logo text

CHAPTER 80 (-The End-)

“Wow! Ang ganda naman dito!” sari-saring papuri nila.
“Welcome to our humble house.” masiglang sabi ko at nakalahad pa ang dalawa kong kamay.
“Grabe, Ate. Hindi ko akalain na tumira kayo rito.” sabi naman ni Timothy habang nakatingin sa maliit naming bahay.
“Maganda nga ‘yan ngayon, eh. Dati hindi naman ‘yan ganyan ‘di ba, Ma?” sabi ko at bumaling pa ako kay Mama.
“Parang kumulit ka yata ngayon, Aubrielle.” pansin ni Jett.
“Pakialam mo?” pambabara ko sa kan‘ya kaya naman agad natawa ang mga kaibigan ko.
“Barado ka na naman. Ayos lang ‘yan, pre.” malungkot kunwaring sabi ni Excel at tinapik-tapik pa ang likod ni Jett.
“Lagi naman akong barado sa kan‘ya, eh. Payakap nga, pre.” sabi niya at aamba na sana siya ng yakap kay Excel pero agad siyang binatukan nito kaya naman napahawak siya sa ulo niya. “Aray naman.” reklamo niya pero dinilaan lang naman siya ni Excel.
“Pasok na tayo. Sa likod tayo, mas maluwag.” sabi ko at sumunod sila sa amin.
Nakahawak lang ako ng kamay kay Miller na nakatingin lang naman sa akin.
“Bakit?” tanong ko at pinagtaasan ko pa siya ng kilay.
“May naalala lang ako.” he grinned.
“Ano naman ‘yon?” nakataas pa ring kilay na tanong ko.
“Ano nga ulit ‘yon? Dugo? Hmm?” pang-aasar niya at kunwari pang tumingin sa taas na parang may iniisip, agad kong binitawan ang kamay niya at dinuro siya.
“Bata pa ako n‘on, okay?” sabi ko at tinalikuran ko na siya, narinig ko pa siyang tumawa.
Sumunod na ako sa mga kasama namin na nasa likod na, sinamahan kasi sila ni Mama kaya naman nakapunta sila doon na wala ako.
Naramdaman kong tumabi sa akin si Miller pero nakangisi pa rin siya.
“Lumayo ka sa‘kin.” nakadurong sabi ko at aalis na sana ako but he suddenly grabbed my waist pulling me closer to him.
“Ayaw ko, gusto kong malapit lang sa‘yo.” nakangising sabi niya.
Nagpumiglas ako pero sobrang higpit ng kapit niya.
“Ano ba?” galit na sabi ko.
“Hoy ano ‘yan? May LQ kayo?” tanong ni Jett at napatingin na sa‘min ang lahat kaya buong p‘wersa akong umalis sa kan‘ya.
“Mag-ayos na kayo ng lamesa. Malapit na gumabi.” pag-iiba ko ng usapan.
Sumunod na lang sila, ‘yung iba ay lumabas para pumunta sa sasakyan at kuhanin ang ibang tent at lamesa.
Open area kasi ang likod namin, kaya kailangan namin mag-tent at para may silungan kami mamaya. Marami rin silang dinalang paputok at fireworks para mamaya.
Nagtulong-tulong silang gumawa ng tent at ng lamesa, kaya naman napagdesisyunan ko na lang na pumasok sa loob. May ilaw naman sa likod kaya hindi problema iyon mamaya. Marami ring dalang pagkain ang mga kasama ko dahil nagkan‘ya-kan‘ya kami ng dala.
Pagpasok ko ay sumunod din pala sa akin si Miller pero inismidan ko lang siya at pumasok na sa dating k‘warto namin ni Mama. Napangiti pa ako nung pagpasok ko dahil ay parang bumalik ako sa dati.
“Aria... Sorry na.” rinig kong sabi niya pero hindi ko siya pinansin at pumunta sa dati kong higaan at nilapag ang bag ko dahil may kukuhanin ako rito.
Narinig kong sinarado ni Miller ang k‘warto kaya naman nangunot ang noo ko nung tumingin ako sa kan‘ya.
“Umalis ka rito.” sabi ko at inirapan siya.
Lumapit siya sa at umupo rin sa tabi ko.
“I‘m sorry... H-hindi kasi nag-iisip ‘yung boyfriend mo, sorry na.” sabi niya at niyakap niya pa ako patalikod. “Sorry na, Adi. I love you.” malambing niyang sabi at hinalikan niya pa ako sa pisngi.
“Nakakainis ka kasi.” sabi ko at umalis na sa pagkakayakap ko sa kan‘ya. “Oh.” sabi ko at may inabot.
“Ano ‘to?” tanong niya at hinawakan ang binigay ko. “Ito ba ‘yon?” tanong niya at napangiti siya nang makita ang dictionary na binigay niya sa akin noon.
“Tinago ko ‘yan.” sabi ko at humarap sa kan‘ya. “Binasa ko ‘yung dictionary, kaya h‘wag kang mag-alala at natuto naman ako.” sabi ko kaya naman nakangiti siyang tumingin sa akin ay niyakap ako.
“Akala ko tinapon mo.” sabi niya.
“Bakit ko naman itatapon?” tanong ko at humiwalay na sa yakap niya.
“Bati na tayo, ha?” sabi niya at ngumiti.
I rolled my eyes. “Whatever.”
“Tara na sa labas, baka hinahanap na tayo nila.” sabi niya kaya naman hinawakan niya pa muna ang kamay ko bago kami lumabas.
“Uy saan kayo galing, ha?” panunukso agad ni Jett nang makitang magkahawak kami ng kamay.
“Tanong mo sa pagong, Jett.” sabi ko at nagtawanan na naman ang mga kaibigan namin at inasar muli siya.
“Ay, may naalala ako.” sabi ko kaya naman napatingin sa akin si Miller.
“Ano ‘yon?” tanong niya. 
“Si Mang Makoy, gusto ko siyang puntahan.” sabi niya kaya naman napangiti si Miller dahil sa sinabi ko.
“Puntahan natin dalawa.” sabi niya kaya naman napangiti ako.
“Ma, punta lang kami kay Mang Makoy.” paalam ko kay Mama.
“Sige, pakamusta mo na lang ako sa kan‘ya.” sabi ni Mama at nakipag-usap muli sa mga nakatatanda.
Lumabas na kami ni Miller at pumunta pa muna kami sa sasakyan dahil may ibibigay ako kay Mang Makoy. Malapit lang naman ang bahay nila Mang Makoy kaya mabilis lang kaming nakapunta.
“Tao po!” pagtawag ko at matagal pa bago lumabas si Mang Makoy at tinignan pa kami ng mabuti bago lumapit sa amin.
“Uy kayo po pala Ma‘am at Alexander. Kamusta po kayo? Mabuti at bumisita po kayo ngayong bagong taon. Halina kayo sa loob at makapagmeryenda.” sabi niya pero ngumiti lang ako sa kan‘ya.
“Mang Makoy, hindi niyo po ba ako naaalala? Look me in the eyes.” sabi ko at nagtataka man ay tumingin siya sa mga mata ko.
“Kulay Asul ang Mata mo, Ma‘am. Ang ganda po, pero isang tao lang kilala kong may kulay Asul, eh. ‘Yung batang si Elle na mahilig sa tinda ko, hanggang ngayon ay hindi ko alam kung nasaan na siya, dahil magmula nung nawala ang Nanay niya ay nawala na rin siya. ‘Yung kaibigan mo ‘yon Alexander hindi ba?” sabi niya naman ngumiti ako sa kan‘ya ng matamis. Pinahawak ko muna ang bagay na ‘yon kay Miller at lumapit kay Mang Makoy at niyakap siya.
“Ako po ‘yung batang ‘yon.” sabi ko ramdam ko ang gulat niya kaya naman humiwalay ako.
“Hala! Ikaw na ba ‘yung batang iyon? Aba‘y tignan mo nga, oh. Napaka gandang bata naman nito.” sabi niya kaya naman napangiti ako ng malaki sa kan‘ya.
“Salamat po. Ito po, oh. Sana po tanggapin niyo. Happy New Year po.” nakangiting sabi ko at inabot na ang nakabalot na bagay na gusto kong ibigay sa kan‘ya.
“Aba‘y nag-abala ka pa talagang bata ka, pero salamat dito. Mamaya ko na bubuksan para surprise.” nakangiting sabi niya kaya naman napangiti na rin ako. “Ayaw niyo bang pumasok? Gabi na, oh.” sabi niya kaya naman napatingin kami sa paligid dahil tama siya at lubog na ang araw.
“Hindi na po. May kasama rin po kami sa bahay, eh.” nakangiting sabi naman ni Miller.
“Sa inyo ba ‘yung maraming sasakyan d‘yan? Kanina ko pa napapansin ang mga iyon, pero hindi ko naman alam na kayo, e‘di sana ay nai-welcome ko kayo.” sabi niya.
“Sige na po, alis na kami.” paalam ko kaya naman tumango siya. Paalis na sana kami nang may maalala. “Ay Mang Makoy, kinakamusta ka nga po pala ni Mama.” sabi ko kaya naman ay napanganga pa siya dahil sa sinabi ko.
“Ha?” gulat na tanong niya.
“Buhay pa po si Mama.” nakangiting sabi ko at kumaway na para magpaalam.
Pagbalik namin ay naghahanda na ang mga kasama namin, ang iba ay nag-iihaw ng barbeque.
“H‘wag mong lantakan.” sabi ni Julian at ginatukan si Emmanuel.
“Aray ko naman.” reklamo ni Emmanuel.
“Patay gutom ka kasi.” -Oliver.
“Lahat naman kayo mga patay gutom, eh.” -Jett.
“Hiyang-hiya naman ako sa‘yo, ah? Ikaw ang leader ng patay gutom gang, tandaan mo ‘yan.” sabi naman ni Excel kaya naman napapailing na lang ako.
“Saan kayo galing, Ate?” tanong ni Timothy.
“D‘yan lang.” bored na sabi ko at tumingin kay Miller.
“Doon muna ako sa mga babae. Makipag-bonding ka naman sa kanila.” sabi ko at binitawan na siya.
“Uy Aubrielle nandito ka na pala.” bati sa akin ni Ashley kaya naman tumango ako.
“Ano ginagawa niyo?” tanong ko.
“Gusto raw maglaro ni Carly ng rock paper scissor, eh.” sabi niya at turo niya sa bata na tuwang-tuwa na nakikipaglaro kila Janine.
“Talo na naman, ang galing ng batang ‘to.” sabi naman ni Janine nang matalo siya.
“Ate, ikaw nga ang lumaban. Talo kami lagi, eh.” napapakamot ulong sabi ni Shaina at tinuro pa si Carly.
“Sige. Okay let‘s start.” sabi ko at umupo naman sa tapat ni Carly.
“Rock... Paper... Scissor.” sabay na sabi namin at nilapag ko ang paper at siya naman ay rock kaya talo siya.
“Yes, may nanalo rin.” masayang sabi ni Ashley at napapataas pa ang kamay niya kaya naman napatingin ang ibang naming kaibigan na lalaki.
“Hoy anong mayroon?” tanong nila Excel at tumingin pa sa ginagawa namin.
Napatingin ako kay Carly na nakanguso.
“Hala ka! Lagot ka Aubrielle, baka umiyak si Carly.” pang-aasar sa akin ni Jett kaya naman sinamaan ko siya ng tingin.
“Carly isa pa dali.” masaya kunwari ko at hinawakan pa ang kamay niya. “Rock... Paper... Scissor.” sabi ko at una siyang bumagsak at rock ito kaya naman agad kong ginawa ang form ng scissor sa kamay ko.
“Yey!” masayang sabi ni Carly nang manalo siya, napapalakpak pa.
“Sige laro na ulit kayo.” sabi ko at tumayo na at pumunta naman kila Miller.
“Galing mo mang-uto ng bata, Aubrielle. P‘wede ka ng mag-anak.” sabi ni Jett pero inikutan ko lang siya ng mata.
Masayang nag-usap-usap kami hanggang sa dumating na ang oras para mag-countdown.
“Ten... Nine... Eight... Seven... Six... Five... Four... Three... Two... One... Happy New Year!” sigaw ng lahat at doon na sila nagsimulang magsindi ng paputok at fireworks.
“Ang ganda.” puri naming lahat.
Nagbatian pa kaming lahat bago masayang mag-aya na kumain. Kahit na kumakain ay hindi nawawala ang biruan at tawanan. Ngayon lang talaga ako nakahanap ng totoong kaibigan, dahil noon ay maraming ayaw sa akin. Kaya ang saya ko.
Nang matapos kumain ay nag-ingay na silang lahat kaya naman napatingin ako kay Miller nang hawakan niya ang kamay ko at ngumiti.
“Tara may pupuntahan tayo.” sabi niya at hinila ako kaya naman natatawa akong sumunod sa kan‘ya dahil alam ko na kung saan niya ako dadalhin.
Nakangiti kaming magkahawak ang kamay na pumunta sa tulay kung saan kami laging pumupunta nung bata kami.
Nang nasa gitna na kami ng mismong tulay ay doon kami tumingala at puro fireworks ang nakikita namin at nakadadagdag lamang ang fireworks na ‘yon sa ganda ng buwan ngayon.
Niyakap ako ni Miller patalikod at itinabi niya ang mukha niya sa mukha ko.
“Thank you for being existed in this world, I don‘t know if there's a worth in my life without you.” bulong niya kaya naman napangiti ako.
“You know what the truth that needs to be told?” tanong ko.
“Hmm?” he hummed.
“I love you.” nakangiting sabi ko at humarap sa kan‘ya. “That‘s the truth that need to be told. I love you.” I said and kissed him under the fireworks with the beautiful moon who shines brightly in this night.
— THE END —
***
A/N
Hello, I appreciate your continued interest in this story. If you read this notes, congratulations for finishing this story. Love lots.
-Mizumage

Book Comment (270)

  • avatar
    Wheng Molavin Llema

    make me cry while reading ur story..longing for a happy ending😊

    28/01/2022

      25
  • avatar
    MineJas

    it's good

    14d

      0
  • avatar
    Mhd Nur

    Nice story

    15d

      0
  • View All

End

Recommendations for you