Homepage/I will find you/
CHAPTER 77
Halos isang linggo ako bago magising, kaya nung magising ako ay sila Mama, Papa, at Tito Zane lang ang bumungad sa akin.
Halos lahat yata kami ay naka-confined dito sa hospital na pag-aari lang naman ni Tito Zane. Hindi ko alam na siya pala ang may-ari nito, kaya pala para siyang Doctor.
Agad akong niyakap ni Mama pero agad akong dumaing dahil nakaramdam agad ako ng sakit sa ulo ko. Nakabenda ang ulo ko dahil sa natamo ko.
“S-sorry.” paghingi ni Mama ng tawad at tinulungan niya pa ako para makaupo ako ng maayos. “Kamusta ka? A-ano nararamdaman mo ngayon?” tanong ni Mama kaya ngumiti muna ako bago sumagot.
“Maayos naman ang pakiramdam ko, unting sakit na lang sa ulo ko.” sabi ko.
“Mabuti at minor lang ang pagtama sa ulo mo, at hindi malala. Dahil kung major na naman ang natamo mo ay maaari kang ma-comatose ng ilang taon.” sabi ni Tito Zane kaya naman tango na lang ang naging pagsagot ko sa kan‘ya.
“Si Miller?” tanong ko. “Si Timothy? ‘yung iba pa nating kasama? Kamusta sila? Nasaan sila?” sunod-sunod na tanong ko.
“Calm down.” sabi ni Mama at hinawakan pa ang kamay ko. “Si Miller, nagpapahinga na lang. Si Timothy naman ay hanggang ngayon ay hindi pa rin gumigising, pero ang sabi naman ng Doctor ay maayos naman na ang lagay niya dahil na-a-absorn na ng katawan niya ang gamot na tinutusok sa kan‘ya. At ang iba mong kaibigan ay nakalabas na ng Hospital at ang iba naman ay nagpapagaling na lang sa bahay niyo.” sabi ni Mama kaya naman nakahinga ako ng maluwag dahil sa sinabi niya. “Ikaw ang pinakamatagal na nagising.” sabi niya kaya naman napataas ang kilay ko dahil sa sinabi ni Mama.
“Anong nangyari noong tulog ako?” tanong ko sa kanila. “Ma, nagugutom ako. Ano pagkain?” tanong ko at ngumuso.
Hindi ko alam kung bakit bigla akong umakto ng ganito, kahit ‘yung ginawa ko nung nakaraang linggo ay parang bumalik ako sa dati. ‘Yung dating Aubrielle sa probinsya. Kung saan ‘yung Aubrielle na ‘yon ay maingay, makulit at... mapambara.
Dahil ba sa naalala ko na ang lahat? O dahil nahanap ko na ang dating ako na matagal ko ng iniwan magmula nung akala ko ay wala na si Mama. Kung ano man ang dahilan na ‘yon ay nagpapasalamat ako dahil mas gusto ko ang Aubrielle na ‘to.
“Oh. Nganga.” sabi ni Mama kaya naman natauhan ako. Agad akong ngumanga dahil sinubuan niya ako ng grapes.
“Maiwan ko muna kayo, may pasyente lang akong titignan.” sabi ni Tito Zane kaya naman napatingin kami sa kan‘ya at tumango at ngumiti, nagpasalamat pa muna ako bago siya umalis.
“I‘ll go too. Take a rest Rya– ah no... Aubrielle.” sabi niya kaya naman napangiti ako.
“Papa...” tawag ko kaya naman tumingin muna siya sa akin.
“Okay lang sa akin na Rya, may ganoon din naman sa name ko na Aria, eh.” sabi ko at ngumiti.
Alam kong nasanay si Papa na Rya ang itawag niya sa akin mula nung gusto kong baguhin ang pangalan ko na pati pagkatao ko ay nadamay.
“Sige... Pahinga ka ha?” sabi niya at pipihitin na sana niya ang doorknob pero tinawag ko ulit siya.
“Papa...” pagtawag ko at ngumiti ng matamis. “Thank you.” sabi ko at doon ulit siya ngumiti at lumabas na. “Ahhh.” sabi ko at ngumanga ulit kaya naman agad akong sinubuan ni Mama ng grapes.
“Ma...” tawag ko.
“Oh?” sagot niya at sinubuan ulit ako.
“’Yung k‘wento, nasaan na?” tanong ko.
“Ha?” tanong niya kaya naman natawa ako.
“Ano nangyari nung tulog ako?” pag-uulit ko sa tanong.
“Ah, ano ba uunahin ko?” tanong niya kaya naman nangunot ang noo ko dahil sa sinabi niya.
“Nasaan na si Mr. Villa?” tanong ko.
“Sumuko siya. Walang nag-utos, kusa lang siyang sumuko. Nagulat na lang kami nung nabalitaan ‘yon.” sabi niya kaya naman napatango ako.
“Si Ella at Alliyah? Ano nangyari sa kanila?” tanong ulit.
“Plano nilang mag-ibang bansa, at doon muna manirahan. Alam kong nadamay lang naman sila sa gustong mangyari nung Ama nila, eh. Kaya gusto nilang lumayo. At nung isang araw lang sila umalis, pero bago sila umalis humingi sila ng tawad sa lahat ng kasama natin at pati na sa‘yo. Ito, oh. Sulat para sa‘yo.” sabi niya at may inabot sa aking sobre. Binasa ko naman ‘yon at puro paghingi ng tawad ang nandoon, kahit si Alliyah na inamin niyang naging traydor siya pero hindi naman niya iyon ginusto dahil wala siyang magawa dahil utos iyon ng Ama niya, masaya raw siya nung nakasama kami dahil doon niya naramdaman na may totoo siyang kaibigan na nakilala.
“Ang iba naming kaibigan?” tanong ko. Alam kong turing ko sa kanila rati ay parang isang member lang ng grupo ko, pero ngayon ay ang turing ko sa kanila ay isang kaibigan. Kahit na may mas bata at matanda sa akin ay kaibigan ko na sila.
“Ang daming nasugatan kaya halos mapuno na natin itong hospital dahil sa rami natin. Pero naging maayos naman na sila, dahil sila ang unang nagising. Minsan ay dumadalaw sila rito pero pinapaalis ko rin kasi ang iingay. Parang mag baliw kakasigaw na “Boss!” “Boss Ate!” nakakarindi.” sabi ni Mama at natawa naman ako dahil ginaya niya pa kung paano ako tawagin ng mga kaibigan namin. “May tanong ka pa?” tanong ni Mama kaya naman ngumiti ako sa kan‘ya ng matamis.
“Si Miller? Ay si Casper pa pala? Ano nangyari doon sa dalawa na ‘yon?” tanong ko at ngumanga ulit, kaya naman sinubuan niya naman ako ngayon ng orange.
“Si Casper, humingi ng tawad lalo na doon sa mga pinsan niyang sila Jett, Ashley at Miller. Nag-sorry din naman si Miller dahil alam niya naman ang ginawa niyang kasalanan nung binaril niya ang Tito niya. Pupunta raw dito si Casper mamaya para magpaalam, gusto niya raw sumunod kay Ella sa ibang bansa pero bago raw ‘yon gusto niyang mag-sorry at mag-thank you sa‘yo ng harapan.” sabi niya naman, kaya napatango na lang ako.
“Ang dami mo pa lang alam Ma? Chismosa ka ba noon?” nakakalokong tanong ko kaya naman hinampas niya ako ng unan sa mukha kaya naman agad akong napadaing sa sakit.
“Aray ko naman, Ma!” sigaw ko pero tinawanan niya lang ako.
“H‘wag mo akong artehan, Elle. Ilang hampas ng bakal ‘yung natamo mo tapos may tama ka pa sa ulo ta‘s hindi mo man lang ininda ‘yon, tapos nagyabang ka lang naman doon.” sabi niya kaya naman napanguso ako. “Baka nakakalimutan mong nagmura ka rin? Pasalamat ka at may benda ‘yang ulo mo... Naku kun‘di baka nakutusan na kita.” sabi ni Mama at umamba pa siya ng kutos kaya naman agad kong iniwas ang ulo ko kahit alam ko namang hindi niya itutuloy ‘yon.
“Wow naman. ’Yon lang yata napansin mo, eh. Ang dami kong nagawa na ako lang mag-isa tapos ako pa may kasalanan, grabe ka na Ma, ah.” sabi ko kaya naman natawa siya.
“Eh, si Miller?” tanong ko.
“Nasa kabila lang siyang room, kaya naman madali lang siyang makapunta rito kapag gusto niya. Araw-araw ka niyang pinupuntahan tapos minsan nakakatulog siya d‘yan sa tabi mo. Magaling naman na siya gaya ng sabi ko, pero kailangan niya pang magpahinga ng kahit isang araw na lang dahil isang linggo naman na siyang nakapagpahinga.” sabi niya kaya naman napatango ako. “Pupunta siya mamaya dito.” sabi niya kaya naman napangiti na ako.
“Hihintayin ko na lang siya.” sabi ko.
Tumayo siya at lumapit sa bag niya para may kuhanin, isa iyong parihabang kahon at iyon pa lang ay alam ko na ang laman.
“Oh.” abot niya sa akin kaya naman binuksan ko ito at bumungad sa akin ang k‘wintas na hugis buwan, alam ko ang disenyo na ito para siyang ‘yung binigay niya sa akin noong bata pa lamang ako.
Gold na necklace siya at pa-crescent ang buwan na may nakasabit na Star sa b‘wan.
“Alam kong nakakaalala ka na, kaya sasagutin ko na ang tanong na nasa isip mo pa lang.” sabi niya kaya naman napatingin ako sa kan‘ya.
Nawala ‘yung necklace na binigay niya sa akin nung may kumuha akin nung bata ako at may sumabog pa nga noon an akala ko ay wala na si Mama noon.
“Katulad ‘yan nung binigay ko nung bata ka... Pero ‘yan ako na talaga ang magbibigay sa‘yo niyan. Pero ‘yung kwintas na suot mo noon ay galing sa Papa mo.” sabi niya kaya naman nagulat pa ako.
Dati hindi niya nasagot ang tanong ko tungkol sa kwintas, pero ngayon ay sinagot na niya.
“P‘wede mo bang isuot sa‘kin ‘to, Mama?” tanong ko at inabot ko ‘yon sa kan‘ya.
Lumapit siya sa akin at hinawi pa ang buhok ko para ilagay ang kwintas. Nang mailagay na ay agad ko itong hinawakan na nakangiti. Dalawa na ang nakasuot sa akin, at kasama niyon ang kwintas na bigay sa akin ni Tita Stella na ganoon din naman ang disenyo.
“Thank you, Mama.” sabi ko at yumakap sa kan‘ya. “I missed you so much.” naiiyak na sabi ko kaya naman naramdaman kong niyakap niya rin ako.
“Na-miss din kita, Anak.” sabi niya at ramdam ko ring umiiyak din siya.Download Novelah App
You can read more chapters. You'll find other great stories on Novelah.
Book Comment (270)
Share
Related Chapters
Latest Chapters
make me cry while reading ur story..longing for a happy ending😊
28/01/2022
25it's good
14d
0Nice story
15d
0View All