Homepage/FORGETTING MY FEELINGS FOR YOU/
Find you
Someone's POV:
Nandito ako ngayon sa libingan ni Tiny. Isang taon na rin ang lumipas pero wala paring pinagbago yung sakit.
Inilagay ko muna yung bulaklak at nagtirik na din ng kandila para sa kanyang puntod. Parang pamilya na ang turing namin sa kanya.
"Musta ka na dyan sa langit? Sure ako okay na dyan. Miss na kita, pakabait ka dyan." di ko pa na tatapos yung sinasabi ko nang may narinig akong mga yabag ng paa papalapit sa akin.
Aalis na sana ako ngunit huli na dahil tatayo palang ako ay may nagsalita na sa aking likod.
"Sino ka at anong ginagawa mo dito?" rinig kong anas ni Kylie. Di ako sumagot, di pa naman kasi dapat ito yung panahon na makita nila ako e.
"Humarap ka sa amin!" rinig ko ding sagot ni Avi.
"Sabing humarap ka sa e!" muli nyang sigaw.
Dahan dahan akong humarap sa kanila, syet inalis ko na yung mask ko e.
Nakita ko kung papaano lumaki yung mga mata nila.
"D-drea!"
"Drea!" sabay nilang sigaw
Fast forward:
"Paano?" seryusong tanong ni Kylie. Nandito na kami ngayun sa bahay namin.
"Kinailangan ko lang magpalakas ulit." ani ko.
"Hayaan nyo muna syang magpaliwanag. Alam kong may dahilan kung bakit nya nagawa yun." ani naman ni Kelvin
"May alam ka ba tungkol dito?" bigla akong napatingin ka Skyle nang bigla syang magsalita. Nakatingin naman ito kay Kelvin.
"Madalas ay di ka na sumasama sa amin at sinasabi mo na may importante kang gagawin. So, ito ba yung sinasabi mong importante?" anas ni Skyle. Natahimik naman kami.
"Pano kung sabihin kong oo?" sagot naman ni Kelvin.
"Totoo nga? May alam ka dito?" tanong muli ni Skyle.
"Oo, may alam ako diti" seryosong sagot ni Kelvin.
"Pero pinalabas nyong patay na si Drea. Ni hindi man lang namin alam kung ano bang nangyayari." napatingin naman ako kay Avi.
"Don't you trust us, Drea?" biglang tanong ni Kylie.
"I do, may tiwala ako sa inyo" ani ko.
"But why?! Bakit hindi mo sinabi sa amin yung balak mo? Bakit di mo kami tinawagan or nagpakita man lang sa amin?" ani ni Kylie, sasagot sana ako ngunit bigla syang umalis sa harapan ko at sinundan naman sya nila Avi. Alam kong galit sila ngayon sa akin pero ano pa bang magagawa ko?
"Magiging maayos din ang lahat, maiintindihan ka din nila. Kaya wag ka nang mag alala. Magpahinga ka na din at tatawagan ko muna si Khen para ipaalam na alam na nila at nandito ka sa condo" tumago na lamang ako at pumasok sa kwarto.
May tiwala naman ako sa kanila. Ayaw ko lang muna sanang magpakita sa kanila, pero may plano naman kasi ako e.
Pumunta muna ako ng banyo at para maligo. Humiram din ako ng t-shirt nya at pants dahil di naman ako pwedeng matulog nang ganito nuh. Di naman siguro yun magagalit.
Humiga na muna ako sa kama. Paano ko kaya maipapaliwanag sa kanila na gusto ko lang naman silang protektahan.
Sa ilang minuto na pag-iisip ay na nakaramdam din ako ng antok.
Nagising na lamang ako sa mga bulungan galing sa labas ng silid.
"Kayo na ba?" rinig kong tanong.
"Oo, siguro" sagot naman nung isa.
"Kung sakali man na kayo talaga ang magkatuloyan at magkagusto sya sa iyo ay susuporta ako. Kasi di ko naman sya deserve at mas deserve mo sya. Alam ko din na may gusto ka sa kanya." sa tingin ko ay bosea yun ni Skyle.
"Paano mo nalaman?" sagot naman ni Kevin.
"Halata naman sa kilos mo, kung paano mo sya ingatan at intindihin at lalaki din ako kaya alam ko ang kilos mo." ani naman ni Skyle.
Sa loob ng isang taon na nawala ako ay si Kelvin ang lagi kong kasama. Nagtapat din sya sa akin na may gusto nga sya sa akin. Sa una medjo awkward pero di naman sya mahirap mahalin kaya sinubukan ko.
"Salamat pre!" sagot naman ni Kelvin.
"Pinaliwanag ko na din sa kanila Kylie yung sitwasyon. Babalik sila dito mamaya para kausapin at kamustahin si Drea. Di rin naman kayang magtampo ng mga yun kay Drea." napangiti na lamang ako sa sinabi ni Skyle. Dahan dahan akong lumabas sa kwarto.
"Love, gising ka na pala " ani ni Kelvin, ngumiti lang ako dahil medjo awkward. Lumapit ako at tumabi kay Kelvin.
"Alam kong awkward to for you but I don't mind naman. May gusto ako sayo but I know that I don't deserve you." nakangiting anas ni Skyle.
"Thank you" yun lang ang nasabi ko dahil diglang may kumatok sa pintuan at binuksan iyon ni Kelvin.
Nakita kong sila Avi at Kylie ang niluwa ng lintuan na iyon.
"Drea!" muntik na kaming matumba nang bigla silang tumakbo papunta sa akin.
"We miss you!" ani ni Kylie.
Pinaliwanag ko na sa kanila kung bakit kinaingan kong magtago at pati narin ang relasyon namin ni Kelvin. Tanggap naman nila iyon at sobrang saya ko dahil doon.
Nabuo ulit kaming tatlo at wala nang samaan ng loob. Namiss ko to.
"I love you" napatingin ako kay Kelvin.
"I love you too" nakangiti kong anas. Hindi ko alam na si Kelvin pala ang makakatuluyan ko. Pero ganon nga talaga ang buhay nuh, may mga bagay tayong di inaasahan na mangyari.
"THE END"
Salamat sa pagbasa ng novel na ito at sana ay nagustuhan nyo. Sorry kung ganito yung ending at ngayun lang ako nag-update. Ito kasi yung pinakauna kong nasulat na novel.
Meron akong bagong novel na ilalabas and sana ay supportahan nyo din.
Thank you guys and God blessDownload Novelah App
You can read more chapters. You'll find other great stories on Novelah.
Book Comment (636)
Share
End
Recommendations for you
I like the story
07/09/2023
0the story was all about her and his crush, who became her classmate
08/08/2022
7Wonderful story of two people
08/08/2022
0View All