Epilogue

1 year later ---------------------------------------->>
 
 
"Ate! Aren't you coming with us?"
 
 Nilingon ni Sandy ang kapatid na si Carina. Nasa likod nito ang mama nila at ang bunso nilang si Chloe. The three of them were wearing fuschia dresses.
 
Ngumiti si Sandy at tumango. "Susunod na lang kami." Itinuro nya ang kotse nya. Kasalukuyan pa ito'ng nililinis.
 
Nagkibit balikat si Carina. "Okay. See ya!" Kumaway na lang din ang mama nila at si Chloe.
 
Inilibot nya ang paningin sa paligid. Pakiramdam nya ay maaliwalas ang umaga na iyon, tila kumakanta ang mga ibon. Bagong gupit ang mga halaman sa malawak na garden ng mga Santillan.
 
Nang tumama ang mga mata nya sa pintuan ay napangiti sya ng makita ang asawa. He was wearing a tuxedo and he looks very dashing with it.
 
Kaagad nya ito'ng nilapitan at hinalikan ng mabilis sa labi. "Ang gwapo gwapo naman ng asawa ko." Sabi nya at yinakap pa ito.
 
"I know." Sabi naman ni Aled. "So, shall we?"
 
Humiwalay sya rito at tumango.
 
They headed to the car. Tapos na ito'ng linisan at sumakay na rin ang driver nila.
 
They were going to a very special occasion.
 
Ilang minuto na silang nasa byahe ng iharap sa kanya ni Aled ang cellphone nito. Makikita na tumatawag doon si Dychie.
 
Napangiti sya at inabot ito mula sa asawa. Sya na ang sumagot.
 
"Hey.. kamusta?" Masiglang sagot nya.
 
"I'm fine, a bit nervous. What's taking you so long?" Tila anytime ay magbabato na ng tantrums na sabi ni Dychie.
 
Natawa sya. "Don't worry, on the way na kami. Natagalan mag ayos ng buhok si Aled." Sabi nya.
 
"Okay, good. Sila tita Lyn? Sila Carina?"
 
"Kanina pa umalis sila Mama Lyn. Sila mama naman, nauna lang sa amin ng ilang minuto. Ano ka ba, huwag ka ngang kabahan." Natatawang sabi nya.
 
"Hay, dalian nyo na ha."
 
"Oo, wala naman traffic kaya makakarating kami dyan agad."
 
Nang maputol na ang linya ay iniabot nyang muli ang cellphone kay Aled. Kinuha nito iyon ng hindi tumitingin sa kanya. Tila may malalim ito'ng iniisip. Dalawang beses nya pa ito'ng kailangan tawagin bago ito tumingin sa kanya.
 
"What are you thinking?" Nagtataka na tanong nya.
 
"Wala naman." Umiling ito.
 
Nagkibit balikat na lang sya. Anim na buwan na ang nakakalipas mula ng matanggal ang cast sa braso nito at naging fully functional na ulit ang braso ng asawa. Kahit ano'ng pilit nya ay ayaw nito sabihin kung paano ito nagka tama.
 
Pero syempre, dahil mukhang mas loyal na sa kanya si Wilson ay ito ang nag kwento. Matapos kasi mabaril ni Ysabelle si Julie ay nakita ito ni Keith at akmang babarilin na sya when Aled jumped out. Wala na syang malay noon. Traumatic ang eksena na nakita nya nung kay Ysabelle at Julie kaya natural na na-shock sya. Then, Keith fired the gun, natamaan si Aled sa braso but then, naroon sila Wilson at sila ang bumaril kay Keith.
 
Sa pito'ng myembro ng team ni Keith, which is sumama lahat sa katrayduran nito, apat ang patay. Buhay ang tatlo ngunit puro mga sugatan. Nasa kulungan na ang mga ito. Naging maingay ang pangalan nilang mag-asawa for a while, damay na ang mga parents ni Aled ngunit naging maayos ang lahat.
 
Naging aware sila Donya Lyn at Don Renato sa violence na kinasangkutan nila ngunit hindi pa rin alam ng mga ito ang tungkol sa Orion. Walang naka alam sa mga bawal maka-alam. Nagkaroon ng kaunting pagsermon. Marahil ay hindi na talaga napigilan ng mga ito na pagsabihan si Aled, at sya.
 
Naipaliwanag ang lahat ng mga namatay, lalo na ang pagkamatay ni Ysabelle. Hindi nya masisisi ang mga magulang nito na magalit sa kanila, dahil ang alam ng mga ito ay napa sama ang anak nila mula ng sumama ito sa grupo nila Aled. And she will neve forget her.
 
Tila kahapon lang ang nangyari. Pero wala naman silang magagaw kundi ang magpatuloy sa kanilang buhay. Alam nyang dinadamdam rin ng asawa nya ang nangyari, ngunit hindi ito nagpapakita ng emosyon.
 
Ilang minuto pa at natigil sa pag mumuni si Sandy. Kinailangan na nilang bumaba sa tapat ng simbahan. Marami na rin ang mga tao doon, pulos mga naka fuschia.
 
It's Prince and Dychie's wedding day. Si Aled ang best man at sya naman ang Maid of Honor. Tamang tama.
 
"Si Dychie?" Tanong nya sa mama nya. Kasalukuyan na silang pinupwesto ng mga assistant para sa kanilang pwesto sa entourage.
 
"Kanina pa raw umalis ng hotel Nandyan na yun." Sagot ng mama nya.
 
Isa si Chloe sa mga flower girls. Mahigit limang daan ang mga guests, and the wedding itself is really worth of millions. It's just too bad, wala si Roberto Santillan para saksihan ang kasal ng nag iisang anak. Nasa America ito dahil doon na ito nagpapa treatment. Tanggap na nito, pati nilang lahat na hindi na magtatagal ang buhay nito, kaya ito na mismo ang nagsabi na magpakasal na ang dalawa dahil kapag namatay sya ay kakailanganin pa nilang mag hintay na makababang luksa bago sila magpakasal.
 
Tutol sa una si Dychie, but Roberto insisted. Papanuorin na lang daw nito sa tapes ang kasal ng unica hija nya. So sa ngayon ay sila Donya Lyn at Don Renato ang aakay kay Dychie patungo sa altar.
 
Ilang sandali pa at kita na nila ang puting limousine na paparating. It's Dychie.
 
She saw the glow in her, the kind of glow every bride have on their wedding day. simple lang ang wedding dress nito. Puti na may fuschia. Iyon kasi ang motiff ng kasal nila. Simpleng elegante kung sya ang tatanungin.
 
Nagsimula na ang tugtog. Nakita nya pang nakatingin sa kanya si Dychie. Tila may kaba sa mga mata nito, it was like she's asking her for streght. Nginitian nya ito, saying that everything will be okay. Sa dulo ng aisle ay naghihintay si Prince. He looks so gorgoues in his suit with a fuschia tie.
 
Mabilis ang mga pangyayari. They did their duties as Maid of Honor and Best man.
 
Everybody clapped their hands when the Priest said the magic words.
 
"I Pronounce you man and wife. You may now kiss the bride.
 
At syempre pa, bago ang kasal ay naging balita sa showbusiness ang upcoming na kasal ni Prince Montreal, ang prinsipe ng telebisyon. Hindi sila nagbigay ng exclusive rights sa is'ang station lang, kaya lahat ng nais mag cover ay maaari. Kumuha lang sila ng sariling team para gumawa ng sariling documentary about sa kasal nila.
 
Alas kwatro pasado na sila ng makapunta sa reception. Ginanap iyon kung saan ginanap ang reception ng kasal nila. Nagkalat ang mga artista, mga pulitiko at mga who's who sa high society. Sigurado si Sandy na lalabas na naman ang mga pagmumukha nila sa iba;t ibang society magazines next month.
 
"Congratulations." Nakangiting niyakap nya si Dychie at Prince.
 
"Thanks, sis." Iyon na ang tawagan nilang dalawa. Sa lumipas na isa'ng taon ay hindi matatawaran ang naging closeness nilang dalawa, lalo na sa dami ng pinagdaanan nila.
 
"Thank you, Sandy and Aled." Sabi ni Prince. nakipag kamay si Aled dito.
 
Okay na ang lahat, lahat ay nagsasaya. Lahat ay nagsasaya at nagpapakuha ng picture kasama ang dalawa. Marami rami rin ang nagpakuha ng picture kasama silang asawa, at halatang madali pa rin mairita ang asawa nya s amga ganoong okasyon.
 
"Baby, relax. Naka simangot ka na naman." Sabi nya rito.
 
"Can't we go home yet?" Naka nguso na tanong nito.
 
Tinapik nya ang hita nito. Kasalukuyan silang naka upo sa table nila at nagmamasid s apaligid. "Ano ka ba, kaunting tiis."
 
Kinuha nito ang kamay nya ay ini lock sa kamay nito. Then he kissed the back of it.
 
Nangunot ang noo nya. "What was that?"
 
He just smiled.
 
Maya maya ay tinawag silang dalawa ng emcee. Nagulat sya, ngunit tila cooperative naman ang asawa kaya sumama na lang din sya.
 
Pinaupo sya sa isa'ng upuan sa harap ng stage, pero si Aled ay nagtuloy tuloy sa stage, sa tabi ng table kung saan naka upo sila Dychie at Prince. Kunot ang noo nya. What's happening?
 
Then the emcee gave Aled the mic. He started talking.
 
"I would like to thank all of you for attending my cousin ang my friend's wedding. This occasion is very important to us, and we all know how these two really need to be married. And since i am already here, i would like to use this opportunity to my advantage." Aled said. All the eyes are on him, questioning and eager to know what he would want to say.
 
Naka awang pa rin ang mga labi nya. Ano ba ang ginagawa ni Aled? Kailan pa ito nag speech sa kahit ano'ng event na pinuntahan nito? He even refused to give a speech a while ago as being the Best man!
 
Tiningnan nya sila Prince at Dychie. Naka ngiti ang mga ito sa kanya. Nag thumb's up pa si Dychie.
 
"I would like to thank my lovely wife for being there for me at all times. I know that i am not a perfect husband but she treats me as one. He made me a better person, and i love her, i love her more than the word LOVE means on dictionaries."
 
Nagsimulang umingay ang paligid. Madaming kinilig at bahagyang tumitili sa likod at gilid nya. Namula sya. Pakiramdam nya ay nag init ang mga pisngi nya sa sinabi ng asawa.
 
"And i would want to seize this opportuinity to invite all of you to the next event that our family will celebrate, if my wife may."
 
Ilang sandali ay iniabot nito'ng muli sa emcee ang mic at bumaba, pumunta sa harap nya. Tila lalabas na sa dibdib nya ang puso nya ng makalapit ang asawa nya. May kinuha ito sa bulsa nito at unti unti'ng lumuhod sa harap nya.
 
"Mrs. Cassandra Ruiz Santillan, will you give me the honor to marry you again?"
 
Umingay ang paligid, madaming sumisigaw, pumapalakpak at tumitili.
 
Napalitan ng ngiti ang pag awang ng mga labi nya. Napa tayo sya at huminga ng malalim.
 
"Y-yes, yes. I will marry you again."
 
Mas lalo'ng umingay ang paligid dahil sa sagot nya. Then they kissed and hugged.
 
That was supposed to be Dychie and Prince's wedding, for God's sake! Pero tila kasabwat ito ng asawa nya kaya she blew a flying kiss to the both of them.
 
 
-------------------------------------------------------------------------
 
 
A month after their second wedding, Roberto Santillan died.
 
Everyone was devastated. Kung kailan nagbago na ito, tsaka pa ito kinuha sa kanila. Iniuwi ang bangkay nito sa Pilipinas at doon ibinurol at inilibing. Ibinenta nila Dychie at ng mommy nya ang lahat ng property ng daddy nya na iniwan sa kanya sa Paris dahil nag decide sila ni Prince na mananatili sa Pilipinas at magtataga bakasyon na lamang sa ibang bansa on some time of the year.
 
And if all of you are curious about Orion and Chiamera?
 
Syempre, hindi pwedeng hindi magkaroon ng pagbabago. The two groups are now sister groups, ngunit magkahiwalay pa rin. They get different projects but Aled and Prince decided not to engage on too much violence. Mga may asawa na sila kaya ehem, hindi na sila maaaring magdesisyon mag isa.
 
Actually, Dychie is already on her third month's pregnancy. Hindi pa nila ito alam noong nagpaplano na sila ng kasal. A month before the wedding lang nila na confrim. Hindi kasi halata sa katawan ni Dychie at hindi naman ito nakaramdam ng morning sickness or pagkahilo. May mga babaeng ganun naman daw talaga. They are happy for them.
 
Sya naman, well, heto at naghihikahos sa pag habol sa mga lesson. Dahil graduate na si Aled ay nagtetraining na ito upang mamahala ng Clandestine. Binigyan nila ng shares si Dychie sa Clandestine na nararapat lang dahil may karapatan ito, bagamat wala ito sa last will ng lolo nila. Understandable naman dahil hindi naman nito nakilala ang apo.
 
Kasalukuyan silang naka tambay ni Dychie sa mansion ng mga Santillan ng mag ring ang cellphone nya. SI Wilson.
 
"Yes? Napa tawag ka?"
 
"Is Aled there?" Tila urgent na tanong ni Wilson.
 
"Bakit? Nasa office sya."
 
"Hindi ko sya ma contact, eh. Pati yung lahat ng line sa office nya, busy."
 
"Eh ano ba ang itinawag mo?"
 
"W-wala."
 
"C'mon Wilson. Ngayon ka pa ba mag lilihim?"
 
"May bagong mission kasi, nagkaroon lang ng kaunting aberya Hihingi sana ako ng direct orders."
 
Tumawa sya. "Yun lang ba? Buti tumawag ka. Ano situation?"
 
"What? Don't tell me ikaw magbibigay ng direct orders?" Gulat na tanong ni Wilson.
 
"Why not?"
 
Ilang sandali pa at nag apir sila Dychie at Sandy habang papunta sa kanya kanya nilang kotse. Habang busy ang mga asawa nila, magpapaka busy rin muna sila sa Orion at Chiamera.
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
THE END

Book Comment (626)

  • avatar
    Gela Malit

    so very nice

    21d

      0
  • avatar
    Har Len Lampago Conserman

    ang ganda ng story!! confuse lng aku sa pamagat nya

    25/03

      0
  • avatar
    Daisy Padiernos Pario

    maganda. nkkakilig

    17/03

      0
  • View All

End

Recommendations for you