Homepage/FORGETTING MY FEELINGS FOR YOU/
:Bar time
Alexandrea Sofia Kate Alvarez POV:
Dahil 18 naman na kaming lahat at nasa legal age na ay pinayagan na kaming pumasok sa loob.
"Alam nyo ba dati, gumagamit kami pa ng Fake I.D para lang makapasok dito but now! Totoong I.D na yung ginagamit natin" kwento ni Kylie at medjo may tama na.
"Pumupunta kayo sa ganitong lugar?" tanong ni Gino.
"Oo pero minsan lang. Di kasi kami pumupunta pag di naman kasama si Drea" sagot naman ni Avi.
"Bakit naman?" tanong naman ni Skyle. Skyle ba pangalan nun? Di ko na kasi sya kilala ih. Gigil ako sa kanya.
"Because -" di na natuloy ni Avi yung sasabihin nya dahil sumabat na si Kylie.
"Tara! Dance tayo!" hiyaw nya kasi medji malakas yung sounds dito. Di na ako nakasagot dahil hinila na nila ako papunta sa dance floor.
Sumayaw nalang din ako pero ilang minuto lang ang nakalipas ay parang may nararamdaman akong humahawak sa baywang ko pero pinagsawalang bahala ko nalang yun kasi baka nasagi lang pero habang tumatagal ay bumababa ito at dumako na sa pwet ko.
"Tangina! Bitawan mo nga ako!" mahina pero pagalit kong anas at talagang tinawanan lang ako ng gago. Hinila ko na sila Kylie at Avi pabalik ng table namin.
"Anong nangyari sa mukha mo Drea? Bat ka nakabusangot?" tanong ni Kevin.
"May mga bastos kasi dun!" sagit naman ni Avi.
"Yeah! Hinawakan niya yung butt ni Drea!" sagot naman ni Kylie.
"Ano, sino dyan?! Ituro nyo!" sagot naman nila.
"Hayaan nyo na, baka lasing lang!" pigil ko sa kanila.
"Hindi Drea! Hayaan mo sila para- Sabi ko nga tatahimik na !" di na natuloy ni Avu yung sasabihin nya dahil nilakihan ko sya ng mata.
"Okay lang ako! Wag nyo akong intindihin" anas ko sabay ngiti.
"C.R lang ako!" paalam ko at tumango naman sila.
"Samahan nyo ko!" saad ko sabay hila sa dalawa.
"Ano ba yan!" reklamo nila pero sumunod nalang din sila.
Pumasok na kami sa C.R. Umihi ako at nag- retouch naman yung dalawa. Pagkatapos namin ay lalabas na sana kami pero may mga ugok na humarang sa amin.
"Hi girls!" ani nya habang may nakakalokong ngiti.
"Excuse us" mahinahon kong anas at maglalakad na sana kami sa gilid pero hinarang naman nya ako.
"Ano bang problema nyo huh?!" sigaw ni Avi.
"Chill!" ani nung lalaking nasa harapan ko at itinaas pa yung dalawa nyang kamay.
"Gusto lang namaing makipagkaibigan sa inyo. Lalo na sayo" ani nya sabay tingin sa akin.
"Oo nga!" pagsang-ayon naman nung dalawa nyang kasama.
"Wala kaming time para sa inyo!" hiyaw ni Kylie. Tahimik lang ako pero kanina pa ako napipikon e!
"Gusto lang naman namin kayong imbitahin sa labas" nakangiting saad nung isa at tinignan ko naman sila Avi at Kylie at tumango naman sila.
"Ok, san ba tayo? Paalam muna kami sa mga kasama namin ah" ani ko.
"Wag na! Napa-alam na namin kayo kanina!" saad naman nung isa.
"Ganon ba? Oh sige" anas ko at pekeng ngumiti. Lumabas na kami at pumunta sa parking lot. Hinila ko muna sya at napahinto naman sya sa paglalakad kaya napahinto din sa paglalakad yung mga kasama namin.
"Ano nga palang pangalan mo?" nakangiti kong anas.
"Jonas!" maikli nyang anas at bago pa ulit sya mag-lakad ay hinila ko ulit sya at dahan dahang hinawakan ang kanya mukha, naghiyawan naman yung mga kasama nya.
"Naranasan mo na bang masuntok ng babae?" nakangiti kong tanong at nakangiti din naman syang umiling.
"Hindi pa at naniniwala akong walang makakagawa nun dahil mahihina ang mga babae" pagmamayabang nya at hahalikan na nya sa ako pero agad ko syang sinuntok at bumagsak naman sya.
Skyle Cristuval POV:
"Ang tagal naman nila. Kanina pa sila pumunta sa C.R , diba?" nakakunot na anas ni Kelvin at tumango naman kami.
"Diba pumunta ka sa banyo kanina? Di mo ba sila nakita?" tanong ko kay Gino.
"Ay oo nga pala! Nakita ko sila tas may kasama silang tatlong lalaki tas lumabas sila. Sa parking yata sila pumunta" napalaki naman yung mga mata ko dahil sa sinabi nya.
"Gago ka ba o bobo ka lang talaga? Bat ngayun mo lang sinabi!" hiyaw ko sa kanya.
"Aba' y malay ko ba?" sasagot pa ang bobo.
Lumabas na kami para hanapin sila. Dumiretsyo kami sa Parking lot at nandun naman sila. Nakatayo lang sila Kylie at Avi habang nakatingin kay Drea na nakikipagsuntukan. Pupuntahan na sana namin si Drea pero pinigilan kami nila Avi at Kylie.
"Let her!" seryosong ani ni Kylie habang di naman kumikibo si Avi. Nakita ko kung pano nya pabagsakin yung mga lalaking malalaki ang katawan. Nagulat nalang kami nung biglang pukpukin ng babasaging bote sa balikat si Drea pero nilingon nya lang ito at seryosong tinignan. Sinutok nya ito at parang wala manlang syang naramdaman na sakit nung pinalo sya ng babasaging bote.
Nung nakahiga na yung mga lalaki at nagmamakaawa saka lang lumapit yung dalawa nyang kaibigan.
"Akin sa mga cellphone nyo" ani nya at di naman sila kumilos.
"Bilis!" sigaw nya at nag-unahan pa silang ibigay.
"Smile~~!" maarteng hiyaw ni Kylie. Kinuhan nila Kylie ng litrato yung mga lalaki at pinost sa mga social media nila at may caption pa na ' Natalo kami ng iisang babae'. Pagkatapos nun ay nagtawanan naman silang tatlo. Pambihira!
See you on the next chapter*
Hi mga Joyful! Kamusta yung 3 kong readers! Sana goods lang kayo! Don't worry sisikapin kong mag-update everyday at pasensya na kong may mga ERROR . Please pa-rate po ng 5 stars, pafollow na din ay pwede din kayong mag-iwan ng comment sa comment section (PLEASE! Kung alam mong di maganda yung icocoment mo ay wag mo nang ituloy dahil nakakaapekto sa author) Thank you and Luv u guys! Spread love NOT HATE!Download Novelah App
You can read more chapters. You'll find other great stories on Novelah.
Book Comment (636)
Share
Related Chapters
Latest Chapters
I like the story
07/09/2023
0the story was all about her and his crush, who became her classmate
08/08/2022
7Wonderful story of two people
08/08/2022
0View All