logo text

Chapter 20: Her Confession

Alexandrea Sofia Kate Alvarez:
Lumipas ang ilang araw at nagkaayus na din kami ni Lalove ko. Wala namang nagbago pwera ngalang sa mga kilos ni AJ this past few days.
Napapansin ko kasi lagi syang nakatingin kay Skyle tas titingin sa akin at ngingiti. Parang may pinapahiwatag sya sa akin.
"Ano pupunta ba tayo bukas sa birthday ng bruhang Angel na yun?" tinignan namin si Avi dahil sa sinabi nya.
"What If may plan syang bad?" tanong naman ni Kylie.
"Baka naman wala, napakajudgement nyo nuh?" pagpupuna ko sa kanila.
"Di lang namin maiwasan. Ang sama kaya ng ugali ng babaitang yun" sagot naman ni Avi.
"Ikaw AJ, pupunta ka ba sa party?" tanong ko sa kanya kaya napatingin yung dalawa sa kanyan.
"H-huh, di ko pa kasi alam ih. Wala din akong maisip isusuot" pagdadahilan nya sabay iwas ng tingin.
"Nasan nga pala yung boyfriend mo" habol nyang tanong sa akin. Nagtinginan naman sila Avi at Kylie na parang may maling sinabi si AJ.
"May practice daw ng basketball" ani ko at tumango naman sya. Napansin ko din na biglang similay yung ngiti sa labi nya. Di ko nalang yun pinansin at nagpatuloy sa pagkain.
Ilang minuto lang ay tumunog na yung bell kaya niligpit na namin yung mga pinagkainan namin. Nagpaalam nadin si AJ sa amin baka daw kasi masaradohan sya ng pintuan, paglate daw kasi sa klase nila ay sinasaradohan ng pintuan. Sobrang strikto kasi ni Sir Panot.
Bago pa ako makapasok ng classroom ay may natanggap ako text.
From AJ:
[Pwede ba tayong magkita sa rooftop pakatapos ng klase? May sasabihin lang sana ako]
Yun yung nabasa ko sa text.
To AJ:
[Sige! See you]
"Sino yang katext mo??" tanong ni Avi sabay akbay sa akin.
"Si AJ" maikli kong anas.
"Anong sabi?" tanong naman ni Kylie.
"Magkita daw kami sa rooftop pakatapos ng klase" ani ko.
"Why?"
"I don't know" anas ko at pumasok na sa classroom. Mabilis lumipas ang oras at labasanan na namin. Dumiresto muna ako sa library kasi may kailangan akong kunin na libro. Di ko rin kasama sila Avi at Kylie kasi pupunta muna daw sila sa cafeteria.
Pagkatapos kong kunin yung kailangan kong libro ay umakyat na ako sa rooftop. Nang makaakyat ako ay may mga tao kaya nagtago na muna ako, wala naman akong balak na makinig sa usapan nila pero parang ganon naman na. Di ko makita yung mga mukha nila kasi nakatalikod sila sa akin.
"Bakit ka lapit ng lapit kay Skyle? May gusto ka ba sa kanya?" rinig kong tanong. Parang kaboses ni Avi.
"H-huh? HINDI! WALA!" sagot naman ng isang babae.
"Then why? Bakit ka lapit ng lapit sa kanya?" maarteng tanong nung isa. Nacurious ako kaya sinilip ko sila. This is it pancit! This time ay nakita ko na ang mukha nila pero side view lang. Sila Kylie, Avi at AJ ang nag-uusap. Akala ko pa pupunta sila sa cafeteria, bat sila nandito?
"P-para... para" sagot ni AJ at halatang kinakabahan kasi na-uutal sya.
"Para what?" mataray na tanong ni Kylie.
"Para mapalapit lalo kay Drea at di ko gusto si Skyle kasi si Alexandrea ang..... g-gusto ko" sagot nya. Napatakip naman ng kamay sila Avi at Kylie.
Ako naman pala ang gusto at hindi si boyfie. Buti nam- ANO? Ako ang gusto nya?! Pero pareho kaming babae. Kaya ba ganon yung mga tingin nya sa akin. Kaya ba para siyang galit pagnakikita nya kaming magkasama kami ni Skyle. Kaya ba..
"Anong ginawa mo dyan?" biglang nagsalita kaya lalo akong sumiksik sa pinagtataguan ko.
"Don't hide na, kita ka na namin" wika naman ni Kylie kaya lumabas na ako sa pinagtataguan ko.
"H-hi?" kinakabahan kong bati sabay ngiti ng pilit.
"Kanina ka pa ba dyan" tanong naman ni AJ.
"H-huh? Hindi! Kadadating ko lang din" pagpapalusot ko at sa gumana. Syet ang init ng tainga ko, wag naman sana nilang makita.
"Wag ka nang magsinungalin! Namumula na yang mga tainga mo at sign yan na nagsisinungalin ka" sabat naman ni Avi at tumango naman si Kylie. Kahit kailan talaga! Gusto kong manlimot ng kaibigan.
"A-ano kasi...Ano- nagugutom na ako" paglilihis ko nang usapan at napansin ko naman na nnpabuntong hininga si AJ.
"May gusto lang akong sabihin ng personal. I-I like you! Unang beses palang kitang makita ay nagkagusto na ako sayo. Alam kong mali kasi parehas tayong babae at may boyfriend ka na" pagtatapat nya. Di ko alam kong anong irereact ko.
"AJ, di kasi pwede at alam ko na naguguluhan ka lang sa nararamdaman mo kaya mo nasasabi ang mga bagay na yan. Hindi tayo pwede k-kasi parehas tayong babae" pagpapaliwanag ko at napayuko naman sya.
"Pero pwede tayong maging magkaibigan at alam kong makakahanap ka ng taong para talaga sayo" dagdag ko at tumango lang sya kaya nilapitan ko sya at niyakap.
"I'm sorry" paghingi ko nang tawad sa kanya.
"No, ako dapat ang humingi ng tawad sayo Drea. Kung pagkakaibigan lang talaga ang kaya mong ibigay ay rerespituhin ko yun" ani nya pero di parin bumibitaw sa yakap ko.
"Friends?" ani ko at humiwalay na sa kanya sabay ngiti at lahad ng kamay sa kanya.
"Friends" nakangiti nyang sagot sabay tanggap ng kamay ko.
Pagkatapos ng pag-uusap naming yun ay nagpaalam na sya sa amin. Kailangan na daw kasi nyang umuwi. Umuwi nadin kami, iniwan na nila yung kotse nila sa school at kukunin nalang daw nila bukas, safe naman kasi sa loob mismo ng schoil iniwan. Ihahatid ko nalang sila para masiguro kong safe sila makakauwi.
"I didn't expect that!" pagbasag ni Kylie sa katahimikan.
"Oo nga! Di ko talaga yun inaasahan, ang akala ko kasi yung shota mo yung gusto nya" sabat naman ni Avi.
"Haba talaga ng HAIR mo! How to be you po?" ani naman ni Kylie at nagtawanan naman sila.
"Biruin mo pati babae nafall sayo!" dagdag pa ni Avi.
"Magsitigil nga kayo! Pagtayo na disgrasya dito sasapakin ko kayo!" pagbabanta ko sa kanila at nagsitigil naman sila.
Ilang minuto lang ay naihatid ko na silang dalawa at umuwi na din ako.
*See you on the next chapter*
Pasensya na kong may mga ERROR. Please pa-rate po ng 5 stars, pafollow na din,pwede din kayong mag-iwan ng comment sa comment section.Thank you and Luv guys❤💕

Book Comment (636)

  • avatar
    Mariane Mae Millarpis Co

    I like the story

    07/09/2023

      0
  • avatar
    Maria Cristina Estil

    the story was all about her and his crush, who became her classmate

    08/08/2022

      7
  • avatar
    Lystra

    Wonderful story of two people

    08/08/2022

      0
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters