CHAPTER 71

THIRD PERSON'S POV 
Nang makababa sila Aubrielle ay nakaabang na ang mga bata.
“Grabe bagay talaga sila.”
“Kaya nga, ang ganda‘t gwapo nila.”
“Iba talaga si Alexander.”
“Grabe ang perfect nila.”
Dahil sa mga narinig ay nakangiti naman sila Aubrielle na napatingin sa isa't isa.
“Perfect daw tayo.” nakangiting bulong ni Miller kay Aubrielle pero inikutan lang siya ng mata ni Aubrielle bilang sagot.
“Aalis na ba kayo?” tanong ni Aubrey na kararating lang kasama ang mga nakatatanda.
Naging busy sila Aubrey at madalas silang wala dahil mayroon silang inaasikaso ngayon.
“Yes, Ma. Where have you been? Isang linggo kayong wala, and we don't know kung saan kayo pumunta.” sabi ni Aubrielle sa Ina.
“May inaasikaso lang. Mag-ingat kayo, ayaw niyo bang magsama?” sabi niya naman at dahil sa huling sinabi ay lahat ng lalaki ay nakisabat sa usapan.
“Ako, Madam p‘wede.”
“Hindi ka p‘wede ro‘n, mga mayayaman lang doon at ikaw? Slap soil ka lang.”
“Isa ka rin namang slap soil, eh.”
“Wow hiyang-hiya naman ako sa‘yong unggoy ka.”
“Ay grabehan na, ah? Pabanguhan na lang.”
“Ay wala talo ka na agad d‘yan, anong laban mo sa akin?”
Agad na napatampal sa noo ang mga matatanda dahil sa ingay nung mga bata.
“Tumigil nga kayo! Wala kaming isasama.” sabi naman ni Miller kaya naman iba ang mga ngiti ng mga lalaking kasama nila.
“Uy gustong solohin.”
“Iba talaga.”
“Isa. Hindi kayo titigil?” may banta na sa tono ni Miller kaya naman tumahimik na sila.
“Tita, don‘t worry kung may mangyari ay sisiguraduhin kong walang mangyayaring masama kay Aria, dahil mas uunahin ko pa ang kapakanan niya kaysa sa sarili ko. I‘ll take care of her, no matter what.” nakangiting paniniguro ni Miller kaya naman lihim na napangiti si Aubrielle.
Ang mga bata ay nagsitinginan na lang at nagsenyasan na parang baliw dahil ayaw nilang makagawa ng kahit anong ingay na makakapagpainit ng ulo ni Miller.
“Let‘s go... Adi.” bulong ni Aubrielle kaya naman napatingin si Miller sa kan‘ya at napangiti.
“Aalis na po kami.” nakangiting paalam ni Miller sa kanila.
“Ingat kayo.” nakangiting sabi ni Lilibeth at saka lumapit para yumakap sa Anak.
Saglit lang naman ang paalamanan na naganap kaya naman nakaalis din sila at papunta sila ngayon sa kilalang restaurant.
Habang nagmamaneho si Miller ay hindi na natiis ni Aubrielle ang magtanong.
“Miller, can I ask you something? But promise me na you don‘t laugh, okay?” sabi naman ni Aubrielle kaya naman saglit siyang tumingin dito bago tumutok sa pagmamaneho.
“Hmm?” he hummed.
“What‘s slap soil? It‘s weird.” sabi niya kaya naman hindi makapaniwalang tumingin sa kan‘ya si Miller at hininto pa ang sasakyan at doon tumingin kay Aubrielle habang pinipigilan na tumawa.
“You didn't get the joke?” nakangiting tanong ni Miller habang pinipigilan na h‘wag matawa.
“What joke?” nagtataka pa rin niyang tanong.
“Ah, nothing. Forget about that.” sabi niya at umiwas ng tingin.
“What? Tell me.” sabi naman niya. “Please. Adi, please.” pakiusap niya kaya naman nakangiting bumuntong hininga si Miller sa kan‘ya.
“Slap soil means hampaslupa. But people making fun of it, they called it slap soil in a joke way or informal conversation.” sabi niya at lumapit kay Aubrielle para hawakan sa mukha. “Ang cute mo.” sabi niya at pinisil ang pisngi nito kaya naman sinamaan siya ng tingin ni Aubrielle.
Nagpatuloy na sila papuntang restaurant kaya naman nung makarating sila ay agad silang inasikaso ng mga employee, sila lang ang tao ngayon dahil pina-reserve na nila ito. Kahit na huli na bago sabihin na ipa-reserve ay nagawan pa rin naman ito ng paraan ng may-ari.
“Good evening, Ma‘am and Sir. Enjoy your dinner date.” nakangiting sabi nito at nilagyan na ng wine ang kanilang wine glass.
“Hello, good evening. I‘m Quandra Heilee, the assistant owner, if you have concerns about our servings please don't hesitate to ask. Enjoy your lovely date.” nakangiting bati sa kanila ng babae.
“Let‘s eat?” tanong ni Aubrielle nang nalagay na ang lahat ng pagkain sa kanilang table.
Pagtingin niya kay Miller ay nakatingin na ito sa kan‘ya.
“What?” nakataas ang kilay na tanong ni Aubrielle kay Miller.
“Bakit gano‘n?” napapaisip na tanong niya kaya naman nag-abang si Aubrielle sa itatanong nito. “Kahit na ibang pangalan pa ang ipinakilala mo sa akin, alam ko pa rin na ikaw si Aria.” sabi niya habang tinitignan ang bawat bahagi ng mukha ni Aubrielle.
“Ah, dapat lang. Saka alam ko naman na kilala mo na ako noon pa. Duh! Hindi naman ako ganoon katanga para hindi malaman na ini-imbestigahan niyo ako.” sabi niya at parang itong pananalita niya ay parang bumalik sa dati na kung saan ay parang bata pa lang sila kung mag-usap.
Nagsimula na silang kumain at nag-usap lang naman sila tungkol sa nangyari sa kanila nung mga bata sila.
“Saka, alam mo ba? Takot na takot ako sa Mommy mo. Pinagbantaan niya kasi ako, eh.” sabi niya at sumubo ulit.
“Bakit ano ba sinabi niya? Until now, I‘m still wondering kung ano ang sinabi sa‘yo ni Mom.” tanong naman ni Miller.
“Ang sabi niya sa akin ganito, eh. “Layuan mo ang Anak ko.” grabe takot ko n‘on, lalo na dinamay niya si Mama. Pero ngayon naiintindihan ko naman kung bakit ginawa niya ‘yon.” sabi ni Aubrielle at sinubukan niya pang gayahin ang tono ni Lilibeth nang sabihin niya sa kan‘ya iyon dati, tila bumabalik na ang dating Aubrielle na nakilala ni Miller. Dahil sa ginawa na iyon ni Aubrielle ay natawa naman si Miller.
“Pero ang sakit nung ginawa mo. Grabe ‘yon, ang sakit ‘yon pa naman ang kauna-unahang heart break ko.” sabi niya at ma-drama niyang hinawakan ang dibdib niya kaya naman napangisi si Aubrielle.
“Hindi lang ikaw ang nasaktan n‘on.” malumanay na sabi ni Aubrielle kaya naman malungkot na ngumiti si Miller sa kan‘ya.
“Sorry.” parang napapahiyang sabi ni Miller dahil tama siya na nasaktan din siya dahil ang akala niya ay wala na ang Mama niya.
“Ha? Bakit ka nag-so-sorry? Ang sinasabi ko ay hindi lang ikaw ang nasaktan nung lumayo ako sa‘yo... Dahil nung oras na ‘yon ay ayaw kong lumayo ka sa akin dahil gusto na kita noon pa.” sabi naman ni Aubrielle na agad nagpangiti ng malaki kay Miller.
“Aria...” nakangiting pagtawag nito sa kan‘ya pero sumama ang mukha ni Aubrielle.
“Yes, Adi?” madiin na tanong ni Aubrielle pero nakangiti ito pero peke lang ito.
“I... I mean Adi.” sabi niya at hindi na mapigilan ang kan‘yang ngiti.
“Hmm? Yes?” nakangiti na tanong ni Aubrielle.
“Can I kiss you here?” nakangiting tanong niya pero hindi pa man sumasagot si Aubrielle ay tumayo na si Miller at lumapit kay Aubrielle para bigyan ng halik. “I can‘t resist to ignore those lips... it’s calling me.” sabi niya at hinalikan pa muli siya na agad naman tinugunan ni Aubrielle.

Book Comment (270)

  • avatar
    Wheng Molavin Llema

    make me cry while reading ur story..longing for a happy ending😊

    28/01/2022

      25
  • avatar
    MineJas

    it's good

    15d

      0
  • avatar
    Mhd Nur

    Nice story

    15d

      0
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters