CHAPTER 70

THIRD PERSON'S POV
“Good morning.” bati ni Miller kay Aubrielle nang magising ito.
Nakangiting lumapit si Aubrielle sa kan‘ya at binigyan ng halik sa pisngi.
“Good morning.” bati niya at bumangon na. Naiwan lang na nakatulala si Miller doon dahil hindi niya inaasahan ang gagawin ni Aubrielle.
Naligo na si Aubrielle at naghintay lang naman si Miller doon sa k‘warto.
Sa oras na ito ay nasa baba na ang mga bata at nag-aayos ng pang-umagahan.
Nang matapos na siya ay bumaba na rin sila para sumabay kumain sa mga bata.
“Good morning, Ate.” bati sa kan‘ya ni Timothy kaya naman tumango lang si Aubrielle sa kan‘ya.
“Kain na tayo.” aya ng mga bata kaya naman nagsimula na silang kumain.
“Kamusta naman ang first day niyong magshota?” singit ni Jett kaya naman hindi nagsalita si Aubrielle at kumain na lang.
“She‘s not my shota... She's my girlfriend. They're different.” sabi niya kaya naman napahiyaw ang iba habang si Aubrielle ay napangiti na lang.
“Uyy si Boss Ate ngumingiti.” pang-aasar ng mga bata pero sinamaan lang sila ng tingin.
“Hindi kayo mag-de-date?” tanong ni Excel kaya naman napataas naman ng kilay si Aubrielle.
“Required ba?” nagtatakang tanong ni Aubrielle kaya naman natawa silang lahat dahil sa mukha niyang nagtataka na parang walang alam.
“Of course... Dahil kapag mag-girlfriend o boyfriend na kayo dapat nag-de-date rin kayo... Quality time ganon.” sagot naman ni Ashley kaya naman napapatango siya.
“Gusto mo bang mag-date tayo?” baling niya kay Miller na nakatingin na sa kan‘ya at nakatingin lang ng deretso.
Agad humiyaw ang mga kasama nila dahil sa tanong niyang iyon.
“Hala! Baliktad yata sila, eh. Bakit si Boss Ate ang nag-aaya.”
“Oo nga. Pero ang cool niya.”
“Shut up.” sabi niya at tumingin lang siya kay Miller at naghintay. “What?” nakataas ang kilay na tanong niya.
“Sure.” sabi niya at saka ngumiti pilit na kinakalma ang sarili dahil hanggang ngayon ay hindi pa rin siya makapaniwala na sila na.
Nag-usap-usap lang sila at kung minsan ay inaasar nila si Aubrielle pero agad din naman silang tumitiklop dahil may pagkamainitin ng ulo si Aubrielle.
***
Agad hinila nila Shaina si Aubrielle para iakyat sa k‘warto nito.
“Ano ba?!” iritang tanong ni Aubrielle pero tinawanan lang siya ng mga babaeng kasama niya.
“Saglit lang ‘to, Boss Ate.” nakangiting sagot ni Grace.
Kahit na naiinis ay sumunod na lang siya at hinayaan na hilahin siya.
Nang makarating sila sa k‘warto ni Aubrielle ay agad nilang pinaupo si Aubrielle sa tapat ng vanity table.
“What now?” tanong niya pero humagikgik lang ang mga babae.
“Ngayon lang kasi kayo mag-de-date ni Kuya Miller, kaya naman Madam... Aayusan ka namin.” nakangiting sabi ni Shaina kaya naman tinaasan siya ng kilay ni Aubrielle.
“Why? Kailangan ba?” tanong niya kaya naman ngumiti ng malaki si Shaina.
“Oo naman, Madam. Dapat paghandaan mo ang gabing ito.” sagot niya habang nakangiti.
Tumingin sa salamin si Aubrielle at napangiti.
“Fine. Whatever.” sabi niya kaya naman masayang nagsikilos ang nga babae. Ang iba ay naghanap ng susuotin ni Aubrielle at ang iba naman ay inaayusan ang buhok at mukha.
Alam naman nila na kahit na hindi magsuot ng make-up si Aubrielle, ay lumilitaw pa rin ang kan‘yang kagandahan at lalo lamang lumantad ang ganda niya dahil sa kulay asul niyang mata.
“Alam mo Boss? Ang ganda ng mata mo.” nakangiting papuri ni Ashley. Hindi matawag ni Ashley na Ate si Aubrielle dahil mas matanda si Ashley sa kan‘ya.
“Oo Aubrielle ang ganda nga.” singit din ni Alliyah kaya naman sinuklian na lamang sila ni Aubrielle ng isang ngiti.
Nang matapos nilang ayusan si Aubrielle ay lahat sila sumingit sa salamin para silipin si Aubrielle.
“Nice. Ang ganda mo talaga, no wonder bakit ka nagustuhan ni Alexander.” sabi ni Ashley.
Ngumiti lang si Aubrielle at saka tumayo na.
“What should I wear?” tanong ni Aubrielle sa kanila.
“This!” sabay-sabay na sabi nila at pinakita sa kan‘ya ang kulay blue wrap around dress, short sleeveless casual dress below the knees dress cotton. Agad napangiti si Aubrielle nang makita niya ito.
“It‘s pretty. I‘ll wear na.” sabi niya at kinuha na niya ang dress at pumunta na sa dressing room niya.
Nang lumabas siya ay nakanganga na ang mga babae sa kan‘ya.
“Ang ganda!” tili nila kaya naman sinuyod ni Aubrielle ang kan‘yang kabuoan sa malaking salamin.
Nakaladlad ang kan‘yang  buhok na kinulot, at light lang ang ayos sa kan‘yang mukha. Ngayon niya lang napansin na humahaba na ang kan‘yang buhok dahil umabot na ito sa baywang niya.
***
Sa kabilang banda naman ay pinagdiskitahan din nila Jett si Miller para ayusin.
“Alexander h‘wag ka ng maarte.” sabi sa kan‘ya ni Jett.
“Shut up. Bakit ba kasi kailangan pang mag-ayos?” tanong nito at tinignan ang kabuoan niya. “Masyadong pormal naman ito.” sabi niya at tama naman siya dahil parang a-attend siya ng meeting ang dating ng suot niya.
“Ito na lang Kuya.” singit ni Timothy at pinakita ni Timothy ang damit na binili niya lang kanina. “Nang malaman kong may date kayo, naisipan kong bilan ka. Regalo ko na ‘yan.” sabi niya kaya naman napangiti si Miller.
“Salamat, ito na lang. Sa‘yo na ‘to Jett, baduy ka talaga.” sabi niya at pumasok na sa dressing room.
Nang makalabas na siya ay pinakita niya ang suot niya. Ang suot niya ay Oversized blue polo plain, short sleeve classic and black trouser.
“Ayos Kuya, bagay sa’yo.” sabi naman ni Timothy kaya naman tinanguan siya at tumingin sa salamin.
“Where‘s Aria?” tanong ni Miller.
“Sunduin mo na, nadoon sa k‘warto niya.” sabi ni Ashley na kararating lang kasama ng ibang babae, kaya naman ngumiti ito sa kan‘ya at pumunta na sa k‘warto ni Aubrielle.
Nang makarating siya ay huminga pa muna siya ng malalim bago kumatok sa pintuan.
“It‘s open!” sigaw naman niya kaya naman binuksan niya na ang pinto at nakita niya si Aubrielle na mag-isa habang sinusuot ang kwintas na bigay ng Tita Stella niya. “Hi.” nakangiting bati sa kan‘ya habang pilit na sinusuot ang kwintas pero nahihirapan siya.
Lumapit si Miller sa kan‘ya at hinawakan ang kamay niya. “Let me help you.” bulong niya malapit sa tainga nito.
Kinuha ni Miller ang kwintas sa kamay ni Aubrielle at hinawi pa muna ang buhok niya at dahan-dahan nilagay sa leeg niya, habang nakatingin sa kan‘ya sa salamin.
Nang mailagay niya na ay hinawakan ni Miller ang balikat ni Aubrielle at pinagmasdan lang siya sa salamin.
“Ang ganda mo talaga.” nakangiting papuri niya kaya naman napangiti rin si Aubrielle at humarap kay Miller at unti na lang ang pagitan ng kanilang mukha.
Ang mga kamay ni Miller ay bumaba na sa baywang ni Aubrielle at hinapit pa siya nito para magkalapit sila. Inilagay din ni Aubrielle ang mga kamay niya sa balikat ni Miller at nakangiting tumingin sa kan‘ya.
Dahan-dahan nilapit ni Aubrielle ang kan‘yang mukha kay Miller at ganoon din si Miller at unting agwat na lang ang kanilang labi at magkakalapit na.
“Ate?! Nandito ba kayo?” sigaw ni Timothy habang kumakatok kaya naman agad silang nagbitaw at napaiwas ng tingin.
“I... I-i should probably open the door.” hindi makatingin na sabi ni Miller at lumapit na sa pintuan para buksan ito.
“Tagal niyo naman.” sabi ni Timothy pero nakangiti ito na parang nang-aasar.
“Alis!” sigaw ni Aubrielle nang tignan siya ni Timothy.
“Bakit?” nagtataka kunwaring tanong ni Timothy kaya naman lumapit si Aubrielle sa kanila at dinuro siya.
“I hate you!” sigaw niya at pinalayo si Timothy sa pintuan at sinarado ng padabog.
Agad hinila ni Aubrielle si Miller at sinandal sa pintuan para bigyan ng halik na agad naman sinuklian ni Miller at hinawakan ang baywang niya para mas ilapit pa siya sa kan‘ya.
Ang unang bumitaw ay si Miller at hinawakan ni Miller si Aubrielle sa mukha.
“Let‘s go?” nakangiting sabi niya at hinawakan niya ang labi nito.
Lumapit pa muli si Aubrielle at binigyan siya ng mabilisang halik at nakangiting hinawakan ang kamay niya.
“Let‘s go, Adi.” nakangiting sabi niya kaya naman agad nagtaka si Miller.
“Adi? Who‘s Adi?” tanong niya kaya naman natatawa siyang hinarap ni Aubrielle.
“Adi... means blessing from god.” sabi niya kaya naman napangiti si Miller dahil sa sinabi niya.

Book Comment (270)

  • avatar
    Wheng Molavin Llema

    make me cry while reading ur story..longing for a happy ending😊

    28/01/2022

      25
  • avatar
    MineJas

    it's good

    15d

      0
  • avatar
    Mhd Nur

    Nice story

    16d

      0
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters