Skyle Cristuval POV: "Di ko akalain na mapapadali pala yung trabaho ko! Biruin nyo Isang linggo lang!" anas ko sa kanila. Nasa tabing dagat kami ngayun. Sobrang tahimik ng karagatan ngayun, nakakarelax. "Idol na talaga kita!" hiyaw ni David. "Ako pa ba!? Sobrang pogi ko ba naman" pagyayabang ko sa kanila. "Anong sunod na plano mo dre?" tanong naman ni Gino sabay tungga ng beer. "Di ko pa alam ih" ani ko sa kanila. "Oi dre! Tignan mo yun oh!" ani ni David. Tinignan ko naman kung ano yung itinuturo nya. Magkasama na naglalakad papalapit sa amin sila Drea at Kelvin habang nagtatawanan. PAKSHET NA YAN! Sarap basagin nang bungo eh nuh! Hays basta BWESIT! "Hi babe! Hi guys!" bati nya sa amin. Okay na sana pero binati din yung mga ugok.. Bat ba ko nabwebwesit?! "Kain na daw tayo dun!" nakangiti nyang ani. "Hi babes!" sagot naman ng mga mokong habang nakangiti ng nakakaloko sabay takbo palayo! "Abat!" hahabolin ko na sana pero pinigilan ako ni Drea. "Wag mo nang habulin baka mapagpapawisan ka!" anas ni Drea. "Bat mo pa kasi binati?" seryoso kong tanong sa kanya. "Galit yarn?" natatawa nyang anas. "At talagang nang aasar ka pa?" tanong ko sa kanya at nangbantang kikilitiin sya. "No babe! HAHAHAHAHAH Stop it!" pagpapatigil nya sa akin sabay takbo. "Babe come back here! HAHAHAHAH" sigaw ko sabay habol sa kanya. "Tama na babe! HAHAHAHA" hiway nya sa akin. Nang mahabol ko sya ay hinawakan ko agad ang kanyang bewang at binuhat na parang bagong kasal. Nagkatingin naman kaming dalawa. Ang ganda ng mga mata nya. Bat ko ba sya kinicomplement?! "P-pwede mo na ba a-akong ibaba?" nauutal nyang saad. Kaya naman binaba ko agad sya. "Tara na! Baka gutom ka na din ih" nakangiti nya ani . Syet! ang awkward! Pumasok na kami sa loob sakto at gutom na din ako ih. "Ang tagal nyo naman ! Gutom na kaya kami!" hiway naman nila Gino. Mga patay gutom. Alexandrea Sofia Kate Alvarez POV: Pauwi na kami sa Manila ngayun. Nag iimpake nalang kami para makasakay na sa kotse. Pagkatapos naming mag-impake ay nilagay na namin yung mga baggage namin sa van at sumakay nadin kami. "Hays! Pollution nanaman! Don't nga kayong mag flirt there!" maarteng reklamo ni Kylie. Naka-akbay kasi sa akin si Skyle. "Inggit ka lang!" pang-aasar naman ni Skyle. "YOU-!" "Magtigil nga kayo dalawa dyan! Nakakahiya!" pagpapatigil naman ni Tita Shine. Sana all may kapatid! "Ikaw kasi!" pahabol ni Skyle. "You kaya!" pabalik naman na hiway ni Kylie. Nakarating na kami dito sa Manila. 2 hours sa eroplano mga beh! Sakit ng pwet ko! HAHAHAH Legit po! " Hays! Salamat at nakarating din!" ani ni Avi habang nag-uumat. "Let's go inside na! I'm super hungry na ih!" anas ni Kylie at nauna pa talagamg pumasok kaysa sa akin ang bruha. Bahay mo girl?! "Patay gutom ang bruhang to!" sigaw ni Avi kay Kylie at lumingon naman siya sa amin pero inirapan nya lang kami. Abat! "Hoi! Shuta ka! Hintayin mo naman kami!" hiyaw ko sa kanila. "Tara na guys! Pasok muna tayo!" pagkukumbinsi ko sa kanila. Nang makapasok kami sa loob ay dumiretso na kami sa kusina at kumain. Alangan namang magvolleyball kami dito?! Choz lang po, peace lang po tayo dito. Pagkatapos naming kumain ay dumiretso na kami sa sala para magmovie marathon. Ilang movie din yung natapos namin bago nila mapagdesisyonan na umuwi. "Mag-ingat kayo sa daan! " nakangiti kong saad sa kanila. "Bye Drea!" pagpapaalam nila sa akin at tumango naman ako. "Bye Babe!" anas naman ni Skyle sabay yakap sa akin. ENE BEE! "Bye bye! Ingat kayo sa daan ah! Wag masyadong mabilis pagdridrive! Okay?" pagsesermon ko sa kanya. "Opo! Alis na kami babe" pagpapaalam nya. "Hatid ko na kayo!" nakangiti kong anas at tumango naman sya. Hinintay ko muna silang maka-alis bago ako pumasok pero bago ako makapasok ay may napansin akong nakamotor at nakatingin sa akin na parang nagmamasid . Wag naman sana. *Fast forward* Maaga akong nagising para makapag ready na kasi monday ngayon at pasokan nanaman. Tapos na akong maligo at magbihis at kakain nalang ako. Bumaba na agad ako para mag breakfast. "Anak! Ang aga mo yata ngayun ah?" tanong naman ni mama . Dumiretso na muna ako sa table bago sumagot sa tanong ni mama. "Baka traffic po ngayun ih" sagot ko naman kay mama habang kumukuha ng pagkain. Binilisan ko na lang yung pagkain ko para matapos na agad ako at makapasok na. Nang matapos na ako ay nagpaalam nadin ako sa kanila. "Good morning ma'am!" bati ni Kuya Dany sa akin "Good morning po Kuya! Tara na po!" nakangiti kong anas at sumakay sa sasakyan. Ilang minuto lang ang nakalipas ay nakarating nadin kami sa school. " Bye po kuya! Ingat po!" pagpapaalam ko at tumango lang naman sya. Habang naglalakad ako sa hallway ay may piglang bumangga sa akin kaya naman napa-upo kaming dalawa. "Hala! Sorry po!" paghingi nya ng tawad. "Ayos lang! Pwede bang umalis ka m-muna sa ibabaw ko?" mahinahon kong anas. Nakapatong kasi sya sa akin ih. Tumayo naman agad sya kaya tumayo nadin ako at pinagpag yung uniform ko. Pagkatapos kong pagpapagin yung uniform ko ay tinignan ko sya. Sigurado akong transferee sya kasi di pa sya naka suot ng unifom. "Sorry talaga!" ani ulit nya. "Ayus lang! Di naman masyadong nadumihan yung uniform ko" nakangiti kong sagot. "Any Jane San Dejo nga pala! Aj for short"pagpapakilala nya sabay alok ng kamay. "Alexandrea Sofia Kate Alvarez" nakangiti kong anas at tinanggap yung kamay nya. " Pwede magtanong?" ani nya at tumango naman ako. "San yung section B-12 dito?" tanong nya. "Grade 12 ka na din pala? Samahan na kita! Magkatabi lang yung mga room natin!" nakangti kong saad at tumango lang naman sya. Sinamahan ko na sya sa classroom nya. "Salamat ah!" ani nya sa akin. "Welcome!" anas ko. Pagkatapos ng pag-uusap namin ay pumunta na ako sa classroom namin. *See you on the next chapter* Pasensya na kong may mga ERROR. Please pa-rate po ng 5 stars, pafollow na din,pwede din kayong mag-iwan ng comment sa comment section.Thank you and Luv guys❤💕😘
Download Novelah App
You can read more chapters. You'll find other great stories on Novelah.
Book Comment (636)
Mariane Mae Millarpis Co
I like the story
07/09/2023
0
Maria Cristina Estil
the story was all about her and his crush, who became her classmate
I like the story
07/09/2023
0the story was all about her and his crush, who became her classmate
08/08/2022
7Wonderful story of two people
08/08/2022
0View All