Homepage/FORGETTING MY FEELINGS FOR YOU/
Chapter 21:
The Truth
Alexandrea Sofia Kate Alvarez POV:
Sabado na ngayun at ngayun din gaganapin yung birthday ni Angel. Mga alas- singko daw magsisimula ang party kaya mamaya nalang ako mag-aayus.
Pupunta din daw sila Avi and Kylie, para din daw may kasama ako at may kachikahan.
Ala-una palang pero napagdesisyunan ko na maligo na para di na ako mahirapang magblower ng buhok. Habang nagbloblower ako ay biglang tumunog yung cellphone ko, sign na may tumatawag.
Kylie Pretty:
"Hi Bhie! What time ka punta dun sa party?" nakakabingi naman yung boses ng babaitang to.
"Mga 5 siguro, kayo ba?"
"Same! Kita nalang tayo there!" sigaw nya bago ibaba yung tawag. Makasigaw kala naman kung sana ibang planeta. Minsan nagtataka din ako kung pano ko ba sila naging kaibigan. Hayss!
Mabilis lumipas ang oras at nakapag-ayos na ako. Simple lang ang suot ko ngayun, naka-white dress and black doll shoes lang ako at tinernohan ko ng white-black lace bag. Pansin nyo din ba na puro mga white and black yung mga gamit ko? Mahilig kasi ako sa itim at puting kulay, at halos lahat ng gamit ko ay puti,itim at gray. Naglagay din ako ng kaunting kolorete sa mukha at liptint.
Nagtext sa akin si Laloves na malapit na daw sya kaya naman bumaba na ako. Sana labas na pala sya at nakasandal sa kotse nya. Syet! Ampogi!
"Hi!" nakangiti kong bati sa kanya at ginantihan nya naman ngiti.
"Tara na Babe, baka kasi traffic ih" ani nya kaya sumakay na kami sa sasakyan nya at nagsimula nadin syang magmaneho. Sobrang tahimik at kinakabahan akong sirain yun.
"Babe, do you trust me?" bigla nyang tanong kaya naman napatingin ako sa kanya.
"Syempre naman! Pero sana wag mong sirain yung tiwala ko sayo at kung may mga chismis man na kumalat ay di ko paniniwalaan. Kung hindi galing sa bunganga mo ay hindi ko paniniwalaan" nakangiti kong sagot sa kanya. Totoo naman ang sinabi ko ih, di ako maniniwala pwera nga lang kong sa bunganga nya galing.
Pagkatapos ng pag-uusap namin ay naging tahimik na ulit ang buong byahe hanggang makarating kami sa bahay nila Angel. Malaki din ang bahay nila at katangkaran din. Pumasok na kami sa loob at pumunta sa garden. Dun kasi gaganapin yung celebration kaya naman pinaderetsyo kami din.
"Let's welcome the birthday girls! Miss Angel Dhebil!" pagtawag sa kanya nung host at biglang namatay lahat ng ilaw sabay bumukas na pinto't niliwa nun si Angel.
Masasabi kong pinaghandaan nga itong kaarawan ni Angel dahil sobrang garbo ng mga dekorasyon sa paligid. Puro mga gold at silver ang makikita mo at mayayaman din yung mga bisita nya.
Pagkatapos ng pagwelcome ng host kay Angel ay nagspeech na muna sya at nagpasalamat sa mga dumalo ng kaarawan nya.
Pagkalipas ng isang o dalawang oras pa ay nagpaalam na yung ibang mga bisita at kaming magkakabatch nalang ang natira. Mamaya nalang din daw kami umuwi kasi may party daw.
Ang kaninang sweet music ay napalitan ng rock at pangparty na kanta. Naglabas nadin sila ng iba't ibang klase ng alak at wine at habang tumatagal ay nagiging wild ang mga tao sa paligid. Kunti lang ang ininom ko kasi alam ko namang mga lasing gera sila Avi at Kylie. Char!
Habang nagkwekwentuhan kami sa table namin ay napansin namin namatay yung malakas na music at pumunta si Angel sa harap hawak yung mic at halatang may tama nadin sya.
"Hello guys! Thank you talaga sa pagpunta dito sa party ko pero bago ang lahat ay gusto ko lang icongratulate si Alaxandrea. For best DESPERADA of the year!" hiyaw nya at napa-iling nalang ako. Pinipigilan sya ng mga kaibigan nya pero di sya nagpatinag. Sisirain nya ba talaga yung birthday nya?!
"Ano ba?! Wag nyo nga akong pigilan!" dagdag nya pa.
"I just want to inform you that- FUCK! ANO BA?!" sigaw nya ng biglang agawin ni Skyle yung mic.
"A-ano bang nangyayari?" nanginginig kong anas.
"Gusto ko lang ipaalam sayo na tapos nang makipaglaro si Skyle sayo. Akalain mo yun sasakyan lang pala ang halaga mo! Yeah, tama ang narinig mo. TAPOS NA ANG PAKIKIPAGLARO NI SKYLE SAYO AT DARE LANG LAHAT NG ITO!" sigaw nya sa akin at tumulo naman ang mga bulit ng luha sa mga mata ko.
"D-dare? Sasakyan?"
"Yeah!"
"I-I don't b-believe you! Sinungaling ka!" hiyaw ko sa kanya at napansin ko din na nakatingin na lahat ng mga tao sa akin.
"OH MY GOSH! Akala ko ba matalino ka? Eh bakit ang tanga- Bitawan nyo nga ako!" sigaw nya sa kanila Gino at David kasi hinila nila sya papasok ng bahay.
"Totoo ba ?" tumingin ako sa kanya.
"Totoo ba yun?! Please, sabihin mong hindi" pag-uulit at pagmamakaawa ko.
"Oo, di naman kasi talaga kita gusto ih. Pinagpipilitan mo lang yang sarili mo sa akin kasi nga disperada ka" seryoso nyang saad.
"I did everything for you, pero lahat pala ng yun ay wala lang pala para sayo-" hindi ko pa natatapos ang sasabihun ko pero sumabat na sya.
"Hindi ko naman yun hiniling sayo ih, kaya di ko na yun kasalanan. Kaya ngayun na alam mo na, pwede mo na ba akong layuan mo at tumigil ka na rin sa pagiging disperada mo kasi kahit kailan hindi kita nagustuhan at hinding hindi kita magugustuhan!" hiyaw nya sa akin na lalo kung ikinaluha.
"Sana nga di nalang kita nagustuhan, sana nakinig nalang ako sa mga kaibigan ko na maghanap nalang ako ng iba. Sana di nalang kita minahal. Kaya sorry ah. Sorry kong minahal kita pero wag kang mag alala, gagawin ko ang lahat mawala lang yung nararamdaman ko para sayo. Nakakapagod ka din palang mahalin! Nakakasawang magpakatanga sayo " mahaba kong sagot, nung sinabi ko yun ay may nakita akong emosyon sa mga mata nya pero agad ding nawala.
"Mabuti kung ganon" nagawa nya pang ngumiti habang ako nahihirapan.
"OKAY!" tumalikod na ako sa kanya at patakbong lumabas ng bahay ni Angel. Nang nasa harap na ako ng sasakyan ko ay napansin ko na parang nabuksan ito at may nakita din akong screwdriver sa gilid.
Habang tinitignan ko ang sasakyan ko ay may biglang dumaan na Jester sa harapan ng sasakyan ko. Sa pagkakaalam ko ay wala namang children's party dito.
Di pwede! Syet, nanginginig ako. Lalo akong natakot nang lingonin nya ako at ngumiti. I need to call someone but no! Kaya ko to! Just relax Alexandrea, ayos lang ang lahat.
*See you on the next chapter*
Pasensya na kong may mga ERROR. Please pa-rate po ng 5 stars, pafollow na din, pwede din kayong mag-iwan ng comment sa comment section.Thank you and Luv guys❤💕Download Novelah App
You can read more chapters. You'll find other great stories on Novelah.
Book Comment (636)
Share
Related Chapters
Latest Chapters
I like the story
07/09/2023
0the story was all about her and his crush, who became her classmate
08/08/2022
7Wonderful story of two people
08/08/2022
0View All