CHAPTER 73

THIRD PERSON'S POV
“Ate... Tara na.” pagtawag nito sa kapatid na ngayon ay nakaupo na sa kalsada.
Agad hinubad ni Timothy ang kan‘yang Jacket para ilagay sa balikat ni Aubrielle. Tinulungan ni Timothy si Aubrielle na tumayo.
“Tawagin mo sila... Tawagin mo silang lahat. Ngayon na!” sigaw niya.
Agad na nagmadali si Timothy na tawagan ang mga kasama.
“Punta na kayo rito... Ngayon na.” utos ni Timothy at wala pang isang minuto ay nakarating na sila.
Tila parang umalis na lang bigla ang mga kalaban nung nakuha na nila si Miller. Nawala ang ingay ng baril at nawala na lang na parang bula ang mga kalaban.
“Papuntahin mo rin sila Mama ngayon.” walang emosyon na utos ni Aubrielle kaya naman napatingin sa kan‘ya ngayon ang mga kasama niya at ramdam nila ang galit ni Aubrielle ngayon.
Ginawa ni Timothy ang inuutos at hindi naman sila naghintay ng matagal dahil dumating na rin ang mga nakatatanda sa kanila at may kasama rin silang sarili nilang grupo.
“Elle... Ayos ka lang?” nag-aalalang tanong ni Aubrey sa kan‘yang Anak at sinipat pa ang katawan niya pero wala naman siyang nakitang kahit na anong natamo kaya naman nakahinga ito ng maluwag.
Kahit na sa raming kalaban ang kinalaban niya ay wala kahit na anong sapak ang natamo niya dahil sa kan‘yang bilis sa pakikipaglaban.
“Si Miller...” bulong niya kaya naman natahimik silang lahat dahil sa sinabi niya. “Wala tayong sasayanging oras... Dahil ngayon mismo ay ililigtas natin siya.” wala pa ring emosyon niyang sabi pero parang kalmado lang siya.
Sa oras na ito ay mas natatakot sila kay Aubrielle kapag ito ay kalmado o walang emosyon dahil ang hirap niyang basahin at mas gusto pa nilang makita itong galit kaysa sa kalmado siya dahil baka iba ang kan‘yang magawa.
Dahil noon ay nagawa niya na rin iyon... Noong panahon na may kumuha rin kay Timothy at bata pa lamang si Timothy noon kaya grabe ang galit ni Aubrielle, pero kalmado lang siya noon at nagulat na lang sila sa ginawa niya dahil nasugod niya ang mga nasa likod nung pagkuha kay Timothy at mag-isa lang siya noon... At hindi na nila nais pang mangyari ang nangyari noon.
“P-pero... Paano, Ate? Hindi natin alam kung saan nila tinago si Kuya Miller.” sabi naman ni Timothy kaya naman tumingin sa kan‘ya si Aubrielle at napaatras pa si Timothy dahil sa tingin niyang iyon.
“Ano pang silbi ni Excel at Najifah? Bakit Excel? Hindi niyo ba kayang malaman kung saan nila tinatago si Miller?” pagalit na niyang tanong kaya naman napaatras sila dahil sa takot.
“K-kaya naman.” sabi ni Excel kaya naman napapatango si Aubrielle dahil sa sinabi niya.
“Ma... Pa... Handa ba ang mga grupo mo ngayon? Dahil ngayon mismo ay susugod tayo. Kailangan lang ng plano.” sabi niya at tumingin pa muna sa mga magulang.
“Handa sila...” sabi naman ni Anthony sa Anak.
“Okay... Simulan na. Excel and Najifah try niyong i-locate si Miller. May cellphone siyang dala.” sabi ni Aubrielle kaya naman agad na nagsimula sila Excel. “Excel at Grace... Rooftop ulit kayo.” utos niya kaya naman agad silang tumango.
“Ito na. Ito na... Nahanap na namin kung saan.” sabi ni Excel kaya naman agad pumunta si Aubrielle sa kan‘ya para tignan kung saan ang location.
“Maghanda na kayo.” utos ni Aubrielle at tumingin siya kay Anthony na agad siyang tinanguan nang makuha ang tingin niya.
“Ang iba ay sa harap, gilid, likod at sa taas. Excel at Grace kayo ang bahala sa amin at nasa inyo ang mga mata kung sino ang mga susugod sa amin na hindi namin nakikita. Pa, pasamahin mo ang iba mong grupo kila Excel dahil hindi nila kakayanin na silang dalawa lang, lalo na at alam kong pinaghahandaan na rin nila ang pagdating natin dahil mukhang matagal na nila itong pinlano.” mahabang sabi ni Aubrielle at ang lahat ay sumang-ayon.
“Isuot mo.” sabi ni Oliver at inabot sa kan‘ya ang damit at pants na kulay black, kinuha naman ni Aubrielle ito sa kan‘ya at tumango. Umiwas lang ng tingin si Oliver at pumunta na sa mga kasama.
“Kita ko ‘yon.” bulong ni Joseph kay Oliver pero hindi siya pinansin nito. “Bawal ‘yan.” biglang seryoso na sabi ni Joseph pero tumahimik lang si Oliver.
Nagpasama si Aubrielle kay Shaina para magbihis sa loob ng sasakyan nila, wala na silang oras kung uuwi pa sila sa Mansion at doon gagawa ng plano.
Nang makalabas na siya ay agad niyang kinuha ang atensyon ng lahat.
“Are you all ready? If yes... Let‘s go.” sabi ni Aubrielle at sinenyasan si Jett na agad naman nito nakuha.
“Ito ang lahat ng p‘wede niyong gamitin sa paglaban. Pumili na kayo rito.” sabi ni Jett at inilapag ang lahat ng baril sa harap ng sasakyan.
Kinuha ni Aubrielle ang baril na pistol at inilagay sa ligod niya. At kinuha niya rin ang gravity knife at tinitigan pa ito bago tiniklop at nilagay sa tagiliran niya, kumuha rin siya ng reserba na bala.
“It‘s time.” walang emosyon na sabi niya. “Protect each other, understand? I don‘t want you all get hurt so, do all your best just to win this battle. Thank you for all your sacrifice. Let‘s end this battle now, and let us have peace.” seryosong sabi niya. “Now get ready.” sabi niya at sinenyasan na niya ang lahat na pumasok na sa sasakyan para pumunta na sa lokasyon na kung saan tinago si Miller.
Habang nasa sasakyan ay agad napatingin si Aubrielle kay Timothy dahil hinawakan siya nito sa balikat.
“Please... Don‘t do that again... Ate. I know you remember everything, and I know that you know what I was talking about.” sabi ni Timothy at kahit na gulat ay pinakita ni Aubrielle na wala siyang naririnig ngayon. “H‘wag mo na ulit gawin ‘yon.” sabi ni Timothy kaya naman tumingin si Aubrielle at napakasama na ng tingin niya rito na kulang na lang na labasan ng apoy ang kan‘yang mata.
“H‘wag mo akong bawalin, alam ko ang ginagawa ko.” madiin na sabi ni Aubrielle at tumingin na lamang sa labas.
Pagtingin niya sa labas ay nakita niya ang buwan na nagniningning sa kan‘yang mata kaya naman napahawak siya sa kamay niya at nakita niya ang bracelet na ibinigay ni Miller kanina.
“Natatakot ako...” bulong ni Timothy kaya naman napatingin na sa kan‘ya si Aubrielle. “...Na baka gawin mo na naman ang ginawa mo noon.” makahulugang sabi niya.
Napahawak muna si Aubrielle sa bracelet at pumikit, bumuntong hininga pa muna siya bago dumilat.
“Kaya ko na ngayon pigilan ‘yon.” sabi niya at napatingin muli sa bracelet. “Makita ko lang ang mukha niya ay... Nagagawa kong pigilan ang sarili ko.” sabi niya at inisip ang mukha ni Miller.

Book Comment (270)

  • avatar
    Wheng Molavin Llema

    make me cry while reading ur story..longing for a happy ending😊

    28/01/2022

      25
  • avatar
    MineJas

    it's good

    14d

      0
  • avatar
    Mhd Nur

    Nice story

    15d

      0
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters