:Knife

Skyle Cristuval POV:
Sobrang dilim dito, meron isang ilaw pero mahina lang at hindi ganoon nagbibigay ng liwanag sa paligid.
Sabi ni Drea may pupunta daw dito para iligtas kami. Sana totoo yun. Pangatlong araw na kami dito at parang di na namin kakayanin dahil puro pagpapahirap ang ginagawa nila sa amin.
Narinig kong nagbukas yung pintuan, simbulo na may pumasok. Tinignan ko kung sino yung pumasok. Yung Leon at kasama nya yung mga lalaking malalaki ang katawan.
Nakita kong lumapit sya kay Drea na nakayuko't puro sugat at dugo ang katawan at damit. Hindi kami nakatali dahil hindi din naman kami makakalaban kasi madami sila at malalaki ang mga katawan, kaya malabong manalo kami sa kanila.
Nakita kong hinawakan nya yung panga ni Drea at hinarap sa kanya.
"Anong pinaplano mo?" tanong nya kay Drea. Sa aming lahat ay Drea ang pinakapinapahirapan.
"Ano ba sa tingin mo at bat ko naman sasabihin sayo kung meron man?" sabi nya sabay ngisi.
"Matapang ka talaga!" sigaw nya sabay sampal ka Drea, malakas yung impact kasi napadapa sa sa sahig.
"P-please, tama na!"
"Don't hurt her!"
"Damn! Stop it!" sigaw nila Kelvin at Kylie.
"Yan lang ba ang kaya mo, bukod sa pumatay ng inosenteng tao?" anas ni Drea sabay upo ng maayos.
"Tsk, mahina ka naman pala. Kaya hindi ka pinili kasi nga mahina ka! Wala kang kweta!" hiyaw ni Drea na ikinagulat namin.
Tumingin ako dun sa Leon at nakita kong may hawak na syang kutsilyo. Sinenyasan sya yung mga tauhan nya na hawakan si Drea.
"Anong sabi mo?! Talaga bang ginagalit mo ako?!" sabi nya sabay lapit ulit kay Drea at hinawakan ulit yung panga nya.
"Bakit? Totoo naman -AHHHHH!" sigaw nya dahil itinarak sa kanya yung kutsilyo. Binatawan at lumabas na din yung mga lalaki kaya napahawak sya dun sa kutsilyo at kamay ni Leon.
"Ano kaya mo pa ba?" natatawang saad ni Leon. Mangiyak ngiyak naman si Drea, pero napalaki nalang yung mata ko nang makitang idiniin ni Drea yung kutsilyo sa hita nya sabay taya.
Nabitawan naman ni Leon yung kutsilyo sabay lakad papalayo. Nakabaon padin yung kutsilyo at lalo akong nagulat ng bunotin nya na walang kahirap hirap yung kutsilyo.
"P-paano?" tanong ni ni Leon.
"Doctor ka pero di mo alam?" natatawang saad ni Drea.
"(CIPA) o Congenital insensitivity to pain and anhydrosis is a very rare and extremely dangerous condition and people like me cannot feel any pain" tumayo sya habang nagpapaliwanag sya at naliwanagan na ako ngayon. Nilalaro nya yung kutsilyo sa kamay nya habang lumalapit kay Leon.
Kaya pala kahit na mabaril, mabugbog at masaksak sya ay wala parin syang reaksyon. Kaya pala nung pinalo sya ng bote at ginamot yung sugat nya ay wala lang. Kaya pala nung mabaril sya noong iniligtas kami ay wala lang para sa kanya.
"Wala akong mararamdaman kahit na mamatay ako, e ikaw kaya?" tanong nya na ikinatumba ni Leon.
"A-anong gagawin mo? M-maawa ka!" sigaw nya pero lumalapit pa rin si Drea sa kanya.
"Naawa ka ba nung pinatay mo yung aso ko? Naawa ka ba nong nangdamay ka ng mga enosenteng tao? Hindi diba?!" sigaw ni Drea, pero bago pa nya masaksak si Leon ay nagbukas na yung pintuan at niluya nun ay isang lalaki. Sa tingin ko ay tauhan rin sya nila Leon. Parang parehas lang sya ng taon sa amin.
"Sir!" sigaw nya at patakbong lumapit kay Leon. Tinulungan nya itong tumayo at nakita kong napatingin sya kay Drea at sa sugat nya. Tumalikod na sya at naglakad papalayo pero bago pa sila makalabas ay lumingon ulit sya at nakita kong bumuka ang bunganga nya pero walang boses na lumabas.
'Babalik ako' yan yung nabasa ko sa bunganga nya at nakita kong tumango naman si Drea.
Pagkasarado ng pinto ay bumalik na si Drea sa Kinauupuan nya kanina. Pumunit sya ng tela sa damit nya gamit yung kutsilyo kanina at itinapal sa sugat nyang di tumitigil sa pagdugo.
"Ayos ka lang ba?" tanong Gino.
"Ikaw saksakin ko magiging maayos ka ba?" sagot ko at napakamot naman sya.
"Okay lang ako, di naman masakit" sabi nya pa.
"Talagang di yan sasakit dahil wala ka namang na feel na physical pain, pero pano kung magka tetanus ka?" tanong naman ni Kylie.
"Grabi ka naman! Di pa ko mamatay, pero kung mamatay man ako okay lang, basta maligtas kayo dito" sagot nya na ikinagalit ko.
"Wag ka ngang magsabi nang ganyan!" seryoso kong anas.
"Ayaw mo yung, makakalayo na talaga ako sayo. Joke lang!" sabi nya sabay tawa.
"That's not a nice joke Drea! Di ka pwedeng mawala sa amin. Makakalabas tayo dito ng sama sama" sagot naman ni Kylie.
"Sana nga!" sagot naman nya.
"Drea, may tanong lang ako" aingit naman ni Gino kaya napatingin kami sa kaya.
"Ano yun?"
"Kailan ka pa nagkaroon nung condition na ganyan?"
"Nung bata ako, ammm...... long story kasi ih" sagot nya at tumago nalang si Gino. Daming tanong sipain kita ih!
Sana makalabas na kami dito. Sana ligtas kaming lahat.
*See you on the next chapter*
Hi mga Joyful! Kamusta yung 3 kong readers! Sana goods lang kayo! Sorry natagalan yung pag-update, nabusy kasi at pasensya na kong may mga ERROR. Please pa-rate po ng 5 stars, pafollow na din ay pwede din kayong mag-iwan ng comment sa comment section(PLEASE! BE KIND!) Thank you and Luv u guys! Spread love not HATE!

Book Comment (636)

  • avatar
    Mariane Mae Millarpis Co

    I like the story

    07/09/2023

      0
  • avatar
    Maria Cristina Estil

    the story was all about her and his crush, who became her classmate

    08/08/2022

      7
  • avatar
    Lystra

    Wonderful story of two people

    08/08/2022

      0
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters