Halos tatlong minuto na yatang nakatitig sa harap ng monitor ng computer sa tech lab ng Orion si Sandy ng bumukas ang pinto at iniluwa noon si Wilson na may dalang kape.
"Magkape ka na muna.." Mahinang sabi nito bago inilapag sa harap nya ang tasa. "Almost twenty four hours ka nang gising. Baka mapano ka nyan." Nag-aalala na sabi nito.
Umiling sya. "I'm fine. W-wala pa rin bang balita?"
Umiling rin ito. "Wala pa. Pati yung hawak namin na police, ang sabi wala pa rin daw sila lead. Hindi naman kasi natin pwedeng sabihin sa kanila na si Sophia ang nagpa kidnapped kay Aled. Kilala rin ang pamilya nila at siguradong malalaman ng media ang lahat. Pero wag kang mag-alala. They are doing everything they can."
"Oo nga pala, i'm studying Sophia's financial records. May tatlong transaction syang ginawa last month, nag widthraw sya sa bank. She did not used her credit cards. And malalaking halaga. Fifty thousand the first transaction, then sixty thousand then one hundred thousand." Sabi nya na ibinalik ang atensyon sa screen ng computer.
Nangunot ang noo ni Wilson. "A-ano'ng iniisip mo?"
"I'm thinking na yung mga pera na iyon yung pwede nyang pinangbayad sa mga kumidnap kay Aled, or pwedeng pinangbili ng place."
Tumango tango si Wilson. Tumayo ito at may kinuhang tablet.
"Ano'ng bank, date at time? I can hack through their security tapes. Mula doon pwede natin ma trace si Sophia o kung sino man ang nag widthraw for her."
Ipinakita nya rito ang papers. Then they called other techs of Orion to assist them.
"Very clever, Sandy. It's s start. Tayo na mismo ang makaka huli kay Sophia." Tila bata na naexcite si Wilson. Agad na rin kumilos ang lahat ng tao sa tech lab na iyon ng Orion.
Nang ma hack na ni Wilson ang security tape ng bangko kung saan nag widthraw si Sophia ay nakita nila na mismong si Sophia ang nag widthraw ng pera. May kasama ito'ng Japanese na lalaki at isa pang lalaki na malaki rin ang katawan na malamang ay bodyguard nito.
Lalo syang nagngitngit sa babae.
Nang lumabas na ito ng bangko ay nakita nila sa security camera sa tapat ng bangko na sumakay ito sa isa'ng puting kotse.
"That's the last thing we see." Sabi ni Wilson sa kanya.
"Ano'ng gagawin natin?" Nanlulumo na tanong nya.
Bago pa makasagot si Wilson ay may pumasok na lalaki sa techlab. Humahangos ito at mukhang nagmamadali.
"Madam, ano po kasi. Nasa baba ho sila Prince at may kasamang babae."
"Ha? Si Prince?" Nag-isip sya saglit bago maisip na marahil ay si Dychie ang kasama nito.
"P-papapasukin ho ba namin?" Nag-aalangan na tanong nito.
Tumayo sya mula sa kinauupuan nya. "O-oo. Samahan na kita." Nilingon nya si Wilson. "S-sandali lang ha? I'm sure gusto nilang tumulong."
Tumango na lang si Wilson.
--------------------
Aled was staring blankly at Sophia while she's eating. They were on both sides of a long table. madami ang handa at maganang kumakain si Sophia ngunit sya ay hindi kumikibo.
"Ayaw mo ba ng pagkain? I can ask them to cook another dish for you." Maya-maya ay tanong ng babae sa kanya.
Again, he did not answered.
Hindi sya nito itinatali o ikinukulong. Hindi nito nila-lock ang pinto ng kwarto nya. Although alam nya na hindi sya nito sasaktan, sumusunod sya sa mga pinapagawa nito kung saan nito gusto pumunta. Kapag umaabrisiyete ito ay hinahayaan nya na lang din.
She hated Sophia for putting a hit order on her wife because of her obsession on him. Paano na lang kung hindi yumuko noon ang asawa nya? She hated the thought na nandito sya at kasama ang babae but he must say, bagamat magulo ang pagpapakidnap nito sa kanya ay hindi nya inasahan ang nangyari. And he commend her for that. Sa kabila pala ng kabaliwan nito ay matalino pa ito para ,maisip ang pagkuha sa kanya.
"Aled, we can't be like this forever." Tila nalulungkot na sabi nito. Ibinaba nito ang hawak na kutsara at tinidor.
"Yeah, we will never be together forever." matigas na sagot nya.
Imbes na magalit ay ngumiti at tumawa pa si Sophia. "You don't get it do you?" Muli nitong kinuha ang kutsara at tinidor at sumubo. "Are you still thinking na makakatakas ka dito?"
Hindi sya sumagot. Alam nya na maglilitanya ang babae.
"Alam ko naman na matalino ka. And i like you even more for that. And i'm sure, alam mo rin na hindi na kita hahayaang mawala pa. I've been loving you for years but instead, you've been with your flings of sluts. And you married one."
Agad na nangdilim ang paningin nya ng marinig ang initawag nito kay Sandy. "My wife is not a slut! You better choose your words, Sophia." Naikuyom nya ang mga palad. This bitch is calling his wife a slut? Sandy is the epitome of a slut's exact opposite!
Tumawa si Sophia. "Oh, are your hurt? i though i'd never see you feel hurt, or mad. Tao ka pa din pala, Aled." Sumimsim ito sa kopita na may laman na white wine.
Huminga sya ng malalim. Kailangan nyang maging kalmado. All he has to do is wait for their response team. And he understand why they are taking a bit long. Wala sa listahan ng mga known establishments na pag-aari ng mga Del Rio ang lugar na iyon. Hell, it's not even in his thoughts na may ganito'ng lugar na pag-aari ang mga ito.
They have farms in Ilocos and Zambales. They have condos in Makati, a beach resort in Palawan and other businesses pero iisa lang ang alam nyang mansion ng mga ito, and this place is very far form what their mansion looks like.
Sophia has been very clever.
"Hindi kayo bagay, Aled. She's weak. I doubt kung tumutulong sya sa Orion ngayon maghanap sayo. She's very vulnerable. You need a woman like me to be with you." Maya-maya ay sabi pa nito.
Hindi naman na mahirap sa kanya ang huwag ito'ng sagutin kaya iyon na lang ang ginawa nya.
Hindi pa ito tapos kumain ng lumapit ang isang goon nito, hawak ang wireless telephone.
"Hello? Yes, this is me, speaking." Sagot nito.
By the way he hears it, tila may problema ang babae sa bangko, or so she thought. Hindi kaya ito na ang ginagawang hakbang ng mga tauhan nya at ni Sandy? Pero paano kung hindi?
Kahit na, ano pa man ang mangyari ay kailangan handa sya.
Ilang sandali lang ay ibinalik na ng babae sa goon nito ang wireless phone. Nagpunas ito ng napkin sa bibig at tumayo.
"Paano ba yan? I have some matters to attend to at the bank. I have to leave for a while."
Kagaya ng dati ay tinitigan nya lang ito.
Nang makaalis na ang babae sa harap nya ay tinungga nya ang white wine na nakalagay sa kopita sa harap nya. He's really hoping na ito na ang oras na makikita nya na ulit ang asawa nya.
so very nice
23d
0ang ganda ng story!! confuse lng aku sa pamagat nya
25/03
0maganda. nkkakilig
17/03
0View All