Chapter 18: Start

Alexandrea Sofia Kate Alvarez POV:
Pumasok ako sa school na parang walang kabuto buto kasi sobrang bigat ng katawan ko at parang kahit anong oras mapuputol ako.
"Bhiee, okay ka lang ba? Kanina pa kasi namin napapansin na parang wala ka sa mood at di mo din ginagalaw yang pagkain mo" nag-aalalang ani ni Avi.
"Yeah! Spill the tea" sabat naman ni Kylie.
"No, I'm okay! Wag nyo nalang akong pansinin" anas ko at ngumiti ng pilit.
"Hi guys!" hiway nila Gino at David sabay upo. May naramdaman ako na umupo sa tabi ko pero di sya pininsin at tumayo agad.
"Drea, san ka pupunta?" tanong naman ni Kelvin.
"May tataposin pa kasi ako" ani ko at ngumiti ng pilit.
Well totoo naman na may tataposin pa ko pero pumunta muna ako sa C.R kasi na iihi na ako.
Nang makalabas nako sa cafeteria ay may naramdaman akong sumusunod sa akin kaya naman binilisan ko ang paglakad ko. Napagdesisyonan ko na pumunta nalang sa likod ng school para malaman ko kung sinusundan nya pa ako , kaya binilisan ko pa ang lakad ko at nagtago sa likod ng puno.
"Hello boss, natakasan ko ako. Sige po!" may kausap sya sa cellphone nya. Aalis na sana sya pero agad akong lumabas sa tinataguan ko at sinipa sya sa likod kaya naman natumba sya.
"BAKIT MO AKO SINUSUNDAN?! SINONG NAG-UTOS SAYO?!" hiyaw ko sa kanya at sinuntok sya ng malakas.
"A-anong bang sinasabi mo?" tanong nya sa akin at medjo nahihirapan na syang magsalita dahil sa pagsuntok ko sa kanya. Sinubukan nya akong gantihan at nagtagumpay naman sya dahil nakasuntok sya sa akin pero isa lang at dahilan para mapa-upo ako pero nakatayo din ako agad nang susugod sana ulit sya sa akin ay hinawahan ko ang mga braso nya at ibinalibag sya sa lupa at pinagsusuntok.
"Wag ka nang magmaang maangan pa! Narinig kong may ka-usap ka sa telepono mo at tinawag mong boss!" galit kong anas sa kanya. Alam kong nagsisimula nanaman syang gumawa ng plano pero di sya magtatagumpay.
Tinawagan ko muna si Tito para ipaalam sa kanila.
"Hello po Tito! Emergency meeting po. Opo! kita nalang po tayo sa under ground. Paki tawagan nalang din po si Papa tas paki sundo nalang po sila Kylie para makasunod po sa atin. Di ko po kasi sila kasama" pagpapaliwanag ko kay Tito.
Pagkatapos ng pag-uusap naming iyon ay sumakay na agad ako sa kotse ko kasama yung bob* na natutulog ngayun dahil sa lakas ng pagkasapak ko. Nakalimutan ko tuloy umihi. Bwesit!
Skyle Cristuval POV:
Umalis si Drea na di manlang ako kina-usap, baka galit. Nagtatawanan sila pero di ako nakikisali kasi wala ako ngayun sa mood.
Biglang tumunog yung cellphone nila Kylie at Avi dahil may tumatawag at may nakasulat na EMERGENCY.
"Excuse us!" pagpapaalam nila pero tumango lang kami. Sinagot nila yun pero ilang minuto lang ang lumipas ay bumalik agad sila at nagpaalam na may tataposin pa daw sila. Bago sila umalis ay napansin ko lang na pinagpapawisan at halatang kinakabahan sila.
Nagtime na kaya nagsipasok na kami sa room. Nagsimula na ang klase pero wala parin yung tatlo. Ano kaya yung importanteng gagawing nila?
Di ako makapag focus dahil sa pag-iisip kong ano ba talaga yung ginawa nilang importante.
Ano bang paki-alam ko sa kanila, sa kanya?
"Mr. Cristuval! Are you listening?" napatayo agad ako dahil sa pagtawag ng pangalan ko.
"S-sir?" kinakabahan kong tanong.
"Who is the father of history?" tanong nya sa akin. Aba, malay ko ba. Di ko naman sya kamag-anak.
"Don't worry sir! Pagnaka-usap ko sya, babalitaan po kita" sagot ko pero parang lalo syang napikon.
"You-! Class dismissed!" di nya natuloy yung sasabihin nya kasi tumunog na yung bell.
"Gago ka! Baka lalong mapanot yun!" natatawang anas naman ni Gino.
"Sino ba kasing tatay ng history?" tanong ko sa kanila.
"Tatay mo" sabat naman ni David kaya nagtawanan kami.
"Gago!" ani ko sabay batok sa kanya.
Palabas na sana kami ng classroom pero nakasalubong naman si AJ. Siya yung bagong kaibigan ni Drea. Maganda sya, makinis at kulay gatas ang kutis. Lumapit sya sa amin.
"Hi, nakita nyo ba si Alexandrea?" tanong nya sa amin.
"Hindi ih! Hindi sila pumasok ng last subject. Bakit?" sagot naman ni Kelvin.
"Ganon ba? W-wala! Sige, salamat! " ani nya sabay talikod at lakad papalayo. Nakakapagtaka lang pero pagkasama namin si Drea ay bigla syang sumusulpot tas minsan paglilingunin ko sya ay ang sama ng tingin nya sa akin na parang may inagaw ako sa kanya at may iba pa akong napapansin na kakaiba sa babaeng yun.
Nagpaalam na ako sa kanila kasi nagpangako ako kay Mommy na maaga ako ngayung uuwi.
Ilang minuto lang ay nakarating na ako. Pinagbuksan ako ng gate nung guard namin at sya na din yung nag-park ng sasakyan ko.
Pagpasok ko sa loob ay may maingay sa kusina kaya naman pinuntahan ko.
"Ayus ka lang ba talaga?" tanong ni Avi at tumango naman si Drea. Napansin ko na may pasa sya sa tabi ng labi nya. San naman kaya yun nanggaling?
Aalis na sana ako pero bigla kong nabangga yung isa sa mga kasambahay namin kaya napalingon sila sa akin. Letche naman.
"S-sorry po Sir" paghingi nya ng tawad.
"Ayus lang po" magalang kong sagot at tumango naman sya, syempre kahit na gago ako may galang parin ako nuh.
"Kanina ka pa dyan?" tanong nila kaya humarap ako sa kanila.
"H-huh? Hindi! K-kakadating ko lang" kinakabahan kong anas at ngumiti ng pilit. Lalo pa akong kinabahan ng makatitigan kami ni Drea, ang seryoso kasi ng mukha nya at isama mo pa yung pasa nya. Parang mangangain ng buhay.
Ilang oras pa ang nagtagal ay nagpagpasyahan na nilang umuwi. Nagprisinta ako na ihatid sya pero sabi nya may kotse daw sya kaya hinatid ko nalang sya sa labas.
"Drea, can we talk?" tanong ko sa kanya.
"Naguusapan naman na tayo" sagot nya sa akin.
"Bat mo ba ako iniiwasan?" inis kong tanong sa kanya.
"Ikaw kaya paghintayin ko ng 6 hours tas umulan. Sa tingin mo ba matutuwa ka?" anas nya.
"Yun lang ba ang kinagagalit mo?" tanong ko pero lalong nag-iba ang timpla ng mukha nya.
"Lang? Pina-asa mo ako Skyle! Tapos para sayo Lang?" anas nya at tumalikod tapos sumakay sa sasakyan nya at nagmaneho papalayo. Halatang pinipigilan nya yung iinis na kahit na pulang pula na yung mukha nya.
Di ko nalang yung pinansin at pumasok na sa loob pero nakasalubong ko si Kylie.
"You know what di lang ganyan magalit si Drea at sa aming tatlo sya ang pinakamahaba ang patience pero sya din ang pinakamasamang magalit. Kaya kong may plano kang himdi maganda , wag mo nang ituloy" saad nya sabay talikod at lakad papalayo. Matulala naman ako dahil sa sinabi nya. Itutuloy ko pa ba yung plano ko o ititigin ko nalang? Naguguluhan ako!
*See you on the next chapter*
Pasensya na kong may mga ERROR. Please pa-rate po ng 5 stars, pafollow na din, pwede din kayong mag-iwan ng comment sa comment section.Thank you and Luv guys❤💕

Book Comment (636)

  • avatar
    Mariane Mae Millarpis Co

    I like the story

    07/09/2023

      0
  • avatar
    Maria Cristina Estil

    the story was all about her and his crush, who became her classmate

    08/08/2022

      7
  • avatar
    Lystra

    Wonderful story of two people

    08/08/2022

      0
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters