:Good times

Skyle Cristuval POV:
Pumunta muna kami sa 7/11 para bumili ng betadine, cotton and bandage. Bumili nadin kami ng mga pagkain at kape para mabawas kahit kunti yung tama namin.
Habang ginagamot yung sugat ni Drea ay parang wala lang sa kanya at ang nakakapagtaka ay di man lang sya nagreklamo habang ginagamot, para bang manhid na sya. Nakita kong lumingon sya sa akin at para bang nababasa nya yung iniisip ko kasi bigla syang sumigaw na para bang sobra syang nasasaktan.
"M-masakit! Dahan-dahan lang naman!" hiyaw nya.
"Are you sure? Ayos ka lang ba talaga? Dala ka nalang namin sa hospital" nag-aalalang tanong ni Kelvin. Pansin ko nagiging malapit na silang dalawa at minsan nalang din sumama si Kelvin sa amin.
"Ayos lang talaga ako!" natatawang anas naman ni Drea.
Habang nag-uusap sila at naka-upo lang ako sa gilid at umiinom ng kape. Hihigop na sana ako pero may napansin akong itim na sasakyan at nakita kong nakatingin sya amin yung nakasakay. Napansin yata na nakatingin ako sa kanya kaya uumiwas sya ng tingin at umalis.
"Napansin nyo ba yung sasakyan kanina dun?" tanong ko kaya napatingin naman sila.
"Oo nga nuh" ani naman nila.
"Tara! Balik tayo bar" ani ni Drea na para bang iniiba yung usapan.
"Gaga! May sugat ka pa diba?" anas naman ni Avi at nilakihan ng mata si Drea.
"Ay hehehe" natatawang sagot ni Drea.
"Bili na lang ngarod tayo pagkain! Gusto ko ng Jobeelli" ani ni Drea.
"Tanga! Jollibee yun!" hiyaw naman ni Kylie.
"Ay Jollibee pala HAHAHA!" natatawang namang anas ni Drea.
"Order nalang tayo online" nakangiti namang sagot ni Kelvin at tumango naman si Drea. Di ko alam kung bakit nabwebwesit ako pero di ko mapigilan ih. Basta nabwebwesit ako!
"Anong gusto nyo?"
"Amm.. Chicken joy with rice, burger patty, spaghetti, fries tas ice cream!" sagot ni Drea. "Tas coke float pa pala!" pahabol pa nya.
"Ganyan talaga yan. Lalo na pagnaka-inom pero di pa naman sya lasing." anas ni Avi.
"Yeah! Like para syang patay gutom or patay gutom talaga sya" maarteng anas ni Kylie.
"Tangina mo!" sigaw ni Drea sabay batok kay Kylie.
"True naman yung sinasabi ko ah!"
Nagpatuloy lang silang magbangayan at tumahimik lang sila nung dumating na yung mga pagkain.
Nagtataka lang ako kung paano kaya nagkakasya sa bungaga ni Drea yung mga pagkain. Kanina pa kasi sya kumakain pero di pa rin nabubusog.
"Bhakit bah kayo ganyan makatingin?" tanong nya habang nagngunguya.
"My gosh! Don't talk when your mouth is full!" hiyaw ni Kylie.
"Ay sorry! Bat ba kasi kayo ganyan makatingin?" tanong nya ulit.
"Sure ka bang walang alien sa tyan mo?" tanong ni Gino. Parang gago si bobo.
"Grabe ka naman!" sagot ni Drea sabay lunok.
"Sandwich lang kasi kinain ko kanina para di tumaba yun tyan ko! Nahurt naman ako sayo, charot" umakto pa sya na parang naiiyak tas tumawa ulit sabay subo ng spaghetti. Baliw ba sya?
"Anong oras na?" tanong ni Avi.
"2:36 na, why?" anas ni Kylie.
"Don't worry! Pinagpaalam na kita sa kanila Tita" ani ni Drea at napangiti naman si Avi sabay yakap kay Drea.
"Thank you!" ani nya sabay halik sa pisngi ni Drea. Sana all! Ako din! HA.HA.HA J-joke lang.
"Bitaw na! Baka matapon tong ice cream ko!" ani nya tas hinawi yung kamay ni Avi at mahina lang syang natawa.
Habang nagkwekwentuhan kami ay tumunog yung phone ni Drea at may nakasulat na McN. Sinagot nya yun tas lumayo sa amin.
Sino kaya yun? Naka move on na kaya sya? May bago na ba sya? Ano bang paki ko?! Pweh!
Alexandre Sofia Kate Alvarez POV:
Tumawag bigla si Mcneal kaya lumayo muna ako sa kanila.
"Hello" bungad ko.
"Drea, sa tingin ko kailangan nyo na munang mag-ingat" anas nya na ikinakunot ng noo ko.
"Bakit? Ano bang problema?" tanong ko.
"Narinig ko kanina sila papa. Nagplaplano ulit sila" anas nya na ikinakaba ko. Shit! Nanginginig ako!
"Ikaw ba yung nakita kanina ni Skyle?" tanong ko.
"Oo, sinisigurado ko lang na ligtas kayo" ani nya na ikinangiti ko.
"Salamat!" anas ko sabay baba ng tawag at bumalik nadin sa pwesto namin.
Lumapit ako sa kanila Avi at Kylie at may ibinulong.
"We need to go home. Sa bahay nalang tayo matulog. Di tayo dito ligtas" bulong ko at tumango nalang sila.
Tumingin na kami sa kanila Gino at nakatingin din sila sa amin at nakakunot ang noo.
"Anong pinag-uusapan niyong tatlo?" tanong nila sabay singkit ng mga mata.
"H-huh? Wala!"
"N-nothing!" sagot nila Avi, di naman ako sumagot at umiling lang.
"Uwi na tayo" pag-iiba ko ng usapan.
Inalok ko sila Kelvin na sa bahay na lang matulog pero hindi na daw kasi uuwi nalang daw sila. Makukulit eh! Tskk!

See you on the next chapter*
Hi Joyfull! Kamusta yung 3 kong readers! Sana goods lang kayo! Don't worry sisikapin kong mag-update everyday at pasensya na kong may mga ERROR. Please pa-rate po ng 5 stars(Nagmamakawa! Charot lang!) pafollow na din ay pwede din kayong mag-iwan ng comment sa comment section (PLEASE! Kung alam mo na di maganda sasabihin mo ay wag ka nang magcomment kasi nakakaapekto sa author) Thank you and Luv u guys! Spread love NOT HATE!

Book Comment (636)

  • avatar
    Mariane Mae Millarpis Co

    I like the story

    07/09/2023

      0
  • avatar
    Maria Cristina Estil

    the story was all about her and his crush, who became her classmate

    08/08/2022

      7
  • avatar
    Lystra

    Wonderful story of two people

    08/08/2022

      0
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters