Skyle Cristuval POV: Wednesday palang ngayun kaya kailangan kong pumasok kahit na tinatamad ako. Alam nyo naman Graduating na kaya kailangan kong umayos. Dumating ako sa school saktong 7:30. Dumiresyo na agad ako sa classroom at umupo sa upuan ko, alangan namang sa sahig? Joke lang! Ito naman di mabiro! Ilang minuto lang ay dumating na si Miss Sam at nagsimula na din syang magturo. Pero katulad ng nakasanayan ay di ako nakikinig at nakatingin lang ako sa aking notebook habang nag-iisip ng maaring iguhit. Pero napatigil ako at napatingin sa pintuan nung biglang magsalita si Miss Sam. "Ms. Alvarez? Bakit ngayun ka lang pumasok? Alam mo namang malapit na ang pageant" ani ni Miss kay Drea. Nakatayo lang sya sa may pintuan habang nakayuko. "I'm sorry po miss! Sumama po kasi yung pakiramdam ko kaya di po ako nakapasok" magalang nyang sagot kay Ma'am. "Oh sya! Pumasok ka na, malapit nanamang magtime" saad ni Ma'am at sinunod naman sya ni Drea. Nakita ko pa syang lumingon sa akin bago umupo. Hays! Nakakapanibago lang, lagi kasi syang ngumingiti sa aking pagnagkakatinginan kami. Namiss ko lang pero ano pa bang i-expect ko, e gago ako ih. Tsk Alexandre Sofia Kate Alvarez POV: Pumasok na ako ngayun sa school dahil hindi naman ako pwedeng mag-absent kahit gusto ko kasi naghahabol ako para maging Summa Cum Laude this year. Alam nyo naman! Gusto kong maging proud sila mama at papa sa akin.
Nakikinig lang ako sa discussion ni Miss Sam. Miss pa lang ang tawag namin sa kaniya kasi dalaga palang naman sya at nasa mga 20's palang. Mahaba din yung buhok nya at kulay gatas ang kulay ng kanyang balat. Napatigil nalang ako sa pagmamasid sa kanya nung nagring na ang bell. "Class dismissed! Bukas nalang ulit!" ani nya habang nag-aayos ng kanyang mga gamit. "Alexandrea, mag-practice ka ah! Naniniwala ako na maipapanalo mo to" habol nya pa bago lumabas ng pintuan. Hays! Dagdag pa sa iisipin ko yang pageant na yan! Pero goods lang pala kasi pagnanalo ako meron na akong grade sa P.E at iba pang sub. Medjo kinakabahan ako kasi ito yung unang beses na sasali ako sa patimpalak ng pagandahan. "Tara na! Gutom na ako!" saad ni Avi sabay hila sa amin papuntang cafeteria. Hays! Patay gutom choz lang! Nag-order na kami at naghanap ng mauupuan. Nang makahanap na kami ay nagsimula na din kaming kumain. 15 mins lang kasi breaktime namin. Pagkatapos naming kumain ay iniligpit nanamin at aalis na sana kami pero may mga chakang nangharang sa amin. "Pumasok na pala ang DERPERADA OF THE YEAR? HAHAHA! May gana ka pa palang pumaso pagkatapos ng nangyari? Ang kapal talaga ang face mo!" gigil nyang ani at wala akong pakealam dun. "Pwede ba? Ayaw kong makipagtalo sayo kaya tigil-tigilan mo ako" mahinahon ko ani at lalagpasan ko na sana sila pero hinawakan ng dalawa nyang alalay ang mga braso ko. Naghahanap talaga ng gulo ang mga tanga? "Bitawan nyo nga sya!" "Let her go!" rinig kong ani nila Avi at Kylie pero di sila makalapit dahil hinaharangan sila ng mga alalay ni Angel. "Shut up! Alam mo pikon na pikon na ako sayo ih! Mang-aagaw ka na nga, ambisyosa ka pa!" saad nya pero seryoso ko lang syang tinitignan. "Wag mo nga akong tignan nang ganyan!" ani nya. "Bakit natatakot ka ba?" tanong ko sa kanyan. "W-what?! Ako matatako sayo? Yuck!" anas nya. Tumingin na muna ako sa paligid at pinagtitinginan na pala kami. Attention seeker kasi itong babaeng to! Sa pagmamasid ko sa paligid ay nakita ko sya at wala syang ginagawa. Nakatayo lang sya at parang naghihintay ng susunod na magyayari. Tsk walang kwenta! "Bitawan nyo nga ako, magtitime na. At pag ako nalate sa next sub ko lalapain ko kayo" pagpupumiglas ko sa kanila. "Ang lakas naman talaga ng loob mo para utusan kami nuh!" "Oo nga!" anas ng mga lalaking naghahawak sa akin. Yayabang porket may kasama at malalaki ang katawan , tignan natin pagmag-isa ka lang. Sakalin ko kayo ih! "Bitaw na" mahinahon kong anas pero lalo nilang hinigpitan. "Sabing bitaw eh!" hiyaw ko sabay balibag kanila sa sahig at pinalo ko ng malakas yung table na nasa harap ko. Akalain mo yun mapuputol pala. Tumingin ako sa kanya at napalaki naman ang mga mata nya. "Alam mo ikaw, pikon na pikon na ako sayo ih!" ani ko sa kanya habang lumapapit at umaatras naman sya. "Wag kang lalapit!" hiyaw nya pero di ko sya pinakinggan kaya bigla na lang nya akong sinampal. Umakto akong sasampalin sya kaya naman napapikit sya at napa-upo. Natawa na lang ako. "Hahaha Palakasin mo muna mga alipin mo! Mamimilipit na sa sakit oh! Wala pa nga akong ginagawa ih. Hays mahihinang nilalang" panggasar ko kaya napamulat naman sya at tinignan ako ng masama. Tumalikod na ako at naglakad papalayo sa kanila. "TABI!" sigaw ko sa kanila kasi nakaharang sila sa daan ih. Mga marites! Pumunta muna ako ng clinic para makahingi ng bandage. Katulad ng dati di na naman ako nasakit tskk. *See you on the next chapter* Hi mga Joyful! Kamusta yung 3 kong readers! Sana goods lang kayo! Don't worry sisikapin kong mag-update everyday at pasensya na kong may mga ERROR. Please pa-rate po ng 5 stars (Nagmamakayaw choz) pafollow na din at pwede din kayong mag-iwan ng comment sa comment section.Thank you and Luv guys! Spread love not HATE!
Download Novelah App
You can read more chapters. You'll find other great stories on Novelah.
Book Comment (636)
Mariane Mae Millarpis Co
I like the story
07/09/2023
0
Maria Cristina Estil
the story was all about her and his crush, who became her classmate
I like the story
07/09/2023
0the story was all about her and his crush, who became her classmate
08/08/2022
7Wonderful story of two people
08/08/2022
0View All