CHAPTER 69

THIRD PERSON'S POV
“Oh, baka ‘di ka na humihinga d‘yan Alexander?” pang-aasar ni Jett kay Miller na tila hanggang ngayon ay nakatingin pa rin kay Aubrielle.
“What?” naiilang na ring tanong ni Aubrielle kay Miller.
“Oh, God I... I... I don‘t know what to s-say.” hindi pa rin makapaniwalang sagot ni Miller.
“Ayaw mo ba?!” mahinahong tanong nito pero ramdam mong naiirita na siya.
Agad na lumingon silang lahat sa kan‘ya at lahat sila ay iisang reaksyon lang ang mayroon sa kanilang mga mukha.
“Timothy, n-nagtagalog na naman siya.” -Jett.
“Para kang siraulo akala mo namang big deal kung nagtagalog siya.” -Timothy.
“Timothy, big deal talaga ‘yon. Baka naman hindi siya si Boss Ate?” -Bryan.
“Tanga ka ba? Nakita mong siya ‘yung nasa harapan mo ‘di ba?” -Emmanuel.
“Malay mo, pinadala na naman siya ng mga kalaban para magpanggap.” -Julian.
“Isa ka ring bobo, eh. Nakita mong and‘yan si Alliyah, eh.” -Karl.
“Bobo ang sabi niya baka may pinadala lang ulit.” -Oliver.
“P‘wede bang manahimik kayo!” biglang sigaw ni Aubrielle kaya sa isang iglap ay nanahimik sila. “Ano? Tutunganga ka na lang d‘yan, ayaw mo ba?” tanong ni Aubrielle kay Miller na tulala pa rin.
“S-sorry, nag fast forward bigla nasa isip ko. Ikakasal na raw tayo.” nakangising sabi ni Miller na ikinagulat ni Aubrielle at ikinahiyaw ng lahat.
“Iba talaga siya.” bulong ni Lorie.
“Ganoon dapat boys, hindi ‘yung puro kalokohan ang banat niyo, sarap niyong pagbabanatan.” sabi naman ni Ashley at tumingin sa lahat at huling lumapat ang mga tingin niya kay Excel.
“Shut up.” sabi ni Aubrielle kay Miller at iniiwas sa niya ang tingin nito sa kan’ya.
“Oh come on, don’t be shy. Ang cute mo.” sabi nito at hinalikan niya ito sa ilong.
“Ehem, ehem nandito pa po kami opo. Ano itutuloy pa ba natin ang laro?” pasingit ni Timothy na siyang ikinairap ni Aubrielle.
“Go na, play na ulit.” sabi naman ni Aubrielle at inayos niya pa ang boses niya.
Nagtuloy sila sa paglalaro at marami na ring nakahibad dahil sa hindi nila magawa ang dare sa kanila o hindi nila masagot ang tanong na tinatanong sa kanila.
Nang ikutin muli ang bote ay tumapat kay Jett at agad na sumimangot ang mukha niya.
“Ako magtatanong.” sabi ni Aubrielle kaya agad na nalukot ang mukha ni Jett.
“Aubrielle, maawa ka!” madramang sabi ni Jett kaya natawa ang lahat.
Kanina pa kasi siya ang pinagdidiskitahan ni Aubrielle at mismong boxer na lamang ang suot niya dahil lahat n‘on ay si Aubrielle ang nagtanong.
“May angal ka?” seryoso kunwaring tanong ni Aubrielle at agad pinaikot sa mga kamay niya ang baril na kinuha niya sa likod ni Miller na hindi man lang namalayan ni Miller na nakuna nito sa kan‘ya ang baril.
“W-wala po, Alexander help!” sabi niya at natawa muli ang lahat. “Ano ba?! Tawa kayo ng tawa, ako na nahihirapan dito, eh.” sabi niya at sobrang busangot na ng mukha nito.
“Truth or... Dare?” madiin at makahulugang tanong ni Aubrielle.
“T-truth.” nanginginig na sabi niya kaya naman natawa  ang lahat dahil halata sa kan‘yang boses na takot na takot na ito.
“Ano? Anong sabi mo?” kunwaring nabibinging tanong ni Aubrielle at agad na tumingin dito na naglilisik ang mga mata.
“Katakot. Oo na Dare na.” paranf napipilitin na sabi kaya naman tinaasan siya ni Aubrielle ng kilay dahil sa kan‘yang tono. “S-sorry naman.” sabi nito.
“I dare you na tumalon sa building na ang taas ng floor ay one hundred ninety eight.” nakangising sabi nito kaya naman parang nanlumo si Jett at tila parang isang malambot na bagay siyang dumulas sa upuan.
“H-hey s-stop na.” sabi ni Miller pero agad niyang itinikom ang bibig niya dahil ang sama ng tingin nito sa kan‘ya.
“Umayos ka Jett, kung gusto mo pang mabuhay.” galit kunwaring sabi nito.
“S-sorry na kasi ‘di ko pa kasi alam ‘yon noon.” nanginginig na sabi niya at umayos na upo. “Kung alam ko lang e ‘di sana h-hindi ko na siya hinanapan ng babae, s-sorry na.” sabi niya pero hindi pa rin nawawala ang sama ng tingin ni Aubrielle.
Kaya lang naman siya pinagti-trip-an ni Aubrielle dahil sa kanina pa sila naglalaro ay may nga nalaman siya na sinubukan pala ni Jett na hanapan ng babae si Miller kaya naman ay naisip niya na lang na pag-trip-an ito.
“Okay.” sabi niya at binaba na ang baril. “Pero... Kapag inulit mo ba iyon, ipagdasal mo an ang buhay mo dahil ako ang wawasak nito.” madiin ang pagkakasabi nito kaya agad na tumango-tango si Jett dahil sa takot.
“Grabe, mas nakakatakot pala siyang magtagalog.” -Joseph.
“Sabihin mo mas nakakatakot siyang magselos.” -Karl.
Agad na tumawa si Aubrielle na ikanapagtaka nila dahil parang nababaliw na ito, napapailing na rin si Miller dahil kanina niya pa alam ang nasa isip ni Aubrielle.
“Oh come on guys, I'm just messing you all. Oh my god, that was so funny. I‘m sorry Jett..." natatawang sabi nito. “Mukhang naiihi ka na, go lang Cr ka muna.” sabi niya at tumawa muli.
“Ang sama mo.” nakangusong sabi ni Jett kaya naman agad na tumigil sa pagtawa si Aubrielle at tumingin sa kan‘ya ng seryoso.
“Anong sabi mo?” sabi nito kaya agad muli itong natakot. “Just kidding.” sabi niya at tumawa muli.
Agad na tumayo si Jett at nakabusangot pa rin ito.
“Grabe iba ang trip mo ngayon Ate.” sabi ni Timothy.
Hindi siya sinagot ni Aubrielle at tumatawa pa rin ito at agad siyang sumandal sa dibdib ni Miller.
“I‘m sleepy.” bulong ni Aubrielle kay Miller kaya naman napangiti ito.
Nang dumating si Jett galing sa banyo ay bihis na ito kaya naman agad nagreklamo ang mga kasama nito.
“Ang daya, wala naman kaming sinabing isoot mo na, ah.” reklamo ni Ashley.
“Tumigil ka d‘yan Kambal.” seryosong sabi ni Jett ngunit inirapan lang siya nito.
“Sayang, ‘di ko na makikita ang abs mo.” sumimangot kunwari si Grace kaya naman agad napangisi si Jett.
“Kung gusto mo talagang makita, welcome ka sa k‘warto ko.” nakangising sabi nito at saka kumindat dito, pero nginiwian lamang siya ni Grace.
“Excuse us.” sabi ni Miller sa kanila at binuhat si Aubrielle dahil tulog na ito.
“Go lang.” -Timothy.
“Baka naman, unang araw niyo pa lang magjowa. Baka magkaroon agad kami ng inaanak.” sabi ni Excel kaya naman agad na nagtawanan silang lahat.
“Shut up.” sabi ni Miller at pumasok na sa loob ng Mansion.
Nang makapasok siya sa k‘warto ni Aubrielle ay agad niya inihiga ito ng dahan-dahan, at kinumutan niya na rin ito.
“Miller...?” bulong na tawag nito sa kan‘ya nung papaalis na sana siya.
“Hmm?” sagot nito at lumapit sa higaan ni Aubrielle.
“Nasabi ko na ba sa‘yong Mahal kita?” inaantok na tanong nito at nanatiling nakapikit ang mga mata nito.
Agad na napangiti si Miller at inayos niya ang buhok ni Aubrielle na humaharang sa maganda nitong mukha.
“Hmm, h-hindi pa.” sagot naman ni Miller.
“Mahal kita, Miller.” bulong nito at agad na itong nakatulog.
Nakangiting nakatingin si Miller sa kan‘ya at pinipigilan nitong lumuha dahil sa kan‘yang narinig.
“Mahal din kita.” bulong ni Miller at saka hinalikan nito sa noo. “Sobra.”

Book Comment (270)

  • avatar
    Wheng Molavin Llema

    make me cry while reading ur story..longing for a happy ending😊

    28/01/2022

      25
  • avatar
    MineJas

    it's good

    15d

      0
  • avatar
    Mhd Nur

    Nice story

    16d

      0
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters