Chapter 16: Register

Alexandre Sofia Kate Alvarez POV:

Mabilis lumipas ang araw pero di pa rin ako hagard. Syempre! Ganda lang ambag ko sa mundo nuh. Magdadalawang buwan na kami ni Skyle. Oh! Bless! HAHAHAHAHA
Pero sa relasyon may mga panira talaga katulad ng taong papalapit sa table namin ngayun.
"Hi guys!" bungad ni Angel.at ng mga alalay nya, nilingon naman namin sya.
"Anong kailangan nyo?" mataray na tanong ni Avi.
"Yeah! What do you want?" pagtataray din ni Kylie.
"Easy lang! I just want to invite you guys! Birthday ko na kasi next month at gusto ko sana nandon kayo" nakangiti nyang anas.
"Why?" tanong ko.
"Wala! Gusto ko lang talaga kayong imbitahan at pupunta din pala yung iba pa nating mga kaklase" paliwanag nya.
"Pag-iisipan namin!" sagot naman ni Skyle.
"Ok! Bye baby!" ani nya at kumaway pa kay Skyle sabay lakad palayo. Gusto kong mansaksak! Pigilan nyo ko!
"Kaway ka pa nuh!" inis kong anas sa kanya.
"Galit ka nanaman babe! HAHAHAHA" natatawa nyang saad. ABAT!
"ABAT! Tumatawa ka pa?" seryoso ko ani.
"Ang cute mo kasing maasar!" PERENG TENGE!
"Tama na ng harutan! Kinakagat na kaya kami ng mga langgam dito!" pagrereklamo nya. Nang tiganan ko sila ay para silang kumain ng sobrang daming kamyas , ang aasim kasi HAHAHAHA.
"Stop na nga! Malapit na kaya magring yung bell!" nakasimangot na ssaadni Kylie.
" Malapit nanaman pala yung SCHOOL FEST!" pag-iiba ng usapan ni Avi.
Every year may ginaganap na Fest dito sa School, kaya nga School Fest DIBA? Joke lang!
May mga events, booths, free foods and pageant. Pwede ding pumunta yung mga taga ibang school kung gusto lang naman nila di naman namin pinipilit.
"What bang ganap?" maarteng tanong ni Kylie.
"May mga taga ibang school nanaman yatang pupunta sa school natin tas may iba't ibang booth nanaman. Parang last year lang. Di pa ko pa kasi na check yung schedule" sagot naman ni Kelvin.
"Pero may basketball game ba this year?" tanong naman ni Skyle.
"Meron yata! Di ko pa kasi sure ih" sagot naman ni Kelvin.
*Tringggggg
*Tringggggg
Tumunog na yung bell kaya nagsibalikan na kami sa room.
"Good afternoon guys!" bati ni Ma'am Sam sa amin.
"Good afternoon po Ma'am!" sabay sabay naming bati kay Ma'am Sam at tumayo.
"Okay! Sit down na po kayo" ani nya kaya nagupoan na kami.
"Aware naman siguro kayo na malapit nanaman ang School Fest natin at na-announce na ni Principal na magkakaroon nanaman tayo ng school pageant" pagpapaliwanag naman ni ma'am.
"So gusto ko sanang itanong kong sino ang gustong magrepresent ng section natin?" tanong naman nya.
"Ma"am! Si Kylie nalang po kaya ulit! Sure na pong mananalo na po sya this year!" suggestion naman ng Isa naming kaklase.
"Oo nga po ma'am!" pagsang-ayon naman ng isa pa naming kaklase.
Si Kylie kasi yung representative namin last year at natalo siya ni Angel.Alam kong may halong pandadaya yun at sure ako dun!
"H-huh!? No Ma'am! I don't want po!" pagdedepensa naman nya.
Nagtinginan naman sila Kylie at Avi sabay tingin sakin at ngiti ng nakakaloko.
"Tigilan nyo ako! Ayaw ko ng ganyang tingin!" bulong ko sa kanila.
"What?!" tanong naman nila.
"Kung si Alexandrea po kaya ma'am?" mariin nalang akong napapikit at napayoko dahil sa sinabi ni Avi. Nako naman!
"Oo nga po! " pagsangayon naman ng mga kaklase ko.
"N-no po Ma'am! Nag-jojoke lang po sila! Diba?" tanong ko sabay tingin sa kanila pero umiling naman sila. ANO BA NAMAN YAN!
"Mmmmmm..Miss Alvarez? Pwede! Okay! Di ka na pwedeng humindi. Pumunta ka nalang sa faculty para maregister. Thats all! You may now go!" nakangiting anas ni ni Ma'am.
"But Ma'am-"
"No buts! Ikaw na ang representative ng section natin. Bye!" ani nya. Magsasalita pa sana ako pero umalis na sya.
"Kahit kailang pahamak kayong dalawa!" anas ko at nagtawanan lang sila.
"Brother! Punta lang kami sa fuculty para makapagregister na si bestie!" anas nya. Abat nagpaalam pa!
"Sige! Ingat kayo!" sagot naman ni Skyle.
"Ayaw ko talaga!-"
"No! HINDI KA PWEDENG HUMINDI!" ani nila sabay hila sa akin papunta sa fuculty.
Pinagsign-in nila ako kahit di ko gusto! Pagkatapos kong magperma ay umalis na kami. Papalabas na sana kami ng pintuan pero naunahan kaming buksan yun.
"What you guys doing here?" tanong ni Angel.
"Nagreregister" maikling sagot ni Avi.
"For what?" tanong nanaman ni Angel.
"For Drea because she will be the representative of our section THIS YEAR" sagot naman ni Kylie.
"HAHAHAHAHA Ikaw nga natalo sa pageant, siya pa kaya? Eh mas maganda ka sa kanya! Like YUCKS!" ani nya at nagtawanan naman sya at yung mga baliw nyang alalay. Well totoo naman na maganda si Kylie pero never akong na-insecure sa kanila kasi may iba't iba naman kami ng ganda ih.
"Baso nga nababasag ko mukha mo pa kaya?" sapaw naman ni Avi sa kanya, natawa naman ako sa sinabi nya. Gagi! Realtalk!
"SLAY! HAHAHA" hiway naman ni Kylie.
"Tama na nga yan! Sayang lang oras natin dyan!" ani ko at maglalakad na sana ako ay hinawakan nya yung braso ko.
"Kung ako sayo magback-out ka nalang! Matatalo ka din naman ih!"
"Bakit takot ka bang malampaso kita?"ani ko sabay ningisihan ko sa kanya at inalis yung kamay nya sa braso ko sabay naglakad papalayo. Anong akala nya, matatakot ako sa kanya? Never!
*See you on the next chapter*
Pasensya na kong may mga ERROR. Please pa-rate po ng 5 stars, pafollow na din,pwede din kayong mag-iwan ng comment sa comment section.Thank you and Luv guys❤💕😘

Book Comment (636)

  • avatar
    Mariane Mae Millarpis Co

    I like the story

    07/09/2023

      0
  • avatar
    Maria Cristina Estil

    the story was all about her and his crush, who became her classmate

    08/08/2022

      7
  • avatar
    Lystra

    Wonderful story of two people

    08/08/2022

      0
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters