Homepage/FORGETTING MY FEELINGS FOR YOU/
:Kidnap
Someone's POV:
Ngayong gabi kami sasalakay. Matagal na namin tong plinano at di ako makakapayag na masira lang to basta basta.
"Handa na ba lahat?" tanong ni Leon.
"Tapos na ang maliligayang araw nyo!" sigaw nya pa sabay tawa.
"Tama na yan! Kailangan na nating umalis" saad ko sabay sakay sa sasakyan.
Kunti nalang mauubos ko na kayo. Napangiti nalang ako.
Neal POV:
Masama daw ang pakiramdam ni Drea pero bumaba parin sya dito. Nandito kami ngayon sa garden kasi gusto nya daw akong kausapin at may importante daw syang sasabihin.
"Neal, kinakabahan ako. Parang may masamang mangyayari. Please, ilayo mo muna sila Kylie dito" nanginginig nyang sabi.
"Ano bang sinasabi mo? Hindi ka namin pweding iwan" nakakunot kong anas.
"Ayos lang ako, wag nyo akong intindihin! Umalis na kayo habang maaga pa" ani nya at iniwan akong mag-isa.
Nakapag-ayos na kami ng mga gamit at lalabas na sana kami pero napatigil kami.
"Did you miss me, anak?" nakangiti nyang anas.
"P-pa? T-tito Leon" kinakabahan kong anas. Tama nga yung hula ni Drea. Naglakad kami patalikod hanggang sa makalayo kami sa kanila.
Narinig kong tumahol si Tiny. Alam kong gusto nyang protektahan yung amo nya. Tinignan ko si Drea at ngayun ko lang ulit syang makita na ganito kaseryoso. Para syang papatay. Nasa likod namin sila Kylie at halatang natatakot sila dahil nanginginig sila at umiiyak.
"Kamusta aking pamangkin? Namiss mo ba ako?" tanong ni Papa
"Why would I?" tanong nya na ikinatawa naman ni Papa.
"Patahimikin mo nga yang aso! Napakaingay!" sigaw ni Tito Leon at umakyong lalapit kay Tiny kaya umatras ito.
"Wag mo syang lalapitan!" hiyaw ni Drea at patuloy parin sa pagtahol si Tiny. Nagulat nalang ako nang makarinig ng putok ng baril at natumba si Tiny sa sahig.
"PUTANG INA!" sigaw ni Drea na ikinagulat namin. Patakbo nyang itong nilapitan at hinawakan.
"Tiny, No baby! Please, don't leave mama" mahina na anas ni Drea pero sakto rinig lang para marinig namin at paghikbi nya.
"No! I still need you baby!" sigaw nya pa. Naririnig ko yung iyak ni Tiny dahil sa sakit. Syet! Alam kong dobleng sakit yung nararamdaman nya nyayun. May sinat pa sya at hindi malayong mabinat sya.
"Putangina! B-bakit?!" sigaw nya habang yakap yakap si Tiny. Wala na, patay na sya.
"What a scene!" natatawang anas ni Tito Lion.
Dahan dahan na binatawan ni Drea yung katawan ni Tiny at tumayo. Puro sya dugo at nakakatakot yung awra nya. Susugodin na sana nya si Tito pero hinarang at pinagtulongan sya nung mga tauhan nila Papa. Wala kaming magawa.
"No! Don't hurt her! Please" sigaw ni Kylie pero di padin sila nakinig.
"Stop! Itigil nyo na yan!" hiyaw ni Papa kaya tumigil na sila. Nakita namin si Drea na madaming sugat at walang malay. Alam kong wala syang nararamdaman na sakit pero durog na dutog na sya sa loob. Nilapitan namin sya.
"I'm sorry, Drea. Sana mapatawad mo ako" rinig kong bulong ni Avi.
Ilang minuto lang ang tumagal ay nakaramdaman ako ng hilo dahil may ipinaamoy sila sa amin.
Nagising nalang ako na walang kasama at ako lang ang nandito. Tumingin ako sa paligid at nakita ko yung katawan ni Tiny na wala nang buhay.
Skyle Cristuval POV:
Nagising ako dahil sa iyakan at sigawan.
"Please! Pakawalan nyo na kami!" rinig kong sigaw ni Kylie. Namamaga ang mga mata nya at halatang pagod na sya.
Tumingin naman ako sa kamilang gilid at nakita ko dun si Drea. Gising na sya pero parang wala syang naririnig dahil hindi man lang sya kumikibo. Puno din sya ng galos at dugo yung damit nya. Alam kong masama pa ang pakiramdam nya dahil may sinat pa sya at di pa gaanong gumaling.
Nakita kong bumukas yung pintuan at pumasok dun yung lalaking puro tatto ang mga braso.
"Tumahimik nga kayo! Walang makakarinig sa inyo kahit na anong sigaw nyo!" sigaw nung lalaki at lumapit sa amin.
"Kumain na kayo! Baka sabihin nyo ginugutom namin kayo" sabi nya sabay baba ng plato. Kaunti lamang ito at sa palagay ko ay hindi pa ito kakasya sa aming anim.
"Wala bang dagdag yan kuya?" tanong ni Gino.
"Hihirit ka pa! Pasalamat nga kayo binibigyan ko kayo ih!" ani nya sabay labas.
"Sige na, kumain na kayo" sa wakas ay nagsalita na din si Drea.
"Pano ka?" tanong ni Kelvin.
"Ayos lang ako tsaka di naman ako gutom" mahina nyang anas.
Tumango nalang kami at kumain. Ito ba yung nakikita ko dati sa mga panaginip ko.
Nakakalungkot lang kasi nadamay sila sa gulong ito, lalo na si Drea.
Tinignan ko sya, nakatulala lang sya at alam kong malalim ang iniisip nya. Naawa ako sa kanya kanina pero wala kaming magawa. Hindi ko maigalaw yung katawan ko kanina dahil ngayun lang ako nakarinig ng putok ng baril.
Aaminin ko nakokonsensya ako dahil wala man lang kaming nagawa habang pinagtutulongan sya. Nakita ko din kung paano sya magwala nung bunaril yung aso nya. Pero wala e, aaminin ko naduwag ako.
*See you on the next chapter*
Hi mga Joyful! Kamusta yung 3 kong readers! Sana goods lang kayo! Don't worry sisikapin kong mag-update everyday at pasensya na kong may mga ERROR. Please pa-rate po ng 5 stars, pafollow na din ay pwede din kayong mag-iwan ng comment sa comment section(PLEASE! BE KIND!) Thank you and Luvu guys! Spread love not HATE!Download Novelah App
You can read more chapters. You'll find other great stories on Novelah.
Book Comment (636)
Share
Related Chapters
Latest Chapters
I like the story
07/09/2023
0the story was all about her and his crush, who became her classmate
08/08/2022
7Wonderful story of two people
08/08/2022
0View All