Homepage/Destined To Be With The Mafia Boss/
Chapter 2.
Andria's POV
Kinabukasan ay agad akong ginising ni mommy nang maaga para mag impake nang mabilisan dahil 6am na ang flight namin pauwi nang pilipinas. Hindi naman halatang excited si Mommy paalisin kami nang Paris 'no?
Ngayon ay kalalapag lang ng eroplano namin ngayon dito sa pilipinas. I took off my sunglass and look around.
Bigla namang tumunog ang phone ko, tumatawag si Zrin kaya agad ko itong sinagot.
"Dria, where are you?" Bungad nya.
"Secret." Sagot ko.
"Aba." Natawa lang ako at pinatay ang tawag. Pag labas ko nang arrival gate ay halos manlambot ang tuhod ko nang makita sila Zrin at Hugo na ang laki nang ngiti habang nag hihintay.
Inayos ko ang pustura ko tsaka at nakapoker face na naglakad palapit sakanilang dalawa.
"Woah, andeng. You look so great." Iiling iling na saad nya at tinignan ako mula ulo hanggang paa. Natawa naman si Mama zrin. "Anak anakan ko 'yan e, malamang sakin nya namana 'yan." Saad nito at kumapit sa braso ko na ikinairap ni Hugo.
"Tara na nga!" Aya nito, ngunit agad ko silang pinigilan.
"Nasaan ang DHG?" Tanong ko.
"Wala, nasa mansion natin sila." Sagot ni Hugo. "Hindi nila alam na uuwi ka na kasi ang sabi ko sakanila, hindi ka na babalik." Natatawang saad ni Mama zrin na ikinatawa ko din.
"Sila Josh? Nasaan? Akala ko ba kasama mo silang umuwi?" Sunod sunod naman na tanong ni Hugo kaya napatingin ako sa buong piligid, kasabay naman non ang pag tunog nang cellphone ko.
"Kasama ko lang sila sa International Airport nang paris e, nag paalam lang na mag c-cr yung tatlo, ang sabi mauna na daw ako, susunod daw sila." Sabi ko sakanilang dalawa at tinignan kung sino ang nag text.
"Call us when you get there safely, Andeng. Take care." -Kuya Josh.
Napabuntong hininga ako nang mapag tanto ang ginawa nila.
"Ako lang pala mag isa ang bumyahe papunta dito. Pinag planuhan pa talaga e." Wika ko. "Tara na." Aya ko.
Habang nasa byahe ay hindi ko maiwasang humikab dahil sa pagod kaya hinayaan nila akong matulog.
Hanggang sa may maramdaman akong tumapik sa mukha ko na ikinagising ng diwa ko.
"Gising na, Andeng. Naandito na tayo." Rinig kong wika ni Hugo kaya agad akong nag ayos at bumaba nang sasakyan.
Hinila na ako papasok nang bahay ni Zrin at agad na sumalubong saakin ang pamilyar na tawa nila. "Nasa living room sila." Bulong sakin ni Mama zrin at sinenyasan akong pumasok doon.
Agad naman akong sumilip at pumusok nang living room. Nang mapatingin silang lahat saakin ay natahimik sila.
"Hindi nyo ba ako namiss?" Tanong ko at tumawa. Agad namang nag takbuhan palapit saakin sila Sky, Ate Callie, Slixine, Minoah, Ate Sunny, Angel, Zhilux, Vriany at Keila para yakapin ako.
Sa sobrang higpit nilang yumakap ay napaubo ubo ako dahilan para mag layuan sila. "Walanjo, hindi ako nakahinga e." Asik ko, natawa naman sila. "Namiss ka lang e." Wika naman ni Ate Callie na ikinangiti ko.
Napatingin naman ako sa mga lalaking kaibigan namin na biglang tumayo para makipag fist bomb.
"Wazzup mga panget. Namiss ko kayoo!" Ani ko. Bigla namang ngumiting aso si Klein.
"Kami ba talaga ang namiss mo or si Ka—" Bago nya pa mabanggit ang pangalan nang lalaking ramdam ko ay nasa likod ko na ngayon, agad ko syang binato ng unan. "Namiss ko kayo ha? kayo." Irap ko.
"Nakabalik ka na pala." Biglang bumilis ang tibok ng puso ko nang marinig ko ang malalim nyang boses.
Huminga ako nang malalim tsaka nilingon si Kaleb. Nanuot sa ilong ko ang pabangong hinahanap hanap ko nang apat na taon sa Paris.
Pilit akong ngumiti at tumango sakanya. "Ah, oo. Biglaan kasing nag book si mommy pauwi dito. No choice ako. Tsaka sinabihan ako ni Mama na babalik na ang DHG kaya ayos na rin siguro na maaga akong umuwi dito."
Napatango tango naman ito at tumitig saakin hanggang sa napatitig din ako sakanya. Naputol ang titigan namin nang umaktong umubo ubo sila Ate Callie, Sky at Klein. Lumapit ito saakin at inakbayan ako.
"Pwede ko na bang mahiram si Andeng?" Nakangising tanong ni Klein kay Kaleb. Napakunot ang noo ko nang mapansin kong umigting ang panga nito panandalian at ngumiti kalaunan. "Sige." sagot nito.
Nakangiti namang bumaling ng tingin saakin si Klein. "Punta na tayo sa kwarto?" Tanong nito, kaya kahit naguguluhan ako ay tumango na lang ako dito at iginaya papuntang kwarto.
Bago pa man kami makalayo sa livingroom ay sinenyasan ko sila Ate Callie at Sky na sumunod saamin.
Zrindle's POV.
Naandito ako ngayon sa may binatana kung saan tanaw na tanaw ko ang aking anak anakan na si Andeng kasama ang mga gangmates namin. Kita ko rin kung paano mag titigan ang dalawa na parang silang dalawa lang ang nasa mundo.
Napangiti ako. Mukhang matagal nang may nabuong pag ibig sa gang na binuo namin ni Tres. Nakakatuwa.
"Zrin." Tawag pansin ni Hugo.
"Bakit?" Tanong ko nang hindi sya nililingon. "Bumalik na tayong UDT." Wika nito, tumango naman ako sakanya.
"Murderous." Napalingon ako nang tawagin ako ng isa sa mga gangmates ko. "Ano?" Tanong ko.
"Nag papahiwatig nanaman ang VDS. Hindi talaga nila tayo titigilan." Wika nito at inabot saakin ang isang box na may lamang patay na ibon na may nakatarak na kutsilyo sa ulo nito.
Napapikit ako at huminga ng malalim bago tumingin kay Hugo. "Sige, babalik tayong UDT." Wika ko.
Tumingin naman ako sa binigay na kaho sa akin. "Kunin mo yung kutsilyong ginamit nila sa pantarak dyan sa ibon na 'yan. May simbolo nang gang nila 'yan, ilagay mo pinag lalagyan natin ng armas." Utos ko, tumango naman ito at agad na umalis.
"Kakabalik lang natin, may panibagong gulo nanamang magaganap." Buntong hiningang saad ni Hugo.
"Kung gulo ang hanap nila. Pag bibigyan natin sila." Wika ko at umalis.Download Novelah App
You can read more chapters. You'll find other great stories on Novelah.
Book Comment (74)
Share
Related Chapters
Latest Chapters
ganda
7d
0nice book
01/05
0thank you
07/03
0View All