Chapter 56

CLANDESTINE HEIR ALED SANTILLAN: KIDNAPPED!
 
Nakasulat ang mga katagang iyon sa headline ng isang news paper na inabot ni Lisa kay Donya Lyn. Puno ng pulis ang bakuran ng mansion ng mga Santillan mula ng malaman ng mga pulis na nawala mula sa gulo sa isang bar si Aled.
 
Hindi tumitigil sa pag iyak si Sandy at si Lyn habang si Renato naman ang nakikipag usap sa mga pulis. Wala pang tumatawag para mag demand ng ransom at halos 24hours na ang nakalilipas mula ng mawala si Aled.
 
Bagamat walang nakakita kung saan pumunta si Aled, hindi rin naman ito umuwi o tumawag. Dahil sa statement ni Wilson, nagconclude ang lahat na ito ay na kidnapped at distraction ang pamamaril upang makuha ang lalaki. Kapag nagkagulo nga naman ay walang makakapansin kung makukuha ang lalaki.
 
"Sweetheart, may balita na daw ba?" Nangingilid ang luha na tanong ni Lyn sa asawa matapos makausap ang mga pulis.
 
Malungkot na umiling ang asawa. "I'm sorry sweetheart. Wala pa rin silang lead. At nagtataka rin sila kung bakit wala pang tumatawag hanggang ngayon to demand ransom. Natatakot lang ako na baka hindi pera ang habol ng mga kidnappers..." Humina ang mga huling kataga nito.
 
Lumakas ang pag iyak ni Lyn. "Don't say that, Renato!"
 
"P-papa, baka ho may witness sa crowd that time at natatakot lang magsalita. I-i'm thinking na magbigay tayo ng reward para lumabas kung sino ang may nakita plus protection." Nangingilid ang luha na sabi ni Sandy.
 
Bumuntong hininga si Renato. "Okay." Liningon nito ang mga pulis bago muling nagsalita. "I'll talk to them. Everything will be okay." They hugged before Renato went back to talk to the police.
 
After a while ay nakumbinsi ni Sandy na mapatahan ang mama nila at mapatulog ito. They were both hurting, pero alam nya na hindi kidnapped for money ang asawa. Someone is so against their marriage. Matapos nitong hindi maging successful sa pagpapa patay sa kanya at malamang na ito rin ang nagpa kuha sa asawa nya.
 
She decided to take a bath. Nagpaalam sya kay Don Renato na pupunta lamang sa simbahan upang magdasal. She's sorry for using the God's name for lying. Pupunta sya sa opisina ni Aled, she have to talk to someone, she have to talk to them. Alam nya na maaaring nagkakagulo na rin sa Orion.
 
She instructed the driver na magpa ikot ikot muna upang masiguro na walang sumusunod sa kanya. She learned the hard way. Hawak na ng mga ito si Aled.
 
Nang maipasok na sa gate ng building ng orion ang kotse ay halatang nagulat ang mga tauhan ni Aled sa pagkakita sa kanya. Gulat na in a way ay tila naliwanagan bigla ang mga ito. The driver  opened the door and she went out. Dali daling pumila ang mga ito sa gilid ng dadaanan nya. Someone opened the door for her.
 
Bago nya pa mamalayan ay nakasunod na sa kanya si Wilson.
 
"Glad you came. I was just about to call you.." Mahina at apologetic pa rin ang dating ng boses nito.
 
She stopped walking. "Forget it, Wilson. All i want to know is kung ano ang alam mo sa mga tao na gustong magpa patay sa akin. I was suspecting na sila rin ang kumuha kay Aled."
 
Huminga ng malalim si Wilson. "This way.." Turo nito sa opisina ni Aled, which she gladly went.
 
 
 
 
 
--------------------------------------------------------------
 
 
 
 
 
Dychie literally jumped out of her seat the moment na banggitin sa balita na pinapanuod nya ang pangalan ni Aled kasunod ng word na KIDNAPPED.
 
"Hindi pa malaman ng mga police kung ano ang pinagmulan ngunit kanilang tinitingnan ang anggulo na ang panggugulo at pamamaril sa bar ay isang distraction strategy upang walang makapansin sa pagkuha ng mga kidnappers kay  Alejandro Santillan o mas kilala sa tawag na Aled. Ito ang nag iisang tagapag mana ng Clandestine Corporation kaya hindi malayo na kinidnap ito dahil sa pera..." Sabi ng reporter na nasa tv.
 
Hindi nya na tinapos ang pakikinig at panunuod sa balita. She hurriedly went into her room, grabbed her shoulder bag and took off. Pasakay na sana sya ng kotse ng mapansin nya ang kotse ng daddy nya, then nakita nya na pababa ito doon.
 
"Dad!" She called.
 
Lumingon ito at dali syang nilapitan. "Hi sweetie." He kissed her on the forehead. "Mukhang may pupuntahan ka?"
 
"A-ah, ano dad, magko coffee sana ako sa labas. B-bakit hindi ho kayo nagpasabi na dadalaw kayo?" She calmed herself. Hindi nya masasabi dito na sa mansion sana ng mga Santillan sya pupunta. He warned her not to get involved with them.
 
"I just missed you. Are you going with a friend?"
 
Umiling sya. "W-wala po, dad. Na bored lang ako kaya naisipan ko lumabas." Nasa loob nya pa rin ang kagustuhan na umalis at makibalita but it wouldn't be easy now.
 
"So wala kang important na lakad ngayon?"
 
She thought for a second. "W-wala po." She was thinking na aalamin pa ng daddy nya ang details kapag um-oo sya kaya hinayaan nya na lang. Makikinig na lang sya ng news for further details.
 
"Good. I have to show you something. Come with me."
 
Hinayaan nya na lang ang daddy nya at sumakay sa kotse nito.
 
 
 
--------------------
 
 
 
Prince was zipping his coffee when Josh came running in. Kakagising nya pa lang at pagod. Hindi sya madapuan ng antok kagabi kaya nagpasya syang magpaka pagod sa build in gym na nasa opisina ng chiamera.
 
"Boss, narinig mo na ang balita?" Humihingal pa ito.
 
Nangunot ang noo nya. "No. What?"
 
Iniabot ni Josh sa kanya ang isang news paper, and almost felt his heart stopped when she read the front page. ALED WAS KIDNAPPED LAST NIGHT!
 
"What the hell! Totoo ba ito? Paano?" Aagd syang napatayo mula sa kinauupuan at hinarap si Josh.
 
Tumango si Josh. "Oo. Nagka rumble kagabi sa Prelude Bar. Biglang umulan ng bala, pagkatapos bigla na lang daw nawala si Aled. Siguradong nagkaka gulo na sa Orion ngayon boss."
 
Nanghihina syang napaupo. Yes, he was worried about him but he was more worried about SANDY. Ano na ang ginagawa nito? Hindi malayo na isipin nito na baka sya ang may gawa noon. Ipinilig nya ang ulo. HINDI NAMAN SIGURO. Maraming underground lords ang insecure kay Aled kaya madami ang may motibo.
 
Dali dali syang nagbihis. Pupunta sya sa Orion.

Book Comment (626)

  • avatar
    Gela Malit

    so very nice

    24d

      0
  • avatar
    Har Len Lampago Conserman

    ang ganda ng story!! confuse lng aku sa pamagat nya

    25/03

      0
  • avatar
    Daisy Padiernos Pario

    maganda. nkkakilig

    17/03

      0
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters