Chapter 52

(School bell ringing)
 
Saglit na tiningnan ni Sandy ang school tower kung saan nakasabit ang school bell. Dahil sa ke 'elite-an' ng school nila, meron silang taga ring ng bell tuwing umaga, tuwing lunch at tuwing 6am ng hapon. Hindi naman sya typical na bell kagaya ng tunog ng sa simbahan at ng sa typical na highschool bell. It comes out with a soft melody.
 
Bumuntong hininga sya at nagtuloy-tuloy ng lakad papasok sa room nila.
 
Dalawang araw syang hindi pumasok and it seems like forever. Pakiramdam nya, wala na syang kwentang tao dahil sa dami ng tila katatamaran at kakalimutan nya, ang pag-aaral nya pa! She knows how her mother and father wanted her to graduate and have a good life.
 
Alam nya rin na sa Filipino culture, ang panganay na anak ang talagang inaasahan ng mga kapatid at magulang nito. And now what is she doing?
 
Tahimik syang pumasok at umupo sa upuan nya.
 
As usual ay nagchichismisan na naman ang mga kaklase nya. Wala sya sa mood makipag daldalan sa mga ito. Si Julie naman ay hindi na sya masyado ginugulo, which is mabuti sa kanya dahil hindi nya na gusto na dumagdag ito sa listahan ng mga tao na pinoproblema nya.
 
Tiningnan nya ang kanyang relo. Thirty minutes pa bago mag seven pero halos lahat na ng mga kaklase nya ay naroon na, Tumingin sya sa parking lot sa bintana. Parang bumalik sa isip nya ang eksena tuwing bumababa ng kotse si Aled noon. Mga babang studyante na nagkakandarapa sumilip sa lalaki at sa mga bodyguard nito na tila artista kung bantayan ang binata.
 
Bagamat may mangilan ngilan pa rin ang lantaran sa pagpapahayag ng pagkagusto nila sa asawa nya, hindi na sila katulad ng dati na tila may fans club pa.
 
Those were the days na wala sa hinagap nyang magkakakilala sila, na magiging mag asawa pa pala sila. Aled is the type of man na 'perfect' para sa mga kababaihan. Gwapo, matangkad, mayaman. Pero naisip nya, kung hindi sila mag-asawa ngayon, ano kaya ang buhay nya?
 
"Ang lalim ng iniisip mo, ha."
 
Napalingon si Sandy ng marinig ang pamilyar na boses na iyon.
 
"Renz!" Napangiti sya at hindi napigilan na yakapin ang kaibigan. "Ano'ng ginagawa mo dito?"
 
Tumawa ito. "Kinakamusta ka. Mabuti at natyempuhan kita ngayon. Dalawang araw kang hindi pumasok."
 
Muli syang umupo sa upuan nya at pinaupo ito sa spare chair na nasa gilid ng room.
 
"Okay lang yun. Nako. Para namang hindi ko nasubaybayan ang love story nyo ng asawa mo. May paiyak iyak mode ka pa dati, hindi ba?" Natatawa na kwento nito.
 
Natawa sya sa sinabi nito. yeah, she remembered when Maricar bashed her at hindi sya umurong. Clinic ang kinabagsakan nya, plus sinermunan pa sya ni Aled. "Oo nga eh. Pasensya na rin at hindi na ako masyado nakikipag communicate sa inyo. Ang hirap ng buhay may-asawa." Sabi nya na lang.
 
"Keri lang naman. We understand. Okay ka na ba ngayon?” Halata ang pag aalala nito.
 
Tumango sya. “Yes, I’m fine.”
“Let’s hang out again with Prince if you’re free.” Sabi pa ni Renz.
 
The moment she heard Prince's name, tsaka nya naalala na tatawag nga pala dapat ito sa kanya kaninag madaling araw! Pero wala naman record ng 'missed calls' sa cellphone nya ng buksan nya. Naisip nya na lang na dahil sa kalasingan ay natulog na ito agad.
 
“S-sure.” Sabi nya sa kabila ng pagtataka.
 
"So kamusta naman kayo ng husband mo? Naging busy na rin kasi ako sa mga projects eh."
 
She shrugged her shoulders. Tama bang sabihin na parang may away na naman sila mamaya? "O-okay naman so far. Hindi na sya kasing suplado ng dati."
 
Tumango tango si Renz. "Mabuti naman. Mukhang pumapayat ka ata?" Ngumiwi ito.
 
So nahalata rin nito? Natawa sya. "Diet ako." Sabi nya na lang.
 
"As if! Hindi mo na kailangan nun te! Nakabingwit ka na ng big fish."
 
Natawa na naman sya dito. Bukod sa gay accent nito ay tama ang sinabi nito.
 
May ilan pa silang pinag usapan bago nila mamalayan na almost twenty minutes na silang nag-uusap. Kaya nagpaalam na si Renz at nangako naman sya na one of these days ay aayain nya ulit ito gumimik. Almost five minutes pa kasi ang lalakarin nito papunta sa building ng course nito.
 
Ilang sandali pa at dumating na ang prof nila. Hindi nya alam kung bakit tila ang awkward ng pakiramdam nya but she surpassed it. Mula ngayun ang magpo-focus na sya sa pag-aaral nya ulit.
 
Sa kabila ng pagiging focus nya ay sumagi agad sa isip nya ang asawa. Bakit kaya umalis ito at nauna sa kanya? Kinakabahan sya. Sigurado sya na may problema na naman sila. Pumasok kaya ito? Pupuntahan ba sya nito mamayang lunch break?
 
HINDI.
 
Hindi sya pinuntahan ng lalaki. Mag isa syang nag spend ng lunch. At dahil wala syang gana kumain ay pumunta sya sa cofee shop sa labas ng eskwelahan. May one and a half hours syang vacant dahil male-late daw ang prof nila sa next subject. she brought out her tablet and started browsing in the net while zipping her mocha frappucino.
 
Then her cellphone rang. Si Renz.
 
"Girl! Nasan ka?"
 
"Nandito sa coffee shop. Ikaw?"
 
"Palabas na ako ng gate. Hinatyin mo ako dyan. Dala mo tablet mo?"
 
"Yup." inilapag nya ang hawak na frappe. "Bakit?"
 
"Just wait for me there." Naputol na ang linya.
 
Ilang sandali pa at nakita nya ng papasok sa pintuan ng coffee shop si renz na kaagad naman syang nakita. May free wifi ang coffee shop kaya madami ang may dalang laptop at tablet pati mga cellphones.
 
Dumaan ito sa counter at umorder ng mabilisan at umupo nasa tabi nya.
 
"Oh, ano'ng problema?" Agad na tanong nya.
 
Linuha nito ang tablet nya at nagtype ng website.
 
Thesbsocialscene is a website dedicated for topics na minsan totoo, at minsan ay mapapanira tungkol sa mga studyante ng St. Bernard.
 
Pumindot pa ito ng ilang ulit bago iharap sa kanya ang tablet. Bumulaga sa kanya ang SECOND HOT TOPIC OF THE DAY in bold letters.
 
ALED SANTILLAN WITH INTERNATIONAL MODEL WILLA SPARKS.
 
Kasunod ng ila'ng pictures ng dalawa habang naka abrisiyete ang babae sa braso ni Aled, and it's dated that day! Her husband looked so relax with his gucci shades. Halata naman sa babae na gustong gusto nito ang kasama.
 
Nanghihina na inilapag nya sa mesa ang tablet at automatic na lumuha ang kanyang mga mata.
 
WHY? How can he do it to her?
 
 
 
------------------------------------------------------------------
 
 
 
"So, wouldn't your wife be angry with this?" Flirty na tanong ni Willa kay Aled habang kumakain sila sa isa'ng fine dining restaurant somewhere in Eastwood.
 
"No." He responded quickly. "Can you just hurry up eating? I'm not comfortable with this."
 
Mahinang tumawa ang babae. "I thought you are here to accompany me? Remember, i haven't signed the contract yet." Paalala nito.
 
Willa Sparks is a half Canadian, Half Filipina model whom the Clandestine's marketing manager wanted to be their latest endorser. Active na sya sa kompanya bagamat ang Daddy nya ang acting CEO. The marketing manager asked him personally to talk to Willa since alam ng lahat na kakilala nya ito.. bagamat hindi naman talaga sila nagkausap ng matagal sa mga party na 'kinailangan' nyang puntahan na andun ang babae.
 
At kaninang umaga ay natanggap nya ang text na parating na raw ulit sa Pilipinas ang model and that they have to be the first one to signed her the contract dahil may ilang kumpanya din daw ang gusto ito'ng kunin na endorser.
 
Of course, he did what he have to do.
 
He showed up at her hotel room's door even before she had the chance to take a bath. And he knew that she's more that willing to signed the contract for him..
 
"Just eat." Tila mauubusan na sya ng pasensya sa kaartehan ng babae na ito. Ngayon sya mas nagpapasalamat na ibang iba ang asawa nya.. bagamat nagseselos pa rin talaga sya kay Prince.
 
"After we eat, i have to go to the salon."
 
Ano pa ba ang inaasahan nya? Sa totoo nyan, inihanda nya na ang sarili nya na hindi umuwi buong araw mula ng lumabas sya sa kwarto ng asawa. He was already thinking of what place to go. He knows he has anger and jealousy issues at ayaw nyang sa kainitan ng ulo nya ay masigawan nya si Sandy.
 
Kailangan nyang magpalamig ng ulo. Tatanungin nya ito kung bakit tumawag dito si Prince ng unGodly hour at tila matagal silang nag-usap bago iyon. It's the most rational thing to do, right?
 
Then a text came in about Willa. Hindi na nya nagawang ibilin sa mga katulong kung saan sya pupunta. Hindi naman matanong si Sandy ang for God's sake, it's not like he's cheating on her.
 
-------------------------------------------------------------------------
 
 
 
9pm @ Cashlin Vip Lounge
 
"Sandy, you have to stop drinking now. We have to go home!" Bagamat tipsy na rin ay nasa katinuan pa ang isip ni Renz para pigilan na ang kaibigan uminom.
 
Kaninang alas kwatro pa sila pumunta doon dahil hindi tumitigil ng pag-iyak si Sandy. Nais din daw nitong uminom at magwala kaya naisip nya na ito ang best place para sa luhaang kaibigan. Kahit sya ay namangha ng makita ang mga bote na nagkalat sa lamesa ng room nila. Hindi nya akalain na napakarami na nilang nainom at kaya pala nilang uminom ng ganoon kadami!
 
"No, no no no. We don't have to go home yet! my hushband ish cheating on mhee!"
 
Hindi nya alam kung maaawa o matatawa dito. Obviously ay masamang masama ang loob nito sa asawa nito. At hindi nya ito masisisi.
 
Hindi na lang sya nagsalita. Kinuha nya ang cellphone nito ng hindi nito namamalayan. Bagamat dala nya ang kotse nya ay baka hindi naman sila papasukin sa village. Alangan naman ipakita nya pa ang lasing na lasing na si Sandy para papasukin pa sila?
 
He dialed their home number.
 
Nakausap nya ang katulong at sinabi ang sitwasyon. Pinakiusap nya na huwag na lang sabihin kay Aled ang nangyari at na ang driver na lang nito ang pagsunduin, since sinabihan ni Sandy ang driver nito na magpapasundo na lang ito kapag kailangan.
 
Pumayag naman ang katulong kaya kahit papaano ay nakahinga na sya ng maluwag.
 
Not knowing na katabi lamang ni Aileen si Aled ng tumawag si Renz..

Book Comment (626)

  • avatar
    Gela Malit

    so very nice

    24d

      0
  • avatar
    Har Len Lampago Conserman

    ang ganda ng story!! confuse lng aku sa pamagat nya

    25/03

      0
  • avatar
    Daisy Padiernos Pario

    maganda. nkkakilig

    17/03

      0
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters