"Happy birthday to you! Happy birthday to you! Happy birthday, Happy birthday Happy birthday to you~~!" kanta nila sa akin. Natawa pa ako kasi di sila sabay sabay sa pagkanta. "Wish ka na anak!" nakangiting ani ni mama. Wish ko sana lagi kaming masaya , healthy at safe. Walang gulo, walang iyakan, walang masasaktan. At sana... sana di na nya kami balikan. Hinipan ko na yung kandila at ngumiti sa kanila. "Yehey!" "Kainan na!" hiyaw nila Avi. Halatang patay gutom choz lang. Kunti lang mga bisita namin. Ilang mga business partners ni papa, kasama na sila Tita Shine at Tito Sky. Syempre meron sila Kylie at Avi and si Skyle at yung mga kaibigan nya. Alam kong 18th birthday ko ito at debut ko na pero di naman kasi talaga pala celebrate ng birthday ko kaya ayus na sakin to. Basta kumpleto kami at ligtas. Nilapitan ko na muna si Skyle at kinalabit, nilingon naman nya ako. "Can we talk?" tanong ko at tumango naman sya. "Dun nalang tayo" nakangiti kong saad at tinuro yung duyan na gulong na malapit sa amin. Wala kasi gaanong tao sa part na ito kaya tahimik. "Ano nga pala pag-uusapan natin?" tanong nya. "H-huh?" "Diba may sasabihin ka sa akin kaya tayo nandito?" "Ah oo nga pala!" ani ko sabay yuko. "Ano kasi - sorry kinakabahan kasi ako" saad ko habang nakayuko. "No, It's okay" nakangiti nyang saad. "Ano kasi- Pano ko ba to sasabihin?" bulong ko sa sarili ko. Kinakabahan talaga ako! "Papahintuin na kitang nanligaw-" di ko pa natatapos yung sasabin ko pero sumabat na agad sya. "Bakit? May nagawa ba akong di mo gusto? May nasabi ba akong ayaw mo? May -" bago nya pa matapos yung sasabihan nya ay sumabat na ako. Ganti - ganti lang nuh. "Hindi! Wala!" saad ko "Eh ano?" tanong nya. "Pinapatigil na kita kasi, s-sinasagot na k-kita" saad ko sabay takip ng palad sa mukha ko. Sobrang na akong nahihiya! "A-ano? s-sinasagot mo na ako?" tanong nya. "Bakit ayaw mo ba?" ani ko. "Di lang kasi ako makapaniwala. Parang Isang linggo palang kasi akong nanliligaw sayo" saad nya. "Ay ayaw mo nga?" tanong ko sa kanya . "Gusto" ani nya. Tumawa lang naman ako ng mahina at niyakap nya naman ako. "Hoi! Gagawa nyo dyan? Landian yarn?" Nagulat pa ako kasi may biglang nagsalita sa di kalayuan sa amin. Nang tignan ko ay sila Avi, Kylie,Gino,David at Kelvin lang pala. "Kagulat naman kayo" anas ko sa kanila. "What you guys doing here ba kasi" maarteng tanong ni Kylie. "Sinagot na nya ako" ani ni Skyle habang nakangiti. "WHAT!?". "ANO!? "TALAGA!?" Yan ang mga reaction nila. "Di ba parang ang bilis naman yata?" tanong ni Kelvin na parang may halong pagkadismaya. "Anong ang bilis? Dun din naman dating yun" sagot ko pero parang lalong sumama yung mukha nya at naglakad papalumayo sa amin. "Anyare dun" tanong naman nila Avi. *Fast Forward* "Tara babe! Swimming tayo!" pang-aaya ni Skyle. Babe tawagan namin at yun kasi yung naisip namin saka suggestion nya na din. " Ah sige! Palit lang kami" nakangiti kong saad. "Tara na mga beh!" tawag ko sa kanila Avi at Kylie. "Wait! Yung food ko!" naasar na anas ni Kylie. "Mamaya na yan! Napaghahalataan kang patay gutom ih" pang-aasar naman ni Avi. "Tumigil na nga kayo! Mamaya ka nalang ulit Kumain! Di ka naman mauubusan ih!" nanggigil kong saad. Sumunod naman na sya. Pagkapunta namin sa kwarto namin ay nagpalit agad kami. White swimsuit at pinatungan ko ng white t-shirt na hanggang tuhod. Pink swimsuit naman kay Kylie at pinatungan nya din ng pink t-shirt at black swimsuit naman kay Avi at pinatungan din nya ng black t-shirt. Nang matapos na kami ay lumabas na din kami. Nang makalapit na kami sa dalampasigan ay natanaw na namin sila Skyle na naliligo sa dagat. "Let's go na!" bakas sa boses nila yung excitement. Naligo na kami sa dagat at super saya namin. Sana laging ganito. Nang matapos kaming maligo ay umahon nadin kami. "Pwedeng magtanong?" may biglang boses kaming narinig galing sa likoran namin. Sila Gino lang pala "What is it?" pagtataray na tanong naman ni Kylie at tumango lang kami ni Avi. "Bat kayo naka t-shirt? Diba beach to?" tanong ni David. "Bat anong paki-alam mo?" mataray din na tanong naman ni Avi. "Sungit mo!" sigaw naman ni Gino. "Ampangit mo!" sagot naman ni Avi. Mahina naman akong natawa. "Tumigil nga kayo!" natatawa kong pagpapatigil sa kanila. "So bakit nga?" tanong naman ng nasa tabi ko at naka akbay pa sa akin. "Ganito kasi yan! Hinihintay lang namin si Avi na mag 18 para makapag lantad na kaming tatlo. Gusto kasi namin sabay sabay kaming tatlo." paliwanag ko sa kanila. "So pag 18 na si Manang ay mag swimsuit na kayong tatlo?" tanong naman ni Gino at tumango naman kami. "Hoi! Anong Manang?! For your information ako ang pinakacute sa aming tatlo!" hiway naman ni Avi. "Saang namang banda?" may panghahalong asar na saad ni Gino. "IKAW! BUMALIK KA DITO KAKALBOHIN KITANG LETCHE KA!" sigaw ni Avi kay Gino. Nagtakbuhan na silang dalawa. "Parang kilala ko na kung sinong magkakatuluyan!" anas ko at nagtawanan naman sila. "Sangayon kami" natatawang saad nilang anas *See you on the next chapter* Pasensya na kong may mga ERROR. Please pa-rate po ng 5 stars, pafollow na din,pwede din kayong mag-iwan ng comment sa comment section.Thank you and Luv guys❤💕😘
Download Novelah App
You can read more chapters. You'll find other great stories on Novelah.
Book Comment (636)
Mariane Mae Millarpis Co
I like the story
07/09/2023
0
Maria Cristina Estil
the story was all about her and his crush, who became her classmate
I like the story
07/09/2023
0the story was all about her and his crush, who became her classmate
08/08/2022
7Wonderful story of two people
08/08/2022
0View All