Homepage/Destined To Be With The Mafia Boss/
Chapter 6
Andria's POV
Naalimpungatan ako sa sinag ng araw na tumama sa mukha ko. Agad akong nag mulat at tumayo sa kinahihigaan ko. Napansin kong wala si Sky sa higaan nya kaya agad akong lumabas at nag tungong baba.
Napansin kong wala masyadong tao ang nandito kaya naman ay nilibot ko ang buong bahay. Nasaan nanaman kaya ang mga iyon?
Napanguso akong umupo sa couch at pumikit. Nang may maramdaman akong umupo sa tabi ko ay agad akong nag mulat at napatingin kay Kaleb na mukhang bagong gising lang din.
Mapungay ang mata nitong tumingin saakin habang nag kukusot ng mata.
Pinigilan ko ang sarili kong ngumiti at iniwasan ang tingin nito. Cute.
"Nasaan sila?" Tanong niya na halatang inaantok pa rin.
"Umalis ata, tayong dalawa lang ang naandito e." Sagot ko nang hindi tumitingin sakanya.
"Can I sleep beside you?" Bulong nito na parang bata, napakunot naman ang noo ko. "Wha—" bago pa matapos ang itatanong ko ay nahiga na sya at inunan ang lap ko.
Ramdam ko ang pag init ng mukha ko kaya huminga ako ng malalim para ikalma ang sarili ko. tangina naman Kaleb, marupok ako e.
Pagkakalma ako ay hinayaan ko na lang sya at hinagod hagod ang buhok nya para lalo syang makatulog.
Nang mapansin kong tulog na ulit sya ay dahan dahan akong tumayo at nilagyan ng unan ang ulo nya tsaka nagtungo sa kusina para mag luto.
Nag handa ako ng mga kasangkapan at nag simulang magluto para sa umagahan namin. Habang nagluluto ay biglang pumasok si Kaleb na kakagising lang ulit.
Bahagya ko syang nginitian at nag patuloy sa pagluluto at pinaghandaan sya ng makakain.
Tumingin sya sa mga niluto at tumingin saakin. "Eat." I said.
Habang kumakain ay binalot kami ng katahimikan ngunit tumikhim si Kaleb kaya napatingin ako sakanya.
"So, how's your life when you were in Paris?" He asked. Matipid akong ngumiti "Maayos naman, it's peaceful. Malayo sa mga dangerous gang fights." Sagot ko.
"Nag tayo kami ng business in Paris, but I choose to leave the business to my brother para sainyo." I chuckled.
"What's the reason why you choose us over your business in Paris?" He ask again. "Kase importante din kayo." sagot ko. Nang muli akong mapatingin sakanya ay seryoso na itong nakatingin saakin.
"What?" tanong ko.
"We're important to you?" tanong nya ulit kaya tumango ako. "Then why did you leave?" Natahimik ako at napa lunok na lamang.
Nang wala syang nakuhang sagot saakin ay muli syang nag salita.
"I'm asking you, why did you leave?"
Napatitig ako sa mata nyang punong puno nang emosyon kaya napaiwas ako ng tingin at ngumiti.
"I just wanna take a rest from our world na puro patayan." Sagot ko at sumubo ulit ng pagkain.
Sarkastiko syang tumawa. "And do you expect me to believe that? Really, Andeng?" Napabuntong hininga ako at muli syang tinignan.
"Bakit? Ano bang gusto mong sabihin ko ha, Kaleb? Na mahal kita kaya ako lumayo?" Mapakla akong napatawa at napatingala para pigilan ang pagpatak ng namumuong luha sa mata ko.
"Andria.."
"Well, I'm sorry—"
"Andeengggg!!" Napatigil ako sa pag sasalita ng marinig ang boses nila Zrin. Agad akong uminom ng tubig at tumikhim.
"Andito kami sa Dining area." Sigaw ko. Agad naman akong nakarinig ng mga yabag nang mga takbuhan nila.
"Wow, date yarn?" Tatawa tawa ng bungad saamin ni Keila na nakakapit sa braso ni Zrin. Pilit naman akong tumawa.
"Hindi, sira." Lumapit saakin si Angel at tumingin sa mga mata ko.
"Dria, are you ok?" Pilit akong ngumiti sakanya. Magsasalita pa sana ako ng mapatingin ako kay Klein na seryosong nakatingin saakin at kay Ate Callie na nagaalalang nakatingin sakin habang nakatayo sa likod nila Zrin.
"Maiwan ko na kayo ha" Wika ko at tumayo. Sandali akong napatingin kay Kaleb at naglakad palagpas sakanila.
Napatigil ako sa pag lalakad ng may marinig ko ulit si Kaleb. "Andeng naman" Saad ni Khalil na agad namang pinigilan ni Klein.
"Bro, tama na." Pag aawat ni Klein.
"Tol, ano ba? Gusto ko lang naman makausap si Andria. Bitawan mo nga ako." Rinig kong sambit ni Kaleb.
"'Di ka na gustong makausap nung tao, you better stop." Kontra naman ni Klein.
"Gago ka ba?" Napalingon na ako ng marinig kong sumigaw si Kaleb at may tumunog.
Napatingin ako kay Klein na ngingisi ngising nakahawak sa glass wall ng Dining Area. "Oo, matagal na."
Kaleb's POV
"Oo, matagal na." Sagot ng tarantadong nasa harapan ko ngayon na makabakod kay Andeng, wagas wagas. Pag nilaslas ko leeg nito, tignan ko lang kung makapag angas pa saakin ito.
"Sino ka ba para pigilan akong kausapin si Andeng, ha? Boyfriend ka ba nya?" Naiinis kong tanong.
Alam kong nakatingin na saamin sila Zrin, pero wala na akong pakealam dahil punong puno na ako sa gagong kaharap ko ngayon.
Umayos ng tayo si Kupal at ngumisi saakin lalo. "Oo, boyfriend nya ako. Bakit? Papalag ka ba?" Pagyayabang nya saakin.
"Tarantado." Inis kong bulong at sinapak si Klein at napabagsak ito na ikinagulat nila Angel.
"Kaleb!"- Minoah.
"Putangina."- Zhilux.
"Tama na 'yan!"- Vriany.
Agad na tumayo si Klein at ginantihan ako ng isang malakas na suntok sa tiyan. Kinwelyohan ko ito nang mapatingina kami sa sumigaw.
"Kaleb Klein!" Sigaw ni Andeng at tinulak ako palayo kay klein.
Napatingin ako sa magandang mata nitong namumula na binalingan ng tingin si Klein at tinignan ang sugat nito.
Kumirot ang puso ko nang makita ko kung gaano sya nag alala kay Klein.
Fuck it, Andria! I'm hurt too.
"You ok?" Rinig kong tanong ni Andria kay Klein. Pagak naman akong napatawa kaya napatingin ito saakin.
"Slixine, pakigamot ang sugat ni Klein." Wika nito habang seryoso itong nakatingin saakin.
Nang magsi-alisan sila ay nanatiling nakatingin sya saakin.
"What's wrong with you?" Tanong nito. Ang dami kong tanong sa isip ko, ang dami kong gustong itanong sakanya, ngunit mas pinili ko na lang na tumahimik.
"Wala." Sagot ko at tinalikuran siya.
Agad akong naglakad palayo sakanya.
"Kaleb!" Tawag pansin saakin ni Andria ngunit hindi ko na ito nilingon pang muli.
I'm sorry, mi amore.Download Novelah App
You can read more chapters. You'll find other great stories on Novelah.
Book Comment (74)
Share
Related Chapters
Latest Chapters
ganda
6d
0nice book
01/05
0thank you
07/03
0View All