Homepage/I will find you/
CHAPTER 79
A/N
Dahil iba ang panahon dito sa panahon natin. Ngayon pa lang sila magpapasko. Naubusan kasi ako ng araw noon, kaya ngayon lang sila magpapasko. Sorry na tamad ako, eh. Normal lang naman ‘yon ’di ba? Normal ‘yon promise.
***
“Merry Christmas!” bati nila sa akin nung pagbuksan ko sila ng pinto.
“Namamasko po!” sigaw muli nila.
“Ate, Merry Christmas.” nakangiting sabi sa akin ni Shaina at nagbeso pa.
Dalawang linggo na mula nung makalabas kami sa hospital kaya naman pinagdiriwang na namin ang araw ng pasko.
Wala na kahit sino ang tumatawag sa akin ng Boss, kaya Ate o Aubrielle ang itatawag nila sa akin.
“Merry Christmas sa inyo. Pasok kayo.” nakangiting sabi ko at binuksan na ang pintuan para makapasok silang lahat.
“Ma! Tito! May bisita tayo!” sigaw ko. Nandito ako sa bahay ni Mama ngayon na kung saan bahay din ni Tito Zane.
Sinabihan ko kasi si Papa na gusto ko kasama si Mama sa pasko, pero hindi ko naman sila binawalan na pumunta rito lalo na‘t pasko.
“Oh? Nandito na pala kayo. Tara rito sa dining.” nakangiting sabi ni Mama at tinuro pa ang dining kaya naman masayang pumasok ang mga kaibigan ko.
Susunod na rin sana ako sa dining pero may nag-door bell ulit kaya naman pumunta ulit ako sa pintuan at binuksan ito.
Agad akong napangiti dahil sa taong nasa harapan ko ngayon.
“Merry Christmas, Adi.” nakangiting sabi ni Miller at lumapit sa akin para halikan ako sa pisngi.
“Merry Christmas.” nakangiting sabi ko at tumingin sa likod niya. “Hi Tito Alexandrio at Tita Beth. Merry Christmas po.” nakangiting bati ko sa kanila at yumakap pa ako sa kanila.
“Merry Christmas din Hija.” nakangiting sabi nilang mag-asawa.
Tumingin ako kay Miller na ngayon ay hawak na agad ako sa baywang.
“Pasok na po kayo.” nakangiting sabi ko at tinuro sila Mama kung nasaan.
Naiwan naman kami ni Miller sa pintuan kaya naman tumingin pa muna ako sa kan‘ya bago ko isara ang pintuan.
“Let‘s go.” aya ko at magsisimula na sana kaming pumunta sa mga kasama, pero may nag-door bell ulit kaya naman alam ko na agad kung sino ang mga iyon.
“Merry Christmas, Ate!” masayang bati sa akin ni Timothy na yumakap pa sa akin kaya naman nabitawan ako ni Miller.
“Papa, Pasok na kayo nila Tita Mommy. Timothy nandoon na si Shaina, puntahan mo na rin.” sabi ko at tinuro ulit ang dining.
Tumingin ulit ako kay Miller at ngumiti lang naman siya sa akin.
“Tara na.” aya ko at hinawakan ang kamay niya.
Pagpasok namin sa dining ay ang ingay agad ng mga kaibigan namin ang bumungad.
“Ang sarap niyo naman magluto, Tita.” papuri ni Excel.
“Oo nga po, parang gusto ko na tuloy tumira rito.” sabi ni Jett kaya naman maraming umalma sa sinabi niya.
“Patay gutom ka lang talaga.” -Excel.
“Uunahan mo pa si Alexander, ah.” -Ashley.
“H‘wag ahas, bro.” -Julian.
“Pinsan mo siya, bro.” -Joseph.
“H‘wag kalabanin ang pinsan.” Emmanuel.
“Wala ka rin namang laban, eh.” Oliver.
“Mga siraulo, ang dami niyong nasabi, eh ‘no? Mga b‘wisit na ‘to. Parang binibiro lang, eh.” sabi naman ni Jett na parang aping-api.
“Ay Tita, biro lang daw ‘yon, oh. ‘Di raw po masarap luto niyo.” pang-aasar pa ni Excel kaya naman nagtawanan kami dahil parang tutang aping-api naman ang mukha ni Jett nang tignan siya ng masama ni Mama ng pabiro.
“H‘wag kayong maniwala d‘yan, Tita. Masarap talaga luto mo, h‘wag mo akong tignan niyan please. Para kang si Aubrielle, eh. Naalala ko tuloy ‘yung ginawa niya nung Truth or Dare.” sabi niya at niyakap niya pa ang kan‘yang sarili nung sinabi niya ang huli.
“May sinasabi ka?” pagsingit ko kaya naman tumingin silang lahat sa akin.
“Sorry na, piece na tayo.” sabi niya at nag-peace sign.
“Adi, oh. Ni-ba-backstabbed ako.” sabi ko at tinuro si Jett at kunwaring batang nagsumbong kay Miller na sinakyan naman ang trip ko.
“Jett... Usap tayo... Sa labas, mabilis lang.” seryoso kunwari niyang sabi kaya naman pigil akong tumawa.
“Alexander naman!” naiiyak kunwari niyang sigaw kaya naman natawa kaming lahat.
“Alexander under.” pang-aasar ni Jett at dumila pa saka tumakbo at nagtago sa likod ni Mama.
“Tita, oh. Inaaway ako.” sabi niya at pilit niyang ginagawang panangga si Mama kahit hindi naman sumusugod si Miller at nanatiling nasa tabi ko lang.
“Tumigil nga kayo, kumain na lang kayo d‘yan.” pambabasag ni Mama kaya naman lahat na lang kaming sumunod.
“Try niyo ‘yung turon ni, Mama.” suggest ko at tinuro ang apat na tray na puno ng tray.
Tinulungan ko pa si Mama kagabi na magluto niyan dahil alam kong kapag unti lang ang linuto namin ay baka kulangin kami.
“Tama try niyo ‘yan. Pinaka-the best ‘yan sa lahat ng turon na natikman ko, favorite namin ‘yan ni Aria nung bata kami, eh.” sabi naman ni Miller at siya ang naunang kumuha ng turon at kumagat. “Kuha na kayo.” sabi naman ni Miller at tinuro pa ang turon.
“Ahh.” ngumanga ako na agad naman nakuha ni Miller kaya naman pinakagat niya ako ng turon. “Ang sarap talaga.” sabi ko at kumagat ulit. Nanatiling magkahawak ang kamay namin kaya ‘yung isa niyang kamay ang pinangsusubo niya ng turon.
“Ang sarap nga.” papuri ng lahat at mabilis silang kumuha ulit sa panibagong tray dahil naubos na nila ang dalawang tray. Grabe sila.
“Parang gusto kong pumunta sa probinsya, kung saan ang bahay namin.” bulong ko kay Miller.
“Gusto mo doon tayo mag-new year?” suggestion niya kaya naman napangiti ako.
“Sure. Ma!” sabi ko at sumigaw at tinawag si Mama.
Nagkan‘ya-kan‘ya na kasi silang matatanda, kaya kailangan ko pang sumigaw dahil nasa living room sila.
Hinila ko si Miller papunta sa living room para makausap sila Mama.
“Ano ba ‘yon?” tanong ni Mama kaya naman ngumiti ako ng matamis.
“Punta tayo sa probinsya sa new year.” sabi ko at alam niya agad ang tinutukoy ko.
“Sige... Kung ‘yan ang gusto mo.” sabi naman ni Mama at napapatango pa. Tumingin siya kay Tito Zane. “Gusto mo sumama?” tanong niya kaya naman agad umakbay si Tito Zane sa kan‘ya.
“Of course.” nakangiting sabi niya kay Mama kaya naman nakangiti akong tumingin sa kanila.
Napatingin ako kila Papa at parang wala ng epekto ang nakikita niya, para lamang silang magkakaibigan kaya naman parang ang saya ko dahil wala ako magiging problema sa relasyon ng bawat isa.
“Sama rin kami!” rinig ko pang sigaw nila Jett at Excel. Lahat naman sila sumigaw pero ang nangibabaw na boses ay sila Jett at Excel talaga.
Agad akong napailing dahil sa pagsigaw nila.
“Sige lahat tayo... Pupunta sa probinsya!” sigaw ko at lahat sila ay masayang sumigaw na “Yes!”.Download Novelah App
You can read more chapters. You'll find other great stories on Novelah.
Book Comment (270)
Share
Related Chapters
Latest Chapters
make me cry while reading ur story..longing for a happy ending😊
28/01/2022
25it's good
14d
0Nice story
15d
0View All