Kylie Cristuval POV: Mamaya na yung Pagaent but we have a big problem! Di namin macontact si Drea at di nya din sinasagot yung mga tawag namin! Hayss! That Bitch! "Ano sumagot na ba?" tanong sa akin ni Miss Sam at umiling lang ako. "Pano to? Siguradong matatalo tayo pag walang lumaban sa section natin" napatingin naman kami kay Kelvin dahil sa sinabi nya. "Sure ako na di tayo bibiguin ni Drea" sagot naman ni Avi. "Yeah! Let's just wait for her" ani ko at tumango naman sila. Five O'clock na at mga 8 daw magsisimula yung pagaent. Lumipas na ang isang oras pero wala parin sya at sya nalang ang kulang sa mga contestant. "Tawagan nyo kaya ulit baka sagutin na nya" basag ni AJ sa katahimikan. "Wait!" ani ko at tinawagan ko na si Drea pero ganon parin. Di nya parin sinasagot. Habang busy kami sa pagtawag ka Drea ay may mga bruhang sumulpot. Sino pa ba? Edi si Angel at ang mga bruha nyang yaya... este katulong ay kaibigan pala. "Wala na ba yung kaibigan nyo? Nasaan na yung pinagyayabang nyo?" ani niya na ikinataas ng kilay ko. "Nasa damit nya" pilosopong ani ni Avi at kinusilapan naman sya ni Angel. "Ang sabihin nyo takot lang matalo yang kaibigan nyo! Natatakot sya dahil alam nya na matatalo ko sya-!" di na nya naituloy ang sasabihin nya dahil may biglang nagsalita sa likod namin. "At sinong nagsabi na takot ako sayo? Nagpapatawa ka ba?" natatawang ani ni Drea habang naglalakad papalapit sa amin. "A-anong ginagawa mo dito?" nanginginig na anas ni Angel. "Bakit, bawal na ba ako dito o baka naman takot ka lang matalo?" tanong naman ni Drea. "N-no way! Never!" sagot naman ni Angel. "What ever! Tara na nga!" ani Drea at binangga sila Angel pero di pa sya nakakalayo ay lumingon ulit sya at pumunta sa harap ni Angel. "Oo nga pala nakalimutan ko! Kung susuholan mo ako para di sumali dito, siguraduhin mo namang malaki yung ibibigay mong datong! Yan oh! Sayong sayo na!" anas ni Drea sabay ngiti ng nakakaloko at pinatilapon yung Cheque kay Angel. "H-hindi totoo yan!" pagdedepensa naman ni Angel. "Okay! Sabi mo ih!" ani nya at tumalikod sabay lakad papalayo. Pumunta na sya sa harap ng vanity mirror at nagsimula na din syang ayosan. "Salamat naman at dumating ka na Drea! Akala ko di ka na dadahing" ani naman ni Miss Sam na parang nabunutan ng tinik. "Natraffic lang po" magalang na sagot ni Drea. "Oh sya! Galingan mo ah! Naniniwala ako sayo!" nakangiting anas ni Miss Sam at iniwan na kami. "Hoi bruha! Bat ngayon ka lang dumating? At totoo ba yung sinasabi mo na sinuholan ka ni Angel?" tanong ni Avi sa kanya. "May pumunta daw kasi sa bahay at hinahanap ako. Byumahe pa ako nang dalawang oras pauwe ng bahay. Tas pagdating ko sa bahay nandun yung isa sa mga alalay nya at sinuholan pa ako!" pagpapaliwanag nya. "Di mo na kailangan yan! Ang rich mo kaya!" sabat ko naman sa kanila. "True bah?" tanong naman ni AJ at tumango naman kami. "Nako! Wag kang mapapaniwala sa mga yan!" anas naman ni Drea na ikinailing namin. "Magsi-alis nga kayo dito! Mag sisimula na yung event di pa ako tapos ayusan!" mahina nyang hiyaw at tinulak kami palayo. "Che!" sabay sabay namang sigaw sa kanya. Pagkalipas ng ilang minuto ay natapos na yung pag-aayos sa kanya kaya nilapitan na namin sya. "Napakaganda mo beh! Para kang barbie! Pak na pak!" papuri ng nag-ayos sa kanya. "True! Kaya lab kita ih" pagbibiro naman ni AJ na ikinalaki ng mga mata nya. "Hehehe Joke lang! Ito naman di mabiro!" pahabol nya at mahina nalang kaming natawa. "OKAY! Guys. five minutes nalang bago magsimula! Magready na kayo!" sigaw nung kuya. "Oh my gosh! Pic muna tayo para may remembrance cause you know naman! Ngayun ko lang makikita ang isang Alexandrea Sofia Kate Alvarez na rarampa! Kapagod banggitin napangalan mo!" hiyaw ko at nagtawanan naman kami. "Wag kang kabahan Drea! Ganda ganda mo ih!" ani ni AJ sabay yakap kay Drea. "True! Pero dun ka nga! Pasimple toh!" pagtataboy naman ni Avi kay AJ, kaya naman sinamangutan nya lang ito. Pumunta na kami sa labas kasi magsisimula na daw yung pageant. Exciting! Alexandrea Sofia Kate Alvarez POV: Kinakabahan ako kasi di ko naman alam ang gagawin at di rin naman kasi ako nagpractice. Bahala na! Gayahin ko nalang kung anong gagawin nila. Tinawag na yung pangalan ko kaya naglakad na ako sa stage. Introduction palang pala. "Good evening everyone! My name is Alexandre Sofia Kate Alvarez, 18. Representing section A-12!" nakangiti kong ani. Ganon lang yung intro ko kasi ganon lang din naman yung mga nauna ih. Wala din na yatang mga kasabihan. Kinakabahan talaga ako! *See you on the next chapter* Hi mga Joyful! Kamusta yung 3 kong readers! Sana goods lang kayo! Don't worry sisikapin kong mag-update everyday at pagpasensya na kung may mga ERROR. Please pa-rate po ng 5 stars, pafollow na din ay pwede din kayong mag-iwan ng comment sa comment section (Please! Good vibes lang tayo at kung alam mo na di maganda icocomment mo ay wag nalang kasi naapektuhan yung author!).Thank you and Luv guys! Spread love not HATE!
Download Novelah App
You can read more chapters. You'll find other great stories on Novelah.
Book Comment (636)
Mariane Mae Millarpis Co
I like the story
07/09/2023
0
Maria Cristina Estil
the story was all about her and his crush, who became her classmate
I like the story
07/09/2023
0the story was all about her and his crush, who became her classmate
08/08/2022
7Wonderful story of two people
08/08/2022
0View All