Chapter 3

Andria's POV
                 "Anong ginawa mo? Bakit mo ako hinila paalis don?" Nakanguso kong tanong kay Klein na seryosong nakaupo sa harapan ko ngayon habang sila Ate Callie at Sky naman ay nasa kabilang upuan.
"Baka lalo kang mafall, mahihirapan ka nyan." Wika nito. Napaiwas naman ako nang tingin at awkward na tumawa.
"Ano bang sinasabi mo dyan? Fall ka dyan HAHAHA." Tawa ko sakanya.
"Kami pa lolokohin mo, e, halata naman sayo." Saad naman ni Ate Callie kaya natahimik ako at sumimangot.
"Dati pa namin alam yung tungkol dyan, dria. Kaya wag mo na kaming lokohin ha?" Irap ni Sky at nahiga sa kama ko. Napabuntong hininga naman ako.
"Whatever." asik ko.
Habang nag uusap kami ay may biglang kumatok. Tumayo si Klein at pinag buksan ang kung sino man ang nakatok. Bigla namang pumasok si Minoah.
"Dria, nag babanta nanaman ang VDS" Saad nito na nakapag pangisi saakin.
"Nag sisimula nanaman sila." Wika ni Sky at tumingin saakin.
"Ipakita ang hinahanap. Pag bigyan nyo nang mag tanda." Sagot ko. Tumango naman si Minoah at lumabas nang kwarto.
"Bb dria, dito ka na sa kwarto ko haa? Share tayo." Sabi ni Sky.
Kumunot naman ang noo ko. "Nasaan ang kwarto ko?" Tanong ko.
"Naging kwarto na ni Kaleb" Sagot naman ni Klein na seryoso pa rin na nakatingin saakin.
"Luh, may gamit pa ako doon." Saad ko at kumamot saaking batok. "Gusto mo bang kunin ko na para sayo?" Tanong ni Ate Callie, ngumiti naman ako at umiling.
"Hindi na, ate. Ako na lang." Sagot ko.
"Andeng." May pagbabantang tawag pansin saakin ni Klein. Binalingan ko ito nang tingin atsaka sya tinaasan nang kilay. "Ano?"
"Umayos ka." Umirap ito saakin tsaka lumabas nang kwarto. Kunot noo naman akong napatingin kay Ate Callie at Sky. "Over protective?"
Natatawa namang nag kibit balikat ang dalawa kaya napabuntong hininga ako.
Tumayo na ako. "Kukunin ko lang natitira kong gamit sa dati kong kwarto." Paalam ko, tumango naman ang dalawa kaya lumabas na ako at nag lakad papunta sa dati kong kwarto.
Habang nag lalakad ay pinakalma ko muna ang puso kong halos nag kukumawala dahil sa bilis ng pag tibok nito. Inayos ko ang sarili bago kumatok sa pintuan.
Pag lipas ng limang segundo ay agad na bumukas ito at agad na nag kasalubong ang tingin naming dalawa.
Mukhang bagong ligo lang sya dahil basang basa pa ang buhok nito at nag tutuluan pa pababa sa leeg nito kaya agad akong napaiwas ng tingin.
"Anong kailangan mo?" Tanong nito kaya malamig ko itong tinignan.
"Dati kong kwarto 'to, kaya malamang naandito ako para kunin ang gamit ko." Walang emosyon kong sagot.
Tumango naman ito. "Wait me here."
Ilang minuto lang ang tinagal nito at pag balik nito ay may hawak na itong isang bagahe na kulay pula at isang maliit na basket. Inabot nya ito saakin at doon ko nakita ang isang picture frame na may picture naming dalawa.
Napatingin ako sakanya, malamlam itong nakatingin saakin at puno ng emosyon ang mata nito.
"Andeng-"
"Salamat, Kaleb." Ngumiti ako dito at tinalikuran na sya tsaka nag lakad paalis dala dala ang mga gamit ko.
Napahinga ako malamin tsaka ipinilig ang ulo ko. Ano ba 'yan andeng.
Bagsak balikat akong pumasok nang kwarto at inilagay sa centre table ang maliit na basket na hawak ko tsaka ibinagsak ang sarili sa higaan.
"Anyare?" Tanong ni Sky.
Pumikit ako at umiling. "Wala namang nangyari." Sagot ko.
Nag mulat ulit ako nang mata tsaka tumayo para maligo at ayusin ang mga gamit ko. Nang matapos ako sa aking mga ginagawa ay sya namang pagbukas ng pintuan.
"Kakain na daw." Bungad ni Zed, tumango ako at inayos ang sarili bago hilahin pababa si Sky.
Pag dating namin ng dinning area ay iisang upuan na lang ang natira, at 'yan ay ang nasa gitna nila Klein at Kaleb. Hindi na lamang ako umimik at kumain na lang.
Habang nakain ay nag kukwentuhan at nag tatawanan sila habang kaming apat nila Klein, sky at Ate Callie ay tahimik, bigla naman akong tinawag ni klein ng paulit ulit.
"Andeng." Nilingon ko ito at tinaasan nang kilay. "Oh?"
Nag lagay ito nang balat ng chicken sa plato tsaka ngumiti saakin na ikinangiti ko rin. "Thank you." Saad ko.
"Nako." Tatawa tawang saad ni Sky.
"Oh, malisyosa, binigyan lang nang balat." Ani ate callie at tinuktukan ng kutsara si Sky na nakanguso na ngayon.
Muli akong nanahimik dahil pinipilit kong maging komportable sa tabi ni Kaleb.
"Mag memeeting bukas regarding sa VDS. Dria, mag set ka nang sched bukas." Wika ni Hugo. Tumango na lang ako dito.
"Zrin, wag mong ipapakita 'yon kahit kanino ha?" Biglang salita ni Kaleb, tumawa naman si Mama zrin at tumango.
"Send ko na lang sa gc mamaya." Natatawang saad ni Mama, sinamaan naman sya ng tingin ni Kaleb. "Lublob kita sa tabo."
"Bakit ang tahimik mo?" Bulong ni klein, nag lean in ako sakanya at bumulong. "Medyo hindi ako komportable sa tabi ni Kaleb." sagot ko. "Gusto mo mag palit na tayo ng upuan?" tanong ulit nito pabulong.
Umiling ako at tumawa ng bahagya "Hindi na, ayos lang." Sagot ko at umayos nang upo.
Nang mapansin kong natahimik silang lahat ay napakagat ako sa aking labi. "A-ano?" tanong ko.
Binigyan ako ng makahulugang tingin nila Hugo at Zed "May relasyon ba kayong dalawa?" Nanunudyong tanong ni Hugo.
"Gago, wala." Sagot ko.
"Si Ate Callie ang gusto ni Klein." Sagot naman ni Sky. Mukha namang hindi pa satisfied ang dalawa sa sinabi nito kaya inirapan ko sila.
Yawa kayo.

Book Comment (74)

  • avatar
    kheriannisaarifah

    ganda

    7d

      0
  • avatar
    alaouisaad

    nice book

    01/05

      0
  • avatar
    Eunice S. Regalado

    thank you

    07/03

      0
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters