Chapter 4.

Andria's POV.
             Pag katapos naming kumain ay agad akong tumambay sa living room kasama sila Sky, Ate Callie at Klein habang ang iba naman ay na una ng umakyat para mag pahinga.
Nakangiti akong pinapanood silang dalawa nila Klein at Ate Callie na magkatabi hanggang sa nag tagal ay nag talo silang dalawa na ikinatawa naming dalawa ni Sky.
Nakasimangot na lumipat sa tabi ko si klein. "Inasar asar mo pa kasi e."
Ngumuso naman ito bigla. "Joke lang naman e." iiling iling naman akong sumandal.
Maya maya lamang ay biglang dumating sila Hugo at Zrin kasama si Kaleb na nakapamulsa. Tumikhim naman ako at umupo nang ayos.
Uupo sana tabi ko si Kaleb nang siksikin ako ni Klein. Napatigil naman si Kaleb. Potangina.
"Klein ano ba!" Asik ko, ngunit patuloy sya sa pag siksik saakin hanggang sa wala nang matirang space sa tabi ko. "Tangina talaga."
Sinamaan ko ito nang tingin. Ngumuso ito at inakbayan ako.
"Gusto ko, ako lang katabi mo." Wika nito na nakapag pairap saakin.
Tumingin ako kay Kaleb na nakatingin saakin. Tila ba ay nag hihintay ito sa aking sasabihin.
Napakagat ako sa aking labi. "Uhm, sa kabila ka na lang umupo. Sorry." ani ko.
Tumango ito at umupo sa tabi ni Zrindle. Napatingin naman ako kay Ate Callie at Sky na iiling iling na nakatingin kay klein.
"Akala ko matutulog na kayo?" Tanong ni Sky at nag cross arms. "Hindi pa naman daw inaantok si Zrin kaya sinamahan na namin sya." Sagot naman ni Hugo
"Kamusta na si Josh, Dria?" Tanong ni Mama zrin. "Maayos naman, gago pa rin hanggang ngayon." Pabiro kong sagot at tumawa ng bahagya.
"Si Jewel? Kamusta?" Tanong ni Klein.
Bahagya akong ngumiti at kinuha ang cellphone ko bago ipakita sakanila ang mga pictures ni Jewel.
"Ayan, nag dadalaga na." Sagot ko.
"Kamukhang kamukha mo." Ani Zrin habang nakangiting nag s-scroll.
Natawa naman ako. "Si mommy ang kamukha nyan, hindi ako." Saad ko.
"Ikaw?" Napatingin ako kay Kaleb nang mag salita ito. "Kamusta ka na?"
"Kamusta love life?" Tanong muli nito na nakapag paiwas saaking tingin.
Pilit akong ngumiti dito. "Maayos naman, I've been in a 3 different relationships." Sagot ko.
"Really? What happened?" Pagkatanong ni Hugo no'n ay tutok na ang mga mata nila saakin at tila'y sabik na makinig sa aking mga sasabihin.
Tumango naman ako. "All failed." Sagot ko. "Why?" Tanong ni Kaleb.
Napalunok ako at nag baba ng tingin para iwasan ang mata nyang punong puno nang emosyon.
"Kase akala ko, in that way, kaya kong makalimutan yung lalaki—" Napatigil ako sa pag sasalita at huminga ng malamin. "Continue, please." Wika ni Zrin na nakangiti na saakin ngayon.
Muli akong nag iwas ng tingin at umiling sakanya. "Nevermind. 'Wag nyo na lang alamin." Sagot ko.
"Sabihin mo na, Dria." Wika naman ni Hugo, umiling lamang ako dito at tumayo. "Saan ka pupunta? Hindi ka pa tapos mag kwento—"
"Kase hanggang ngayon, hindi nya pa rin kayang kalimutan yung lalaking minahal nya ng sobra." Natigilan ako nang marinig ang mga katagang binitawan ni klein.
Agad kong hinarap ito at masamang timingin dito. "Klein!" Saway nila Sky.
Napatingin naman ako kanila Hugo at Zrin na gulat na nakatingin saakin.
"M-minahal ng sobra?" Gulat na tanong ni Hugo, bahagya naman akong natawa kasabay ng pag tulo ng luha ko.
"H-hindi." Umiwas ako ng tingin at tumakbo paakyat ng kwarto namin ni Sky tsaka nag kulong doon.
Pabagsak ako umupo sa sahig at napahawak sa aking dibdib ng sumikip nanaman ito hanggang sa mawalan ako nang malay.
Sky's POV
               Inis kong binato si Klein ng unan dahil sa ginawa nyang iyon. Napahilamos naman ito sa kanyang mukha at mukhang nag sisi naman siya sa kanyang ginawa.
"I shouldn't have said that. Fuck it!" Rinig kong bulong nya, napatingin naman ako kay Kaleb na nakatingin sa dinaanan ni Andeng habang sila Zrin at Hugo naman ay naguguluhang napatingin saamin ni Ate Callie.
"W-what's happening? Wala akong maintindihan sa mga sinabi nyo."
"Totoo ba iyon?"
"Did she actually?"
Hindi ko na lamang sila pinansin at sinundan si Andeng sa kwarto namin.
"Andeng!" Sigaw ko nang makitang nakahiga na ito sa sahig, nakahawak sa kaniyang dibdib.
Tumakbo ako pababa para puntahan sila Mama Zrin sa living room. "Ma! Kaleb! Tulungan nyo ako, si Andeng!" Nag papanic kong bungad sakanila.
Agad namang napatayo si Kaleb at tumakbo paakyat sa kwarto namin kasunod sila Hugo at Zrin.
Tumingin ako kay Klein na mukhang nag aalala na ngayon. "Apologize to her when she wakes up." Saad ko at tinawagan ang doctor ni Andria.
Pagkadating na pagkadating ng Doctor ni Andria kasama ang assistant nurse nito ay agad na pinalabas muna saglit sila Kaleb at Mama zrin sa loob.
"Calm down. Walang mangyayaring masama sakanya." Wika ni Ate Callie.
Nagulat ako nang biglang sugudin ni Kaleb nang suntok si Klein at hinawakan ito sa kwelyo.
"Kaleb!" Sigaw namin. Agad namang pumagitna si Hugo sa dalawa at hinawakan naman ni Ate Callie si Klein.
"Tandaan mo, pag may nangyaring masama kay Andria. I will kill you." Galit na saad nito tsaka hinawi si Hugo at sinipa ang centre table, dahilan para makagawa ng malakas na tunog na nakapag pagising sa ibang members.
"Ano ba 'yang ingay na yan?" Bungad saamin ni Minoah kasama si Keila.
"Anong nangyari kay klein?" Bungad naman na tanong ni Vriany.
"Bakit may amoy ng doctor dito?" Tanong naman ni Zed na malakas ang pang amoy.
"May doctor? Sinong nadisgrasya?" Tanong naman ni Zhilux.
"Inatake nanaman ng sakit nya si Andria pagkatapos ng nangyari kanina." Sagot ni hugo.
Bigla namang lumabas ang doctor kasama ang nurse para sabihing maayos na ang lagay ni Andria.
Nakahinga naman kami nang maluwag. Natuptop ako nang biglang lumabas bigla si Ate Sunny sa kanyang kwarto.
Patay.
Seryoso itong tumingin saamin at sinundan ng tingin ang doctor.
"Bakit inatake nanaman si Dria ng sakit nya?" Seryosong tanong nito.
"Sorry, sunny. Kasalanan ko." Pag amin ni Klein. Napabuntong hininga naman si ate sunny at hindi na nag salita.

Book Comment (74)

  • avatar
    kheriannisaarifah

    ganda

    6d

      0
  • avatar
    alaouisaad

    nice book

    01/05

      0
  • avatar
    Eunice S. Regalado

    thank you

    07/03

      0
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters