Chapter 7

Minoah's POV.
               "Gago, nagulat ako sa ginawa ni Kaleb kanina." Bulong ni Zhilux na nasa tabi ko habang ako, ito, tulala pa rin at inaalala ang mga nangyari kanina.
Dahil maging ako, nagulat din sa aking nasaksihan. Ito yung unang beses na nakita namin syang nagalit dahil sa selos.
Paano namin nasabing selos? It's obvious na may pagtingin sya sa best friend namin. Hindi sya naging ganyan kay Angel before.
Napangiti ako. "Kay Andria lang talaga sya naging ganyan." Mahina kong saad, tama lang para marinig nila ng maayos ang aking tinuran.
"Totoo?" Tanong ni Zhilux. Tumango naman si Keila. "Unang napusuan ni Kaleb si Angel. Pero kahit minsan ay hindi namin nakitang ganyan si Kaleb dito." Dumapo ang aking tingin kay Angel na nakangiti.
"Mukhang nakahanap na ng katapat si Kaleb ah" Tawa nito.
"Tama, alam naman natin kung gaano kababaero nyang si Kaleb." Pag sang-ayon ni Zhilux.
Napatingin kami sa pintuan nang biglang kumalabog ito at hingal na hingal na pumasok si Vriany.
"Nag set pala ng schedule si Andria. Pinapatawag na lahat sa bulwagan."
Napasapo ako sa noo ng maalala kong may magaganap na pagpupulong ngayon.
"Bakit?" Tanong sakin ni Keila.
"Nakita ko nga pala yung nasa schedule, nakalimutan kong sabihin sainyo." Agad akong nakaramdam ng batok galing kay Angel.
"Ayan, kdrama pa." Asik nito at lumabas. Napakamot naman ako sa aking batok at sumunod sakanila papuntang bulwagan.
Hugo's POV.
            Napatingin ako sa isang kahon na nasa ibabaw ng lamesa ni Zrindle. Akma ko sanang kukunin ngunit pinalo ni Zrindle ang kamay ko tsaka ako sinamaan ng tingin.
"Ano ba kasing laman nyan?" Utas ko.
"Mamaya ko ipapakita pag naandito na yung apat." Sagot nito sakin kaya napasimangot ako.
Nang magsi datingan ang apat naming hinihintay ay agad na nag sinimulan ni Zrindle ang pagpupulong.
"Anong meron at nagkaroon nang pagpupulong ngayon?" Tanong ni Sky.
"Ano nanamang ginawa ng VDS?" tanong naman ni Slixine na mukhang umay at sawa na saaming kaaway.
"VDS?" Tanong naman ni Callie. Tumango naman si Zrindle.
"Oo, VDS. Nagbibigay nanaman sila ng babala." Sagot nito. Napatingin ako sa itim na kahon na nakapatong sa lamesa nang may tumulong dulo dito.
Madali akong tumayo at hinablot iyon bago buksan. Hindi na ako nagulat nang tumambad saakin ang ibon na may nakatarak sa ulo ng isang maliit kutsilyo.
Ngunit may napansin akong kakaiba sa kutsilyong nakatusok na nag pakunot sa noo ko.
"Ang hawak ni Hugo ang death threat na ilang araw nang pinapadala ng VDS saatin." Wika ni Zrin, narinig ko namang nagsalita si Sunny.
"Paano mo nalamang sa VDS galing ang death threat na yan?" Pahabol nitong tanong.
"Dahil sa simbolo na naka-ukit sa kutsilyo na nakatarak sa ibon."
"Kyle?"- Minoah.
"I'm back."- Kyle.
"Bakit ngayon ka lang? Saan ka galing?"- Klein.
"Nagmasid masid sa kalaban."- Kyle.
"Pano mo naman nalaman 'yong tungkol sa death threat ng VDS?"- Vriany.
Nananatili akong tahimik at nakatitig sa simbolo na nakaukit sa patalim.
"Sa totoo lamang ay mag iisang buwan nang nagpapadala ng mga ganon ang VDS, ngunit tinago ko lahat kay Zrin para wala syang isipin habang binubuo nya ulit kayo, at magkaroon ako ng pagkakataon upang alamin kung sa VDS ba talaga galing 'yon."- Kyle.
H-hindi.
"Siraulo ka ba? Pano kung may nangyari sayo habang nagmamanman ka sakanila?"- Keila.
"Hindi 'yan, ano ka ba—"
"Hugo, ayos ka lang?" Napaangat ako ng tingin nang biglang mag tanong si Slixine. Binalik ko ang tingin ko sa patalim.
Binunot ko ang kutsilyo at hinagis sa sahig kasabay ng patay na ibon. Kunot noo silang binalingan ako ng tingin.
Napahilamos ako saaking mukha at pinasadahan ang aking buhok dahil sa inis at kaba.
Kung hindi ang VDS, sino?
"Hugo, ano ka ba? anong nangyayari sayo?" Gulong gulo na tanong ni Andeng saakin.
Nag aalalang binalingan ko silang lahat ng tingin.
Andria's POV.
         Kanina ko pa nakikitang pinag papawisan si Hugo kaya pinakatitigan ko ito nang mabuti upang malaman kung anong nangyayari sakanya.
Tumayo na ako't lumapit sakanya nang makita kong naiinis na sya.
"Hugo, ano ka ba? Anong nangyayari sayo?" Nagtataka kong tanong sakanya.
"Tignan nyo nga nang mabuti iyang patalim na nakatarak sa ulo ng ibon na 'yan. Ibang iba sa simbolo na mayroon ang VDS." Naiinis na wika nito kaya't kahit may dugo ang kustilyo ay pinulot ko ito at ginawa ang sinabi nya.
"Ahas ang nasa simbolo ng VDS. Eh, ayan? Dragon ang nakalagay sa simbolo." Dugtong pa ni Hugo.
Pinakatitigan ko itong mabuti at napagtantong tama nga si Hugo.
Napatingin ako sa iba pa naming mga kasama. "Tama si Hugo."
"Sa pagkakaalam ko, simula nang mawala ang DHG (Dark Hell Gang) ay nagpalit na sila ng simbolo nila, kaso hindi pinaalam sa iba kung ano ang pinalit." Biglang sabi ni Kaleb.
Napabuntong hininga naman ako at bumaling ng tingin kay Zrindle ngunit mukhang malalim din ang iniisip nito.
"Kung hindi ang VDS, sino?" Tanong naman ni Klein.
"Sa susunod na mga araw natin malalaman kung sino ang nagpapadala nito satin." Wika ni Zhilux at nilabas ang phone nya tsaka naglakad paalis.
Ramdam ko ang titig saakin ni Khalil ngunit binaliwala ko na lamang ito.
"Let's just be aware for now. Meeting adjourned." Usal ko at lumabas ng bulwagan.
Dumaretso ako nang kwarto at humiga dahil ramdam ko ang pagod sa katawan ko hanggang sa unti unti na akong makatulog.
Pagkagising ko ay agad kong kinuha ang phone ko para buksan ang GC namin ng mga kaibigan ko nang mag sunod sunod nanaman ang notification nito.
DHG
Klein: @ANDRIA CLARIZE VANDER
Klein: @ANDRIA CLARIZE VANDER
Klein: @ANDRIA CLARIZE VANDER
Klein: @ANDRIA CLARIZE VANDER
You: Ano ba? Punyeta Klein, nag lalag phone ko kakamention mo e.
Klein: Galit nanaman, always.
You: Bakit ba kase?
Kaleb: Ss sainyo.
Klein: Nino?
Kaleb: Ni Andeng.
Klein: Selos.
You: Sana ayos ka lang, Kaleb.
Zrindle: 🤦🏻‍♀️
Klein: Ayos lang 'yan si, Kaleb.
Klein: @ANDRIA CLARIZE VANDER
Klein: Nagseselos si Kaleb, kiss mo.
You: Inaantok pa ako, don't talk to me.
Sky: HAHAHAHA owshii, burnn.
Kaleb: sungit.
Agad kong binack ang phone ko at napabuntong hininga. Napahawak ako sa dibdib ko at huminga ng malalim.
"Oh my god, kalma." pagpapakalma ko sa dibdib ko hanggang sa kumalma ito at lumabas ng kwarto.

Book Comment (74)

  • avatar
    kheriannisaarifah

    ganda

    6d

      0
  • avatar
    alaouisaad

    nice book

    01/05

      0
  • avatar
    Eunice S. Regalado

    thank you

    07/03

      0
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters