si Tiny sa kama at narinig ko na tumahol sya nung nagbukas yung pintuan pero di ko parin idinidilat yung mga mata ko. "ARF!" "ARF! "ARF!" rinig kong tahol ni Tiny. "Gago! Wag nyo kong itulak! Baka kagatin ako nyan!" rinig kong sigaw ni Skyle. Sige lang anak! Sinaktan nyan si mama mo ih, kagatin mo? "Deserve mo naman kung sakali!" sabi naman ni Neal. Tahol padin ng tahol si Tiny at napakasakit na sa tainga ng boses nya. "Tiny! Come here!" sabi ko at sumunod naman sya pero tumatahol padin. "Tiny, stop barking! *cough* Sit down" sabi ko at sumunod naman sya. "Bakit di mo sinabi na may sakit ka?" tanong ni Kylie. "Ayos lang ako! Pahinga lang to tas ok na ulit ako" sagot ko. "Tae mo! Sa isang taon isang beses ka lang magkasakit pero mahirap kang gumaling!" hiway ni Neal. "Shut the fuck up, Dummy!" ani ko. "Kumain ka na ba?" tanong nila at tumango naman ako. Kumuha ng kumot si Kylie at ipinatong sa akin. Napatingin naman ako kay Avi na parang malalim ang iniisip. Pagkatapos nila akong bimpohan ay lumabas na sila at lalabas na din sana si Kelvin pero pinigilan ko sya. "Wait lang Kelvin!" ani ko at tumayo kahit na medjo nahihilo ako. Kinuha ko yung bracelet na nasa lamesa ko at may hugis na itong krus at ibinigay sa kanya. "Naalala ko kasi may regalo ka sa akin nung nagbirthday ako pero ako walang regalo sayo" nakangiti kong anas, pansin ko na namumula tainga nya. Sarap pingotin, charot. "Nag-abala ka pa Drea. Maraming salamat dito Drea ah!" ani nya. "Welcome! Basta lagi mo lang yang isusuot ah! Kahit anong mangyari ay wag na wag mo ito aalisin. Maliwanag ba?" ani ko at tumango naman sya. "Sige, alis na ko pahinga ka na din" anas nya at tumango naman ako. Nung lumabas na sya at bumalik na din ako sa higaan ko para makapagpahinga. Nahihilo parin ako hanggang ngayun. Bwesit! Skyle Cristuval POV: Nakalabas na kaming lahat at si Kelvin nalang ang naiwan sa loob. Ano kayang pinag-uusapan nila? Bakit kaya sya nagpaiwan. Ilang minuto lang ay lumabas na din sya at pansin ko din na mukhang napakasaya ngayun ng mokong. "Saya mo yata ah!" ani mo. "Wala! Tara na! Anong gusto nyong ulam ako magluluto" anas naman nya. Ano ba kasi talagang pinag-usapan nila at parang inspired ang gago. Tanginang yan! Someone's POV: Nagtatawanan kami nung tumunog ang selpon ko kaya lumayo muna ako sa kanila at pumunta muna sa pool. "Sagutin ko lang ito ah!" nakangiti kong pagpapaalam sa kanila at tumango naman sila. "Hello?" [Ano nang balita? Gusto mo ba talagang mapahamak ang mga magulang mo? Sino sa kanila ang gusto mong unahin ko?] tanong nung kausap ko sa selpon kaya lalo akong kinabahan. "W-wag nyo naman idamay yung mga magulang ko! Pumunta na kayo dito, may sakit si Drea kaya mahina ang katawan nya ngayon" sagot ko sa kanya. [Yan ang gusto ko!] sagot nya sabay tawa. "I-send ko nalang yung address, basta wag nyong sasaktan yung mga magulang ko" sabi ko at ibinaba na yung tawag. Baka kasi may makarinig pa sa akin. Kung hindi ko to gagawin ay mapapahamak yung mga magulang ko. Hindi ko kayang mawalan ng magulang kasi sila lang ang meron ako at ako papayag na pati sila ay mawala sa akin. I love Drea but mas importante yung magulang ko para sa akin. I'm sorry. Sana mapatawad mo ako Drea. Sana tama itong desisyon kong ito. Shit! See you on the next chapter* Hi mga Joyful! Kamusta yung 3 kong readers! Sana goods lang kayo! Don't worry sisikapin kong mag-update everyday at pasensya na kong may mga ERROR. Please pa-rate po ng 5 stars, pafollow na din ay pwede din kayong mag-iwan ng comment sa comment section(PLEASE! BE KIND!) Thank you and Luvu guys! Spread love not HATE!
Download Novelah App
You can read more chapters. You'll find other great stories on Novelah.
Book Comment (636)
Mariane Mae Millarpis Co
I like the story
07/09/2023
0
Maria Cristina Estil
the story was all about her and his crush, who became her classmate
I like the story
07/09/2023
0the story was all about her and his crush, who became her classmate
08/08/2022
7Wonderful story of two people
08/08/2022
0View All