Chapter 5

Andria's POV
            Naalimpungatan ako ng may maramdaman akong nakapatong sa aking kamay. Nag mulat ako at tinignan kung sino ito. Si Kaleb.
Napatingin ako sa kabuuang kwarto at nakita sila Zrin, Sky, Minoah, Callie, Angel at ate sunny na magkakatabi na natutulog sa mahabang sofa.
Habang sila klein at Hugo naman ay natutulog sa magkabilang maikling sofa. Napabuntong hininga ako.
Marahan kong inalis ang kamay ko na dinaganan ng ulo ni Kaleb. Ngumiti ako at dahan dahang nilapit ang mukha ko sakanya. Pinagmasdan ko ito. Bakit ba hindi kita makalimutan?
Agad akong napa-ayos ng upo ng bigla itong gumalaw at nag mulat. Mapupungay ang mga nitong nakatingin saakin at kalaunan ay bumalik ito sa pag tulog.
Nakahinga ako nang maluwag at kinuha ang dextrose na nakakabit sa kamay ko tsaka nag ayos.
Nang makapag ayos ay nagmamadali akong lumabas ng kwarto papuntang kusina upang ipag luto sila.
Nang patapos na akong magluto ay tsaka ko narinig ang mga boses nila.
"HOY SI ANDRIA!" Rinig kong sigaw ni klein na ikinatawa ko.
"Wag kang sumigaw gago!"-Ate Callie.
"sorry hehe."-Klein.
"Agang aga, klein. Nambubulabog ka nanaman, itatali na kita dyan."-Hugo.
"Saan nanaman nag punta si Andeng? Hindi pa magaling 'yon ah."-Minoah.
"Baka nag cr lang." Ate Sunny.
"Bakit kasi tanghali na tayo nagising? Baka kanina pa gising 'yon."- Sky.
"Ako na mag luluto, hanapin nyo si Andeng."- Kaleb.
"Wao, husband material ka pre?"- Hugo.
"tss."- Klein.
"Gago hahaha."- Kaleb.
"Gutom na ako."- Zrin.
"Palagi ka namang gutom, hindi ka naman nataba."- Klein.
"kay andeng napupunta lahat ng taba na dapat para saken."- Zrin.
"Baliw, marinig ka non hahaha"- Kaleb.
"Asus."- Ate sunny.
Naiiling na lamang ako habang nag lalagay ng paminta sa aking niluluto.
"Mga loko talaga." Bulong ko.
"Andeeengg? Nasan ka?" Rinig kong tawag ni Minoah. "Hoy andeng!"
"Andeng, nasan ka na ba? Mag luluto na daw si khalil—ANAK KA NG TINAPA ANDENG, BAKIT IKAW ANG NAG LULUTO?!" Napatawa ako nang makita ang reaksyon ni Hugo habang nakatingin saakin.
"Ha? Si Andeng ang nag luluto—pota ka talaga andeng, anong ginagawa mo?!" Bungad din ni Zrindle na kakapasok lang dito sa kusina.
Nginitian ko lang sila at nag patuloy sa pag luluto. Lumapit sila saakin at inamoy ang niluluto ko. Napangiti naman sila at tumingin saakin.
"Ang bango ha." Wika ni Angel.
"Natatakam ako." Nakangusong saad ni Hugo habang pinapanood akong magluto.
"Aba." Napatingin ako sa nag salita. Si klein na nakapamulsa habang nakakunot ang kilay nito.
Bigla din pumasok si Kaleb na naka poker face habang nakatingin saakin at sa ginagawa ko.
"Sino may sabing pwede kang mag luto?" Tanong nito at lumapit saakin.
"Ako." Sagot ko at patuloy pa rin sa pag luluto ngunit hinawakan nito ang braso ko at marahan akong hinila palapit sakanya.
May kinuha ito sa bulsa nya at inilabas ang scrunchie na color black, may nakaburdang pangalan ko dito.
"Kailan ka pa nahilig sa scrunchies, Kaleb?" Tanong ni Sky na tatawa tawa saamin. "Kahapon lang." Sagot nito at tumingin saakin tsaka ngumiti.
Pinagsaklop nya sakanyang kamay ang buhok ko tsaka ito pinuyodan. Nakatulala lang ako sakanya habang tinatalian nya ang buhok ko.
heto nanaman ang puso ko, ang lakas nanaman nang tibok. oh god!
Nang matapos nyang matalian ang buhok ko ay inalis nya apron na suot ko, tsaka tumingin saakin.
"Hindi ka pa dapat naggagagalaw, hindi ka pa nga ata magaling sa sakit mo eh." Wika nito. Napaiwas naman ako nang tingin nang mag tama ang mga mata namin.
"Woah woah, Kaleb. It's my responsibility to her, not yours." Klein harshly said. Gulat naman akong napa tingin kay klein, nakangisi lang ito kay Kaleb.
"Boyfriend ka ba?" Lalong lumaki ang ngisi ni klein dahil sa itinanong nito.
"Pano kung sabihin kong oo? Anong gagawin mo?" Rebate ni klein. Bago pa mauwi sa away ay agad kong hinila na palayo si klein at iniwasan ang mga tingin ni Kaleb.
Nang makalayo makapasok kami sa garden ay inis kong tinignan si klein.
"Pangalawang beses mo na yan ha." Naiirita kong saad habang masamang nakatingin sakanya.
Nakakaloko naman itong ngumiti saakin. "Did you saw that? He's so jealous." Anito at humalakhak.
"Oh tapos? Nakatulong ba?" Asik ko dito. Ngingiti ngiti naman itong tumango sakin. "Oo naman."
"Anong oo? Hinde!" Inis kong saad.
Bigla naman itong sumeryoso. "Panong hindi?" Tanong nito.
"Mas mahihirapan akong umamin sakanya kung iisipin nyang boyfriend kita, ano ba klein!" Inis kong sagot.
"You really think na kapag umamin ka sakanya, magugustuhan ka rin nya?"
Natahimik ako dahil sa tanong nito at umiwas nang tingin. "Klein is right, andeng. Masasaktan ka lang." Sabat ni Ate Callie na sumulpot mula sa kung saan.
"Alam naman nating lahat kung gaano kaharot nyan ni Kaleb. Kailan ba nag seryoso yan?" Dugtong pa nito.
"Oo nga, mag isip ka nga andeng." Saad ni klein. "Unless mapagbago ni Ate Andeng si kuya Kaleb." Biglang sabat ni Sky na sumulpot din mula sa kung saan at lumapit saamin.
"Oo nga 'no?" Biglang sang ayon ni Ate kay Sky. Napabuntong hininga ako dahil sa mga sinambit nilang tatlo.
"Di bale kung mag bago nga para kay Andeng. Alam naman naten kung gaano katinik non sa babae." Wika ni Klein na seryosong nakatingin sakin.
Kulot noo ko naman itong binalingan nang tingin at binato ng kapiraso nang dahon. "Alam mo? kanina ka pa kontra ng kontra dyan."
Tawa tawa namang tumingin si Sky kay klein. "Oo nga, you sounds lika fucking jealous boyfriend." Sabi nito.
"Malisyosa ka." Asik ni Klein kay Sky kaya napanguso ito. "Joke lang e."
"Ayaw ko lang din na masaktan si Andeng dahil kay Kaleb." Saad nito kaya muli ay napabuntong ako.
"Salamat sa concern." Aniko at ngumiti kay klein. Hindi ko na alam guys. Nag dadalawang isip na rin ako.

Book Comment (74)

  • avatar
    kheriannisaarifah

    ganda

    6d

      0
  • avatar
    alaouisaad

    nice book

    01/05

      0
  • avatar
    Eunice S. Regalado

    thank you

    07/03

      0
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters