Homepage/FORGETTING MY FEELINGS FOR YOU/
Chapter 19:
Take care
Alexandrea Sofia Kate Alvarez:
Malalim na ang gabi at hindi pa din ako makatulog dahil sa pag-iisip ng mga posibleng mangyari.
"Alexandre! Please talk to me!" rinig kong hiyaw sa baba kaya agad kong sinilip yung bintana para malaman kung sino yung sumisigaw.
"Sir, umalis na po kayo bago pa ako tumawag ng mga pulis" pagtataboy ng guard namin.
"HINDI! Gusto ko lang kausapin si Drea! At hindi ako aalis hanggang nya ako kinakausp" papaliwanag nya.
Ano nanaman ba to? Nakakahiya kaya sa mga kapitbahay! Kahit kailan talaga!
Di ko nalang sya pinansin at bumalik sa kama. Mamaya mapapagod at susuko din yan at super sure ako dun.
Humiga nalang ulit sa kama ko pero ilang minuto lang ang lumipas ay biglang bumuhos ang malakas na ulan.
Nandyan pa kaya sya? Baka umuwi na yun, di naman yun magpapaulan para sa akin nuh. Kaya pumikit nalang ako at pinilit ko nalang matulog.
"Alexandrea Sofia Kate Alvarez! Please naman, kausapin mo na ako!" hiway ulit nya kaya napamulat agad ako sabay tumayo at lumapit sa bintana. Nandun padin sya at nagpapaulan. Nababaliw na ba sya?! Baka magkasakit sya nyan tas kasalanan ko pa.
Bumaba agad ako at kumuha ng payong at lapitan sya para kausapin sya. Binuksan ko na yung gate para papasukin sya. Sinabi ko kasi sa guard namin wag syang papapasukin hanggang hindi ko sinasabi.
Nang makapasok sya ay pinatuloy ko muna sya sa guest room at bumalik na muna ako sa kwarto ko para kumuha ng mga damit na kasya sa kanya. Pinili ko yung mga baggy clothes na meron ako. Kulay puti yung t-shirt at itim naman yung pants. Pagkatapos ko kumuha ay pinuntahan ko na sya sa guest room at pinaligo.
"Ito, gamitin mo muna yan. Pagpasensyahan mo na yan lang kasi yung damit ko na kakasya sayo" ani ko. Lalabas na sana ako pero hinawakan nya bigla yung braso ko.
"Mmmm.... pwede bang mag-usap na muna tayo?" tanomg sakin ni Skyle. Para syang lasing dahil sa pagsasalita nya.
"Maligo ka na muna tas i-blower mo na din yang buhok mo, baka magsakit ka nyan. Kukuha lang ako ng makakain mo sa baba" anas ko at lumabas ng kwarto.
Natutulog na yung mga kasambahay namin at ayaw ko naman silang istorbohin sa pagtulog para lang utusan, kaya ako na ang gumawa tsaka kaya ko naman. BISIC!
Pagkatapos kong maghanda ng pagkain ay pumunta na ko sa kwarto. Pagpasok ko ay nagbloblower na sya ng buhok nya. Natatawa lang ako kasi ang liit ng damit ko sa kanya at nagmukha sya sampayan.
"Ehemm.. ito na nga pala yung pagkain. Uminom ka na din pala ng gamot pagkatapos mong kumain" saad ko.
"S-salamat" ani sya at ngumiti pero tumango lang ako sa kanya.
Maaga akong nagising para i-check sya pero ang sabi ni Manang Lita ay maaga daw syang umalis. Kaya nag-ayus nalang ako para makapasok na sa school at pagkatapos kong mag-ayus at gawin ang morning routine ko ay bumaba nadin ako. Di pa din umuuwi sila mama at papa.
"Hija, kumain ka muna bago ka pumasok" pag-aaya ni Manang Lita.
"Hindi na po Nay, malalate nadin po kasi ako" saad ko sabay ngiti.
"Ay ganon ba? Sige, magbaon ka nalang ngarod!"
"Ayus lang po talaga ako Nay" nakangiti ko ani at tumango nalang sya dahil hindi na nya talaga ako mapipilit. Nagpaalam na ko sa kanila.
Pagkalabas ko ay sumakay na ko sa kotse ko at pinagbuksan nadin ako ng gate nung guard namin. Ako ang nagdridrive para sa sarili ko ngayun dahil wala si Kuya Dany kasi sinama sya nila mama at papa para daw salitan yung magmamaneho para sa kanila.
Ilang minuto lang ay nakarating nako sa school. Pagkatapos kong iparada yung kotse ko ay naglakad ako papunta sa room namin. Nang makarating nako sa classroom ay halos nandito na kaming lahat pero may isang nawawala at yun ay si Skyle.
"Wag mo nang hanapin si brother kasi hindi sya papasok ngayun" may biglang nagsalita sa gilid ko.
"Di ko naman sya hinahap nuh. Pero bakit nga ba di sya papasok?" tanong ko at nagtinginan naman sila.
"Di daw hinahanap pero tinatanong kung bakit absent yun lalab nya" nagtawanan silang dalawa dahil sa sinabi ni Avi.
"EPAL SYA OH! Pero bakit nga?" seryoso kong tanong sa kanila.
"Cuz he's sick. Pag-uwi nya kaninang umaga ay sinisipon na sya at masakit daw yung ulo nya" sagot naman ni Kylie.
Buong klase akong tulala nakokonsensya ako dahil sakin ay nagkasakit sya kaya naman nagcutting ako at pumunta sa bahay nila. Wag gagayahin!
Nang nasa harap na ako ng bahay nila ay pinagbuksan ako nung guard nila at pumasok nadin ako sa loob.
"Oh hija, napadalaw ka?" nakangiting anas ni Tita Shine sabay beso.
"Nabalitaan ko po kasing may sakit daw po si Skyle. Bibisitahin ko lang po sana" magalang kong pahayag sa kanya.
"Ay ganon ba? Nasa taas sya at ayaw nyang kumain. Ikaw nalang magpakain sa kanya" nakangiting anas ni Tita.
"P-po?" tanong ko sa kanya.
"Sige na!" ani nya sabay bigay sakin ng mangkok na may laman na lugaw at tinulak ako papataas ng hagdanan kaya wala akong choice kung hindi umakyat.
Nang nasa harap na ako ng kwarto nya ay kinatok ko muna ito pero walang sumasagot kaya pinihit ko yung doorknob at nakabukas pala kaya pumasok na ako.
Kadiliman ang bumungad sa akin kaya hinanap ko muna kung nasaan yung switch ng ilaw at nang mahanap ko ay i-on ko na agad. Napagod kaya ako sa paghahanap ng switch!
"What are you doing here?" may biglang nagsalita sa likod.
"AY KABAYO!" gulat ko hiway.
"Ano ba naman yan! Bat ka ba nanggugulat" hiway ko sa kanya at tinakpan naman nya yung tainga nya na parang sobrang naiingayan sya.
"Don't shout! Ang ingay mo!" bulyaw nya sa akin at tumalikod sabay higa sa kama nya.
Napakalamig sa kwarto nya kaya hininaan ko muna yung aircon kasi parang magiging ice na ko dito.
"Kumain ka ba?" tanong ko pero umiling lang sya at di sumagot. Kaya sinubuan ko nalang sya pero di nya binubuka yung bunganga nya.
"Nganga!" seryoso kong saad pero tinignan nya lang ako na parang gulat na gulat.
"Kainin mo na to para makainom ka na din ng gamot" saad ko at sinunod naman nya ako. Pagkatapos ko syang pakainin ay pina-inom ko na din sya ng gamot at kumuha ng extra kumot para di sya lamigin. Kumuha din ako ng bimpo at binasa ko din ng malamig na tubig at inilagay sa noo nya para kahit papaano ay mabawasan yung lagnat nya.
Nang matapos na ko ay humiga muna ako sa sofa na nasa paanan nya para magpahinga dahil napagod ako sa pag-alaga sa damulag na ito.
Di ko na malayan na nakatulog na pala ako. Nagising nalang ako kasi pakiramdam ko may nagmamasid sa akin kaya minulat ko agad yung mga mata ko at natanaw ko agad si Skyle.
"Hala! Sorry, nakatulog ako!" paghingi ko ng tawad.
"No! It's okay" ani Nya.
" Ayus na ba yung pakiramdam mo?" tanong ko sa kanya.
"Medjo masakit nalang yung ulo pero kunting pahinga nalang to" ani nya at tumango nalang ako.
"Magpahinga ka muna- Bat ka ganyan ka makatingin?" tanong ko sa kanya. Kakaiba kasi syang tumingin, para bang may masama akong ginawa sa kanya.
"Di ko lang kasi alam kong bakit kamukha mo yung batang nasa panaginip ko" nagulat naman ako dahil sa sinabi nya. Pano?
"H-huh? Anong sinasabi mo?" kinakabahan kong anas.
" Lately kasi laging may mga bata sa panaginip ko at di ko alam kung bakit" paliwanag nya.
Pagkatapos ng pag-uusap namin ay nagpaalam na ako sa kanya at sa kanila Tita't Tito. Mga alas-onse na ako naka-uwe at sumalubong sa akin ang anak kong si Tiny.
Umakyat na ko sa kwarto ko at nagshower. Pagkatapos nun ay dumiretso na ko sa kama at natulog. Katabi ko nga din pala si Tiny at halos sakop na nya ang buong kama ko. My Gosh!
*See you on the next chapter*
Pasensya na kong may mga ERROR. Please pa-rate po ng 5 stars, pafollow na din,pwede din kayong mag-iwan ng comment sa comment section.Thank you and Luv guys❤💕Download Novelah App
You can read more chapters. You'll find other great stories on Novelah.
Book Comment (636)
Share
Related Chapters
Latest Chapters
I like the story
07/09/2023
0the story was all about her and his crush, who became her classmate
08/08/2022
7Wonderful story of two people
08/08/2022
0View All