Destined To Be With The Mafia Boss

Destined To Be With The Mafia Boss

Avianza.v


Chapter 1.

Andria's POV
"Andria! Nasan ka na ba? Baba na dyan, aba." Rinig kong sigaw ni Mommy. Napairap akong tumayo at lumabas nang kwarto at bumaba.
Pumunta akong living room, at doon, sumalubong saakin ang ingay nang mga pinsan at kapatid ko. Tahimik naman akong naupo sa tabi ng aking pinsan na si Jehan.
"Ba't ganyan itsura mo?" Tanong nito saakin, dahilan para mapatingin sakin ang kuya ko. "Ba't ka nakasimangot?"
"Wala." Tipid kong sagot na siya namang ikinangisi ni Kuya Josh.
"Namimiss mo 'no?" Tanong nito saakin. Sa ngisi pa lang nito, kilala ko na kung sino ang tinutukoy nito.
Huminga ako nang malalim at walang emosyong tumingin sakanya. "Kung sino man 'yang tinutukoy mo, wag mo nang asahan na mamimiss ko 'yan." Sagot ko at ininom yung Juice na nasa harapan ko.
"Dria, alam naman naming matagal mo nang mahal 'yon, bakit mo pa tinatanggi-" Pinutol ko agad ang salita ni Jehan.
"Wala akong minahal at wala akong mamahalin." Malamig kong sagot dito.
"Ate, who are you referring to?" Sabat naman ni Jewel na nakain ng cake.
Ngumiti ako at umiling sakanya. "It's nothing. Finish your food, then go upstairs." Tumango naman ito.
Narinig ko naman ang pag tawa ni Marly. "Why hiding it to Jewel? Makikilala nya din naman ang tinutukoy namin." Wika nito.
"Can y'all just shut the fuck up? It's not even your business." I hissed.
Jehan chuckled. "Chill andeng."
"Why arguing?" Napatingin kaming lahat kay Mommy na may dalang tray na may lamang cake.
"We're just teasing her, tita." Natatawang sambit ni Marly.
"It's about him, isn't it?" Mapang asar na tanong naman ni Mommy.
"Mom, can you please-"
"Kidding, darling." Tatawa tawa namang saad ni Mommy kaya naman ay lalo akong napasimangot.
Mom serves the cake and sits infront of us. "Guess what I brought." Ngingiti ngiting wika ni Mommy.
"Jewelries?"
"Bagong mga damit?"
"Chocolates?"
"Oh no, mom. If that's a chanel bag or purse. Please, stop wasting your money."
Natawa naman si Mommy dahil sa mga isinagot nila. Tumingin naman ito saakin nang hindi ako sumagot.
"And you?"
Bumuntong hininga muna ako bago sumagot sakanya. "Car." Tipid kong sagot. Umiling naman ito.
May inilabas itong apat na plane tickets at malalaking ngiti itong tumingin saaming apat ng kapatid at mga pinsan ko.
Bigla namang sumigaw sila Marly at Jenine. "Omg! Plane tickets? Trip to Korea ba 'yan tita?" Tanong ni Jehan.
Umiling naman si Mommy.
"Plane tickets to Brazil?" Pang huhula ni Marly. Muli namang umiling si Mommy.
"Philippines?" Tanong naman ni Kuya. Bago pa man makasagot si Mommy ay nag salita na ako.
"I'm not going back to philippines, mom. Kayo na lang." Sagot ko.
"Luh, epal."- Kuya Josh.
"Meganon, dria?"- Jehan.
"Bakit?"- Marly.
"Wala na akong kailangan balikan doon. So stop asking." Walang emosyon kong sagot.
"Talaga ba?" May pangtutudyong tanong ni Mommy. "Wala ka na talagang babalikan doon? Sure na 'yan? Hindi mo na babalikan doon sila Zrin?" Agad akong natigilan nang mabanggit nya ang pangalan nang bestfriend ko.
Nag baba ako nang tingin "Kaya na nya ang sarili nya. Hindi na nila ako kailangan doon." Sagot ko at tumayo tsaka nag lakad paakyat pabalik sa aking kwarto.
Narinig ko pa ang pag tawag nila saakin ngunit hindi ko sila nilingon.
Pag pasok ko nang kwarto ay dumiretso ako nang balkunahe at doon naupo para mag pahangin.
Bigla namang tumunog ang phone ko kaya agad ko itong kinuha sa aking bulsa. Someone is calling.
It's unknown number.
I immediately answered the call.
"Hello? Sino 'to?" Bungad ko.
"I missed your voice.." Isang pamilyar na matinis na boses ang bumungad saakin.
"Z-zrin?" Nauutal kong tanong.
"I miss you.." Tumulo ang luha ko nang masiguro na sya 'yon. "I miss you too, mama." Napahikbi ako nang sumagot ako.
I heard her chuckled. "Ang cold at ang attitude mo nga, pero iyakin ka pa rin." Lalo akong naiyak.
"Umuwi ka na, miss ka na namin." Bulong nito sa telepono dahilan para mapailing ako kahit hindi nya ako nakikita. "Ayoko." Sagot ko.
"Bakit?"
"Ayoko lang." Sagot ko.
"Ibabalik na ang DHG."
Hanggang sa matapos ang tawag ay nanatili akong nakatulala sa labas nang balkunahe dahil paulit ulit ko pa rin naririnig ang sinabi ni Mama zrin.
"Pota, mukhang wala na talaga akong choice kundi bumalik nang pilipinas."
Bagsak balikat akong lumabas nang kwarto at bumaba para balikan sila Mommy na nasa living room pa rin at nanonood na ng tv.
"Sasama na ako pauwi ng pilipinas." Wika ko, dahilan para magsabay sabay ang tingin nila saakin.
"Woah"- Marly.
"Totoo nga? Weh? wah! Seryoso na 'yan ha? Wala nang bawian!"-Jehan.
"Alright, good choice." Ani mommy at lumapit saakin tsaka hinalikan ang noo ko bago ako lagpasan.
"What made you change your mind?" Tanong ni kuya Josh. Umupo ako sa tabi ni Marly at sumandal sa dibdib nito. "Babalik na DHG." Sagot ko.
Kita ko naman ang pag ngisi ni Kuya. "Wag ka nang bumalik don." Saad ko.
"At bakit?!" Reklamo nito.
"Simple lang, wala kang dulot." Sagot ko tsaka ipinikit ang mata ko at hinayaan syang dumada nang dumada.

Book Comment (74)

  • avatar
    kheriannisaarifah

    ganda

    7d

      0
  • avatar
    alaouisaad

    nice book

    01/05

      0
  • avatar
    Eunice S. Regalado

    thank you

    07/03

      0
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters