CHAPTER 74

THIRD PERSON'S POV 
Pagdating nila sa lokasyon ay isa itong malaking Warehouse ngunit napapaligiran lamang ito ng maraming bakal na hindi na nagagamit.
Hininto na nila ang sasakyan nila kahit na malayo pa, alam nilang may nagbabantay sa labas ng buong Warehouse kaya naman mas minabuti na lamang nila na sa mas malayo sila huminto.
Nang makababa sila ay sumenyas na si Aubrielle na maghiwa-hiwalay at pumunta sa kung saan sila dapat nakapwesto, gaya ng pinag-usapan.
Lahat sila ay may earpiece na suot para alam nila ang nangyayari.
Ang magkakasama ay sila Aubrey, Aubrielle, Zane, Anthony, Lilibeth, Stella, at Timothy.
Gusto sanang mag-isa ni Aubrielle ngunit tumutol agad si Aubrey sa gusto niyang gawin.
Nagsimula na silang pumasok at agad naman silang napansin ng mga nakabantay at babarilin na sana sila pero naunahan sila ni Aubrielle at Aubrey na tumakbo papalapit sila para sipain ‘yung dalawang nagbabantay.
Napanganga na lang sila Timothy dahil sa ginawa ng mag-Ina dahil para silang nag-usap na parehas pa sila ng kilos na ginawa dahil sabay silang tumakbo patalon para masipa ang kalaban.
Wala na nagsalita at sinenyasan na nila Aubrielle ang mga kasama niya na sumunod sa kanila.
“Boss... Sa likod mo.” sabi ni Excel sa earpiece kaya naman agad humarap si Aubrielle doon sa sinasabi ni Excel na nasa likod niya.
Agad niyang sinipa ito sa sikmura kaya naman napaupo ito, lumapit si Aubrielle para bigyan pa sana siya ng isang suntok sa mukha pero agad siyang pinigilan ni Timothy.
“H’wag, Ate.” bulong na pigil niya kaya naman binaba na lang niya ang kamay niya at kinwelyuhan na lang ang lalaki.
“Sabihin mo... Saan tinago si Miller?” gigil na tanong niya at idiniin niya pa ang paghawak sa kwelyo nito kaya naman agad nahirapan itong makahinga. “Saan?” galit at may diin niyang sabi kaya naman kahit hirap ang lalaki ay nagsalita pa rin.
“N-nasa... B... Base... Ment... N-nasa Basement s-siya.” hirap niyang sabi kaya naman walang kahirap-hirap na hinagis na lang ni Aubrielle ang lalaki na para lamang siyang isang bagay.
“Maghiwa-hiwalay tayo.” sabi ni Aubrielle at tumingin pa muna siya sa paligid at hinawakan ang earpiece. “Saan walang bantay?” tanong niya.
“Lahat may bantay... Pero unti lang sa backdoor... Tatlo lang.” sagot naman ni Najifah.
“Ako na sa backdoor... Ma kayo na bahala sa harap at gilid.” sabi niya kaya naman hindi na siya kumontra sa Anak niya at tumango na lang. “Ikaw Timothy... Sumama ka na rin.” sabi niya at maglalakad na sana siya, pero agad siyang pinigilan ni Timothy.
“Sasama ako.” seryosong sabi niya kaya naman napapikit na lang ng mariin si Aubrielle dahil sa inis.
Hindi na lang nagsalita si Aubrielle at sinenyasan na lang siyang sumunod.
Malapit na sila sa backdoor nang magsalita muli si Excel.
“Nadagdagan sila. Lima sila ngayon.” sabi ni Excel kaya naman nagtinginan pa muna sila Timothy bago sila maghiwalay ngunit iilang dipa lamang ang layo nila sa isa‘t isa.
Sumenyas muli si Aubrielle kay Timothy na agad niyang nakuha.
“One... Two... Three. Now.” sabi niya at sabay silang sumugod sa mga nakabantay na hindi naramdaman ang pagsugod nila.
Sinipa ni Aubrielle ang sino mang lumapit sa kan‘ya at pinagsusuntok nito sa mukha. Kahit na isa lang ang suntok na ibinibigay niya ay natutumba na ang kalaban. Nang mapatumba na nila ang lima ay agad hinila ni Aubrielle sa batok ang lalaking – namamalipit na sa sakit – kalaban niya na may hawak ng susi, at nilagay niya ang kamay niya sa leeg niya at saka niya nilabas ang kutsilyo niyang nakatago at tinutok niya ito sa lalaki.
“Buksan mo ‘to.” mariing sabi niya at patulak niyang binitawan ang lalaki na nasubsob sa pader. “Buksan mo. Nag-iinit na ang ulo ko.” gigil na sabi niya kaya naman nanginginig ang lalaki na kinuha ang susi sa kan‘yang bulsa at binuksan ang pinto, pero bago pa pihitin ng lalaki ang doorknob ay agad nagsalita si Excel.
“H‘wag buksan.” agarang sabi niya kaya naman agad hinila ni Aubrielle ang lalaki para pigilan pero huli na ang lahat dahil nabuksan na at agad na bumungad sa kanila ang madaming kalaban na agad naalarma at pinaputukan sila na agad din namang nakaiwas ang dalawa.
Dahil sa putok ng baril ay lahat naalarma kaya naman hinawakan ni Aubrielle ang earpiece at nagsalita.
“Ngayon na!” sigaw niya at doon na nagsimula ang barilan. “Timothy h‘wag kang lalayo sa akin--” agad naputol ang sasabihin niya nang paglingon niya ay nakita niya si Timothy na ngayon ay may nakahawak na sa kan‘yang dalawang lalaking malaki ang katawan at may hawak na baril.
Agad na kinuha ni Aubrielle ang baril niya at tinutukan niya ang dalawa kaya ganoon din ang ginawa ng isang nakahawak kay Timothy.
Hahawakan na sana niya ang earpiece para sana sabihan sila Excel pero ginalaw nung isa ang baril at diniin sa sintido ni Timothy kaya naman napadaing si Timothy kaya naman agad  tinignan sila ng masama ni Aubrielle.
“H‘wag mong gagawin ‘yan. Kun‘di mapapahamak ‘tong batang ‘to.” sabi nung lalaki pero tinignan lang siya ng masama ni Aubrielle dahil sa galit.
“Bitiwan mo siya.” mariing sabi niya pero tinawanan lang siya ng dalawa.
“H‘wag mo kaming patawanin... Babae.” sabi ng lalaki kaya naman napangisi si Aubrielle dahil sa sinabi niya.
“At h‘wag mo rin ako galitin... Lalaki.” sabi niya at agad siyang sumeryoso. “Bitiwan mo ‘yan.” madiin at galit na sabi niya.
“A-ate... H-h‘wag...” nahihirapang bulong ni Timothy.
Napapikit ng mariin si Aubrielle at sa pagdilat niya ay isang masama ang binigay niya sa dalawa kasabay ng pagbalibag niya ng kutsilyo sa isang lalaki na agad nakabitaw kay Timothy kaya naman napaupo si Timothy dahil sa panghihina.
Agad na tumakbo palapit si Aubrielle doon sa lalaki at tumalon sa ere para sipain ito sa ulo na agad niyang ikinatumba at hindi pa natuwa si Aubrielle doon dahil kinwelyuhan niya pa ito at hinila patayo para birahin sa mukha na agad na nagpadugo sa ilong niya.
Agad napatumba ang lalaki dahil sa panghihina kaya naman tatayo na sana siya nang may maghampas sa ulo niya kaya naman napaupo ito.
Agad niyang hinawakan ang ulo niya at may likido siyang naramdaman kaya naman galit niyang tinignan ang lalaking humampas sa kan‘ya at binaril ito sa binti na agad na napaluhod dahil tama ng baril sa binti nito.
Hinawakan niya ang buhok ng lalaki at sinabunutan ng pagkahigpit-higpit na siyang naging sanhi ng pagsigaw ng lalaki dahil sa sakit na nararamdaman.
“Babae ako... Pero kaya kitang patumbahin.” gigil na sabi niya at sinakal niya naman ito patayo at tinulak sa pader at agad itong napaubo dahil sa hirap na huminga. “Tandaan mo... Isang babae ang nagpabagsak sa‘yo.” gigil na sabi niya at tinalikuran na siya para puntahan si Timothy na ngayon iniinda pa rin ang sakit.
“Timothy, a-ayos ka lang? Answer me. Timothy!” sabi niya at hinawakan niya ang ulo ni Timothy na kanina niya pa hinahawakan at puro ito dugo, mukhang parehas lang ang ginawa nung lalaki sa kanilang dalawa.
“Kaya mo pa ba?” tanong niya at tinulungan niya itong makatayo pero dahil sa panghihina ay natumba muli si Timothy at umubo ng dugo. “Kung sino man ang magaling gumamot dito, pumunta kayo sa backdoor... Ngayon na!” sigaw niya sa earpiece at tinulungan si Timothy na umupo.
Dumating sila Lorie at Janine na may dalang first aid. Agad silang sinenyasan ni Aubrielle na simulan nang gamutin si Timothy.
“Najifah... Excel ano na balita?” tanong niya sa earpiece.
Wala pa ring tigil ang barilan kaya matagal pa bago makasagot si Excel.
“Madaming kalaban... Para silang hindi nauubos.” sabi niya at nakarinig pa ulit siya ng malakas na putok. “Marami ng sugatan pero hindi pa kayo nakakapasok kung saan si Alexander.” sabi niya kaya naman napabuntong hininga si Aubrielle dahil sa sinabi niya.
“Napaghandaan nila ‘to.” sabi niya at tumingin na kay Timothy dahil umubo muli ito.
“T-timothy... A-anong nangyayari sa kan‘ya?” tanong niya sa dalawa.
“Malakas ang pagkakatama sa ulo niya kaya kahit na nabigyan na namin siya ng first aid ay hindi pa rin tumitigil ang pagdugo niya.” sagot naman ni Lorie.
“Kaya niyo ba siyang idala sa sasakyan? At nang madala na sa hospital.” sabi niya kaya naman nagkatinginan ang dalawa at hindi nakasagot ang dalawa. “Ano?!” sigaw niya.
“H-hindi namin kayang dalawa lang, kailangan namin ng tulong.” sabi niya kaya naman mabigat ng buntong hininga ang pinakawalan ni Aubrielle.
“Bryan at Julian punta kayo rito, tulungan niyo sila Lorie na ilabas dito si Timothy. Excel at Najifah... Sabihan mo ang mga kasama niyo d‘yan sa taas na bantayan sila Timothy at kung sino man ang humarang ay barilin niyo.” utos niya. “At ang iba naman sa iba niyong kasama kayo tumingin.” sabi niya at sinenyasan na ang dalawa na papasok na.
“Pero paano ka?” tanong ni Excel.
“H‘wag niyo akong alalahanin.” malamig na sabi niya.
“A-ate...” nanghihinang pagtawag sa kan‘ya ni Timothy kaya naman hindi niya natuloy ang pagpasok dahil lumapit pa muna siya kay Timothy na nanghihina na ngayon. “P-please... H‘wag... m... mo na g-gawin... ‘yon.” sabi niya kaya naman hinawakan siya ni Aubrielle sa mukha.
“H‘wag ka ng mag-alala. Dapat kapag nagkita tayo ay maayos ka na.” sabi niya at tumayo na. “Kayo na ang bahala sa kan‘ya.” sabi niya at sakto lang ang pagdating nung dalawa.
“P-pero... Boss Ate... May sugat ka rin sa ulo.” sabi ni Janine kaya naman napahawak si Aubrielle doon at wala ring tigil ang pag-agos ng dugo niya.
“Umalis na kayo.” sabi niya at tumalikod na.
“P-pero...” hindi na niya natapos ang sasabihin niya nang pumasok na si Aubrielle sa loob at pinagbabaril ang sino mang humarang sa kan‘ya.
“Asan si Miller?!” galit na sigaw niya at galit na pinagbabaril ang lahat ng humarang sa kan‘ya.

Book Comment (270)

  • avatar
    Wheng Molavin Llema

    make me cry while reading ur story..longing for a happy ending😊

    28/01/2022

      25
  • avatar
    MineJas

    it's good

    14d

      0
  • avatar
    Mhd Nur

    Nice story

    15d

      0
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters