THIRD PERSON'S POV “This food is so good.” papuri ni Aubrielle nang matapos silang kumain. “Yeah. It is.” nakangiting sabi rin ni Miller. “Oh. It‘s already late, we should go.” sabi ni Aubrielle na nakatingin na ngayon sa orasan niya. “Before that, I have something to give you.” sabi niya at may kinuha ito sa bulsa nito. Nang makuha na niya ito ay agad niya itong binuksan para ipakita ang bracelet na may pendant na moon. Agad nagliwanag ang mukha ni Aubrielle dahil sa nakita. “This is for you. I know how much you love moon... Even when we were young... You always look at it. This bracelet with a moon pendant represent my love for you... The moon here symbolizes my love in a comfortable... and joyful life. Despite our long separation, our lasting love becomes more... and more great... like how the moon shines. And our hearts are full of love, like a full moon. Our constant love brings us a strong relationship deep inside.” nakatingin ng deretso niyang sinabi ito sa mabagal na paraan habang sinusuot ni Miller ang bracelet kay Aubrielle. Punong-puno ng saya ang nararamdaman ngayon ni Aubrielle dahil sa sinabi sa kan ‘ya ni Miller. “Thank you...” masayang sabi ni Aubrielle na tumayo at lumapit sa kan ’ya para yakapin siya. “I love you.” bulong niya habang nakangiti. Agad nawala ang ngiti ni Aubrielle nang may mapansing kakaiba sa labas kaya naman lumayo siya kay Miller para tignan kung ano ang nakita niya pero agad siyang hinawakan ni Miller sa kamay para pigilan. “Where are you going?” tanong ni Miller kaya naman agad napatingin sa kan ‘ya si Aubrielle at ngumiti para hindi siya mag-alala. “It‘s nothing. Don‘t worry. Let‘s go, it‘s already late.” sabi niya habang nakangiti at isinawalang-bahala niya na lamang ang napansin. Nagpasalamat pa muna sila sa mga tao sa restaurant bago umalis, at sinabi rin nila na umuwi na agad at gabi na. Nasa parking lot na sila nang may maramdamang kakaiba si Aubrielle kaya naman napahawak siya sa baril na nasa likod niya lang. Kahit na dress ang kan ‘yang suot ay may secret pocket ito na maaaring paglagyan ng baril. Kanina habang nagbibihis siya ay itinago niya ito sa dress niya para kung sakaling may mangyari ay handa siya. Hindi pa sila nakakaalis ay humarap siya kay Miller na nakatingin na rin sa kan‘ya at seryoso ang kan ‘yang mukha. Agad napahugot ng hininga si Aubrielle nang mapansin na may pulang laser light na nakatapat kay Miller, agad niyang iginala ang paningin niya para hanapin kung saan galing iyon. Nakita niya ito agad sa rooftop pero hindi siya nagpahalata. “Whoa, it‘s cold here.” kunwari pa nitong sabi at lumanghap pa ng hangin habang nakatingin doon sa may lalaking nasa rooftop na kung saan may hawak ng baril na nakatutok kay Miller. “Y-yeah, it‘s really cold here.” sang-ayon ni Miller at kakaiba ngayon ang kinikilos niya dahil nanlalamig ang kan‘yang mga kamay dahil nakikita niya ngayon na may kulay pula na laser light na nakatutok sa ulo ni Aubrielle ngayon. Kaya masyado siyang seryoso dahil simula pa kanina ay nararamdaman niya na mayroong nanonood sa kanila, pero umakto na lamang siya na parang normal lang. “Wow! Ang sweet niyo naman.” nakangising pagbati ng lalaki na galing sa madilim na parte. “Sayang sisirain ko lang.” nakangisi pa ring sabi nito. Susugod na sana si Miller ngunit agad tinaas ng lalaki ang kan‘yang kamay para pigilan ito. Umiling ang lalaki. “No. No. Don‘t move. Kapag gumalaw kayo... Isang buhay ang mawawala. Hindi niyo nga lang alam kung sino sa inyong dalawa ang mauuna.” sabi niya at binaba na ang kamay nito. “Ano ba ang kailangan mo sa‘min ha?! Casper, ano?!” sigaw ni Miller kaya naman natawa si Casper. “Hanggang ngayon ba? Hindi mo pa rin alam kung ano ang pinaglalaban ko?” nakangising tanong niya pero agad din siyang nagseryoso. “Baka nakakalimutan mo ang ginawa mo kay Daddy? Anong klase kang pamangkin, ha? Paano mo nagawa ‘yon sa Tito mo?” inis na sabi nito kaya naman natigilan si Miller. Habang nag-uusap sila ay nakakuha ng tyansa si Aubrielle na mag-signal sa mga kaibigan nila na may emergency. Itataas na sana ni Casper ang kan‘yang kamay para magbigay ng signal ngunit bago niya pa ito gawin ay agad tumakbo si Aubrielle para lumapit kay Miller at hilahin ito upang iligtas ngunit ganoon din ginawa ni Miller kaya naman parehas silang nakaupo na sa lapag habang hawak ang isa‘t isa. Sunod-sunod ang pagputok ng baril kaya naman hingal kabayo silang tumingin sa isa‘t isa. “Ayos ka lang?” “Are you okay?” magkasabay na tanong nila. “Aww... Ang sweet.” pambabasag ni Casper at tsaka tinutukan sila ng baril. “Pero, kailangan niyo nang may-ba-bye.” sabi niya at kakalabitin na sana niya ang baril pero hindi na niya ito natuloy dahil naunahan na siya ni Aubrielle na binaril ang kan‘yang baril kaya naman nalaglag ito sa kamay niya. Agad silang tumayo para harapin si Casper. Ang mga tauhan ni Casper na nasa rooftop ay sila Excel na ang bahala doon dahil sakto lang ang dating nila nung nagsimula ang putukan. Agad sumugod si Aubrielle sa kan‘ya at tumalon sa ere para sipain si Caper na agad sinundan ni Miller para sapakin ito sa mukha. Walang laban si Casper dahil sa sunod-sunod na suntok na ibinato ni Miller sa kan‘ya, kaya naman hinayaan na lamang ni Aubrielle si Miller sa kan‘ya at habang siya naman ay lumalabam sa mga sunod-sunod na kalaban na dumating. Nang may paparating ay agad niya itong sinipa sa sikmura at binaril sa balikat, at sumunod naman ay agad niyang sinapak sa mismong batok. Tatlo ang kalaban ni Aubrielle at nadadagdagan lamang ‘yon kapag may napapatumba na siya. Napatigil si Miller sa pagsapak kay Casper— na hinang-hina na ngayon— dahil sa nakikita niya kay Aubrielle. Kakaiba ang bilis ni Aubrielle, para siyang hindi napapagod dahil patuloy lang siya sa paglaban. At ang lakas niya ay hindi mapapantayan ng isang mabigat na bato dahil sa isang sapak pa lamang niya ay nakakatulog na ang kalaban. Ang bilis ay nakuha niya sa Papa niya samantala ang lakas ay nakuha niya sa Mama niya. Kakaiba ang galing niya. Hindi naubos ang kalaban kaya naman binitawan na ni Miller si Casper at lumapit kay Aubrielle para tulungan ito pero bago niya pa ito magawa ay may sumaksak sa kan‘ya sa tagiliran. “A-ah!” daing niya at humarap doon sa sumaksak sa kan‘ya. “M-mali na pumanig ka sa kanila.” mariing sabi ni Casper at diniin pa ang kutsilyo sa tagiliran ni Miller. “Miller!” sigaw ni Aubrielle at agad pinagbabaril ang lahat ng humaharang sa kan‘ya para makalapit kay Miller na ngayon ay sinakay na sa sasakyan. “Pakawalan niyo siya!” galit na sigaw ni Aubrielle at tumakbo at pinagsisipa ang sino mang humarang sa kan‘ya at lahat napatumba niya ngunit huli na siya at naisakay na sa sasakyan si Miller. “Miller!” mariin at galit na sigaw ni Aubrielle at pinagbabaril ang sasakyan na sinasakyan nila ngunit sa bilis nito ay nakalayo na sila.
Download Novelah App
You can read more chapters. You'll find other great stories on Novelah.
Book Comment (270)
Wheng Molavin Llema
make me cry while reading ur story..longing for a happy ending😊
make me cry while reading ur story..longing for a happy ending😊
28/01/2022
25it's good
14d
0Nice story
15d
0View All